CHAPTER 11: THE DISAPPEARANCE OF JEREMY

Chapter 11: The Disappearance of Jeremy

"Haaaay! Sana nagpa-exclusive interview tayo kanina! It's one of a lifetime privilege, you know! Hindi araw-araw na makikita tayo sa TV", maktol ni Jeremy ng lulan na kami ng sasakyan pabalik ng Bridle. Kanina pa siya panay ang reklamo tungkol doon. We refused to give an exclusive interview sa kadahilanang ayaw namin ng publicity.

"And we should have treated the QED a good dinner! It was good working with them- except Loki. He looks like he's about to kill me nung kumakain tayo."

I mentally rolled my eyes at him. Mabuti naman at nahalata niya iyon. I was thinking that he's about to grab the chair and slam it to Jeremy just like the video that Math showed us kanina tungkol sa eskandalong kinasangkutan nito dati. Ayon sa kanya na-delete na ang video na iyon sa internet but she was able to obtain a copy of it.

"The medias are on our heels kaya naiintindihan kong hindi man lamang tayo nakapagpaalam and vice versa", Math said.

"Or Loki did not want to bid farewell. That is the most plausible reason that I can ever think", komento naman ni Gray.

I would agree on what Gray said. Loki isn't the type that likes saying farewell to each person that he met. Hindi naman sa kinahihinayangan ko iyon. No it doesn't bother me like how it bothers Jeremy.

"Ah! I need to rest", Je said nang nasa harap na kami ng Bridle. Inihatid nila kami sa dorm ng mga babae at nagpaalam. "Good night Bestie. Good night Maya."

I replied with a smile and turn on my back, refusing to hear Math's sweet goodnight to Gray.

***

Walang masyadong nangyari ngayong araw maliban sa usual na klase tuwing umaga. Ngayong hapon naman ay may film showing kami at pagsapit ng alas tres ay patuloy pa rin ang Christmas Activity ng Bridle. Habang kumakain ng pananghalian ay hindi ko maiwasang mapuna ang pananamlay ni Gray. He's been like that mula pa kaninang umaga.

"Ayos ka lang ba Gray?", Math asked. I was about to ask that question ngunit naunahan ako ni Math.

"Yeah. Just a little headache", sagot nito at bahagyang minasahe ang ulo. Kawawa naman ito, he's been enduring that pain mula pa kaninang umaga. Hindi ba siya uminom ng gamot?

"Well I am a girl scout", Math said at naglabas ng maliit na plastic container mula sa kanyang bag. When she opened it, may mga laman iyong gamot mula sa mga tablets hanggang sa mga maliliit na tube ng oinment.

"Kompleto ah. Edi wow", Je said nang sulyapan niya si Math na namimili ng gamot.

"Here. Take this Gray."

Tinanggap iyon ni Gray at agad na nagpasalamat. Just like how she always do, ngumiti ito ng ubod ng tamis and clung on Gray's shoulder.

"You're wishing for your death Math."

Napatingin kaming lahat kay Jeremy at nagtatakang tiningnan ito. Anong ibig niyang sabihin?

"What?"

"Wala."

"Okay", Math said at muling bumaling kay Math. She touched Gray by the neck and then his cheeks and forehead. "Medyo mainit ka Gray. Maybe you need some rest. You can lay on my lap."

"Goodness, that's suicide", Jeremy mumbled again.

"Hoy Jeremy anong problema mo?"

"Wala", he said at bumulong sa akin. "If looks could kill, kanina pa siguro nakabulagta si Math. Ang bagal mo kasi Bestie kaya ayan nauunahan ka na."

I raised my brow bilang tugon sa sinabi niya. Ano ba ang pinagsasabi nito?! Kinamot niya ang ulo niya na tila ba frustrated ito sa reaksyon ko.

"Hay Slowpoke!", then he whispered. "If you will not do it, let Gray do it with my help." Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong hinila at inakbayan. "Amber, anong gusto mong kainin?"

Amber? What happened to Bestie? Maging sina Math at Gray ay nagtatakang napatingin sa amin. Mas lalo pa kaming nagulat nang kinuha ni Jeremy ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa mukha. He brushed it on the back of my ears.

"What does my Amber wants to eat?"

Wait.

Did he say MY?

At kailan pa ako naging pag-aari ni Jeremy?! Nagtatakang napatingin ako sa kanya, he seems so serious about what he's doing. Hey what's the catch?! Nang siniko ko siya ay kumindat lang siya sa akin. Math and Gray were also surprised to see what Jeremy is doing. Walang nagsalita sa kanila but Gray was the first to find his words.

"Puns, samahan mo naman ako."

"Ayaw ko. I want to be with my Amber."

Uh. There he goes with the MY again.

"No, you're coming with me", Gray said at tumayo ito at nagtungo sa direksyon namin. He grabbed Jeremy from me at agad namang napasiksik sa gilid ko ang huli.

"Bestie oh, si Gray!"

Mukha itong tuta na natatakot. I raised my brow again. So back with the Bestie thingy. At bakit niya ako ginagawang shield kay Gray?

"Kayo na lang ni Bestie!", he said and pushed me towards Gray. Napasubsob naman ako sa dibdib nito. Bago pa man niya ako mahawakan ay tumayo na ako ng tuwid at sinamaan ng tingin si Jeremy na nakangisi lamang.

"Hihihi!"

Math cleared her throat to break the ice nang mapansin nitong tila naiinis na si Gray. "Time for the film showing. Let's go to the AVR."

Nauna itong naglakad at agad na sumunod kami sa kanya I don't know if it is part if the activities for Christmas, ang alam ko lamang ay mandatory ito sa amin.

Pumasok na kami sa loob at pumuwesto sa likuran. Dumating na rin ang ibang mga estudyante at naghanap ng magandang upuan.

"Babe, sandali."

"Babe."

"Babe, sorry na. I will not do it again."

Tinaas ko ang isang kilay nang marinig ang pag-uusap ng dalawang tao sa likod. Nang tiningnan ko ang mga ito, tila galit ang babae samantalang halos magmakaawa na ang lalaki.

"Babe."

Tsk, if I would be the girl, ayaw kong tawaging Babe. Hindi ako baboy!

"Babe please talk to me."

Hindi talaga ako makikipag-usap kapag babe ang itawag sa akin. Like yuck.

"Sino ba kasi 'yon? Binago mo na ba ang number mo?"

"Babe, wala talaga. Just a friend tsaka dinelete ko na."

Tsk, pwede ba na kung mag-aaway sila ay yung sila lamang dalawa ang nakakarinig. Akala mo naman kung anong pinag-aawayan, eh puro nonsense din naman. I rolled my eyes at nagfocus na lamang sa harapan. Hindi pa nagsisimula ang film showing at panay pa ang labas-masok ng mga estudyante. May lumapit kay Math at may ibinulong. Nang umalis ito ay nagpaalam na din si Math.

"Tawag daw muna ako ng adviser. Babalik ako mamaya ha?", she said at agad na tumayo upang lumabas ng AVR. Gray moved on the vacant seat at pinagitnaan nila ako ni Jeremy.

"Bestie, gusto mo ng popcorn?"

"No thanks, anong akala mo, manunuod tayo ng sine?"

He giggled on my reply ngunit hindi naman iyon nagtagal dahil muli naming narinig ang usapan ng magnobyo sa likod namin.

"Babe, give me your phone", wika ng babae.

"Babe, wag na Babe. Okay na tayo ha?" Then we heard a smooch sound. Like ew? Are they making out on our back?

"I love you Babe", the guy said and for the second time, we heard a smooch sound.

"Kelangan talaga ng Popcorn pero doon tayo sa likod tumingin hihihi", he said in a low voice. "Rated X yata."

"Je!" When I nudge him in his shoulders ay mas lalo lamang itong napatawa. I rolled my eyes and had a wild guess of what the couple on our back are arguing about.

"Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila sa likod?", Gray said to us. Teka, nababasa ba niya ang iniisip ko?

"I had a wild guess. May sex video-"

"Jeremy!"

"I don't think so", Gray replied. Hindi iyon ang iniisip niya? To be honest, I was thinking of the same of what Jeremy thinks about what the couple on our back are talking about. If it wouldn't be a video, posibleng mga compromising photos ang mga iyon na maaring magdulot ng kahihiyan sa babae.

"Hindi? Bakit?"

"They will not talk about it in public kung ganoon ang ikinatampo ng babae. It must be something like a third party", Gray said with a firm voice. "Pwede ring picture nila together and their families are against each other. That couple is from section B and I haven't seen them that close sa labas. Ngayon lang sila ganyan kalapit since medyo madilim dito sa AVR. Maybe the guy posted a photo of them. And there's another. Pinabago din ng babae ang number ng lalaki. Posibleng madami itong katext dati kaya naiinis ang babae."

Natigil ang pag-uusap namin nang may nagsalita sa harap. We were instructed to settle down dahil magsisimula na ang film showing. Isang babae ang lumapit sa amin, may dala itong box at mga sticky note.

"Hi! Inutusan nga pala ako ni Ma'am Melendrez na ipunin sa box na ito ang mga cellphone. Eto oh isulat niyo dito sa sticky note ang pangalan niyo upang madali lang ang pagclaim mamaya."

Pinapakuha ang mga cellphone? Ngayon lang yata nangyari ang ganito. Dati ay hindi naman kinukuha ang mga cellphone namin. Maybe it has something to do with the previous issue na nainis yata si Ma'am Melendrez dahil nasa cellphone ang atensyon ng mga estudyante sa halip na nasa kung ano man ang nakasalang sa projector. We did as what we were told at inilagay ang mga cellphone namin sa box. Naglibot ang babae at kinuha din ang cellphone ng iba.

"Naninibago ako. Uh, sa cellphone pa naman panay ang atensyon ko kapag hindi ko nagustuhan yung film", wika ni Jeremy at umupo ng maayos.

"I heard about the incident lately kaya ganoon na ang bagong rules ni Ma'am."

The film started at kahit gaano pa ka-boring ay pinili ko na lang na ituon ang atensyon ko doon. So far, it isn't that bad ngunit nagulat na lamang kaming lahat dahil sa kalagitnaan ng film ay napalitan iyon ng mga larawan ng isang lalaki. In the photo was a guy with a girl na nagba-bike. May mga larawan din ng babae at lalaki na nasa mall.

"Hindi ba si Kean yan?"

"Oh my God, isn't it Kean?"

"Bakit hindi si Chenie ang kasama niya?"

"Shocks! Bakit hindi si Chenie ang babae?"

Nagsimula na ang iba't-ibang bulungan ng mga estudyante sa paligid namin. That's when I realized that the guy was familiar but the girl wasn't. When I turned on my back, it was the guy who was in the photos. His face turned white because of shock and the girl whom he keeps calling babe was also speechless. Mas lumala pa ang bulong-bulongan and the guy sprang on his feet at agad na lumapit sa operator.

"Stop it! Sinong nagbigay sa inyo ng pahintulot na pakialaman ang laman ng cellphone ko!"

"Hindi ko alam-"

Bago pa man makapag-rason ang operator ay tinanggal na ng lalaki ang laptop na nakakonekta sa projector. The lights were on at agad itong bumalik sa likuran namin.

"Babe-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha nito. The girl was very furious because of what she saw at galit na tiningnan nito ang lalaki.

"You're cheating on me?!"

"Babe no. Makinig ka muna. That photo was taken a year ago."

Nakiusyoso na rin ang ibang naroon.
"No! May iba ka talaga!", the hardheaded girl said at pinaghahampas nito sa dibdib ang lalaki.

"Popcorn nga talaga. Akala ko rated X, heavy drama pala", Jeremy whispered and he laughed a little.

"But who did this?", tanong ni Gray. He looked at us na tila ba nais niyang sagutin namin ang tanong niya. Sino nga ba?

Patuloy pa rin ang drama ng lalaki at babae nang hinila ako ni Gray papunta sa operator kanina. The guy was shocked of what happened too. Maging ito ay tila hindi makapaniwala sa nangyari. The movie was going smooth when the photos just flashed on the screen.

"What happened?", tanong ni Gray sa lalaki. Nagulat ito sa tanong ni Gray. He must have known him basing on his facial expression.

"G-gray... Wala akong kasalanan sa nangyari. Ibinigay lang nung babae ang memory card sa akin. Sabi niya utos daw ni Ma'am Melendrez."

"Babae?"

"Oo. Babaeng matangkad at kulot. Hindi ko siya kilala pero nakasuot siya ng uniform. Tsaka medyo madilim din kanina kay hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya. Basta isa siya sa mga nangolekta ng cellphone kanina", the guy answered.

Matangkad na babae at kulot? Gray looked around, looking for a girl with the same description as what the guy said.

"Weeh? Baka naman gumagawa ka ng kwento Kuya? Ikaw may gawa ano?", Jeremy teased. "Sinong type mo sa dalawa, yung babae o yung lalaki?"

I throw him a glare upang sawayin ito sa mga pinagsasabi. It's not time for his jokes, this is a serious situation. Ano mang oras ay pwedeng maghiwalay ang dalawa- not that I care about their relationship though. Wala akong pakialam sa kanila, okay?

Patuloy pa rin ang pag-aaway ng magnobyo. Others acted like they don't care at all at nagsimulang kunin ang kani-kanilang cellphone. Kinuha na din ni Jeremy ang mga cellphone namin but then, three students shrieked.

"Nawawala ang cellphone ko!"

"Sa akin din!"

"My phone's missing too!"

I mentally rolled my eyes in the situation. Kanina ay maladramang sampalan, tapos ngayon naman ay may nanakawan ng mga cellphone. Like seriously?!

"Nawawala ang cellphone? Bakit ano ba ang brand ng cellphone mo Ate?", one student asked.

"iPhone."

"Mine is iPhone too."

"This is really a serious situation", wika ni Gray. "When everyone claimed their phone, posibleng isa sa atin ang kumuha ng mga cellphone na hindi sa kanya o kaya naman ay tatlo ang kumuha."

Patuloy lamang sa pagsasalita si Gray nang namataan ko ang isang babaeng naka-cap. When I turned to look at her intently, inayos niya ang suot na cap upang mas lalong matakpan ang kanyang mukha. Her hair is long and curly at naalala ko ang deskripsyon ng lalaki kanina sa babaeng nagbigay umano sa kanya ng memory card. Nang tingnan ko si Jeremy sa tabi ko ay wala na ito. Uh, where did he go?! When Gray initiated the search for the missing phones among the students, I decided to approach the girl on my own. Tinakbo ko ang distansya sa pagitan namin but when she saw me running towards her, she also started running at lumabas ng AVR.

Mas binilisan ko pa ang takbo and I was able to catch her running towards the backdoor.

"I didn't expect to see you here after what happened in the museum", wika ko na nagpahinto sa babae sa pagtakbo. She stopped on her track and didn't bother to look at me. Nakayuko pa rin siya at hinahawakan ang suot na sombrero. She's really tall and slender at bagay sa kanya ang kanyang suot na Bridle uniform. I wonder where she got those. When she finally looked back at me, she flashed a wide smile at me.

"Oo nga ano? Ikaw nga pala yung nasa museum", she said in a monotonous voice. Ilang taon na kaya siya? O ano kaya ang pangalan niya?

"No need to play dumb. Alam mong dito ako nag-aaral. Are you following me or is it my friend?", I asked.

Lumawak pa ang ngiti nito. "Pwede mong sabihin na iyan nga. Gusto kong makita ang kaibigan mo."

"And steal phones?"

Hinigit niya ang tatlong cellphone mula sa kanyang bulsa. "Ito? Trip ko lang. Ang ganda kasi eh."

Nais ko siyang taasan ng kilay. Nagnanakaw siya kasi nagagandahan siya sa cellphone? What the hell?!

"I think you should return those to the rightful owner. Nagkakagulo sila sa loob dahil sa ginawa mo", wika ko sa kanya. She stared at me, then to the phone again na para bang tinitimbang kung dapat ba niyang isauli ang mga iyon o hindi.

"Sayang naman. Ginawa ko ang lahat para makuha ang mga ito tapos isasauli ko lang?" When she pouted, she really looks so cute in doing so but then let me remind myself that this girl is a thief and no thief is cute. Malay ko ba kung ano pa ang mga ninakaw nito dati pa man.

"I wonder why you gave the operator the memory card with some photos on it. What's your motive in doing so?"

Mas lalo pa siyang napalabi but I refrain myself from complementing her. "Sabihin na lang natin na para iyon sa kaibigan ko. Babaero si Kean at hindi ko naman hahayaang maraming babae pa ang maloko nito. Ako ang kumuha sa cellphone nila kanina at kinuha ko ang mga larawang iyon at binigay sa operator. At dahil doon may libreng soap opera kanina diba? Gusto ko sana na mas malaking kahihiyan pa pero may awa pa rin naman ako. Bakit, pipigilan mo rin ba ako ngayon gaya ng ginawa mo sa museum?"

In my mind, I am thinking how she knows Jeremy. Do they use to be ex-lovers? Best friends? Neighbors? "That's the right thing to do kaya iyon ang gagawin ko. Why don't you just give it up bago pa tayo magkasakitan?"

I know I am just taunting. Hello?! She's an experienced burglar. Who knows what kind of self-defense she knows. And I might end up the oppressed here. But I am just taking my shot. Hindi ko dapat kinokonsenti ang pagnanakaw niya sa mga kaeskwela ko. A smile that escaped her lips told me that she's amused to my words. Malamang sa utak niya ay tinatawanan na niya ako dahil sa pinagsasabi ko.

"Sige dahil hindi naman mga cellphone ang ipinunta ko dito. Si Kean at si Calvin."

Calvin? Oh, Jeremy. It's Jeremy. I remember Math picking his kindergarten ID with Calvin on his name. Calvin Jeremy Martinez.

"What's your name? At anong koneksyon mo kay Je?", I asked. Alam kong hindi niya basta-bastang sasahutin ang tanong ko but I still tried to ask.

"Ah-ah-ah", she sang with her left pointer finger moving back and fourth. "Hindi kita bibigyan ng impormasyon ng ganoon kadali. Idaan natin sa paligsahan." Luminga siya sa paligid na tila ba may hinahanap. Then her gaze focused on the high walls of Bridle- the one that Khael loves to climb. Ngumiti siya at tinuro ang pader.

"Nakikita mo yang pader na yan? Paunahan tayo sa pag-akyat. Pauunahin kita. Kapag mas nauna kang makaakyat, maibabalik ko sa iyo ang tatlong cellphone at sasabihin ko sa'yo ang pangalan ko. Deal?"

Climbing trees is a piece of cake pero ibang usapan ang pader. Isa pa ay magnanakaw ang kalaban ko, sanay sa mga pag-akyat. My chances are small but I feel like I'm up for the challenge. Isa pa ay sinabi niyang ipapauna niya ako. I will take advantage of such privilege.

"But I'm wearing a skirt!", apela ko. She just pouted and glance on her Bridle skirt too and God knows where she got those skirt. I wanna roll my eyes on my stupidity. Oo nga pala, nakapalda kaming dalawa. "Fine! Deal!"

I ran towards the wall and tried all my might to climb ngunit nahihirapan ako. When I looked back at her, she slowly walked towards the wall with a wide grin. When I was halfway in the wall ay saka pa lamang siya nagsimulang umakyat. She nudged me on my side at tumawa nang malagpasan ako. She moved silently and swiftly like a cat and I wasn't surprised to see her on top of the wall already. See? I just let myself lose that easily. Argh! Stupid! Sana pala hindi ko na lamang tinanggap ang hamon niya. Bumitaw ako sa pagkakahawak and I gently closed my eyes when I felt my butt hit the ground. When I looked up at her, I almost cursed when she began tossing the phones to me one by one. Nagkahirap-hirap naman ako sa pagsalo ng mga iyon. What the hell?! Eh kung tumama iyon sa mukha ko?!

"Hey! Be careful!", I shouted habang sinalo ang mga iyon. I just heard her laughter while doing so.

"Talo ka."

Obvious diba? Pero bakit ibinabalik niya sa akin ang mga cellphone?! Nang tuluyan na niyang maihagis sa akin ang tatlong cellphone ay itinaas niya ang isang kamay na may hawak na cellphone. It wasn't the phone that she stole from my schoolmates but the phone looks so familiar.

"Talo ka kaya ito na lamang cellphone mo ang kukunin ko."

Sinasabi ko na nga bang cellphone ko iyon! "Hey, wala iyan sa usapan natin! Give me back my phone!"

"At wala rin naman sa usapan natin na hindi ko kukunin ang cellphone mo-" She paused for a while when we heard someone calling my name. Tumingin siya sa papalapit na estudyante bago tumingin sa akin. "Kaya mo namang bumili ng bago diba?"

"Amber!!!"

"Victoria. Victoria ang pangalan ko. Salamat sa cellphone!", she said and disappeared on the other side of the wall. Nang hindi ko na siya makita ay nais kong batukan ang sarili ko. I saved my schoolmate's phone but losing mine on the process. Wow. I should be awarded as the Hero of the Year. One thing I've learned? Never trust a thief. Once a thief, always a thief.

"Amber!", wika ng kaklase kong hinihingal pa. "Sino yung kausap mo kanina?"

I gave her the phones at tumayo upang pagpagan ang sarili. "Yun? Magnanakaw. Siya ang nagnakaw sa mga cellphone kanina."

"Grabe! Buti nakuha mo", wika nito. Yeah. I got those phones but lost mine. Isn't it great?! "Amber, si Jeremy kinuha nung nakaitim na babae, may dalang baril! Sabi niya wag daw kaming magsumbong sa guard kung ayaw naming masaktan si Jeremy. Tsaka pinabibigay ito sa'yo nung babae."

Jeremy is missing?! Again? If it is his game again, hindi ako mag-aaksaya ng panahon. But when someone with a gun abducted him, that's a different story. Kahit galit ako sa kanya noong nagdaan, I don't want anything to happen to MY Jeremy. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang papel at dahan-dahang binuklat iyon.

My knees wobble as I read what was written on the paper.

Save him before it's too late.

4XVIII3-1V5-1V5 5XXIV4-3XIV4-4XX5
1I1-4XIX4 4XIX4-2VIII3-1V5
1III3-1I1-2VI1-1V5-4XIX4-1V5-4XVII2-2IX4-1I1

-Poly with the roman in between.

#

-ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top