CHAPTER 24: LETTERS TO JEREMY

Chapter 24: Letters to Jeremy

Napahikab ako habang hinihintay ang guro para sa first subject namin. It was almost 1 in the morning nang makabalik ako sa dorm kagabi. I texted Khael na panay din pala ang paglilibot kagabi kasama sina Mart at Dustin. Kasalukuyan din itong nakasubsob sa mesa niya dahil inaantok din. Pinakiramdaman ko si Zywon sa tabi ko. Wala itong sinabi mula nang dumating ako. Ni hindi nga man lamang ito nag-angat ng tingin.

Dumating na ang guro at nagsimula na ang klase. I did my best upang makinig at pilit na ininda ang antok na humihila sa akin. My body still hurts like hell. Tinadtad ko na ng salonpas ang katawan ko ngunit masakit pa rin iyon. The bruises are still visible too lalo na ang pasa na nasa gilid ng labi ko. Nang tumunog ang bell tanda na break time na ay agad na nilapitan ako ni Jeremy sa upuan ko. Wala sana akong balak lumabas dahil gusto kong matulog ngunit heto si Jeremy at
nangungulit.

"Bestie, gising! Nahawa ka na ba dito sa seatmate mo at naging saksakan ka na ng tamad— oops. Ibig kong sabihin, nahilig ka sa pagtulog", wika nito at paulit-ulit na akong inalog.

"Je, I'm tired", wika ko. Kahit magsalita man lang ay kinatamaran ko.

"Anong ginawa ninyo ni Khael kagabi? Bakit parang puyat kayo? Aba! Makakarating ulit ito sa asawa mo!", he said na ikinakunot ng noo ko.

Napatuwid ng upo si Zywon. Marahil ay naingayan din ito kay Jeremy. "Wala akong asawa Je kaya tumahimik ka dyan at lumayas ka sa harapan ko", wika ko sa kanya. Yeah, I'm seeing beds, comforters and pillows.

"Aba! Ide-deny mo pa si Gray Ivan Silvan? Makakarating", wika ni Je at napansin ko ang pag-stiff ng anyo ni Zywon. Does he despises Gray so much? Tumayo ako sa upuan ko at naglakad palabas.

"Fine. Kung gusto mong kumain edi kakain tayo", wika ko. I saw him called Khael na kahit tinatamad ay tumayo pa rin.

"Khael", tawag ko dito.

"Hmmm?"

"Naalala mo ba nung nagbasketball kayo nina Cooler sa Bridle?", I asked. Hindi pa rin kasi ako matahimik sa peklat ni Ryu na nakita ko kagabi. It's been bugging me since last night.

"Of course. We won that game at ako lamang ang nagpanalo nun. Wala akong aasahan kay Silvan kapag basketball but I must admit that his big bro is good at it too but not an inch better than me", pagyayabang nito. Well that's him. Birds with the same feathers flock together and since mayabang si Gray, I already expected the same on Khael.

"Walang nanalo kasi hinimatay ka. Ang weak mo kasi", nakangiwing wika ko sa kanya. He was sick that time ngunit nagyabang pa rin ito na kailangan ni Gray ng tulong. It was indeed a good game, though Cooler and him are good in basketball samantalang parehas namang bokya sina Ryu at Gray.

"Kahit na. Ako lang kaya ang nakaka-shoot nun. Bakit mo nga pala natanong?"

"Do you remember seeing a big scar on Ryu's back? Hindi ko kasi maalala na meron pala siyang peklat eh", wika ko sa kanya.

Bigla na lamang niya akong kinurot. "Ikaw Special A ha! Di mo naman sinasabing type mo pala ang abs ko kaya wala ka ng nakitang iba kundi ang abs ko lang. It's okay Special A, I understand", natatawang wika nito.

I gave him a deadly glare. "Keep dreaming Mikmik."

"Pero seryoso Special A. Maybe he did have a big scar on his back. Kaya pala hindi niya hinubad ang damit niya", Khael said.

Kung mayroon nga siyang malaking peklat? But how did he acquire it?

"Hindi ko talaga napansin."

"Wag ka kasing ma-mesmerize ng sobra sa abs ko Special A", he said with a wide grin.

"Wala naman akong napansing abs sayo ah. Puro ribs", sagot ko sa kanya.

"Hinahamon mo yata ako Special A. Is that your way of saying that I should strip and show you my abs?"

Sasagot na sana ako ngunit naunang magsalita si Jeremy. "Anong usapang abs niyo dyan? Hali na kayo."

Nasa tapat na pala kami ng cafeteria. Pagpasok namin ay agad na umorder si Jeremy ng halo-halo at chicken bread. I don't know why he's craving for those foods. Pagdating ng inorder namin ay walang sabi-sabing sinimulan namin iyong lantakan ni Khael.

"Hindi kompleto ang kain niyo kapag hindi niyo narinig ang quiz ko", wika ni Je.

"Correction, it's puns", pagtatama ni Khael. Hindi umaandar ang kakulitan nito kaya malamang ay inaantok talaga ito.

"Quiz kaya yun", nakalabing wika ni Jeremy. "Eto ah, sagutan niyo. Ano ang sabi ng utot sa tae?"

I wanna roll my eyes. Tinapat pa talaga nitong kumakain kami ng halo-halo para itanong iyon.

"Nakakadiri ka dude", Khael said but Jeremy frowned.

"Pwede na rin pero hindi yan yung sabi ng utot eh."

Napa-facepalm na lamang si Khael. "I'm not answering your pun. I'm referring to you. Nakakadiri ka."

"Kunwari ka pa! Ang sabi nung utot, 'pare, una na ako!' HAHAHAHAHAHA!", he started
laughing out loud that caught some attention in the cafeteria. "Eto pa ha, ano ang sabi ng tae sa kapwa niya tae?"

Mas lalo namang lumukot ang mukha ni Khael dahil dito samantalang binilisan ko ang pagkain. Ayos din si Jeremy eh, siya ang umorder ng pagkain namin at siya din ang magiging dahilan kung bakit mawawalan kami ng gana.

"Nakakadiri ka talaga dude", wika ulit ni Khael.

"Mali pa rin. Hindi pa rin iyan ang sinabi ng tae", Jeremy said and for the second time ay napa-facepalm na lamang si Khael.

"I'm talking to you again", wika nito at binilisan ang pagsubo.

"Ikaw Bestie? Alam mo ang sagot?", he asked me.

"Ang sabi niya tumahimik ka daw kung ayaw mong bumaon sa katawan mo ang kutsara", wika ko sa kanya at napalabi na lamang ito.

"Ang sweet mo Bestie pero mali ka rin. Ang sabi nung tae sa kapwa niya tae, 'pare, wala namang tulakan!' HAHAHAHAHAHAHAHAHA!",
tumawa ulit ito nang malakas at nagkatinginan na lamang kami ni Khael. Jeremy is a hopeless
case

Inilapag ko ang kutsara sa mesa at tumayo. "I'm full. Mauuna na ako sa classroom. Inaantok talaga ako", wika ko at agad na lumabas doon. Sumunod naman si Khael dahil gaya ko ay inaantok din ito.

"Khael! Amber!", tawag bigla ni Jeremy sa amin. Tiningnan ko ng masama si Jeremy na nakaupo pa rin sa pwesto niya. Napahinto rin si Khael at nilingon si Jeremy.

"Bayad ninyo!", sigaw nito sa amin at nangangati na akong hampasin siya ng sapatos ko. Bumalik kami sa mesa at magbibigay sana ng bayad ngunit pinigilan kami ni Jeremy.

"Sandali! Ano muna ang sabi ng tae sa tao?", he asked with a wide grin.

"Jeremy, wala ako sa mood para dyan sa mga tae jokes mo. Oh, para pala sa lahat ng joke mo", wika ko sa kanya sabay abot ng bayad ko ngunit hindi niya ako pinansin. Sa halip ay bumaling lamang ito kay Khael.

"Ikaw Khael? Ano ang sagot?" The latter just shrugged his shoulders to Jeremy's dismay "Ang slow niyong dalawa. Ang sabi ng tae 'Ako na nga ang naapakan mo, ikaw pa tong galit?' Takte!" Tumawa ulit ito ng malakas.

"Dahil sa joke mo, ikaw ang magbabayad sa lahat ng kinain natin. Bye dude!", Khael said at hinila ako palabas ng cafeteria.

Pagdating namin sa classroom ay kanya-kanyang subsob ang ginawa namin sa mga mesa namin. Bago pa man ako tuluyang makapikit ay bumulong na sa akin ang katabi
kong si Zywon.

"What have you read in that notebook? How much do you know about those things?", tanong nito sa mababang boses.

Hindi na ako nag-abalang mag-angat pa ng tingin. "I should be the one asking that question. What have you read in that notebook that you stole from me? How much do you know about those things?"

"I already told you that it was stolen before I can even read it", naiinis na wika nito

"Hindi mo ako maloloko. Ano, ganoon kadali? Kahapon mo lang iyon ninakaw sa akin tapos ninakaw din iyon ng iba mula sayo. Do you think I will believe such thing?", I asked at napatangis ang bagang nito. Sasagot pa sana ito ngunit bigla na lamang dumating ang hinihingal na si Jeremy. Mukhang galing ito sa pagtakbo.

"Bestie! Look! I found these letters inside my locker", wika ni Jeremy at inilapag sa harap ko ang dalawang sobre. I won't be surprised if mayroon mang magkagusto kay Jeremy dito sa Athena. Jeremy minus his puns is goodlooking. No doubt about it.

"Ano naman ang gagawin ko dyan?", tanong ko kay Jeremy. Napatuwid ako ng upo at hinarap ito, totally ignoring Zywon beside me.

"Basahin mo."

"What? Those aren't for me kaya bakit ko naman iyan babasahin?", tanong ko sa kanya. Okay, I have a bad habit of reading things not for me but a love letter for Jeremy doesn't interest me at all.

"Hindi rin naman ako sigurado kung para sa akin ba iyan. Wala namang nakasulat na Jeremy Martinez diyan sa sobre kaya maaring hindi rin iyan para sa akin", wika ni Jeremy.

"Saan mo ba nakuha ang mga iyan?"

"Sa locker ko."

"Edi para sayo yan." God! I'm wasting my precious minutes here. Kapag tinulog ko iyon ay makakapagrelax pa ako.

"But—" Napahinto sa pagsasalita si Jeremy dahil bigla na lamang kinuha ni Zywon ang isang sulat at binuksan iyon sa harap mismo namin.

"What are you doing?", I asked with a brow raised.

"Opening the letter and will read it for you", sagot ni Zywon.

"That's not for you—"

"Hayaan mo na siya Bestie. Oh, ano raw sabi?", Jeremy asked.

Binuklat ni Zywon ang sulat at sinimulang basahin iyon.

"Nakakaawang malaman na
nabubuhay ka sa maalwang buhay na dahil lamang sa panloloko ninyo sa ibang tao. Your mom's a mistress of the governor and your dad's the greatest crook that the world could ever have. How does it feel to eat delicious foods bought using the money of the townspeople? Nagkakapera ang nanay mo dahil bigay iyon ng governor na nagnanakaw naman sa kaban ng bayan at —"

"Stop!", pigil ko. "Are you sure that's what is written in there?" Hinarap niya ang maikli at encoded na sulat.

"Yeah. Positive. Ipagpapatuloy ko na ba?"

"Go ahead", Jeremy said.

"At ang tatay mo naman ay isang dakilang manloloko. He's a crook who deceives people a lot. If you don't believe this letter, go and ask them yourself."

"Whoever sent that letter must be crazy!", naiinis na wika ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako ang nagbasa sa sulat dahil mas la lamang akong maiinis. I'm the person who can endure any accusations when it's all about me ngunit kapag ang pamilya ko na ang pinakialaman ay mangyayari talaga ang sinasabi ng Mayan Calendar tungkol sa doom's day.

Tiningnan ko si Jeremy na prenteng nakatayo lamang sa harap namin.

"Aren't you furious?", tanong ko sa kanya. He shook his head bago sumagot.

"Why should I'll be angry? Hindi naman totoo ang nasa sulat. Baka nagkamali lang ang nagpadala niyan o kaya naman ay wala lang siyang magawa."

That's the best thing about Jeremy, his optimism. Hindi ito basta-basta nagpapaapekto tungkol sa mga bagay na ibinabato sa kanya.

"If that letter is addressed to me, I would have find that person and give him a good beating", wika ko.

"Good thing it's not addressed to you", Zywon said. Sinamaan ko na lamang ito ng tingin at binuksan naman nito ang isa pang sulat. Gaya ng unang binasa nito, maikli lamang iyon at puro paninira ang laman.

"Excuse me", wika ng kaklase namin na nasa katabing mesa lang. "Narinig ko ang usapan ninyo tungkol sa anonymous letter sender. Ang totoo niyan ay may kaibigan din akong nakatanggap ng sulat and it's the reason why she attempted to commit suicide."

Nakuha ng babae ang atensyon ko kaya napaharap ako sa kanya. "What? Maari mo bang ikwento sa akin ang tungkol sa nangyari sa kaibigan mo?"

"Ako nga pala si Clarisse. Ang kaibigan kong muntikan ng magpakamatay ay si Jewel. Gaya ng kaibigan mo ay nakatanggap din si Jewel ng isang sulat mula sa anonymous writer. The letter was about her boyfriend Justin, telling her na nabuntis na dati ni Justin ang ex niya and she could be Justin's next girl na mabubuntis. She loved Justin so much kaya kahit nalaman niya iyon ay hindi pa rin niya ito hiniwalayan and that's a good thing dahil hindi naman iyon totoo at sinisiraan lamang ng
sender si Justin. Unfortunately, dalawang buwan na siyang hindi dinadalaw kaya naisip niyang totoo ngang buntis siya. She received another letter saying na isusumbong siya sa pamilya niya and that made her commit suicide. She took a lot of medicine at mabuti na lamang ay naagapan bago pa man siya bawian ng buhay", kwento ni Clarisse. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. There's an
anonymous poison-pen writer lurking around Athena. Kung ano man ang intensyon nito, ito lang ang nakakaalam niyon.

"Tsk. Yan kasi, gagawa-gawa ng mga bagay na hindi naman kayang panindigan", komento ni Zywon.

"Nasaan na si Justin at Jewel ngayon?", tanong ko kay Clarisse.

"Nasa ospital ngayon si Jewel at dinadalaw ito ni Justin tuwing hapon. As of the letter writer, hindi ito tumitigil sa ginagawa. In fact ang classmate nating si Jonathan ay naging biktima din", Clarisse pointed on a guy who's busy playing with his tablet. I excused myself from them at agad na lumapit kay Jonathan.

"Hi Jonathan."

Bahagya itong nag-angat ng tingin sa akin ngunit agad ding ibinalik ang atensyon sa kanyang tablet. He's playing Temple Run.

"Oy Bridle Girl", bati nito. I prevented myself from shouting in his face that my name is Amber Sison and not Bridle Girl. I took a deep breath at mahinahon na hinarap ito.

"I'm Amber Sison."

"Oy, Amber Sison, the Bridle Girl", wika ni Jonathan na nasa tablet pa rin ang atensyon.

"I want to ask you about the anonymous letter writer", wika ko at bigla na lamang itong napatigil sa paglalaro at hinarap ako.

"Kilala mo ba ang nagpapadala niyon?", he asked and I shook my head.

"Nakatanggap din ang kaibigan ko ng sulat. I want to know who's behind this that's why I'm asking you. What was the letter all about?"

Tiningnan niya ako ng masinsinan bago binuksan ang kanyang bag at inabot sa akin ang isang nakabukas na sobre. "Sayo na iyan kung gusto mo. Wala namang katotohanan ang nakasulat dyan. Paano naman ako hindi naging anak ng tatay ko eh magkamukhang-magkamukha kami?", he said at muling kinuha ang tablet niya at naglaro. I guess that means dismissal kaya nagpaalam na ako sa kanya at muling bumalik sa mesa ko dala-dala ang sulat na mula kay Jonathan.

"Acting like Superman and saving the day huh?", komento ni Zywon nang makabalik ako sa mesa ko. "Why do you always stick your butt into other people's problem Amber Sison?"

Tiningnan ko siya ng masama. Hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin nito ang pagkatao ko. He really thinks that I'm a member of the mafia. Naudlot ang tangka kong pagsagot sa kanya dahil dumating na ang guro namin at nagsimula na ang klase.

Nang maglunch break ay nagpaalam ako kay Khael at Jeremy na hindi muna ako makakasama sa kanila for lunch dahil may aasikasuhin ako. Matapos magpaalam ay agad
akong nagpunta sa dorm. I felt the defeaning silence as I entered the room. Hanggang ngayon ay hindi pa talaga nakakauwi si Phobie at wala man lamang naghahanap dito. Hindi man lamang ba napansin ng houseparent ng dorm na nawawala si Phobie o pinanindigan talaga nila ang pagiging non-existing nito?

I felt a sudden guilt in me. Alam kong nawawala ito ngunit wala akong ginawa upang mahanap ito. I need to find Phobie and save her against those people from the organization that she's talking about. Nababahala rin ako sa paggala ni Ryu dito as if he's looking for some information. Base sa notebook ni Phobie, galit ang organisasyon sa Vander Mafia and Ryu could be in grave danger kapag nalaman nilang nandito ito at mag-isang gumagala sa secret library.

Isa pa ay ang blue drugs na STX2. Vander Mafia owned Athena High ngunit naging kuta ito ng isang organisasyon na may galit sa kanila. There must be a traitor within Athena's staffs na bahagi ng mafia. I need to tell Cooler about this! Agad kong kinuha ang cellphone ko and dialled Cooler's number. Matapos ang ilang ring ay agad nitong sinagot iyon.

"Amber! What a surprise! Namiss mo na ba talaga ako dahil ikaw ang unang tumawag?", he asked playfully.

"Cooler, listen. I need to see you tonight. This is about the mafia—" Napahinto ako ng makaramdam ako ng malamig na bagay mula sa sentido ko. Paglingon ko ay nakita ko ang
seryosong mukha ni Zywon. May dala itong baril at nakatutok sa akin. Napaatras ako dahil sa takot! Shit! Pati ba naman dito sa Athena ay makaka-face to face ko ang baril?

"Amber? Anong sinabi mo tungkol sa —"

"I will call you later Cooler", wika ko at agad na pinatay ang tawag. I kept my phone in my pocket at patuloy lang sa pag-atras ngunit lumalapit din si Zywon sa akin. Napalingon ako
sa pinto. It's still locked kaya marahil ay hindi siya doon dumaan. Nahagip ng paningin ko ang bintana. It's the only way na maaaring gamitin upang makarating dito.

"W-what are you doing here?", I asked while shaking. Nahihirapan na akong umatras dahil sa panginginig ng tuhod ko due to the sight of the gun.

"Who's that Cooler? Is he part of the mafia? Sino ka ba talaga Amber Sison?", sunod-sunod nitong tanong

"I told you I'm not part of the mafia!", singhal ko sa kanya.

"Ano ang posisyon mo? A mafia reaper? Kaya ba malakas ka kahit hindi halata sa iyo? Do you know Cronus? Dalhin mo ako sa kanya!", he said at patuloy pa rin sa paglapit sa akin. I felt the cold wall behind me. Now, I have no other way to escape him.

"Mababaliw na ako. Phobie is missing as well as her notebook. There are mad scientists inside Athena High School and God knows what they are doing. A scarred man from the mafia appears at night na tila ba may hinahanap. The blue drugs and other stuffs and here you are, contacting that mafia I hate the most. Mababaliw na ako sa kakaisip kung alin ang unang aasikasuhin ko", he said. Hindi man lamang nito ibinaba ang baril na hawak. I wonder how he was able to acquire such gun.

"You're creating your own ghosts at ikaw ngayon ang natatakot. I am not part of the mafia, ano bang mahirap intindihin doon? As of Phobie, I'm thinking of a way to find her. And those mad scientists, I seriously don't know what we're supposed do to stop them", napatigil ako dahil itinapat niya sa aking noo ang baril matapos niya iyong ikinasa.

My legs are shaking and I felt my hands became cold. Napapikit ako at napayuko as I say my silent prayer. Mas lalo akong kinabahahan ng muli akong makarinig ng baril na ikinasa.

Kailangan ba talagang dalawang beses ikasa ang isang baril upang pasabugin lang ang bungo ko? I slowly lift my head and I saw Khael pointing a gun towards Zywon's head. What the hell? Nang muli kong lingunin ang pinto ay nakasara pa rin ito. Where the hell did they passed? Then, my mind told me na ang bintana lang ang tanging daan na pwede nilang gamitin. And for goodness' sake, our room's on the fourth floor! How did they get here?!

Okay. Let's face it. May lahing unggoy si Khael kaya malamang ay inakyat niya ang mataas na bintana. But don't tell me na member ng akyat-bahay gang si Zywon?

"Put away your gun Deltran. I give you my word, she's not a member of the mafia", wika ni Khael. Saglit na nag-isip si Zywon bago ibinaba ang baril niya.

"I don't know what's with this girl and what's your connection to her including Silvan. Ang lalaking may peklat ay nakikinig din sa kanya which made me wonder kung sino nga ba siya to make all of you follow her. And now she just called someone named Cooler and wants to talk to him about the mafia. Now tell me Alonzo, why shouldn't I doubt her identity?", tanong ni Zywon kay Khael. Marahil ay mabigat sa dibdib ang dinadala nito. I can see fire burning in his eyes.

"Ang masasabi ko lamang ay hindi siya mapanganib na tao. Whatever grudge you have in your heart, spare her dahil hindi siya kasali sa galit mo", wika ni Khael. Napayuko si Zywon but I can still feel the anger in him.

"Kayong dalawa, how the hell did you get here?", I asked. Kung ganito kadali lang sa kanila na akyatin ang kwarto ko, then it must mean it's not safe here, lalo na sa kanila! Paano na lamang kung nagkataong nagbibihis ako? Oh no!

"I took the emergency ladder", wika ni Zywon. Tiningnan niya si Khael, as if he's demanding for an answer too.

"I took the emergency— Fine! I climbed on every floor's window", pag-amin nito and I almost sigh. God, if someone sees them, malamang katakot-takot na detention ang matatanggap ng dalawa.

"Umalis na nga kayong dalawa", bumaling ako kay Zywon. "Don't ever dare point a gun to me. Kung ano man ang galit mo sa akin, can you please postpone it for a while? Gaya mo ay marami rin akong iniisip. Let's have a truce for now", wika ko. Lumambot ang anyo ni Zywon as he look at me intently, assessing me in every angle.

"Let's go Alonzo", turan niya kay Khael and both of them headed towards the window. What the hell?

Napasunod ako sa kanila. Zywon went towards the emergency ladder samantalang nagpa-swing naman si Khael sa mga baluster ng bintana.  Seriously?

Nang sumapit ang ala una  ay agad akong bumalik sa classroom. Natulog lang ako ng ilang saglit matapos masigurong nalock ko na ang bintana. Pagdating ko doon ay agad akong sinalubong ni Jeremy.

"Bestie, I received another letter. The contents are like the previous ones. At may nakausap ako kanina. He also received a letter from that anonymous writer", wika ni Jeremy.

Napahawak ako sa sentido ko. Marami na akong iniisip at dumadagdag pa ang poison pen writer na ito.

"What's about that guy?", I asked.

"His name's Jules. Few days ago ay nakatanggap siya ng sulat mula sa anonymous writer telling him that he cheated on the SSC elections."

Napatigil ako saglit. Jewel. Justin. Jonathan. Jules. And Jeremy. Was it a coincident na nagsisimula sa letter J ang pinapadalhan ng poison-pen writer ng mga sulat?

"Je, wala bang ideya ang nakausap mo kung sino man ang nagpadala ng sulat sa kanya?", I asked.

"Pinagdududahan niya ang kaklase nating si Clarisse."

"Clarisse? Yung nakausap natin kanina?", I asked in surprise

"Yup. Ayon kay Jules ay ex niya si Clarisse. She hated him so much after Jules got a new girlfriend who's name is Jenny. Ayon kay Jules ay sinumpa umano ni Clarisse ang lahat ng
pangalan na nagsisimula sa letter J", kwento ni Jeremy, which made me winced.

"Ang babaw naman yata."

"That's what I thought too but Jules seems so convinced that it's Clarisse. Isa pa ay pawang nasa STEM at SSC ang nagiging biktima. Clarisse is a STEM student and at the same time an SC senator. The other victims, Jewel, Justin and Jenny were also from the SC kaya malakas ang paniniwala niyang si Clarisse nga ang may gawa nito. What's more is that galit si Clarisse kay Justin dahil ayaw niya ito para sa kaibigan kaya possible din daw na ito ang nanira kay Justin by sending that letter to Jewel."

"Can we see them? I mean those people who received letters from the anonymous writer" wika ko kay Je and he smiled.

"I knew you would ask that so I invited them to our play later which they gladly accepted maliban na lamang kay Jewel na nasa ospital pa ngayon", wika ni Jeremy. "I'm doing my part as a member of the detective triumvirate."

I rolled my eyes at him. There he goes with his imaginary detective group again. Hindi na kami nagkausap pa dahil nagsimula na ang lecture namin para ngayong hapon. Nang sumapit ang alas tres ay pinaghanda na kami sa auditorium para sa roleplay. I went to my locker para kunin ang punit-punit na damit na hinanda nina Sophie para sa akin nang bigla na lamang akong makabangga ng isang babae na may kasamang lalaki.

"Wait Moira", tawag ng lalaki. The girl gave me her deadly glare nang mabangga ko siya. "Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?", she hissed at me. Pinigilan ko ang sarili kong pilosopohin ito at sa halip ay humingi ako ng paumanhin dito.

"Moira", tawag ulit ng lalaki.

"Listen Justin, kung hindi mo magawa ang simpleng bagay na hinihingi ko, then don't bother me anymore", wika ng babae at nagmamadaling tumakbo.

Hinabol naman ito ng lalaking tinawag niyang Justin. Wait, Justin? Could it be the same guy na boyfriend ni Jewel na biktima din ng poison-pen writer? Iwinaksi ko na lang muna iyon sa aking isipan at binuksan ang locker. Agad akong nagpunta sa auditorium kung saan abala ang lahat para sa last minute dry run. Jeremy called me at ipinakilala sa dalawang lalaki at isang babae.

"Bestie! Here they are. This is Jules and his girlfriend Jenny. Ito naman si Justin", pakilala ni Jeremy and I was surprised to see the guy who was running after the girl that I just bumped into. Siya nga si Justin but who is Moira? Hindi ba't si Jewel ang girlfriend nito?

"Bridle Girl! Hali ka na!", tawag ni Sophie kaya inexcuse ko muna ang sarili ko at nakisali na rin sa last minute dry run nila. Nang matapos iyon ay nag-draw lots sila kung sino ang mauuna at sina Jeremy ang nauna. I sat on the bleachers beside Khael habang tinitingnan ang grupo nina Jeremy sa stage. They picked the scene on the forest where Basilio saw Simoun on Elias's grave at ang eksena ng kasal nina Juanito at Paulita where Jeremy, as Simoun gave a lamp as a wedding gift.

"Ang gwapo ni Simoun!", impit na sigaw ng isang babae na nasa tabi ko. "Kyaaaah! Anakan mo ako please!"

"Simoun! Akin ka na lang!", sigaw naman ng isa pang babae.

I rolled my eyes at them. God, anakan? Anong klaseng utak ba ang meron sila? I looked at Jeremy who's delivering every line in an impressive manner. Bagay na bagay ang ayos nito dito. Malayong-malayo sa dating Jeremy.

Who'd have thought na ang tinitilian ng mga babae ngayon ay dati palang nerd? When I say nerd, it's in every manner. Mula sa uniform nitong dati ay nakabutones lahat na halos masakal na ito, braced-teeth, big and ugly glasses hanggang sa buhok nitong tila dinilaan ng dinosaur dati.

Nakarinig ako ng mahinang pagtipa sa keyboard ng laptop at napatingin ako sa gawi ni Clarisse na abala sa pagta-type. Ano kaya ang ginagawa niya?
Inilabas ko mula sa bag ko ang sulat na galing kay Jeremy at Jonathan na mula naman sa anonymous writer.

"Khael, what can you draw from these letters?", wika ko sa kanya. Nasa unahang bahagi kami ng auditorium kaya hindi masyadong madilim doon.

"Where did you get these?", he asked habang sinisipat ang mga sulat.

"From Jeremy and Jonathan. I guess there is a poison-pen writer here in Athena who sends venomous letters of false accusations", sagot ko. Ikinuwento ko rin sa kanya ang tungkol sa nakwento rin ni Jeremy and Jules's hunch about Clarisse.

"Clarisse is part of the school paper kaya malamang abala siya sa ginagawang pag-eencode ngayon but who knows she can be that poison-pen writer", Khael said. "But what's with the letter J pattern? I don't get it."

"Me too. Hindi ko maintindihan kung bakit nagsisimula sa letter J ang pinapadalhan ng sulat", wika ko at saglit na nahulog sa malalim na pag-iisip. Lumapit sa amin si Sophie at pinahanda na kami sa backstage.

"Malapit nang matapos ang El Fili kaya maghanda na kayo doon sa likod. And you Bridle Girl, take note of every instruction that—"

Khael cut her off. "You don't have to remind her. She knows what she's gonna do." Pagkatapos niyon ay hinila na niya ako papunta sa likurang bahagi ng auditorium. The El Filibusterismo play ended and Jeremy's group received positive reviews and feedbacks ngunit hindi iyon naka-pressure sa grupo namin. Our play started at hindi rin naman nagpahuli si Khael sa performance niya bilang Crisostomo Ibarra. When it was my part and Zywon's, inalis ko ang lahat ng hiya para sa play namin. I don't want to give those girls the satisfaction
of seeing me as a failure. Isa pa ay naiinis ako sa pagkakaayos nila sa akin. They had exaggerated my looks as Sisa! Halos nakahubad na ako sa ginawa nilang pagpunit-punit sa damit ko at ang sama pa ng amoy! Mukhang literal na basahan ang pinasuot nila sa akin but I won't let them hear my complaints about it.

When the curtain opens ay nakatayo ako at nakahawak sa buhok ko. I hummed a song as what they instructed me to do nang dumating bigla si Zywon, na gumanap bilang Basilio, at niyakap ako. It's really awkward dahil hindi niya ako niyayakap during rehearsals. He said
that he will only do it on the actual performance at hindi naman ito napilit ng mga kaklase namin.

"Ina....."

Gosh. It's really awkward. Parang kanina lamang ay tinutukan ako nito ng baril.

"Sino ka?"

"Ina... Ako ito, ang anak mo. Si Basilio..."

I ran on one side of the stage. "Hindi ikaw ang anak ko! Basilio! Crispin! Mga anak....."

"Ina, ako ito. Ang anak mo. Ako si Basilio..."

Heck. How could this devil look so geniune in displaying his emotion towards me as his mother? Mukhang matindi nga ang pinaghuhugutan nito.

"Crispin.... Basilio!...." I climbed on the wall that was set up and I lie on the floor. Acting is not a problem to me. But the one I'm having a scene with— uh, we're not in good terms!

Zywon also climbed the wall and sat beside me. He carried my head into his lap and he really cried. What the fudge! He really cried! Pang-best actor award!

"Ina...."

I cupped his face. Damn. Bakit ba kasi hindi namin 'to ginawa nung rehearsal? Edi sana nasanay ako dito!

"Basilio..... Anak...."

Zywon cried for a while hanggang sa dumating ang kaklase naming gumanap bilang Elias. They exchanged dialogues hanggang sa matapos ang eksena and the curtains fall down. Nang tuluyan ng maisara iyon ay nagulat kaming lahat sa nakita namin.

Our classmate Jessica was hanging on the curtains' rope at nasa paanan nito ang isang sulat! Khael immediately ordered the operator to raise the curtains again but it was too late.
Binawian na ito ng buhay. Gulat na gulat ang lahat sa nakita.

I immediately picked up the
letter on the corpse's foot at binasa iyon.

'This would surely surprise you but it's the truth. Your dad is cheating on your family. He's having an affair with her secretary. In fact, they're expecting a baby. Matagal na kayong niloloko ng papa mo.

Kaya nga hindi siya umuuwi tuwing gabi sa inyo at iyon ay dahil sa kabet niya siya umuuwi. I pity how your family's falling apart. Ang iniisip mong perpektong pamilya ay hindi nag-eexist.

If you don't believe me, see for yourself. Visit your dad randomly in his office one of these days."

"Jeremy, please gather all those people who received the letter from the anonymous writer", utos ni Khael. Gone was his playful image at napalitan iyon ng pagiging seryoso. "We need to end this poison-pen letter sender bago pa maulit ang ganitong pangyayari na may nagpakamatay."

"Pero Khael, sigurado ka bang nagpakamatay si Jessica? What if may nangyaring foulplay and set up the murder like a suicide?", tanong ni Brenda.

"It's a suicide. No doubt about it. She's not a part of our group kaya sinadya niyang magpunta dito at hinintay na ibaba natin ang kurtina. I saw her myself na pumuwesto siya sa gawing ito with no one forcing her. Her body was warm when we pulled down the curtains, tanda na bago lamang siya binawian ng buhay. If there's a foulplay, she would have resisted in staying here. Isa pa ay tingnan ninyo ang mukha ng biktima. Her face is wet with her tears kaya marahil ang sulat na iyan ang nagtulak sa kanya na magpakamatay", wika ni Khael.

Even I would say that it's no doubt a suicide and the letter must have been the reason for her suicide.

Nadala na ni Jeremy sina Justin at Jules kasama ang girlfriend nitong si Jenny. Nandoon din si Jonathan at Clarisse. Khael whispered something to Jeremy at nagmamadali itong umalis matapos makausap si Khael.

"Saan papunta si Jeremy?", I asked

"He's out to run some errands. Let's say I'm Holmes and he's Watson just for today. Oh, the two of us could be Holmes. Why don't we have a little questioning with all the letter receiver? We cannot eliminate the possibility that the culprit plays as the victim", he said with his mischievous smile. The same smile Gray flashes whenever he's into a case that he's about to unravel. Sumang-ayon ako sa kanya at lumapit sa mga naroon. I asked Jonathan first.

"Ano ang koneksyon mo kay Jessica?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Wait, bakit nga ba pinatawag kami dito? Are you considering us as suspects?", he asked. Bigla na lamang itong nagalit dahil sa pagtatanong ko.

"A question won't hurt dude so why don't you answer it?", singit ni Zywon. Nakatingin lang ito sa amin kanina mula ng makita namin ang katawan ni Jessica at ngayon lamang ito nagsalita.

"Kaklase natin. That's all!", padabog na sagot nito. Khael was just observing every reaction from him.

"How about you Clarisse?", tanong ni Khael. Nagulat din ito sa tanong na iyon ngunit agad ding nakabawi.

"Maliban sa classmate natin si Jessica, we're neighbors", sagot nito.

"Remarkable."

Si Justin naman ang tinanong ko. "How about you?"

He shook his head. "Hindi kami personal na magkakilala", sagot ni Justin. When I glanced at
Khael, he was busy looking at the victim's phone.

"But you know Moira?", tanong ni Khael. Nag-alangan itong sumagot at tiningnan ako.

"Yes, she's a friend."

"Remarkable."

I asked Jules and Jenny too ngunit ang sagot ng mga ito ay kilala lamang nito si Jessica na bahagi ng school paper in which Khael answered another 'remarkable.' Lahat yata ng
sagot nila ay sinagot din ni Khael ng remarkable.

Dumating si Jeremy na may dalang mga folders at agad na binigay iyon kay Khael. "How about you? Hindi ba nakatanggap ka rin ng sulat mula sa poison-pen writer Jeremy? Ano ang koneksyon mo kay Jessica o sa iba pang mga nakatanggap ng sulat?"

"Teka Khael. Pinagdududahan mo rin ako?", Je asked ngunit umiling si Khael.

"No. I'm just doing the usual procedures. Walang kai-kaibigan sa batas."

"Uh, I don't know them. Dalawang araw pa lamang mula ng dumating kami ni Bestie dito", he answered at inginuso ako.

"Remarkable", sagot ulit ni Khael at tiningnan ang mga folder na ibinigay ni Jeremy sa kanya. Lumapit siya sa akin and he showed me the folders.

"What can you draw from these folders Special A?", he asked. Nang tingnan ko ang mga iyon ay mga encoded projects iyon ng mga estudyanteng tinanong namin tungkol sa suicide ni Jessica at ang mga nakatangap ng anonymous letter.

"Do you have a culprit in mind?", he asked me. I slowly nodded my head.

"Yep, but I'm not really sure about it. I don't have enough clues. Nagbabase lamang ako sa mga sinabi nila and to some things that I have observed", sagot ko sa kanya.

"The opposite of me. I can present an evidence but still no personal connection between the culprit and the possible reason why the culprit is writing those letters. Baka parehas tayo ng taong nasa isip", Khael said.

"What's your basis?", tanong ko sa kanya. Inilahad niya sa harap ko ang sulat na nakuha namin sa paanan ni Jessica.

"As of this letter and the others that you showed me a while ago, the one who consciously or unconsciously typed a space before the first word. Tingnan mo ang espasyo mula sa pagkaka-indent, it's no doubt that someone typed a space first."

Kinuha ko ang sulat mula sa kanya at ikinumpara iyon sa mga sulat na nasa akin. Tama nga ito. There is a space before the indented first word in the paragraph. I was amazed by Khael's observant skills. Hindi masyadong kapansin-pansin ang espasyo dahil nga nakaindent ang unang salita.

"Wow", wika ko. "Napapansin mo talaga pati mga maliliit na detalye."

"Well, the little things are infinitely the most important according to Sherlock Holmes", sagot nito. "Now look at these projects and compare who among them have the same typing method."

Tiningnan ko ang mga iyon at ikinumpara. Well, Khael and I got the same culprit. What doesn't add up is the J pattern.

"How about the letter J pattern? What's his reason behind?", tanong ni Khael sa akin nang sabihin ko sa kanya na parehas kami ng iniisip na may sala.

"I guess it's just to confuse us", wika ko sa kanya. Saglit siyang nag-isip bago muling tiningnan ang cellphone ni Jessica.

"Why don't we ask him ourselves?", Khael said at nilapitan ang taong iyon. "Why do you keep on writing those letters —"

#

-Shinichilaaaabs♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top