CHAPTER 23: SEVEN WONDERS OF ATHENA HIGH SCHOOL

Chapter 23: Seven Wonders of Athena High School

A/N: Writing a long and substantial book is like having a friend and companion at your side, to whom you can always turn for comfort and amusement, and whose society becomes more attractive as a new and widening field of interest is lighted in the mind. (Winston Churchill, Gathering Storm)

Pagbaba ko ay nasa living room nga si Jeremy at Khael. Agad na napatayo si Khael nang makita ako.

"Shit! Wala talagang konsiderasyon si Deltran! He will pay for this", naiinis na wika ni Khael as he looked at my bruises. I snapped my fingers in front of him.

"Ginawa lang naman niya ang inutos sa kanya. And maybe he believes in gender equality", wika ko.

Napalabi si Khael. "Gender equality, my ass!"

"Khael." Sinamaan ko siya ng tingin kaya itinikom na niya ang bibig at hindi na nagkomento pa tungkol kay Zywon.

"I hate Sir Monte. Wala ding konsiderasyon ang gurong iyon", wika nito.

"Yeah, me too. I hate him", sang-ayon ni Jeremy. Bumaling si Jeremy sa akin at nagtanong. "Wala bang masakit sayo Bestie?"

I rolled my eyes at him. Mukha bang walang masakit sa katawan ko? Of course my whole body hurts like hell!
"Lahat Je."

"Halata nga", wika niya. Kinuha niya ang cellphone at kumuha ng picture ko.

"Hey, what are you doing?", I asked.

"Pinipicturan ka. Ebidensya. Ipapadala ko sa mister mo", Jeremy said at napakunot ang noo ko. Mister? Sino naman ang mister ko?

"Wait, you mean Silvan? Hindi niya Mister si Silvan dahil ako ang magiging asawa niya, hindi ba Special A?", tanong ni Khael at mas lalong napakunot ang noo ko sa kanila.

"Ewan ko sa inyo", wika ko at sumulyap sa wall clock. It's still 3. May klase pa ba tayo?", tanong ko kay Khael and he nodded.

"Yup. Filino class so you'd better change into your uniform", wika niya. Agad naman akong tumalima at pagkatapos magbihis ay agad na kaming sumugod sa classroom.

Bigla na lamang napadako ang tingin ng lahat sa akin nang pumasok kaming tatlo. Let me remind myself that I'm an eyecatcher. Maliban sa katotohanang bago lang ako dito, my bruises are very obvious, thanks to Zywon for these.

Bigla na lamang akong hinila ni Khael at dinala sa upuan ko, sa tabi ni Zywon. "Deltran, look what you have done!"

Napaangat ng tingin si Zywon kay Khael at kapagkuway sa akin. "What now Alonzo? She won right? Ano pa ang ikinagagalit mo?"

"Yeah, she won but she lost more. Look at her—"

"Bumalik ka na sa upuan mo Khael", pagtataboy ko sa kanya. Nagtatakang napatingin ito sa akin. "Go. Sige na."

"But Special A—"

"I'm fine Khael. I'm alive and kicking so I'll survive", wika ko. He gave up ngunit sinamaan muna ng tingin si Zywon bago bumalik sa pwesto niya.

"I don't know you got yourself a bodyguard", wika ni Zywon ngunit hindi man lamang niya ako sinulyapan. Teka, ako ba ang kausap nito? Pinili ko na lamang manahimik dahil baka mapahiya lang ako ngunit nagulat na lang ako nang ilapag niya dalawang boxes ng transdermal patches sa harap ko. "Salonpas lang ang maibibigay ko. Don't expect any apology from me", wika ka niya at agad akong napatingin sa kanya.

"Anong gagawin ko dito?", I asked. Of course I know how to use those transdermal patches. Nakakagulat lang na nagbigay ito ng ganoon.

"You can throw that away if you want to", he said at muling isinubsob ang ulo sa mesa. That's the end of our conversation. Hindi na kasi ito nagsalita pa hanggang sa dumating ang guro namin sa Filipino.

Hinati ang klase sa dalawang pangkat at in-assign kaming iroleplay ang ilang bahagi ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. I'm on the same group with Khael and Zywon samantalang nasa pangkat ng El Filibusterismo naman si Jeremy. Iniwan na kami ng guro upang makapag-usap tungkol sa roleplaying namin which will be performed tomorrow.

"Hi everyone. My name is Sophie! Ako ang mag-aassign ng mga roles, okay lang ba?", the girl asked at sumang-ayon naman ang bawat isa.

"Since we're going to perform Noli Me Tangere, we will have Khael as Crisostomo Ibarra", Sophie said at hiningi ang opinyon ni Khael.

"That's fine. And we'll have Special A as Maria Clara", wika ni Khael. Napataas ang kilay ng ilan sa mga babae na naroon at gayundin si Sophie.

"I'm afraid that she can't be Maria Clara. Si Brenda kasi dapat since bahagi siya ng repertory guild and she already played as Maria Clara before", Sophie said at gayundin ang gusto ng ibang mga kaklase ni Khael.

"But she's also a part of the theatre club in Bridle—"

"This is different from Bridle Khael. We can't let a Bridle student take the lead", naiinis na wika ng babaeng tinawag nilang Brenda. Bahagya pa niya akong sinulyapan na nakataas ang isang kilay.

"So, the one who will play as Basilio will be Zywon. Elias is Dustin and Mart will be Crispin. And I think Sisa would be the perfect role for this Bridle Girl", wika ni Sophie. I wanna scream on their faces that my name is Amber and not Bridle Girl but I prevented myself from doing so.

Matapos makapag-assign ng kanya-kanyang role ay nagkasundo ang bawat isa na magpapractice mamayang gabi sa loob ng auditorium mula 7PM hanggang 9PM since 10:30 pa lang din magsasara ang mga facilities ng Athena at alas onse pa ang curfew.

The class was dismissed at agad akong nagyaya na umuwi na. I want to read Phobie's death notebook kaya nagmamadali ako. Hinatid ako ni Jeremy at Khael papunta sa dorm ng mga babae.

"Bestie, ano ang nakuha mong role? Ikaw ba si Maria Clara?", Jeremy asked habang naglalakad kami.

"Oh dude. That's what I'm hoping too since I'm Crisostomo Ibarra but unfortunately, she's Sisa", nakasimangot na wika ni Khael.

"Sisa's fine. Kayang-kaya yan ni Bestie", wika ni Jeremy. "So you're Ibarra huh? Well, I'm Ibarra too. Only braver, smarter, fiercer, stronger Ibarra."

"Pinahaba mo pa. Sana sinabi mo na lang na ikaw si Simoun", nakalabing wika ko at natawa lamang si Jeremy at Khael.

Nakarating na kami sa dorm kaya nagpaalam na ako sa kanila matapos magpasalamat. Khael reminded me of our practice tonight. I bid them goodbye at nagmadaling tinungo ang kwarto namin ni Phobie.

Speaking of Phobie, kapag hindi ito makakauwi mamayang gabi ay ako na mismo ang gagawa ng paraan upang hanapin ito. I won't ask help from the staffs, who knows I might ask the wrong person and ended up asking a pawn of that 'organization.' I tossed my bag on the bed at agad na kinuha ang notebook mula sa kinalalagyan ko at patuloy na binasa iyon.

For the few months that passed, masasabing malaki ang ipinagbago ng blue pack drugs and it got a name. They called it STX2, also known as Synthesis Toxin 2. I'm not a scientist neither a science freak kaya hindi ko masyadong maintindihan ang ibang mga sinasabi nila tungkol sa drug na ito. And God! They won't stop until they perfected such drug.

Despite its imperfection, they began smuggling the drugs. How they do it? Well the easiest way is through human trafficking. Yes. The case of Masao was that thing. He was asked to carry that drug to the police commissioner.

Yes, a police commissioner! I hardly believed it at first but then it just happened. It all happened. After using Masao, they really planned to kill him and throw him somewhere. The organization are not looking for human testers, what they need are carriers. They need carriers to send the drugs to their respective clients. They got the big fishes in the country as their clients and I had a list if their possible clients.

Engr. Romeo Benitez of RBR Builders, Inc., Mayor Cornelio Jaime, Businessman Rusty Rodriguez of TVC Bus Company. Zacharias Tan of ZZZ Malls. Hubert Dy of Sailmax Shipping lines. Peter Moll of WO Co., and some that I can't recall because I'm shaking as I listened to them.

Nabulag sila sa magandang epekto ng STX2, without considering its adverse effect. I heard about Peter Moll's stroke at malabo nang maging Okay ito dahil sa epekto ng drugs. The drugs prevent the body from creating anti-bodies na makalatulong sana sa kanya. Yeah, I think he overdosed the drug which was still under study.

I don't have a clear picture on this but I had heard that Athena High is a front institution of a mafia that they called Vander Mafia. They're talking about gods and goddesses and how the doctors hated the mafia for being the frontliner when it comes to mafia business. They hated someone that they call Cronus. They hated Tartarus and all those greek gods and goddesses that they named. They even talked about an incident many years ago. They killed a pregnant woman named Athen Vander. That's what I've heard.

Pregnant, goodness! How could those bad guys kill a pregnant woman! Kawawa ang batang nasa sinapupunan ng pinaslang nila. He wasn't even given the chance to see the Earth. But that was few years ago, and they're still planning STX2 that time. They call someone in the organization as Brain. Yes, their leader was Brain. He himself wanted to try the drug but he knew about its effect so he used his pawns instead.

Enough with the mafia and those bad guys, let's talk about the drug itself. By the way, I felt ecstatic when I used the drug. Believe it or not but I knew every thing that people were gonna do that time. I don't know if it's part of hallucinations or being under the drugs makes you delusional but I see ahead. They come through flashforwards. I really saw the light and soundwaves that travels. I felt so smart at all but it only lasted for 3 minutes. Yes, 3 minutes only and that's why the organization is still rooting for the drugs' perfection to make its effect long-lasting.

Napatigil ako sa pagbabasa ng makaramdam ako ng init. It's been a sweaty and tiring day and I haven't cleaned myself after PE class so I decided to went to the CR. Itinago ko ang notebook sa ilalim ng unan at kumuha ng tuwalya bago pumasok sa banyo. It took a while bago ako lumabas at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa tuwalya na nasa ulo ko. I sensed something. Something doesn't felt right.

Iginala ko ang paningin sa loob ng kwarto. Nothing seemed  contrieved. Wala ring nabago sa mga bagay na naroon. Bigla kong nayakap ang sarili ko ng makaramdam ako ng malamig na hangin na dumampi sa balat ko.

That's it! The windows! I don't remember opening the windows! Agad kong tinakbo ang direksyon ng bintana. Could it be Phobie? I checked downwards ngunit walang sign na may tao doon. Bigla na lamang akong kinabahan at napatingin sa kama ko. I immediately ran towards the bed and checked if the notebook is still there ngunit wala na iyon sa ilalim ng unan!

"Damn!" Someone really visited our room and stole the notebook but who could have done it? How did that someone know about that notebook?! Could it be someone part of the organization who got Phobie and he came to retrieve the notebook? Mas lalo akong sinalakay ng kaba dahil sa mga pinag-iisip ko. I almost jumped in surprise when my phone rang. Agad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Khael sa caller ID.

"Special A, where are you? Let's have dinner at nang sabay na tayong pumunta sa auditorium. We'll wait for you here in the cafeteria", wika nito. I agreed at agad na pinatay ang tawag bago nagmadaling umalis sa kwarto.

Pagdating ko sa cafeteria ay naghihintay roon si Khael at Jeremy. Agad silang um-order ng makakain pagdating ko. While waiting for the food ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Khael at agad naman iyong sinagot ng huli.

"Yo, Silvan", bati ni Khael at napatigil ako. Gray called him? "Awwww!" Bigla na lamang nailayo ni Khael ang cellphone mula sa tenga niya.

Uh, what happened?!

"Chill Silvan. You don't have to shout. Of course I deliberately failed the exams", nakangising wika ni Khael. I cannot hear Gray from the other side dahil hindi iyon ipina-loudspeaker ni Khael.

"What?", Khael asked at bigla na lamang sumeryoso ang mukha nito. "Actually I want to talk to you Silvan about the peculiarities here in Athena and it has something to do with that blue things that you are saying. "

Blue things? Bigla ko na lamang hinablot ang cellphone mula kay Khael. "Gray what's with those blue pack?"

"Amber! I've been calling you but you're not answering your phone. I received the photo of you that Jeremy sent me! And I will never forgive Zy—"

"Gray, let's not talk about me. I'm asking for those blue packs. The same one that we saw in Lowie's things", wika ko. Marami pang panahon para pag-usapan namin ang tungkol sa laban namin ni Zywon kanina but anything that concern those drugs cannot wait any longer. It's now or never.

"Amber—" His voice was interrupted by a sweet voice which was very familiar.

"Gray, kumain na tayo", malambing na wika ni Math. I made a face when I remember that they're together. Ayokong isipin ang mga posibleng gawin ni Math kay Gray. Bigla na lamang namatay ang tawag kaya ibinalik ko na kay Khael ang kanyang cellphone.

"Anong sabi?", Jeremy asked and I just shrugged my shoulders. I'm pissed and I don't know why.

"Kumain na nga tayo", wika ni Khael at agad na nilantakan ang pagkain na inilapag ng cafeteria staff sa harap namin. Matapos kumain ay nagpaalam na si Jeremy dahil may practice din ang grupo nila sa gym.

Habang naglalakad kami ni Khael papunta sa Auditorium ay hindi mawala sa isip ko ang intruder na nagnakaw sa notebook ni Phobie. If it is someone who's from the organization, my life would surely be at risk. Malamang ay alam na nito na nabasa ko na ang laman ng notebook na iyon.

"Hoy, Special A! Sabi ko, kumusta ang katawan mo", Khael asked. Nasa harapan ko na pala ito at iwinagayway sa harap ko ang kanyang mga palad.

"A-ayos lang naman ako Khael. You don't have to worry", sagot ko sa kanya. Yeah I'm fine. Kailangan ko lamang ng pahinga at ilang pain relievers.

"Tell me what's bothering you Special A", wika ni Khael. That's one of the best thing with Khael. He knows when something's wrong. He's not dense when it comes to some things.

Nag-alangan ako kung sasabihin ko ba ang tungkol sa nalalaman ko but knowing his detective side ay malalaman at malalaman din nito ang tungkol doon lalo na at nagdududa na rin ito sa ilang staffs ng Athena.

"Can I trust you with this Khael?", I asked.

"Well, I won't say yes but I'll say try me. I knew you had trust issues basing on your past experiences since you don't know how to trust. No, maybe I should say you trust the wrong people. And I'm saying I'm not one of those wrong people so you can trust me", wika ni Khael.

Napatingin ako sa kanya ng masinsinan."Khael, something's not right here in Athena."

"I'm aware of that Special A", sagot niya. "I know something is not right here."

Tiningnan ko siya na tila ba nababahala. "My roommate is nowhere to be found at marami siyang nalalaman tungkol sa mga nangyayari dito."

"Who's your roommate?", nagtatakang tanong niya.

"Phobie Villarin."

"Phobie! She tried talking to me once ngunit hindi na iyon naulit pa. She's been bullied by some girls and yeah, it's about those things and she's saying something about some bad guys", wika ni Khael.

"Khael! Bridle Girl! Kanina pa kayo hinihintay sa auditorium", tawag ng isang kaklase namin. Nagkatinginan lang kami ni Khael at nagpasyang mamaya na lamang pag-usapan ang tungkol doon.

"Can you please tell them that my name's Amber and not Bridle Girl?", wika ko at natawa lang ito bago ako hinila papunta sa direksyon ng auditorium.

Agad na nagsimula ang practice ng makarating kami roon. Hindi ang buong storya ang iroroleplay dahil kailangan lamang naming pumili ng ilang eksena and they chose Sisa's scene and Elias' death.

It was almost 9 nang matapos kami. Pasalampak na naupo si Zywon sa isa sa mga upuan at ipinikit ang mata. It's so awkward dahil may eksena kaming dalawa tapos hindi pa kami close.

"Okay na yun. Hoy Bridle Girl, ayusin mo ang script mo bukas ha! Lagot ka sa amin kapag hindi mo inayos, dito pa naman sa auditorium natin gagawin kaya wala na tayong problema sa blocking", wika ni Sophie.

"Her name is Amber. Stop calling her Bridle Girl", wika ni Khael.

"Parehas lang iyon", sagot ni Sophie at naupo na rin sa sahig kasama ang mga kasamahan namin.

"Why don't we see for ourselves if the seven wonders of Athena are true?", suhestiyon ng kaklase namin na si Eldrin.

Meh! Seven wonders of Athena huh? Don't tell me it's gonna be a story of a running anatomy figure, moving statues, dolls showing up in the hall with the students' names and other creepy stuff?

"Oh, nalukot yang mukha mo? You don't believe in the seven wonders of Athena?", tanong ni Khael sa akin.

"Wala akong panahon para takutin ang sarili ko", wika ko sa kanya. God! Kung totoo man iyon, this is not the right time to talk about it.

"Hindi ka takot?", he asked me and I shook my head. Kapag ipinakita kong takot ako ay baka mas takutin pa nila ako.

"Eh ano yang nasa gilid mo?", one of my classmate asked at nang lingunin ko ang direksyong sinabi nito ay nagulat ako ng makita ang isang mukha na puno ng buhok! Agad kong nasuntok dahil sa gulat ang mukhang iyon at agad namang natumba ang kaklase kong nagsuot pala ng wig na kinuha nito mula sa props room ng auditorium.

"Shit! Damn! Are you sure you're a lady?", naiinis na wika nito habang sinasapo ang duguang ilong. Served him right! If they're looking for someone to scare, well I'm not the right person. Tinawanan lamang ito ng iba naming kaklase at nagpasya silang libutin ang buong Athena.

"Liligawin lang natin ang magroronda na guard", wika ni Mart. "Dalawang pangkat tayo. Bumalik tayo sa labas ng auditorium pagsapit ng alas dose. Deal?"

"Deal!", sang-ayon ng iba. Tumayo naman ako at pinagpagan ang sarili. Hindi ako sasali sa kahibangan nila.

"Hey, Bridle girl. Where are you going?" Napatingin ang lahat sa akin nang bigla na lamang may nagtanong. Balak ko sanang umalis ng hindi nagpapaalam kaso mas nauna akong tawagin ng kaklase ko.

"To the dormitory", sagot ko.

Natawa ito bigla. "Wag mong sabihing natatakot ka? Is that how Bridle trained their students? Nakaka-frustrate naman. Mataas pa naman ang expectation ko."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito. Ano ang kinalaman ng pagiging takot sa training ng isang eskwelahan?

"Paranormal activity is not my thing. Kung balak ninyong mag-ghost hunting, then go ahead. Wag niyo akong idadamay", wika ko.

Nagpa-boo ang iba pa naming mga kaklase. Kesyo daw matatakutin ako. Naiinis na ako sa pangangantyaw nila at dinamay pa nila ang Bridle! That's it!

"Fine!", nakataas noo na wika ko. I'll do it. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Khael.

"Fine what? Sasama ka?", paninigurado ni Mart.

"Yes. Sasama ako", wika ko at naging maingay ulit. Hinati na kami sa dalawang pangkat at kasama ko sina Khael at Zywon. Hindi nagsasalita si Zywon kanina pa lang at hindi ko alam kung sasama nga ba talaga ito.

Nagsimula na kaming lumakad at inuna namin ang library. Pito kami sa grupo namin. Tatlong babae at apat na lalaki. We slowly snuck inside the library. Madilim doon at tanging ang poste sa labas ang nagsisilbing ilaw namin.

"Just stay close to me Special A", bulong ni Khael at nagtatakang napatingin ako sa kanya. "What?", he asked.

"Bakit nanlalamig ka yata?", I asked. He was sweating all over at nanlalamig talaga ito. Takot din ito?

"Huh? Hindi naman ah", patay-malisyang wika nito. Hinawakan ko ulit ang kamay niya. Nanlalamig talaga ito, no doubt.

"You can't fool me. Mas takot ka pa pala sa akin", natatawang wika ko sa kanya.

"Special A naman eh! I'm trying my very best here to be cool ngunit pinapaalala mo naman sa akin na matatakutin ako", he said with a pout. "Damn Silvan for this! Siya ang mahilig manakot sa akin dati kaya lumaki akong ganito."

Bigla na lamang napasigaw si Sophie. "T-the book! I-it's scanning on its own and there's a shadow of the ghost!"

Napakapit si Khael sa braso ko. Uh, and here I am thinking hindi ako pababayaan ni Khael kapag may nangyaring nakakatakot, well I guess it's the other way round.

"Athena High School Wonder Number 1, the mystery of the scanning shadow ghost", wika ni Dustin.

Nilagpasan kami ni Zywon at lumapit siya sa malaking libro na tinuro ni Sophie. "This isn't a mystery at all. Look, the book is scanning all by itself dahil malapit ito sa nakabukas na bintana na kapag natatamaan ng hangin ay malilipat talaga ang pahina. As of the shadow, it's from the bust statue of Rizal up there", paliwanag ni Zywon. Umihip ang malamyos na hangin at gaya ng sinabi nito ay nalipat nga ang pahina ng aklat. "See?"

Nakahinga ng maluwag ang mga kaklase namin at gayundin si Khael. "Sabi ko na nga ba na dahil iyon sa bust statue", wika ni Khael. Inilibot namin ang kabuoan ng library and so far ay wala namang nakakatakot doon. Lumabas kami ng library at nagtungo sa music room. Pagpasok namin ay nagyakapan na ang mga kaklase kong babae samantalang nagtapang-tapangan naman ang mga lalaki. I'm scared too but a more scared Khael beside me made me feel so brave. Parang gusto kong takutin ito dahil nakakatuwa itong tingnan.

Pagpasok namin ay bigla na lamang tumunog ang organ sanhi upang tumili ang nga kaklase ko. Muli iyong tumunog na tila ba pinindot ang kung anu-anong key.

"Shit! Ito na nga ang Athena High  School Wonder number 2. The haunted organ!", nanginginig na wika ng isa kong kaklase na si Mart. Damn! Where did they get those idea about the seven wonders of Athena?! Sila lang naman ang tumatakot sa sarili nila. Tumunog muli ang organ and I screamed my heart out when I saw two pairs of green eyes. Napasigaw din sina Sophie at Mary at sabay na napatakbo paalis ng music room kaya lima na lamang kaming naiwan doon.

"Tsk. Girls are so noisy. It's just a cat", wika ni Zywon at inilawan ang itim na pusa na nakapatong sa organ. Nagulat ito sa pag-ilaw at napatakbo paalis, stepping on every key na sanhi ng pagtunog ng organ. "See? No mystery at all."

Damn! Bakit itim ang pusang gala na nakatira sa music room? Nakakatakot naman talaga nang makita ko ang pares ng mata nito kanina. Besides, black cats are known to draw bad lucks pero hindi ako naniniwala doon. Siniko ko ng mahina si Khael.

"Hoy buhay ka pa dyan?", tanong ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang nagulat din ito sa mata ng pusa kanina. Nagyaya na itong umalis ng music room kaya agad kaming lumabas at naglakad sa pasilyo ng skwelahan.

"Khael, how are you?", pangungumusta ko sa kanya.

"Alive and hardly breathing", sagot nito. "We should have been staying at the dormitory at this hour at tulog na. Bakit ba kasi pumayag pa ako sa kahibangan nila? Wala naman talagang misteryo dito", wika ni Khael ngunit bigla na lamang itong napatalon sa gulat. "Jesus! Something cold just dropped on my nape!"

"Athena High School Wonder Number 3. Dripping Corridor. Ayon sa sabi-sabi ay may tumutulo sa corridor na ito, possibly blood—"

"Shut up Dustin! Kanina ka pa! Stop scaring us!", singhal ni Khael sa kasama namin. "Shit, is this really blood?" Hinawakan niya ang kanyang batok at sinipat ang kamay kung sakaling may dugo nga roon.

"For a detective, it's ironic to knew that you're scared of ghosts Alonzo", komento ni Zywon. Tila bored na bored ito sa ginagawa namin. Kanina pa ito nakapamulsa na tila ba hindi man lamang natatakot sa mga nangyayari.

"Wala kang pakialam doon Deltran", Khael said at tiningnan ito ng masama.

"Well, let me solve this mystery for you, Mr. Detective. Oh, it's not even right to say that this is a mystery. Kaya may tumutulo sa corridor na ito ay dahil sa old air conditioning system na nagmumula sa third floor. Look above", Zywon said at napatingin ako doon. Mayroon ngang aircon doon and something dropped on ny forehead. Nanggaling iyon sa airconditioner.

"Just as I thought", nakapoker face na wika ni Khael.  "Tumahimik ka kasi Dustin. Kung anu-ano lang kasi ang pinagsasabi mo."

We passed on the corridors and we headed straight towards the laboratory. Lima na lamang kami at ako na lamang ang babaeng naroon. Mart pushed the glass door at agad kaming pumasok sa laboratory. Malawak rin ang laboratory ng Athena. If someone would scheme another crime here just like what Marion did at Bridle ay isang perpektong lugar din ang laboratory na iyon. Napangiwi ako nang makita ang human anatomy figure. Isa iyon sa mga ayaw kong makita lalo na at gabi. Ang mga cellphone lamang namin ang nagsisilbing liwanag sa madilim na facility.


"Oh, napasok na natin to, wala namang —". Napahinto ako ng makarinig ako ng paghihilik.

"Who's that?", wika ni Khael at nilingon ang paligid. Mga human anatomy statue ang naroon at mayroon ding mannequin na nakahiga. Saglit kaming natahimik and I grabbed Khael's shirt ng makasigurong mayroon ngang humihilik and it was from the lying mannequin! Shit!

"Khael!", I called his name ngunit kung gaano ako kalamig dahil sa takot ay triple yata ang panlalamig nito. Yeah, you can trust Khael to save you at desperate times like jumping in front of a train for you but times like this? Ahhh! Hindi ko ito maaasahan.

"Shit! Special A, naiihi ako!", he said. "This is so embarrassing! Argh! Si Silvan talaga ang dahilan ng lahat ng ito."

"Athena High School Wonder number 4. The snoring mannequin", nanginginig na wika ni Dustin.

"Dustin wag na wag kang magpapakita sa akin bukas", banta ni Khael. "Jesus! Does that mannequin really snore?"

"Tsk. Wala na ba kayong gagawin kundi ang matakot?", Zywon asked. Lumapit siya sa kama kung nasaan nakahiga ang life size mannequin. Tinanggal niya ang kumot na nakatabing sa katawan ng mannequin at nalantad ang natutulog na security guard. "He's the mystery behind the snoring mannequin. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit wala sa labas ang naka-assign na guard sa laboratory?", Zywon said at tiningnan ang natutulog na guard. Humilik ito at napaubo ngunit hindi nagising.

"Humanda ka Manong Guard! Ikaw pala yung narinig ko noong nakaraan!", naiinis na wika ni Khael. "Umalis na nga tayo dito." Hinila ako ni Khael palabas ng laboratory at sumunod naman ang iba sa amin.

Dumaan kami sa poolside kung saan nakarinig kami ng lagapak sa tubig na tila ba may tumalon. Napakapit ulit si Khael sa akin at nagyayang umalis na doon.

"Pasukin natin ang pool", wika ni Zywon at napamulagat kaming lahat sa kanya. Nababaliw na ba ito? Iniiwasan nga naming matakot tapos siya gustong pasukin iyon?

"Athena High School Wonder number 5, the paddling phantom", wika ni Dustin na agad ding tumahimik dahil tiningnan ng masama ni Khael.


"Paddling phantom eh? Sounds interesting", wika ni Zywon at inakyat ang gate. Nang makababa ito ay agad niya kaming binuksan. "Why don't we discover who is that phantom?"


"Umuwi na kaya tayo?", suhestiyon ni Mart. Zywon gave him dark glances.

"Kayo ang nagyaya nito tapos kayo ang unang matatakot?", tanong niya. Nagkatinginan lang kami bago sumunod sa kanya papunta sa loob ng pool area. Sigurado kami sa narinig naming pagaspas ng tubig kanina na tila ba may tumalon at lumangoy doon ngunit wala namang tao doon.

"Heck! Who was the one who just swim? I'm sure someone was swimming on the water a while ago!", natatarantang wika ni Dustin.

Lumapit si Zywon sa poolside at tiningnan ang paligid niyon. "Well, someone's swimming. Kung sino ka man, lumabas ka na!", wika nito at hinintay na may lumabas ngunit tahimik lang ang paligid. Nababaliw na ba si Zywon para isiping may tao doon?

"Yan nga kasi ang paddling phantom —"

"Just wait for a while. He won't be able to hold his breath anymore", Zywon said at hindi kalaunan ay dahan-dahang umahon ang isang lalaki! How come!? No one was in the water! Nakatungo ito ng umahon ito.

"So you're the one who's been scaring people?", tanong ni Mart sa lalaki na agad din namang umiling.

"Hindi ako nananakot! Nag-eensayo lang ako kapag gabi", tanggi nito.

"But you're not in the water!", wika ni Dustin.

"Nasa tubig siya. There's probably a big aquarium there na ginamit niya upang hindi siya makita", Khael said at napatingin ako sa kanya. An aquarium?

"Yes. Gumamit ako ng malaking aquarium to hide from the guards. Pinapaalis kasi nila ako kapag sumapit na ang alas nuebe ng gabi. Saktong nakita ko ang trick na ito sa isang palabas so I used it upang hindi limitado ang pag-eensayo ko", sagot ng lalaki. "Naghahanda kasi ako para sa Swimming contest na sasalihan ko. I was picked to represent Athena and I cannot afford to lose."

"Goodluck then", wika ni Zywon at umalis na doon. Sumunod kami sa kanya as he walked towards the gymnasium. We heard indistinct voices and steps. Napahawak ako sa braso ni Khael na napahawak din sa braso ko. Great. Just great.


"Naririnig niyo ba ang naririnig ko?", biglang tanong ni Mart. Saglit kaming tumahimik at nakinig sa paligid. Someone was crying!


What the hell!

Someone was really crying! A woman to be exact!

"Athena High School Wonder Number 6. Lost Souls. Palaging may nakakarinig ng boses ng babae at lalaki dito sa gym and now it's a weeping sound of a lady. Ayon sa sabi-sabi ay kaluluwa iyon ng magkasintahan na pinatay dito sa gym—"

"Dustin, magiging isa ka talaga sa lost soul dito sa Athena kung hindi ka tumahimik dyan!", banta ni Khael. "Who the fuck created those seven wonders? Kahit na hindi naman pala totoo, nakakatakot pa rin naman! May mga tao talagang walang magawa sa buhay— Hoy wag kang pumasok dyan Deltran!", tawag ni Khael nang tinanggal ni Zywon ang kadena ng gym. Hindi iyon nakalock kaya madali lang itong nakapasok.

"Kung susunod kayo, then good. If not, still good", wika nito at pumasok. Nagkatinginan kaming lahat at nagtatalo ang kalooban kung susunod ba kami kay Zywon and in the end, we decided to follow inside.

Patuloy lamang ang tunog ng babaeng umiiyak. Damn! Nanlalamig na naman ako! Is this weeping lady's real? Umakyat si Zywon sa isa sa mga bleachers and checked something.

"Found it", bulalas niya ag agad kaming napasugod doon. May babaeng umiiyak doon at nagulat pa ito ng makita kami. Agad itong napatayo at inilayo ang kanyang sarili mula sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?", tanong ng babae. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil madilim doon at napakabastos naman kung itatapat ko ang flashlight ng cellphone ko sa mukha nito.

"We should be asking you the same question Miss. Bakit ba dito mo napiling magsenti? Alam mo bang muntik na akong maihi dahil sayo?", wika ni Khael.

"My — my boyfriend left me for some other girl", wika nito at muling umiyak. Meh! Love problems!?

"Yan ang pinoproblema mo kaya napili mong umiyak dito without thinking na halos atakihin na sa takot ang mga nakakarinig sa pag-iyak mo?", naiinis na wika ni Dustin sa babae.

"Kasi— kasi dito kami madalas na magkita dati", sumisinghot pa ang babae habang nagsasalita. "Pero ngayon wala na. Wala na si Austen ko!"


I wanna roll my eyes on the girl. Nawalan lang ito ng boyfriend, hindi buhay. Oh, maybe I couldn't understand her. I never had a boyfriend.

"Nakakabadtrip! Wala man lamang bang totoo doon sa seven wonders ng Athena?", inis na tanong ni Mart habang papalabas kami ng gym. We already pacified the girl at sinabihan itong wag sa gym manatili kapag ganoong emosyonal ito dahil unknowingly, she scare some people. Gayun na din para sa kaligtasan nito.

Nasa abandoned buildings kami dahil iyon ang pinakamalapit na daan mula sa gym pabalik sa labas ng auditorium. May mga CR din kasi sa dakong iyon.

"Naiihi na talaga ako!", Khael exclaimed. "Daan muna tayo sa CR please?"

"Ako din", wika ni Dustin.

)

"Mas lalo na ako, kanina pa ako naiihi!", Mart said at nanlaki ang mata ko.

"Sabay-sabay kayong maiihi? Paano naman ako?", tanong ko. God! There's no way that I will wait for them outside the CR alone!

"Mamaya na kayo Dustin, ako muna mauuna", wika ni Khael.

"Pare, sasabog na talaga!", reklamo ni Dustin.

"Ako din, can't hold it back anymore!", Mart said at tumakbo na rin papunta sa male's CR. Oh, nag-ala Frozen pa ito.

"Ako na lang ang magbabantay sa kanya", wika ni Zywon. Tiningnan niya ako bago naupo sa isang tabi.

"I'll be back right away Special A, hintayin mo lang ako dito", wika ni Khael. Tumango ako sa kanya at agad itong pumasok sa CR.

Naiwan kami ni Zywon doon at masyadong awkward dahil hindi niya ako kinakausap. Lumapit ako sa isang abandonadong building at sumandal sa isang haligi but to my surprise, gumalaw iyon! A revolving door!

I screamed when I fell into the ground after mabuksan ang revolving door at agad na napasunod si Zywon sa akin. Tinulungan niya akong tumayo at nilingon namin ang paligid. It wasn't the inside of the abandoned building dahil tila iyon isang matandang library. There's a secret library here?

Nakarinig kami ng mga kaluskos kaya bumulong sa akin si Zywon. "Hinaan mo ang boses mo. I guess we're not the only ones here."

Naglakad siya papasok sa loob ng tila library at nakasunod ako sa likuran niya. Madilim ang paligid ngunit sa isang sulok ay may maliit na tanglaw ng ilaw! May ibang tao nga doon!

I felt my heart tightened like it will burst inside my chest. Sobra-sobra ang nararamdaman kong kaba habang nakatingin sa tanglaw ng ilaw. What if those are people who's part of the organization? Matutulad ba kami sa kahihinatnan ni Masao?

But it could be Phobie! Pwede rin namang ito pala ang hideout ni Phobie! Kahit kinakabahan ay dahan-dahan kaming lumapit ni Zywon doon. He saw an old mop at agad niyang kinuha iyon, for self-defense.

Habang papalapit ay mas lalo akong kinakabahan. It was a guy! A shirtless guy na nakatalikod sa amin habang may tinitingnan sa mga folder na nakakalat doon. The guy had a broad back at may malaking peklat ito sa likod na tila ba tinaga.


"Athena High School Wonder number 7, the scarred man", bulong ni Zywon sa akin. "This is the third time that I have seen such man but I never had the chance to see his face. I don't like his presence. I sensed danger."

"Anong ibig mong sabihin?", nagtatakang tanong ko sa kanya. He sensed danger? Danger for what?

"Listen Sison. I don't know why you're sticking your nose in this business. I don't think you're directly involved in this thing especially about those blue drugs. I knew about it and I'm the one who stole the notebook on your room—"

"How dare you! That notebook was for me—"

"Let's not talk about it now. Isa pa ay ninakaw din sa akin ang notebook even before I had the chance to read it. As of now, we need to seize that scarred man", wika niya at tiningnan ang lalaki na abala pa rin sa ginagawa nitong pagbabasa.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. My God, we'll be doomed if that guy is armed at mahuli kami. Habang papalapit kami ay unti-unti kong naaaninag ang malaking peklat nito sa likod. It must have hurt a lot when it was still fresh.

Bago pa man naihampas ni Zywon ang dalang mop sa lalaki ay nauna na itong lumingon sa direksyon namin at itinutok ang baril. My eyes widened as I recognized who it was.





















"RYU?!"

"Amber? What the hell are you doing here?", tanong nito at pinaglipat ang tingin sa amin ni Zywon. "And who's this guy?" Inibaba niya ang hawak na baril.

"Who are you?", tanong din ni Zywon dito. Ryu gave him a smirk ngunit hindi niyon natinag si Zywon.

Napahawak ako sa ulo ko at naguguluhang napatingin kay Ryu. "I'm an exchange student and I accidentally discovered this revolving door. Ikaw, what are you doing here?"

"Mafia works", wika nito at bahagyang tinapunan ng tingin si Zywon.

"You're one of those mafia guys?", tanong nito ngunit hindi ito pinansin ni Ryu.

"Ryu, you're a terrible liar. If it's mafia works, then they should have sent a reaper and not you", wika ko sa kanya. The devil must be up to something and I know it's not a mafia order.

Bahagya itong napahinto ngunit saglit lang iyon. "Fine. This is more of a personal duty than a mafia task. And I'm doing it on my own so please leave and bring along your dog with you", he said with a smirk. Did he just say DOG?

"Excuse me? Are you saying that I'm a dog? Even if you're part of the mafia, I'm not afraid of you. If you're from Vander Mafia then better prepare for my revenge", mahinahong wika ni Zywon but I sensed danger in his words.

"I don't know how you were able to acquire knowledge about the Vander Mafia and I also admire your courage for declaring such war but your wrath is least of my concern. I've got personal issues here too", wika ni Ryu. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa death note na iniwan ni Phobie ngunit mukhang seryoso ito sa ginagawa nito kung ano man ang pinagkakaabalahan nito.

"Ryu, anong nangyari sa likod mo?", I asked. Teka, bakit ba nakatopless ito? "Where's your shirt by the way?"

"I took it of. Masyadong mainit dito sa lumang library. And don't mind my scar. I'm a fallen angel and that's the scar of my wings—"

"Hindi ka nakakatawa", putol ko sa kanya. I'm not really sure if he's joking when he said those. He's face was very serious.

"Those are scars of the past Amber. Just don't ask what caused those", sagot nito. He continued scanning the folders. He must be looking for some guy.

"It must have hurt a lot when it's still fresh", komento ko habang nakatitig sa kanyang peklat. I prevented the urge to touch his scar. Who would have thought that behind his evil smirking face is a scar which evokes
some bad memories of yesterday?

"Surely a real pain", komento ni Zywon. Isa pa ito. Malaki marahil ang galit nito sa Vander Mafia but he's considering not to burst out even if he knew that Ryu's part of the mafia. O kaya naman ay hindi lang ito gumagawa ng hakbang dahil armado si Ryu. Whatever his reason for his hatred to the mafia, it must have been great dahil umabot pa ito sa point na gusto nitong makaganti.

"It's nothing than the imaginary pain that's haunting me", wika ni Ryu. Bigla na lamang nitong ikinasa ang baril at itinapat iyon kay Zywon. "I don't need your opinion here."

Kahit nakatapat sa mukha nito ang baril ay wala man lamang takot ang mababakas sa mukha nito. Mas ninerbiyos pa ako habang nakatingin sa kanila.

"Pwede ba devil! That's the second time that you pointed a gun at him!", saway ko sa kanya. Tinapunan niya ako ng tingin ngunit hindi niya ibinaba ang baril.

"Shoot then", hamon ni Zywon. Humigpit ang pagkakahawak ni Ryu sa baril. Marahil ay pinipigilan nito ang sarili na kumawala ang galit. A devil just met another devil.

"Aalis na kami. I want to talk to you one of these days Ryu. Ako na mismo ang pupunta sa mansion", wika ko. "Goodnight."

Hinila ko si Zywon palayo doon ngunit nakatitig pa rin ito sa galit na pigura ni Ryu kahit pa hinila ko na ito palayo.

"My God Zywon, what were you thinking!", wika ko nang makalabas kami sa revolving door. Nakatangis lang ang bagang nito at nagpipigil ng galit.

"I will crash Vander Mafia. Maghintay lamang sila", he said with a clenched fist.

"Hoy." Pukaw ko sa kanya. Mukhang matindi nga ang galit nito.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Who are you Amber Sison?"


Natigilan ako sa sinabi niya.  He's asking me who am I? "You already said it. I'm Amber Sison."

"Not that. The real you. Bakit alam mo ang tungkol sa mafia? Are you part of them? Bakit ka nakikialam sa nangyayari dito sa Athena? How much do you knew about the blue drugs? Sino ka ba talaga?", deretsahang tanong nito. Pakiramdam ko ay ginigisa ako sa korte dahil sa mga tanong nito.

"I'm not part of the mafia. I'm just—" Napatigil ako. Ano nga ba ako sa mafia? What? Just once their prospect reaper. "Mahirap ipaliwanag. Ang masasabi ko lang ay may nalalaman ako."

"I still don't get it", wika niya. He's still not convinced about my identity. Tila naging maingat ito sa pakikipag-usap sa akin. "If you're part of the mafia, then you can't stop me from crashing your mafia. Even if you got the strongest wall, I will crash you."

I took a deep breath as I looked at him. Mababakas sa mukha niya ang apoy ng galit. "Look Zywon, whatever grudge you had against them, labas na ako doon. And I'm telling you, I'm not part of the mafia. Trust me."

He gave me a smirk. "Sorry but I trust no one."

"Fine. But expect to see more of me digging into these things. From the mafia, to these weird things here in Athena. Goodnight Zywon. Be careful not to encounter the seven wonders of Athena", wika ko at nagsimulang humakbang palayo. Tatawagan ko na lamang si Khael kapag nakarating na ako sa dorm.

"Amber Sison", tawag niya. Huminto ako ngunit hindi ako nag-aksaya ng panahon na lingunin siya.

"Don't make imaginary evils when you know there are real ones to encounter. Goodnight.", wika ni Zywon.

I sighed bago nagsimulang humakbang palayo sa kanya. I think I'm gonna have the adventurous two weeks here in Athena where danger awaits.

#

—ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top