CHAPTER 22: DEATH NOTE

Chapter 22: Death Note

There are darknesses in life and there are lights, and you are one of the lights, the light of all lights.
(Bram Stroker, Dracula.)

***

Parang kanina lang ay halos hindi pa ako makapaniwala na ang inaakala kong assessment test ay isa pa lang qualifying exam para maging exchange student ng Athena High. I don't know what Bridle is up to. I never heard such event before. Ngayon lang nangyaring may ipapadala silang mga exchange student. Athena and Bridle used to have a silent rivalry on which
school is the best. Or maybe such rivalry was just created by the students at hindi naman talaga iyon nag-eexist. Parang kanina lang din halos hindi kami makapaniwala ni Jeremy sa mga pinagsasabi ni Ma'am Saderna. But now it's all in front of us.

Kakababa lang namin sa harap ng Athena High School. The shuttle van with a big print of Bridle's logo caused some students to stop at hinintay na bumaba kami. I'm thankful na binigyan pa kami ng pagkakataong magbihis kanina dahil kapag nagkataong naka-uniform pa rin kami ay mas lalong makakaagaw atensyon. Binuksan ng guard ang malaking gate at sinalubong kami ng babaeng nakasuot ng eyeglasses at pencil skirt.

"Good Afternoon Miss Sison and Mr. Martinez of Bridle High School. We're already notified about your arrival. My name is Casie, the principal's secretary and I'll be your guide this afternoon. Enjoy your stay at Athena High School!"

Nagulat ang mga estudyanteng nasa paligid at nagbulong-bulongan. Mukhang nasorpresa ang mga ito tungkol sa pananatili namin sa Athena.
Well, know what freaks? Hindi lang naman kayo ang nasorpresa. Kami din ni Jeremy.

"Amber! Athena's students are scary. Mukhang mga asong ulol na anytime ay mangangagat", bulong ni Jeremy sa akin. "This is my first time here tapos ganyan pa ang tingin nila."

"Himala, nawala ang bestie mo", komento ko and he made a face.

"The endearment is least of my concern. I want to go back to Bridle now", wika niya at yumuko nang tiningnan siya ng isang babae mula ulo hanggang paa. Pinasunod kami ni Miss Casie sa kanya kaya sumunod kami. She brought us to the principal's office kung saan naghihintay ang matandang babae. Despite her old age, hindi maikakailang respetadong-respetado itong tingnan. She smiled at us at niyaya kaming maupo sa harap niya. May nakaukit na 'Atty. Melinda Quezon, Principal' sa kahoy na nasa harapan niya.

"You two must have been surprised by this new arrangement", wika ng babae. "Sorry, this is all so sudden. The purpose of this is to eliminate the imaginary rivalry between Bridle and Athena so we, kasama si Mrs. Roxas, Bridle's top regeant scheme this one which was also approved by Mr. Bridle himself. By the way, I'm Atty. Mel Quezon, Athena's principal."

"Of course Ma'am. We're not even given some time to bid goodbye to our classmates. Ako nga rin po pala si Amber Sison and this is my classmate, Jeremy Martinez", wika ko sa butihing ginang.

"Well, that's the rule. Para naman hindi kayo mag-alangan sa pag-alis niyo. The Athena's students who qualified the exam were also given no time to bid farewell", sagot ni Ma'am Quezon.

"I hope you don't mind if I ask, Ma'am, pero kasali po ba sa naqualified si Khael Alonzo?", tanong ko. Khael is famous in Athena kaya hindi malabong kilala ito ng principal. Baka kapag isa ito sa nalipat sa Bridle ay mahihirapan kami ni Jeremy dito dahil wala kaming kakilala.

"Oo nga pala no, si Khael yung unggoy! Taga-Athena nga pala yun", wika ni Jeremy at tiningnan ko siya nang masama. Agad naman itong tumahimik at tinakpan ang bibig.

"Ah. Mikhael Alonzo. Well Miss Altamira said he aced the exams but he got zero on the aptitude test which is our main basis on choosing our exchange students", sagot ng principal na ikinagulat ko. Khael got zero on the aptitude test? Paano naman nangyari iyon?

"Okay, enough chatting. Miss Sison, you'll be staying at the girls' dormitory. Meron ng nakalaang kwarto para sa iyo, and also you, Mr. Martinez-"

"Sa girls' dormitory din po ako?", nanlalaki ang mata na tanong ni Jeremy. What the?!

"No, syempre sa boys' dormitory ka at ang ibig kong sabihin ay meron naring nakalaang kwarto para sa iyo. As of your school uniforms", tiningnan nito si Miss Casie at kinuha naman nang huli ang mga nakahanger na uniform sa gilid.

"Two pairs for you Miss Sison and two pairs for Mr. Martinez. Kung may gusto kayong adjustments sa uniform ninyo, feel free to ask me para madala natin yan sa resident tailor ng Athena", wika ni Miss Casie at inabot iyon sa amin.

"You can now go on a tour around Athena. Casie will be with you", wika ni Mrs. Quezon at dinismiss kami. Matapos magpasalamat ay lumabas na nga kami ni Je sa opisina nito at inilibot ang buong Athena High kasama si Miss Casie.

Panay pa rin ang tingin ng mga estudyante at nagbubulong-bulungan pa ang mga ito. "Fiona, hindi ba't yan yung babae dun sa Bridle?", tanong ng isang estudyante sa kasama niya.

"Yung sa Olympus camp, naalala mo?"

Nakataas ang kilay na nagpukol ng tingin ang kasama nito sa akin. "Of course! How can I forget that face! He hit our Khael!"

"At nagpakarga pa siya kay Gray! Ang kapal ng mukha, hindi naman kagandahan!"

Hindi ko na lang sila pinansin at sumunod lang kay Ma'am Casie na panay ang kwento tungkol
sa mga pinupuntahan naming building. Malawak ang Athena at gaya ng Bridle ay may junior at senior department.

"Hayaan mo na yung mga babaeng iyon Bestie, inggit lang yun sayo", wika ni Je.

Nagtatakang tiningnan ko lang siya at nagkibit-balikat. I don't care about those girls. Eh ano ngayon kung hindi ako maganda? Hindi naman ako
nagpunta dito sa Athena para magandahan sila sa akin.

Medyo madilim na ang paligid nang ihatid ako ni Miss Casie sa dorm na paglalagian ko. I took a deep breath bago kumatok sa pinto at binuksan iyon ng isang babaeng makapal ang eyeliner. Bahagya akong napaatras dahil sa gulat nang makita ito.

"Hi! I'm expecting you! My name is Phobie Villarin, your roommate!", wika niya at niluwagan ng bukas ang pinto. I swallowed hard as I saw the room at halos gusto kong muling hilahin ang dala kong maleta at bumaba sa palapag na iyon.

The room was like a sorcerer's room. Itim ang mga kurtina maging ang mga table cloth. Itim din ang pintura ng dingding at mga pinto ng locker. May nakapile din doon na tila voodoo dolls at kung anu-ano pang mga creepy na bagay.

"I'm-Am-ber Si-son", wika ko at panay ang lunok nang laway habang iginagala ang paningin sa loob. She pulled my luggage at agad na ipinasok iyon sa loob. My God! Even the floormat and the rugs are black, maliban sa rug ng CR! Yung totoo, may lahi bang mangkukulam itong si Phobie?

"Wag kang matakot sa akin Amber. Mahilig lang talaga ako sa mga creepy na bagay. Please don't ever think na mangkukulam ako or what", wika ni Phobie. "By the way, that bed is yours", wika niya at tinuro ang isang kama. Itim din ang mga unan at bedsheet na naroon.

Napansin siguro nito na tinitigan ko lang ang kama kaya muli itong nagsalita. "Wag kang mag-alala. Bago yan, pinabili talaga yan ni Miss Casie para sa iyo. The bedsheet is doublesided. There's a white side kaya yun nalang ang gamitin mo kung hindi ka komportable dyan", wika niya. I smiled at her at lumapit sa kama. Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto. Hindi iyon kasinlaki ng kwarto namin nina Andi at Therese ngunit tamang-tama lang iyon para sa dalawang kama na naroon.

"Tagdadalawa lang pala ang nag-oocuppy sa mga kwarto dito?", I asked and Phobie shook her head.

"Ito lang ang kwarto na pandalawahan. The rest are good for three occupants", sagot nito. Bahagya akong napatango sa kanya. Kaya pala mas maliit kumpara sa kwarto namin dahil pandalawahan lang. "So wala kang roommate dito?"

"I used to pero umaalis sila palagi because they think I'm weird. Actually, the whole Athena thinks so", sagot ni Phobie. "Well yeah, I'm a freak but they don't have to despise me so much."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "What does that mean?"

"What I mean is I don't exist here. People in Athena act like I don't exist", wika niya. "That's because of me, being a weirdo. Gusto ko lang naman ng mga ganitong bagay, atleast I don't harm people."

Hindi na ito nagsalita pa at hinarap na lamang ang itim nitong notebook na may nakasulat na Death Note sa cover nito. Nag-ayos na rin ako ng gamit at binaligtad ang bedsheet. Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay naglinis na
rin ako ng katawan at nahiga sa kama. I texted Jeremy na hindi ako magdi-dinner dahil magpapahinga ako nang maaga. Nag-reply ito na wala rin daw siyang ganang kumain at maagang nag-goodnight. Nang mareceive ko ang text nito ay agad akong nahiga sa kama at nakatulog.

***


Agad kong hinanap ang classroom ng STEM-A base sa schedule na ibinigay ni Miss Casie kahapon. I just grabbed some milk in the cafeteria for breakfast at hindi ko rin naubos iyon dahil halos hindi ako makalunok dahil panay ang tingin ng mga estudyante sa akin.

Nakakapanibago rin na ibang uniform ang suot ko. Kung checkered ang blue skirt ng Bridle ay plain dark blue naman ang sa Athena. Ganoon din ang tela ng blouse at may pulang ribbon iyon na kasama. The black socks are just below the knee. Pagdating ko sa klase ng section A ay mukhang nagkakatuwaan ang mga estudyante. Maaga pa lamang ay may mga paper airplanes na na lumilipad at gayundin ang mga nilakumos na papel. I checked the label at the door dahil baka last section iyon at nagkamali lamang ako ng pasok but I'm not. I took a deep breath bago pumasok doon. The door made a loud sound dahilan upang tumahimik ang paligid at napadako ang tingin nilang lahat sa akin. It felt like the whole world stopped.

"Hindi ba't siya yung sa Bridle?", tanong ng isang babae.

"No doubt! That's her! Yung parang linta kung makadikit kay Gray!"

"Anong ginagawa niya dito at bakit nakasuot siya ng Athena uniform? Don't tell me- Oh no!"

"Girls, what do you think?", wika ng isang babae at nag-evil smirk. Ngumiti na rin ang mga minions nito at naglamukos ng papel.

"One, two, three! Fire!", sigaw ng babae at sabay-sabay nila akong binato ng mga nilamukos na papel. What the hell?! Is this how they welcome their new exchange students?! Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo and I was ready to give them a few punches ngunit naunang magsalita ang lalaking kanina lamang ay nakasalampak sa mesa niya.

"Is that how we welcome a new student?", sinamaan niya ng tingin ang mga babaeng nambato sa akin ng papel. Saka ko lamang napagtuonan ng pansin ang mukha ng lalaki. He was tall and manly in every manner. Matangos ang ilong nito at bagay na bagay dito ang maitim na mata na napaparesan ng makapal na kilay. As an overall assessment ay napakagwapo nitong tingnan lalo na at medyo snob ang aura nito.

"But Zy, she's a pain in the neck! Alam mo bang noong camping na hindi ka nakasama ay wala siyang ibang ginawa kundi ang landiin sina Gray at Khael?", wika ng isang babae. Napataas ang kilay ko sa sinabi. At kailan ko naman nilandi sina Gray at Khael?!

"I don't care Mara. And who are you to hit her even though those are just papers? Inagrabyado ba niya kayo?", tanong ng lalaki at napayuko lamang ang mga ito. The guy took deep breath at sinamaan lang ako ng tingin bago ito naupong muli at isinubsob ang ulo sa mesa.

Oh anong ginawa ko sa kanya? Labag ba sa kalooban niya ang ginawa niyang pagtulong sa akin? Edi sana ay hindi na lamang niya ginawa!

Bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Je at Khael.

"Special A!", Khael exclaimed and he hugged me right infront of his classmates. Sighs of frustration and jealousy filled the room. Agad kong inilayo ang katawan ko mula kay Khael bago pa ako mamatay sa sama ng tingin na ipinupukol ng mga estudyante sa akin. Saka lamang napansin ni Khael ang mga nilamukos na papel sa paanan ko. Pumulot siya ng isa at pumunta sa harap.

"Who did this?", tanong niya sa klase ngunit walang ni isa man na sumagot. Ang mga babaeng nambato kanina ay nakayuko lamang.

"Who did this Special A?", tanong ni Khael ngunit pinili kong pagtakpan na lamang ang nangyari. Baka kasi mas lalo lamang akong kamuhian ng mga babae kapag nagsumbong pa ako.

"Sino daw gumawa niyon Amber?", tanong ni Je but I just shook my head.

"Wala naman. Pagdating ko ay nasa sahig na ang mga iyan", wika ko at nang matahimik na si Khael.

"Are you sure?", paninigurado niya at tumango lamang ako. Bumukas ulit ang pinto at iniluwa niyon ang guro. Lumapit kami sa kanya at inabot ang schedule na binigay ni Miss Casie kahapon.

"Oh. So you two are the exchange students from Bridle. Introduce yourself in front please", wika ng guro. "Ladies' first."

Nagsimulang magbulong-bulongan ang mga estudyante nang marinig ang sinabi ng guro tungkol sa pagiging exchange students namin.

Tumayo ako sa gitna at huminga ng malalim bago nagsalita. "Hi everyone, I'm Amber Sison from Bridle High", wika ko. They waited for me to speak
more ngunit hindi ko iyon ginawa. I hate introduction.

"Iyon lang ba?", tanong ng guro and I nodded. "Okay, you sit beside Mr. Zywon Deltran."

Hindi na ito namilit pa at kapagkuway tinuro ang upuan na katabi ng lalaking nagtanggol sa akin kanina. Nakasubsob pa rin ang mukha nito at tila ba walang pakialam kahit na naroon na ang guro. Agad akong lumapit sa upuan na
katabi ng lalaki na Zywon pala ang pangalan. Sunod na nagpakilala si Je at pinapwesto na rin ito ng guro sa upuan na malayo sa akin. Nagsimula na ang english class ngunit nakasubsob pa rin ang lalaki kaya mahinang siniko ko ito dahil baka tuluyan itong makatulog.

"Hoy."

Nag-angat ito ng tingin at tiningnan ako ng masama. Hindi yata nito gusto ang iniistorbo.

"What?!"

"T-thank you for saving me back there", wika ko sa kanya. Kumunot lang ang noo nito na tila ba may sinabi akong masama.

"You don't have to thank me. And please, don't talk to me", wika niya at napataas ang isang kilay ko sa kanya. Antipatiko! Nag-thank you lang naman ako sa kanya! But I'm not giving up.

"Ako nga pala si Amber. Amber Sison", wika ko sa kanya ngunit hindi man lamang ito nag-abalang tanggapin ang pakikipagkilala ko. Kahit sobrang inis ko na ay hindi ko na lang ito pinansin at nakinig sa klase. Nang magbreak ay agad na sumama kami ni Jeremy kay Khael. Panay ang ngiti nito habang nakapamulsa.

"Mukha kang timang dyan Khael. Anong nginingiti-ngiti mo dyan?", tanong ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Masaya lang ako Special A", wika nito. "Nandito ka kasi kahit na may extra, okay lang." Bahagya niyang sinulyapan si Jeremy.

"Grabe ka dude ha! Gusto mong ma-solo ang bestfriend ko? Makakarating to sa nakakataas", wika niya at nagkunwaring may kausap sa telepono. "Hello Gray? May umaaligid kay Amber dito. Patayin ko na ba?"

"Sinasabi ko na nga ba espiya ka ni Silvan! Tsk!", wika ni Khael.

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kaming nakahanap ng pwesto na maaaring upuan.

"Yow dude. Bili ka nga ng makakain natin. My treat", wika ni Khael kay Jeremy.

"Inuutusan mo ba ako?", Jeremy asked.

"Hindi. Nakikiusap ako. Please dude", Khael said sarcastically.

"In one condition."

"What?"

"Sagutan mo ang quiz ko", nakangiting wika ni Je.

"Game!"

"Use guava in a sentence", nakangising wika ni Je.

Napakunot ang noo ni Khael. "Uh, I hate guavas?"

"Pwede na rin pero dapat tagalog." Pinanuod ko lang sila. Si Je nakangisi, si Khael naman ay seryosong-seryoso sa pagsasagot.

"Magiging bayabas kapag tinagalog ko", nakakunot ang noo na wika ni Khael.

"Hindi. Guava pa rin."

"Masarap ang guava?"

"Ganito dapat. Naiilang ako sa suot kong Athena uniform. MasaGUAVA? HAHAHAHAHAHHAHAHAHA!", Jeremy started laughing out loud at napatingin na ang mga nasa kalapit na mesa namin.

"You didn't inform me that it's just a pun Special A", nakapokerface na wika ni Khael.

I shrugged my shoulders at him."Uh, masanay ka na. He's always like that", wika ko.

"Hep! Ito na ang huli", wika ni Je. "Ano ang tawag sa puti ang kanang sapatos mo tapos itim naman sa kabila?"

"Another pun?"

"Just answer me dude", wika ni Jeremy

"Tanga? Ang laki-laki na mali pa rin ang sapatos", sagot ni Khael.

"Hmm. Malapit na doon. Konti na lang", Je said.

"Sirit na."

"Edi Malicious! Gets mo? Mali-Shoes! HAHAHAHAHAHA." Tumawa na naman ng malakas si Je samantalang napa-facepalm na lang si Khael.

"Tell me Special A, ito ba talaga ang pumasa sa qualifying exams ng Bridle?", he asked at napatango lang ako. Nagbigay na siya ng pera kay Je dahil pumayag na itong bumili. I
remember what the principal said yesterday kaya tinanong ko si Khael tungkol doon.

"Khael, naka-zero ka daw sa Aptitude test kahapon. Anong nangyari?", tanong ko sa kanya. Lumawak ang ngisi nito at bahagyang hininaan ang boses.

"Narinig ko kasi ang ilang teachers kahapon na nag-uusap tungkol dito. So naisip kong malaki ang tyansa na kayo ni Silvan ang makukuha kaya nagpa-zero ako sa Aptitude test. Baka kasi magkasalisihan tayo. Nandoon ako sa Bridle tapos nandito kayo", sagot nito.

Sinasabi ko na nga ba. Impossible naman yatang maka-zero ito sa aptitude test.

"Ang daya mo", wika ko sa kanya. He flashed his usual playful smile ngunit agad din namang sumeryoso ang mukha nito.

"Besides I can't leave Athena lalo na at may mga kakaibang tao at pangyayari akong napapansin", wika niya in a low voice. Napatigil ako at napatingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya.

"Athena's at risk, I guess. There was a time when I woke up at 3 am kaya lumabas ako ng dormitoryo and there I saw some guys. May mga dala silang mga kahon and I don't know what those are", he said in a low voice.

"Baka mga bagong libro o equipments for the school."

He shook his head. "That's what I thought at first ngunit kahit anong inquire ko ay walang kahit anong bago ang dumating sa Athena that week. I never saw such boxes again. Ang iba ay
umuusok pa. At ang ilan sa mga umalis na van ay may freezer so I'm thinking that they're really hiding something. Marami ring mga bagong mukha dito sa Athena. They were staffs at the laboratory and library pero hindi ko naman sila nakikita kapag may activity kami", kwento ni Khael at mas lalong naging interesado ako.

Athena High School has a secret? This is owned by the Vander Mafia right? Ano na naman ba ang pinagkakaabalahan nila?

Nagpatuloy sa pagsasalita si Khael. "Gray told me that this institution is owned by the mafia. Kahit hindi ko pa masyadong ma-grasp ang involvement ng mafia sa mga nangyayari sa paligid ko, I trust Silvan on some matters. He said the mafia won't do anything that can harm Athena's students but something happened lately na ipinagtataka ko. I haven' t told Silvan about this dahil hindi pa ako sigurado", bulong ni Khael. "Last week ay may estudyanteng tatlong araw ng nawawala. His name is Jayrold Masao. He's a known student here dahil kilala
siyang notorious na estudyante. He takes drugs, coccaine to be exact. The last time I can remember ay noong nasa gym ako at patagong natutulog. I heard the gym staff called him at
sinabing pinapapunta siya sa laboratory. And since that day he's gone missing hanggang sa nakarinig na lamang kami ng balita na may nakitang katawan ng estudyante na nasa tulay. He was shot dead at wakwak ang tiyan nito, it's like he undergone some operations."

Nagulat ako sa sinabi niya. "You think Athena has something to do with him?"

Khael shrugged his shoulders. "I don't know ngunit malaki ang posibilidad na ganoon." Tumigil sa pagsasalita si Khael dahil nakabalik na si Jeremy. May dala itong pizza at coke in can.

"Ito ang binili ko. Paborito to ni Bestfriend eh", wika ni Je at inilapag ang mga dala-dala sa mesa.

"I don't know that you're bestfriends", komento ni Khael.

"Me neither", wika ko which made Jeremy pout.

"Aray beh. Dineny ako", he said at nagkunwaring nasaktan. Just then the cafeteria door flung open at iniluwa niyon ang may menopause kong seatmate. Umupo ito sa bakanteng mesa at napasubsob ang ulo. Uh, pumunta lang ba siya dito upang matulog lang din? Napansin marahil ni Khael ang pagtitig ko sa lalaki kaya nagsalita ito.

"His name is Zywon Rocco Deltran. Silvan, him and I used to be bestfriends but then we fell apart at kami na lamang ni Silvan ang natira", wika ni
Khael.

"Bestfriends? The three of you? Bakit? Anong nangyari?", tanong ko.

"I don't really remember the details. Sa pagkakatanda ko ay Grade 2 kami noon. We're neighbors so we used to play together. Kapag abala ang mama at papa ni Silvan ay doon siya kina Zywon iniiwan."

"Tapos?", tanong ni Jeremy na nakiusyoso na rin pala.

"Iniwan sa kanila si Gray one time and they went to the mall but their car was ambushed. Some bad guys want to take Silvan away but Zywon's mom protected him till her last breath", kwento ni Khael.

"And because of that Zywon became mad dahil namatay ang mama niya?", tanong ko and Khael nodded.

"Exactly."

"Kawawa naman ito", bulong ni Jeremy.

"Don't pity him. Kapag narinig niya iyan mula sa iyo, I doubt kung makakapasok ka ng isang linggo sa pinsala mo sa katawan", wika ni Khael.

"Ganoon siya ka harsh?", Je asked.

"Yeah, so don't try to mess up with him or you will not like it."

Sinulyapan ko ito sa huling sandali bago hinarap ang pagkain na inorder ni Jeremy para sa akin.

My first day of class in Athena was fine lalo na at kasama namin si Khael. Malamang kung wala ito ay na-bully na kami. The afternoon was PE class at gaya ng school uniform ay nakahanda
na rin ang PE tshirt at shorts na binigay ni Miss Casie para sa amin. We all head straight to the gym.

Nakakalat roon ang mga arnis at bow and arrow. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang bow and arrow ngunit napasimangot bigla ng iniligpit iyon ng guro na si Mr. Monte. Uh, we're not gonna do archery?

May nakahanda na mat sa harap at tumayo doon si Sir Monte. "Good afternoon class at welcome sa ating exchange students. I'm Mr. Albie Monte and I am your PE instructor. By the way, for our exchange students, your PE teacher in Bridle must be Cornelia Saderna. She's a colleague of mine. Kung gaano ka-extensive ang PE training ni Cornelia, expect more on me", wika nito at bahagyang ngumisi.

"I don't like him", bulong ni Je sa akin. Tiningnan ko lang siya ng masama at muling humarap sa guro.

"Okay. For today, we have martial arts. Why don't we try our exchange students which was trained by my colleague?", tiningnan niya ang admission card na binigay namin sa kanya. "Let's have Amber Sison pair with Zywon Deltran."

Bigla na lamang napatayo si Khael at promotesta. "But Sir! We can't let Amber fight with Deltran! You see? Babae po si -"

"I don't need your opinion Mr. Alonzo, please take your seat", wika ng guro. "The names that I called, please proceed here in front."

Napalingon ako nang tumayo si Zywon. He's wearing a red PE shirt at jogging pants na siyang PE uniform ng mga lalaki. Tila hindi man lamang ito nagulat na ako ang ipinanlaban sa kanya.

"Sir, I volunteer myself! We can't let Deltran fight Amber. Alam niyo si Deltran, halos pumapatay na ito -"

"Last warning Mr. Alonzo. You'd better shut your mouth or else I'll see you at the detention", wika ng guro.
Hinawakan ko ang braso ni Khael nang poprotesta pa sana ito. He looked at me worriedly so I assured him that I'll be fine.

"Don't worry Khael. I'll be fine", wika ko at tumayo upang lumapit sa harap. Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang pagsuot ko sa shorts na PE uniform. My legs are shaking at halata iyon. May mga tumawa nang muntikan pa akong madapa dahil sa panginginig ng tuhod ko. Totoo nga kaya ang sinabi ni Khael na halos pumapatay si Zywon ng kalaban niya?

"Look at her, baka maihi na yan sa takot", natatawang wika ng isang lalaki.

"Oo nga Pare. Parang walang lakas yung legs oh", sagot naman ng isa. I prevented myself from shaking. God! Hindi umaayon ang mga paa ko.
Pinalayo ni Sir Monte ang mga estudyante upang lumawak ang magiging arena namin ni Zywon. He stood in front at nagsalita.

"Don't hold back. Fight with all your might. Ang maaalis sa mat ang siyang talo", wika nito at umalis sa harap.

"FIGHT!"

Nagsimula ng lumapit sa akin si Zywon kaya unti-unti akong napaatras hanggang sa makalabas ako sa mat which was the boundary. Pumito si Sir Monte at pinagalitan ako.

"Fight Miss Sison. Hindi ito atras challenge!", wika nito at napuno ng tawanan ang buong gym. This is too much humiliation! I need to fight back and save my ego.

Lumapit ulit si Zywon at sumipa ngunit agad akong nakayuko. God! He's not really holding back! Sa lakas ng sipa nito, malamang ay mababali ang buto ko kung hindi ko iyon nailagan. Sumipa ulit siya but I was able to
block it.

He gave me a jab at tumama iyon sa tiyan ko. I winced in pain ngunit agad ding nakabawi. I locked his arms at dalawang beses na siniko siya sa mukha. On my third hit, he was able to
pull himself. Inulan ko siya ng sipa. Wala akong pakialam kahit nakikita na ang suot kong cycling sa ilalim ng shorts ko. My aim is to make him step outside the mat.

Patuloy ako sa pagsipa ngunit patuloy rin siya sa pag-ilag. Hindi ko namalayan na nasipa niya ang isang paa ko, causing me to fall on my back. He was about to step on me but I rolled
myself at agad na nakatayo! Gosh! He really has no mercy! Kung nagkataong naapakan niya talaga ako ay daig ko pa ang mga nasagasaang palaka sa daan.

He gave me a hard kick at tumama iyon sa likuran ko. I was almost thrown out of the mat ngunit agad kong napigilan ang sarili ko. There's no way I will be defeated! I gave him a jab at tumama iyon sa sikmura niya. He was caught of guard at nagkaroon ako ng pagkakataong sipain siya sa ulo. I hit his ear at agad na dumugo iyon dahil nagkasugat.

His expression darkened at sinugod ako. He twisted my arms and I almost shout in pain. He twisted my arms habang sinasakal ako gamit ang braso niya. I was almost choking when I stepped hard on his foot. It has no impact so I decided to hit his knee instead. Agad naman niya akong nabitawan and I was then given a chance to punch him on the face. That's for choking me to death! My God! Mukhang wala talaga itong balak na buhayin ako!

Paulit-ulit na napaubo ako as I gasp for air! Damn this guy! Wala nga yata itong awa kahit pa sa babae! He throw a punch at dumapo iyon sa mukha ko!

That's it! I've reached my limit! Pakiramdam ko ay ako si Kagami Taiga na nakapasok sa zone niya! I felt the imaginary bolts on my eyes as I tried to attack Zywon. Walang makakapigil sa akin. Nahihilo ako sa suntok na dumapo sa mukha ko but I ignored it at nagfocus kay Zywon. Inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas sinipa siya ng ubod ng lakas sa mukha and Bingo!

He fell down outside the mat. I felt the cheers of the other students for me ngunit unti-unting lumabo ang paningin ko. I won the fight but I felt more like I lose. Well yeah, I won but I
have nothing to gain. Nakita ko ang pagbangon ni Zywon before everything turned pitchblack.

Nagising ako sa infirmary. I know it's the infirmary dahil nai-tour na kami ni Miss Casie dito kahapon. Bahagya akong gumalaw ngunit agad ding napangiwi ng maramdaman ang sakit ng katawan. Tinanggal ko ang kumot na nakatabing sa katawan ko and I frowned when I saw my legs and arms. Puno iyon ng mga nagvi-violet na marka sanhi ng mga pasa. Oh yeah. I just had a rough fight with Zywon. Napahawak ako sa labi ko nang maramdaman kong may masakit doon and I remembered the crunchy punch that Zywon gave me. Right on my face.

Bumukas ang nakatabing na kurtina at iniluwa niyon ang nakangiting mukha ng babae. "Hi! I'm Winona. I'm the school nurse. How are you feeling?", she asked with a smile.

"Never better. What happened?", I asked.

"You passed out at dinala ka dito ni Khael. They're not allowed here kaya ikaw lang mag-isa ang nandito."

"Pwede na ba akong lumabas?", tanong ko sa kanya.

"Well, that's if you're fine-"

"I'm better", wika ko at agad na tumayo mula sa kama.

"Okay. You wait for a while, magsusulat lang ako ng medical record mo", wika niya a umalis doon. Tumayo na rin ako at nagpunta malapit sa nakaawang na pinto ng office ng doktor. Bahagya akong sumilip at nakita ang lalaking nakasuot ng lab gown. Nakatalikod ito at may kausap sa telepono.

"Silence that girl. We still haven't perfected the nootropic at magiging sagabal lamang ang batang iyan. She doesn't exist here in Athena kaya hindi mapapansin ang pagkawala niya", wika ng lalaki.

Napaatras ako at nagkubli sa gilid ng nakaawang na pinto. Nootropic? Aren't those smart drugs or cognitive enhancers? Muli akong nakinig sa nakatalikod na doktor.

"Yes. Of course. Vander mafia will not know about this. We have them on our hands, don't worry. As long as the organization can perfect that nootropic ay mabubura na natin ang Vander Mafia. Of course. And that Gothic girl? Kill her right away", wika ng doctor and I was alarmed.

A Gothic girl that seems like who doesn't exist in Athena? It must be Phobie! Hindi ko na hinintay ang nurse at nagmadaling lumabas ng infirmary. I headed towards the room at gaya ng inaasahan ay wala roon si Phobie. The room wasn't like that when I left this
morning ngunit ngayon ay may kakaiba. The room seems so contrieved. Nakakalat sa kama ni Phobie ang kanyang mga voodoo dolls gayong bago ako umalis ay nakapile iyon sa headrest ng kama niya. Her huge doll was facing left! Sinundan ko ang tingin niyon and it was facing on the black lampshade. Napalapit ako doon at saka ko lamang napansin ang tila ink na natuyo at dumaloy sa katawan ng lampshade. May mga inkblot din sa mesa.

Dot.

Dot.

Dot.

Dash.

Dash.

Dash.

Dot.

Dot.

Dot.

Sa unang tingin ay mukhang mga inkblot lamang iyon at imposible namang coincidence lang ang pagkakabuo. It's the distress signal in morse code!

Dot. Dot. Dot. Dash. Dash. Dash. Dot. Dot. Dot.

No doubt it's an SOS from Phobie. Marahil ay nasa panganib nga ito. I was right on thinking that she's the gothic girl the doctor was talking about!

May nakalagay din na rubik's cube doon which is not complete. It was a mixture of the red and green colors that looks like the-

Napatingin ako sa ibaba ng pinto! It's the same as the rug on the CR! Agad akong lumapit doon and I found the notebook Phobie was holding last night under the rug. The one labelled Death note. Agad akong naupo sa kama ko at binuksan iyon.

If you're reading this right now, dalawang bagay lang iyan. You break through the clues that I left behind or you just happened to step on the rug. This isn't like the notebook of Ryuk who can kill whoever's name is written here. This is called a death note because my life is at risk as I am writing this. Yes, the more I write in this notebook, the more I risk my life.

Probably by now, I am a cold corpse thrown out somewhere by those bad guys. Well I'm not writing this to tell you the story of my life. Let's go straight to the point.

It was December 11 of last year-

Napahinto ako sa pagbabasa. December 11 was my birthday. It was very tragic due to Marion's illness which caused peril not only to me but also to my friends. It still bring back bad memories kaya iwininaksi ko iyon sa isipan ko at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa.

It was December 11 of last year when I first saw them. Doctors. I thought they're doctors because they're wearing lab gowns but then I realized that they're scientists and they're part of a group they always call 'organization.'

They're making some drugs. At first I thought that they're smuggling diamonds but when I had the chance to get a fistful of those blue diamonds, I figured out that they're drugs. Those blue packs are drugs.

Blue packs? Hindi ba't iyon din ang dahilan kung bakit pinatay ang apat na malalaking tao sa fake inauguration ng museum? Those packs are troublesome and my curiousity made me read more.

Those are drugs that enhances the cognitive aspect of individuals. I know how it works because I can hear every conversation clearly at the secret laboratory behind the hideout of a freak like me. The drug's aim is easy. To control the cognitive aspect of individuals making him so smart to the point that he can see signals and waves travelling. In other words, the drug that they are designing is to make people monsters. As of now, the drug isn't perfect yet. The only thing that it can do is to allow people read ahead others' possible actions. Ginagawang sobrang talino ng drugs na iyon ang isang tao. I know it because I have tried it myself. I sniffed the drugs that I got and it was so good. I should say that it felt like I'm God myself. Pakiramdam ko ay ako si Lucy and I know all things. Hell, those drugs are really incredible but the adverse effects are really dangerous. They destroy human cells and prevent our body from creating anti-bodies. The year ended and I forgot about Athena and those drugs until the next school year entered. They're back again and this time, the drugs had levelled up. It's still the same blue smart drugs only that it became wicked. The organization's aim now is to use the drugs against some mafia groups. They want to use the drugs to some people who can apprehend the mafia's works with the help of the drugs even if the adverse effect is death. What's more is the drug melts all the cells in the body and nothing will be left, not even a trace.

Mas lalo akong kinabahan sa binabasa ko kaya agad ko iyong naisara nang bigla na lamang may kumatok. Tinago ko sa ilalim ng unan ang notebook bago ko iyon binuksan.

"Khael Alonzo is waiting for you downstairs", nakataas ang kilay na wika ng babae. Tumango ako sa kanya at tinago ang notebook bago bumaba. I'll read the notebook later at kakausapin ko din sina Cooler tungkol doon.

Right this very moment ay tila sasabog ang utak ko dahil sa mga nalaman ko tungkol sa drugs na iyon. Agad akong lumabas ng kwarto upang harapin sina Khael at Jeremy.

#

-ShinichiLaaaabs.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top