CHAPTER 21: LIGHTS, CAMERA, MURDER!

Chapter 21: Lights, Camera, Murder!

It was Lowie Mondino. The one who stuffed the mouth of the guy from the martial arts club with the food which was deliberately poisoned by Angelo. He was a known bully at Bridle bago
ito umalis ng Bridle. And he just dropped a folder with that blue pack inside. It might be the reason why those four people inside were killed.

Iwinaksi ko muna sa isip ko si Lowie. Sumakay na kami sa kotse ni Gray at pinakinggan ang autorecorded voices na mula sa listening device na dinikit ni Gray sa damit ni Ma'am Julianne. Those guys who got Ma'am Julianne are our primary concern as of now. There were some incomprehensible sounds hanggang sa unti-unting nabuo ang mga boses.

"Maawa po kayo sa akin. Wag niyo akong sasaktan!"

"Cut out the drama Julianne. We've done our charade. Damn those kids for meddling! Wala sanang naiwan na maaring makapagturo sa organisasyon! That museum should have been blown up by now kung hindi lang nakialam ang batang lalaki na iyon! How did that f*cking bastard know that there were bombs under those tables? And how does he f*cking know how to disarm them?!"

"Tumahimik ka MN. Nandoon na iyon, wala na tayong magagawa so you better keep your mouth shut."

"How can I shut my mouth. That girl shoot me with a f*cking arrow! Both of them are on my death-"

"I said shut up! We've been bugged."

"What?"

Hindi na namin narinig ang iba pang pinag-usapan ng mga ito dahil bigla iyong naputol. Masakit sa tenga ang mga sumunod na tunog kaya agad kong tinanggal ang headset sa isang tenga ko.

"Shit! Let's follow them! That bug has transmitter in it", wika ni Gray. He tossed me the phone at nagmamadaling nagmaneho. He's fast but very careful in driving.

"Turn left", wika ko habang mino-monitor ang takbo ng red dot sa cellphone ni Gray. Math's device is very useful. Mabilis ang takbo nito kaya marahil ay nasa kotse pa rin ito. "It's heading east Gray."

Patuloy lang sa pagmamaneho si Gray at ako naman ang taga-bigay ng direksyon. We have no idea how long we've been following the transmitter at hindi namin namalayan na nakalayo na pala kami sa syudad. Patuloy pa rin ang paglayo ng kotseng sinusundan namin hanggang sa unti-unti itong humihina.

We're almost there. Malapit na naming maabutan ang kotseng sinasakyan nina Ma'am Julianne at ng mga kasama nitong sina PB at MN. Who would have thought na kasama pala nila si Ma'am Julianne and that inauguration was just a front for them to kill some people
and blow up the underground museum? Pero bakit kailangan pa nilang magfake ng isang private museum inauguration para lang doon? Bigla na lamang huminto ang takbo ng sasakyan kung nasaan ang transmitter.

"Gray! It stopped! Drive straight ahead!", wika ko sa kanya and he nodded. Binilisan niya ang
takbo at nang marating namin iyon ay isang sasakyan iyon na puno ng basura. Agad siyang lumabas at tiningnan ang driver ng sasakyan.

"Damn!", bulalas ni Gray nang mapagtantong naisahan kami nina Ma'am Julianne. "They discovered it." Frustrated na naupo siya muli sa driver's seat. I wonder how he was able to put the bug on Ma'am Julianne at bakit niya naisipang gawin iyon kaya tinanong ko siya tungkol doon.

"It was when we're in front of the paintings. Habang matagal kong tinitingnan ang paintings, I've figured out that those were counterfeits", wika niya.

"Really? Paano mo nalaman?"

"By simply looking at the paintings. Hindi mo ba napansin na iba ang kulay ng mga canvas? I mean they're not that old tingnan. The painting is as good as the geniune one but the colors were bright", wika ni Gray. He's really good at it at halos wala siyang pinalampas na detalye. "Now, let's go back."

Mukhang masyado nga kaming napalayo. Hindi na pamilyar ang tinatahak naming daan at malapit na ring dumilim. Napahinto si Gray nang makitang may nakaset up na mga camera sa gilid ng daan. May mga nakatayo ring tent at abala sa sine-set up.

"Oh, ba't ka huminto? Gusto mong manuod ng shooting?", tanong ko sa kanya. Napatingin din ako sa labas. Base sa nakikita ko ay may gagawin na taping at doon ang setting.

"No. I think I saw someone I know there. Bababa ako saglit to say hi, okay lang ba sayo?", Gray asked at tumango ako sa kanya.

Bumaba siya ng kotse at doon ko na lang siya hinintay. Ilang saglit din ang lumipas bago ito bumalik at may kasamang lalaki. He knocked on the window kung saan ako nakaupo. Agad
ko naman iyong binuksan at lumabas ng kotse.

"Amber, kaibigan ko nga pala, si Direk Harrod. Direk, classmate ko po, si Amber", pakilala ni Gray sa amin ng kasama niyang lalaki. He's a tall guy wearing glasses. Halata sa mukha nito
ang pagiging istrikto. Bahagya itong ngumiti at inabot ang kamay sa akin.

"Hi Amber. I have a little request, if you don't mind. I'm making an indie film about a story of a woman. All her hardships in life as a hostess and tonight, on this set ay isho-shoot namin ang eksena ng proposal and I requested Ivan to stay over for the night. Gusto ko kasi siyang gawing double para sa previous guy namin na may sakit at hindi makakapunta dito. They're of the same built and haircut kaya he's perfect for the role. Konting eksena lang naman at nakatalikod pa. Kung okay lang sana sayo na manatili muna", mahabang wika ng direktor.

"Okay lang naman po kung okay lang din kay Gray", pag-aalangang wika ko. Napangiti naman ito at niyaya na kami papunta sa set upang makilala ang casts at crew.

"This will be my second time being a double dahil sa request ni Direk Harrod", kwento ni Gray sa akin habang naglalakad kami.

"Talaga? Sana nag-artista ka na lang. Papasa ka naman dahil gwapo ka naman", wala sa sariling sagot ko.

"Sabi ko na nga bang nagagwapohan ka sa akin", natatawang wika nito. Nasa malawak na oval kami at medyo madilim na ang paligid.

"Yabang nito oh", wika ko at natawa naman ito. "Pero seryoso, pwede naman talaga."

"Nah. Showbiz is not my thing. I want to be an engineer.", wika niya. I was expecting that he would say I want to be part of the police. O kaya naman ay sabihin niyang I want to have my own detective agency someday.

"I thought you want to be a detective", wika ko.

"I do but I want to have a real profession and that's engineering", wika niya. Hindi ko na siya sinagot pa dahil narating na namin ang tent
kung nasaan ang mga artista. They're not known young celebrities pero kilala daw sila sa mundo ng indie films.

The first girl was Katrina Olaza, the main lead. She's 21 years old ngunit napakamature nitong tingnan. Panay ang ngiti niya kay Gray. Kasama rin nito si Nica Ramara, ang gumanap na bestfriend ni Katrina sa film. There were also three guys present at isa roon si Ryan Ignacio. He was the leading man na tatanggap pa rin kay Katrina kahit pa gaano karaming lalaki na ang dumaan sa buhay nito dahil sa pagiging prostitute nito. He's a tall guy na may morenong balat. Isa pang lalaki ay si Bernie Rosero. He's cute and fluffy like a bear dahil medyo chubby ito. In the indie film, he is a rich man who Katrina always entertains at the beerhouse that she's working. Ang huling lalaki ay ang 20 years old na si Kent Torres. He is handsome, yung tipong kababaliwan ng mga babae.

Nakilala rin namin ang camera man na si Kuya Jun kasama ang mga assistant nitong sina Denden at Maymay. There is also the make up artist na si Erna. May pagkain sila sa set kaya nakikain na rin kami doon. Matapos kumain ay hinintay na lamang nilang dumating ang isa pang crew na kumuha ng mga damit at singsing na naiwan nila sa previous set.

Nagpaalam muna si Ryan na maidlip sandali para gumaan ang pakiramdam nito mamaya kapag nagsimula na ang taping nila. Pumasok ito sa tent na hindi kalayuan sa tent na pinagkainan namin.

"Magpapahangin lang din muna ako", wika ni Bernie at ito naman ang umalis. Naglakad ito palayo sa tent.

"Gray, paabot naman please nung chicken oh!", maarteng wika ni Katrina. Napapansin kong kanina pa ito Gray nang Gray. Lahat na lang ay inaasa nito kay Gray kahit na abot na abot nito ang ulam. Kulang na nga lang ay magpasubo ito. Nakailang subo lang ako at inilapag ang kubyertos ko. I'm not in the mood to eat.

"Tapos ka na?", tanong ni Gray at simpleng tango lang ang itinugon ko sa kanya.

"Gray, marunong ka bang magbalat ng hipon? Turuan mo naman ako", maarteng tawag ulit ni Katrina.
Aba! Tanggalin mo lang ang ulo girl tapos kainin mo, ganyan ang ginawa ng iba diba? Ganyan yan! Ako nga na di kumakain niyan alam ko kung paano! Ang arte-arte nito!

Tumayo si Kent mula sa mesa.
"Magpapahangin din muna ako at maglilibot sa paligid, Direk.", paalam nito sa direktor.

"Oh sige, tatawagin na lang namin kayo mamaya", wika ng direktor. Nagpaalam na rin si Kent sa amin.

"Maymay, samahan mo naman ako", wika ni Nika sa isa sa mga assistant.

"Saan naman?"

"Doon sa public CR. Please?", pagsusumamo nito.

"Ew Nica! Pooping after eating, that's gross", wika ni Katrina.

"Hindi ko na mapigilan eh. Pake mo ba Kat?", tanong ni Nica. "Halika na Maymay, ang sakit na talaga ng tiyan ko, tsaka magdala ka na rin ng gamot please."

Pumayag naman ang assistant at sinamahan ito sa CR na hindi masyadong kalayuan. Hindi kalaunan ay tumayo ako at nagpaalam na maglalakad-lakad muna sa paligid. Dumaan ako sa mga tent kung saan nagpapahinga ang iba.

Nagulat ako nang makasalubong ko si Bernie. Nakasuot ito ng kanyang hoody jacket. Akala ko ba magpapahangin muna ito? Eh bakit nakajacket? Hindi ko siya kinausap dahil hindi rin niya ako kinausap kanina. Simpleng ngiti lang ang iginawad ko sa kanya na tinugon niya ng pagyuko. Nilagpasan na niya ako at nang lingunin ko siya ay patungo siya sa direksyon ng mga tent. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

I sat on the grass at tumingala sa langit. Maybe that's the reason why Direk Harrod chose this oval para sa proposal. Napakagandang tingnan
ng mga bituin. I felt someone sat on my side at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Kent.

"Hi!", nakangiting bati niya. "I hope you don't mind if I sit here."

"Of course I don't. Hindi ko naman pagmamay-ari ang oval", sagot ko sa kanya. He gave me his sweetest smile pero wala iyong epekto sa akin.

"Oh, by the way, kausap nina Direk at Katrina ang kasama mong lalaki. How rude of him, iniwan niyang mag-isa ang magandang babaeng katulad mo", wika nito and I almost raised my brow. Galawang manloloko.

"Okay lang", tipid kong sagot. Gray and Direk Harrod need some time para makapag-usap. Ayoko rin namang palaging dumikit kay Gray.

Biglang may huminto na kotse sa tapat namin at bumaba roon ang isang babae. Marami itong bitbit at tila ba nagmamadali.

"Oh Kent? Nasaan sina Direk? Naku! Pasensya na talaga, traffic kasi", wika ng babae at nagmamadaling pumunta sa direksyon ng mga tent kung nasaan ang iba.

"Oh, that was Chenie", wika ni Kent nang makalayo na ang nagmamadaling babae. Tumango ako sa kanya bilang tugon.

"Balik na tayo doon?", he asked me nang bigla na lamang itong tinawagan. Tumango ako sa kanya at sumunod papunta sa mga tent.

Pinapaligpit na ni Direk Harrod ang mesa pagdating namin doon. Nakabalik na rin sina Maymay at Nika.

"Tawagin niyo na sina Bernie at Ryan", wika ng direktor. Abala ito sa pagtitingin sa script at nagseset-up naman ang mga assistant nito. Inaayos naman ni Kuya June ang hawak na camera.

"Ito na pala si Bernie oh", wika ni Erna nang makita ang papalapit na si Bernie. Lumapit si Gray sa akin at tinanong ako. "Okay ka lang ba? Mukha ka kasing matamlay."

I gave him a nod. "Pagod lang siguro ako."

"Pasensya ka na. Sana pala hindi na lang ako pumayag sa request ni Direk", paghingi niya ng dispensa. He doesn't have to. Okay lang naman sa akin. Dapat nga siya ang magpahinga muna dahil siya naman ang may sakit.

"Dapat magpahinga ka rin. Baka nakakalimutan mong tumakas lang tayo sa infirmary Gray", paalala ko sa kanya and he chuckled.

"I'm feeling better lalo na at kasama kita", he said and I blushed. Mabuti na lang at madilim ang paligid kaya hindi masyadong halata.

"Denden tawagin mo na si Ryan!", utos ng direktor. Nagmamadali namang tumakbo si Denden at pumunta sa isang tent ngunit bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na pagsigaw.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH­
HHHHHHHHHHHH!!"

It was Denden. Agad kaming napasugod doon at nagulat kaming lahat sa nakita namin. Nakahiga sa sahig si Ryan at puno ng saksak hindi lamang ang katawan nito kundi maging ang mukha nito!

"Direk! Call the police right away!", wika ni Gray at pinaalis ang lahat doon. Kalunos-lunos ang kinahantungan ng katawan ni Ryan. Kung sino man ang gumawa niyon ay malamang malaki ang galit nito dito.
Nagpaiwan si Gray sa loob at inimbestigahan ang pangyayari. I can't stand to see the murder kaya pinili kong hindi makialam sa pag-iimbestiga ni Gray. Muli itong lumabas at tinananong ang lahat tungkol sa kanya-kanyang alibi.

"Nasa tent tayo ng mga sandaling iyon Gray", wika ni Katrina.

"Ako naman ay sinamahan ako ni Maymay doon sa CR", wika ni Nika at kinompirma iyon ni Maymay.

"I'm at the roadside. Doon ako nagpahangin", wika ni Bernie. Nagtaka ako sa sinabi niya. He's lying, nakasalubong ko siya kanina.

"Who can confirm your alibi?", tanong ni Gray sa kanya.

"No one dahil ako lamang mag-isa doon", sagot nito.

"Then we'll not consider that alibi."

Bigla na lamang itong nagalit. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang yabang mo ha! Bakit, bahagi ka ba ng police? Kung makapagsalita ka akala mo kung sino kang batas!", naiinis na wika ni Bernie. Mukhang nagalit na talaga ito.

"I'm neither part of the police nor the law but I represent justice", mahinahong sagot ni Gray dito. Bumaling siya sa iba at tinanong din ang mga ito.

"I had a little stroll with Amber, right Amber?", tanong ni Kent sa akin at kinompirma ko naman ang sinabi nito.

Tatlo kasama si Bernie ang hindi makompirma ang alibi. Si Kuya Jun na cameraman, si Erna at si Bernie. Hindi nagtagal ay narinig na namin ang busina ng police car. Agad na nakipagtulungan si Gray sa pag-iimbestiga.

"Gray? I have something to tell you", wika ko sa kanya. Niyaya ko siya sa gilid na walang makakarinig sa amin.

"Nakasalubong ko si Bernie kanina. He's walking towards this tent."

"Yeah, he's very suspicious too", pagsang-ayon ni Gray.

"But I'm not sure if it's him", nag-aalangang wika ko sa kanya. Nagtatakang napatingin naman siya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?", he asked.

"Nakayuko kasi siya nang nginitian ko siya. Nakasuot din siya ng hoody jacket and I'm not really sure if it's really him Parang may kakaiba kasi", wika ko.

Napakunot-ang noo ni Gray. "What do you mean? Anong kakaiba sa Bernie na nakasalubong mo kanina?"

"He- he's holding his chest. Bahagya kasi siyang yumuko sa akin kanina and he's holding his chest. Well, that's what girls usually do. Kapag yumuyuko kami, madalas naming hinahawakan ang - ang dibdib namin", wika ko sa kanya.

"Thank you for that Amber. I just have to check something", wika niya at nagpaalam sa akin. Nagsimula nang mag-imbestiga ang mga pulis sa loob ng crime scene kaya medyo lumayo muna ako doon.

"You want to stroll around? I can walk with you habang hindi pa nagsisimula ang pagsho-shoot dahil sa pag-iimbestiga ng mga pulis and I doubt if ipagpapatuloy pa ito lalo na't patay na si Ryan."

Napatingin ako sa nagsalita. It was Kent Torres. Tamang-tama. Gusto kong maglakad-lakad pero natatakot lang ako dahil baka may ahas o kaya ay ligaw na hayop sa paligid. But with Kent's invitation, bumalik ang kagustuhan kong maglakad-lakad sa paligid.

"You don't mind?", I asked and he nodded. Matamis ang ngiting iginawad nito. Sa kanilang tatlo na bahagi ng indie film ay ito ang pinakagwapo.

"Of course", nakangiting wika niya at inaya na akong maglakad. Agad kaming naglakad palayo sa tent.

"Let's walk away on the crime scene. I hate police." Bahagya lang akong napangiti sa sinabi niya.

Sa tatlo ay ito lamang ang nakakausap ko. Mukhang mahilig itong nakipaghalu-bilo sa mga tao.

"So, how old are you Amber?", tanong ni Kent. He's walking beside me.

"I'm 18."

"Really? You look young."

"Thank you."

Bahagya itong natawa. "Seriously, you really look young. Mukha kang 16 pa lamang."

"But I'm really 18. I'm turning 19 this year, though.", wika ko sa kanya. Ano bang problema ng mga tao sa edad ko? Siguro magdadala na ako ng ano mang katibayan na magpapatunay na disiotso na ako.

"Okay, I believe you. College student, I presume", wika niya.

"Ah. I see. Do you have a boyfriend?", he asked and I shook my head. Napalingon ako sa set. Medyo napalayo na pala kami at medyo may kasukalan na ang ibang mga damo doon. Umalis na rin ang isang police car.

"Weh? Sa ganda mong iyan wala kang boyfriend?", tanong niya ulit sa akin.

"Wala naman talaga", sagot ko sa kanya. He gave me a sexy smile at hinapit ako sa beywang. Nanlaki ang mata ko nang ibaba niya ang mukha niya sa mukha ko.

"So, it's fine for this since wala ka namang boyfriend", he said in a husky voice kaya bigla ko siyang naitulak. Mas lalo naman itong napangiti ng tila nakakaloko.

"Fierce. I like that. It's turning me on." Lumapit siya sa akin at hinila ako. Agad ko siyang sinipa sa tuhod dahilan upang mapaluhod ito sa lupa.

"You bitch! I know you will enjoy this. Nagmamatigas ka pa, well, go ahead and resist. Later you'll be screaming my name in pleasure", he said and I'm so disgusted.

Tinangka kong tumakbo ulit ngunit nadapa lang ako at bigla niya akong dinaganan.

"Get off me devil!!!", I shrieked. Malakas ang kabog ng dibdib ko. I'm so scared. I've never been this scared before.

"You will never forget this Amber. Alam ko namang gusto mo rin to. Don't worry, atin-atin lang to", wika niya at pinunit ang damit ko, exposing my black brassiere. I felt his hot breath on my neck at naramdaman ko din ang
mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko. God! Why am I in a situation like this?!

"GRAAAAAAAAAAAAAY!", I shrieked his name and I felt so helpless. Gray is busy investigating the case right this very moment at malayo rin kami sa set kaya malabong may makarinig sa sigaw ko. My mind was empty at paulit-ulit na sinigaw ko ang pangalan ni Gray. Muli kong narinig ang tunog ng napupunit kong damit. I can feel Ken's wet kisses on my neck and shoulder.

This dress was the one Gray and I bought for the museum inauguration. Who would have thought that it would cause my bad luck? I can't hear anything maliban sa paghikbi ko. I
screamed Gray's name again kahit na alam kong hindi naman niya iyon maririnig dahil malayo kami sa set. Naramdaman ko na lang ang paggaan ng pagkakadagan ni Kent sa akin and to my surprise, I saw Gray's furious figure.

"I WILL KILL YOU BASTARD!", galit na galit na wika nito. Napaupo ako at niyakap ang sarili ko. I pity this dress that I'm wearing. Hindi na iyon magagamit pa.

"Wait, kagustuhan iyon ni Amber!", wika ni Kent matapos itong sinuntok ni Gray sa mukha, causing him to fall on the ground. Nagtangka itong tumayo ngunit agad itong pinaulanan ni Gray ng tadyak.

"I DON'T CARE! YOU SHOULD HAVE STAYED AWAY FROM HER!", wika ni Gray at patuloy na pinagsisipa si Kent. Patuloy lang din ako sa pag-iyak habang pinapanuod sila

"Kagustuhan namin iyon ni Amb-" Bigla na lamang itong dinaganan ni Gray at paulit-ulit na pinagsusuntok ang mukha

"DON'T YOU DARE MAKE ANY LIES IDIOT! SHE'S NOT WHAT YOU THINK SHE IS!", wala na sa sarili si Gray. Hindi na halos maipinta ang mukha ni Kent dahil sa pagkakagulpi ni Gray dito.

"Diyos ko Ivan! Baka mapatay mo si Kent!", nag-aalalang wika ni Direk Harrod na naroon na din pala.

"I DON'T CARE! THAT'S WHAT I'M DOING! I WILL KILL THIS BASTARD!", wika ni Gray and this time ay natakot na ako. I'm scared, not for me but for Gray. Natakot ako na baka anong magawa niya kay Kent. Bigla itong napahinto at napatingin sa akin.

Umalis siya mula sa pagkakadagan kay Kent at nilapitan ako. He pulled me up at walang sabi-sabing hinila ako. Nilagpasan lang niya ang pagtawag ni Direk Harrod sa kanya at pakaladkad na hinila ako. I can't stop my sob kaya napahinto siya at tiningnan ako. His face was very angry. Pawis na pawis din ito.

"Please stop crying Amber. I can't forgive myself dahil sa nangyari sa iyo and your tears make me regret every single second na iniwan kita kasama ang hayop na iyon!", wika niya. I never saw him this angry. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at huminga siya ng malalim.

Hinubad niya ang suot na polo at pinausot iyon sa akin, making him topless. Pagkatapos ay muli niya akong hinila papunta sa sasakyan niya. Sumakay naman ako doon at niyakap ang sarili ko. I'm not crying anymore. Nawala na ang takot ko para sa sarili kanina mula nang dumating si Gray.

Sumakay rin siya sa driver's seat at nakatingin lang sa harap ng manibela. Bahagya niya akong sinulyapan ngunit muli ring nagbawi ng tingin. Hinubad ko ang polo niya at binalik iyon sa kanya. Nakakailang kasing tingnan na sapatos at pantalon lang ang suot nito.

"I think you need this more. Thank you for saving me back there", wika ko at hinintay na abutin niya ang damit ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Don't do it again Amber. Wag kang basta-basta sumasama sa lalaking hindi mo kilala. I'm not always there to help you", wika niya.

Napayuko ako. Aminado akong kasalanan ko. "Sorry."

"Promise me that you won't do it again", wika niya. He looked at me with his pleading eyes. "Promise me Amber."

"I- I promise", wika ko. He then pulled me to a hug as he caressed my hair.

"I'm really sorry Amber Pinapangako ko ring hinding-hindi na ito mangyayari pa as long as you're with me", he said and his words are reassuring as ever. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at muling inabot ang polo niya.

"Magbihis ka na", wika ko ngunit sa halip na abutin iyon ay muli niyang ibinalik iyon sa akin.

"Mas kailangan mo yan", wika niya at pinasadahan ako ng tingin. Oh, well yeah. I guess I really need it. Muli kong ibinalabal iyon sa katawan ko at tiningnan siya.

"Have you solved the case?", I asked, trying to light up the mood inside the car.

"Yeah. Nica killed him", simpleng sagot niya.

"Nica? But she's in the CR and Maymay confirmed that alibi right?", tanong ko.

Tumango siya. "She made Maymay wait outside the CR at iniwan niya ang cellphone na
nakabukas habang pinapatugtog para kunwari nasa loob siya but the truth is she snuck outside from the back, dressed up in a big jacket of Bernie at paulit-ulit na sinaksak ang biktima. She can't deny it dahil may naiwang ebidensya laban sa kanya. It was a thread from Bernie's jacket. Hindi na rin niya iyon dineny. Inamin niya ang lahat dahil galit siya kay Ryan. They're in a relationship but Ryan cheated at siya pa ang na-badmouth sa mga tao", paliwanag ni Gray.

Napaisip ako sa nangyari kina Ryan at Nica. Their relationship was destroyed by a beast called cheating. Another beast possessed Nica which made her kill Ryan.

"So much for today. Let's go home", sumulyap siya saglit sa relo. "It's 11 already. Tumuloy na lang tayo sa mansion para makahiram ka ulit ng damit", wika ni Gray at agad na pinaharurot ang kotse.

***


After what happened yesterday ay mas naging maingat ako lalo na sa pakikipag-usap kahit kanino. I refused to take charges against Ken para na rin sa privacy ko.

Maybe I should be back to the old Amber. The one they called nerd. Yung walang masyadong kasama kundi libro. Hindi nagsasalita kapag hindi kinakausap. The old me.

Pagdating namin sa Vander mansion kagabi ay wala roon sina Cooler at Ryu o maging ang mga reaper. Mga katulong lamang ang naabutan namin doon kaya naging payapa ang pananatili namin doon buong gabi.

"Good morning!", masiglang bati ni Math. Kadarating lamang nito at ako pa lamang ang nasa upuan namin. She kissed my cheek at agad naupo sa pwesto niya.

"Nawala kayo ni Gray kahapon doon sa infirmary, saan kayo nagpunta?", she asked. Napakurap ako ng ilang beses. Sasabihin ko bang pumunta kami sa isang fake inauguration?

"We went somewhere and tested your device Math", wika ni Gray. Kadarating lang nito. Inilapag niya ang kanyang backpack sa mesa at agad na hinarap kami.

"Really? And?"

"We went to an inauguration which was actually a hoax. Naisihan nila kami but atleast we were able to know that Ma'am Julianne was one of them. They're talking about an organization", wika ni Gray.

It piqued Math's interest. "Organization?"

"Yes and they have something to do with a blue drugs. Iyon ang dahilan kung bakit may apat na taong pinatay kahapon", wika ni Gray.

"Hoy, anong binubulong-bulong ninyong tatlo dyan? Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?", wika ng kadarating na si Jeremy. Umayos kaming tatlo ng upo. As much as possible, we don't want Jeremy to be involved in the cases that we were facing.

"Hindi no. Bakit ka naman namin pag-uusapan Jeremy?", wika ni Math nang pumwesto na si Je sa tabi niya.

Je shrugged his shoulders. "Aba, ewan ko sa inyo. Baka pinag-uusapan ninyo ang pagiging mabait ko. O baka nagpa-plano kayo kung paano ako talunin sa paggawa ng mga stimulating quizzes. And speaking of it, I have a quiz for everyone", nakangiting wika nito.

Parehas kaming napangiwi ni Gray samantalang si Math lamang ang tila interesadong nakinig dito. "Bakit kayo ganyan Gray? Bestie Amber? Stimulating naman talaga ang mga naiisip kong quizzes and riddles ha."

"You means puns", wika ni Gray. Oh yeah. Si Jeremy lang yata ang natutuwa sa mga puns niya.

"Just hear me out", he said with a pout.

"Fine. Shoot."

"Okay. Eto ah. Brace yourselves. Ano ang tawag sa saging na nasa stick?", he asked.

"Banana cue", sagot ni Math. Pumalakpak si Jeremy.

"Galing naman. Eh ang camote?"

"Camote cue."

"Galing pa rin. Yung karne na nasa stick?"

"Barbecue?"

"Very good! Eh yung kabayo na nasa stick?", Jeremy asked at napatingin si Math sa amin, as if she's asking for help na parehas namang ipinagkibitbalikat lang namin ni Gray.

"Ewan", wika ni Math. "Ano bang tawag? Meron bang ganoon?"

Jeremy smirked. "Syempre meron. Carousel! Diba nasa stick yung kabayo sa carousel? Edi Carousel ang sagot! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!", he started laughing hard na para bang aliw na aliw sa sinabi niya. Nagkatinginan lang kaming tatlo ngunit walang ni isa man ang tumawa sa amin.

"You don't find it funny, do you?", tanong ni Jeremy.

"Yeah dahil hindi naman talaga iyon nakakatawa", wika ni Math which made Jeremy frowned.

"Bestie", he said as if he's asking for my help.

"Sorry Je but it's not really funny", wika ko sa kanya at napahawak siya sa puso niya. At Bestie?

"Aray beh. Eto na lang. Ano ang gagawin mo sa saging upang mawala ito?", tanong niya.

"Kainin?", Math asked and he shook his head.

"Itapon?", tanong ko ngunit umiling lang ulit ito.

"Itago", sagot ni Gray ngunit umiling pa rin ito. "Shoot Puns."

"Ang tamang sagot ay tanggalin ang B para ANANA!", he said and he motioned his hands like he was saying Wala na. Pagkatapos ay muli na naman siyang tumawa ng sobrang lakas. Oh, this guy will never learn.

Umayos na kami ng upo dahil pumasok na si Ma'am Saderna, ang adviser namin. She was holding some testbooklets na ipinagtataka namin. English time namin ngayon and it was supposed to be Miss Mendez who will be our subject teacher dahil PE ang hinahandle ni Ma'am Saderna. Inilapag niya sa mesa ang mga testbooklet at kinausap kami.

"Good Morning Class. You might be wondering why hindi pa dumarating si Ma'am Mendez. Hindi siya darating ngayon kaya as the adviser, I will be giving you this assessment test. Sagutan niyo ito with all your best and by the way, I will rearrange your seats while answering this", wika niya at isa-isang pinatayo ang mga kaklase ko at inilipat. Nailipat din ako sa harap.

I'n wondering why we have to exchange seats. Kahit naman periodical ay hindi naman kami pinapalipat ng upuan. What's special with this assessment exam anyway? And we're not informed about this beforehand.

Nagsimula na ang exam ay limang asignatura iyon. English, Math, Science, Philippine History at Aptitude/Logic test.The whole morning was spent for the assessment exam kaya lunch na kami pinalabas. Nagpaalam ako kina Math na uuwi muna sa dorm. Pagdating ko doon ay pasalampak akong nahiga sa kama ko.

"Oh, pagod ka yata", komento ni Andi. Abala ito sa binabasang romance novel at hindi man lamang ako sinulyapan ng magsalita.

"Yeah. Nakakapagod ang limang subject sa apat na oras lamang", sagot ko sa kanya.

"Limang subject?" naguguluhang tanong nito kaya napaupo ako at hinarap siya.

"Didn't we have an assessment exam?" tanong ko sa kanya.

"Assessment exam? Wala namang assessment exam ah? Wala nga kaming pasok sa last period namin", sagot ni Andi.

What? Section A lamang ang nagkaroon ng assessment exam? But as far as I know, dapat lahat ang pinapaganoon. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Therese.

Naupo ito sa kanyang kama and she tossed away her bag. "Saan ka natulog kagabi Amber? Lagot ka, ilang beses ka ng hinahanap ng landlady."

I smiled at her. "Alam kong pinagtakpan niyo na naman ako."

"Yep. Sinabi naming kinuha ka ng mama mo", wika ni Therese. Napangiti na lang ako. Mabuti na lamang at handa ang mga ito na pagtakpan ako. Tinanong ko rin si Therese kung may assessment exam ba sila kanina. Nasa section B kasi ito.

"Res, nagkaroon ba kayo ng assessment exam kanina?", tanong ko sa kanya at napakunot naman ang noo nito.

"Assessment exam? Diba tuwing February pa yan?", she asked at napaisip ako. Para saan ang ginawa naming exam kanina?

Malapit nang mag-ala una nang nagpasya akong bumalik sa classroom. I didn't bother to have lunch dahil wala akong ganang kumain. Pagdating ko doon ay si Ma'am Saderna at si Jeremy lang ang naroon. Nakaupo si Je sa harap ni Ma'am Saderna.

"Miss Sison. Hinihintay talaga kita. Please have a seat", wika ni Ma'am Saderna ng makita ako. Kahit nagtataka ay lumapit ako sa mesa niya at naupo sa upuang kaharap ni Jeremy.

"May nalabag po ba ako na rules ng school?", tanong ko sa kanya. Nagtataka din ako kung bakit nandoon si Jeremy.

"Oo nga po. At kung cheating issues naman po, hindi po ako nag-cheat kanina. Si Rowel po yung nakita kong nangongopya kay Wally", Jeremy said.

"No, it's not about that Mr. Martinez, Miss Sison", wika ni Ma'am Saderna. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Nasaan ba kasi ang ibang mga classmates namin?

"Kung gayon ay tungkol po saan? Dahil po ba doon sa vinandal ko sa notebook ni Mariz? Hindi ko na po uulitin", wika ulit ni Jeremy.

"No. Tungkol ito sa exam kanina", wika ng guro.

"Ma'am, hindi po talaga ako nangopya Maam", Jeremy said pouting.

"Mr. Martinez -"

"Madali lang naman po yung exam kaya hindi po talaga ako nangopya. Doon lang naman ako sa aptitude test nahirapan", he said. Nagtangkang sumingit ni Maam Saderna ngunit patuloy pa rin sa pagsasalita si Jeremy kaya inapakan ko ang paa nito.

"Je, pakinggan nga muna natin si Ma'am", I said at saka lang ito natahimik.

"It's about the exam. It's actually a qualifying exam for exchange students", wika ng guro na ikinagulat namin ni Jeremy.

"Exchange students? Pupunta po kami ng Harvard?", Je asked at sinamaan ko siya ng tingin. Tayog din ng pangarap nito ano. Maypa Harvard-Harvard pa!

"Yes, exchange students but not abroad. The two of you qualified as exchange students in Athena High School at ngayong hapon na ang alis ninyo upang may panahon pa kayo sa tour ninyo sa buong school. On the way na rin ang dalawang estudyante na mula roon. Please pack some things good for two weeks", wika ni Ma'am Saderna na parehas naming ikinagulat ni Jeremy.

Athena High for two weeks?!

"Teka po. Bakit kami?", tanong ni Jeremy. "Kami lang po ba ang pumasa sa qualifying exams?"

"Kayo ang napili. Actually Gray and Mathilde passed the exam too. Gray even aced all the subjects. Kaya lang ay hindi siya pwedeng gawing exchange student dahil nagmula na siya doon. Si Miss Corazon naman ay bagong transferee din and it's too inconvenient to send her. Yuri Sabas passed all the subjects except the aptitude test. So we only have the two of you since section A lang ang pinag-take namin sa qualifying exam. Of all the strand, kayo ang may pinakamataas na marka. So pack some things dahil ihahatid kayo ng shuttle van ng Bridle sa Athena", wika Maam Saderna samantalang halos hindi naman kami makagalaw ni Jeremy.

Ito ang unang nakabawi at hinila ako palabas ng classroom. "Mag-pack ka na dahil ako rin. See you later Bestie", wika niya at tinahak ang daan papunta sa boys' dormitory. Tinanaw ko ang papalayong pigura nito bago napabuntong-hininga.

Athena High School. Here we come!

#

-ShinichiLaaaabs.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top