CHAPTER 20: UNPLEASANT RETURN
Chapter 20: Unpleasant Return
I can't stop thinking about it. It's been the reason why I have troubles sleeping last night. That was my first! Nakakahiya! Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should I respond or not? I'm wondering if I justified the kiss too. Am I the only one bothered like this? Big deal din kaya iyon kay Gray? Pagkatapos kasi naming dalhin si Gray sa infirmary ay hindi ko na siya nakita pa dahil bumalik na kami sa pool area. I refused to have my dinner last night dahil sa takot na makita ito sa cafeteria. I'm not yet ready to meet him. Nakakahiya talaga ang nangyari! Isa pa si Jeremy! Hindi na niya ako tinantanan ng kantyaw kahapon! Nagpahaging pa siya sa mga kaklase namin na may naglaplapan daw kahapon! Ginawa pa kaming blind item! I'm gonna kill him twice this time!
Ngayon ay wala na akong magagawa. Kahit anong iwas ko ay magkikita at magkikita pa rin kami dahil maliban sa magkakaklase kami, I'd like to remind myself that they are my seatmates. Gray on my right and Jeremy on my left, perfect. Isn't it?
Panay ang baba ko sa palda ko habang binibilang ang hakbang papunta sa classroom namin. Gosh! Ngayon lamang ako nag-alangang pumasok! Dati kahit exam at hindi ako nakapag-aral ay hindi ako nag-aalangang pumasok! Unlike today! Damn that thing called kissing! Kung sino man ang nag-imbento niyon ay masasapak ko! He's the reason for this!
Bigla akong napalingon nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Nang iangat ko ang paningin ko ay nakita ko si Cooler mula sa 'di kalayuan. Nakasandal siya sa kanyang kotse at hindi na rin ako nagtaka kung paano siya nakapasok ng Bridle. Lumapit siya sa akin at napakunot ang noo.
"Kanina pa kita tinatawag ngunit mukhang wala ka sa sarili mo. Panay din ang hila mo pababa sa palda mo. Maghubad ka na lang kaya", wika niya. Sinamaan ko siya ng tingin, I'm not in the mood for his jokes. He raised both his hands, as if he surrendered.
"Don't give me that kind of look", wika niya at napatingin ako ng deretso sa mukha niya. Ngayon ko lamang napansin na putok ang labi nito ngunit malapit ng gumaling.
"Anong nangyari dito?", I asked and I pressed his wound at napangiwi naman siya sa sakit.
"Oooooow! You little sadist! Masakit to!", reklamo niya at napaatras. Natural! Sugat iyon kaya masakit. Duh.
"Napano nga kasi."
"Ryu and I fought. That asshole got a cut on his brow. Hindi lang ako ang nasugatan sa suntukan namin. And oh, I was almost killed", he said. Napansin ko na rin ang ilang pasa niya sa katawan. May maliit na bukol din siya sa gilid ng noo.
"What?" Halos magpatayan na sila dahil lamang sa simpleng suntukan? Marahil ay nagpayabangan ang mga ito at nauwi sa suntukan.
"It happened after you and Gray left the mansion. I went to his room and demanded an explanation about what happened. He said he's too tired to answer", Cooler said. What the hell? It was just because of that? Kasalanan iyon ng kotse eh. Kung hindi ba naman nagkasira-sira, edi mas mabilis kaming nakalabas ni Ryu doon sa probinsya!
"Tapos sinuntok mo siya? Ganun? Nagbuno na kayo dahil lang tinamad siyang sumagot?", I asked. Aba! Iba rin si Cooler! Demanding! If I would be Ryu, I would do the same thing too. Ayaw na ayaw kong dinidisturbo ang pagtulog ko.
"Well, yeah. Something like that. But Amber, it was a matter of life and death situation for me! Pero hindi naman talaga iyon ang nangyari. It was actually my fault", wika niya habang nakatungo.
"Ano nga kasi?"
"When he refused to answer me, I pulled his sheets and said, 'tell me everything, you son of a bitch' and then he just got up and gave me a punch on the face", wika niya. Oh, keep in mind Amber, never pull a blanket on Ryu.
"Baka paborito niya yung kumot", wika ko. Weird as it is, pero may mga tao talagang ganoon. Kunin mo na ang lahat, wag lang yung paborito nila. Gaya ni Andi, she loves mosquito net so much to the point na hindi siya nakakatulog kapag walang ganoon sa kanyang paanan.
Cooler smirked at me. "Slow. It's not like that. When he got up and punch me, he said, 'Oh yeah, that bitch is dead few years ago.' And that's when I realized I had evoked some scars of the past. Call Ryu all the worst thing someone can call a person but never say something about her Mom." Uh, hindi naman talaga literal na ganoon ang ibig sabihin ni Cooler.
I blinked few times at naalala ang eksena noong umamin si Kuya Carlito sa kanyang pagpatay sa sariling kapatid. He was showing his soft side by opening some things about his life. He admitted that he's hurting inside.
"Hala, lagot ka. Kawawa naman ang devil na iyon", wika ko as I pressed Cooler's chest.
"Oh! Damn! Please don't. Both of us got a broken rib", wika niya at napangiwi.
"Bati na kayo?"
"Yeah. I apologized. Kahit ganun iyon, mahal ko iyon", he said and I almost puke. Nakakadiri namang pakinggan kapag sinabi nitong mahal nito sa Ryu.
"Ganoon lang? Nag-sorry ka lang tapos okay na agad kayo?", tanong ko sa kanya.
"No. That bastard took advantage of the situation. He asked for my Enzo Ferrari upang mapatawad niya ako! That was one of my favorite baby! Ni hindi ko nga halos ginagamit iyon sa karera!", himutok nito. "Pero wala na! Wala na ang baby Enzo ko!"
I made a face at him. Cooler's so childish, the opposite of Gray. Namana niya marahil iyon sa tatay nila. Looks like Gray didn't get any of the naughty side of his Mom and Dad.
"Ano bang ipinunta mo dito?", wika ko at napasulyap sa relo. "Malapit ng magsimula ang klase namin kaya kung ako ang ipinunta mo dito, sabihin mo na."
He pulled me towards his car at binuksan iyon. "I'm stealing you from school. Birthday ko noong nakaraan tapos wala ka and God knows kung saang lupalop ka ng Pilipinas noon so let's celebrate now", he said bago pumunta sa kabilang bahagi ng kotse at pumasok. I was at Palawan last summer kaya hindi talaga nila ako mahahagip. "Himala, hindi ka yata nagprotesta na isasama kita", wika niya habang pinapaandar ang kotse.
Of course hindi ako magpoprotesta dahil ito ang sagot sa problema ko! Blessing in disguise ang presensya ni Cooler. I really can't face Gray and Jeremy today so it's better to go with Cooler instead kaysa sa daig ko pa ang ibibitay sa tuwing naiisip na palapit na ako sa classroom at makikita ko sina Gray at Jeremy.
"I want to take a break from school. Nakaka-stress kasi", pagsisinungaling ko. There's no way on Earth na sasabihin ko sa kanya na iniiwasan ko si Gray dahil sa nangyari kahapon.
Bumusina lang si Cooler at binuksan ng guard ang gate. Habang nasa daan ay saka lamang ako nagtanong. "Saan tayo?"
Bahagya niya akong sinulyapan. "Saan mo gusto?" I gave him my bored look. Meh! Siya tong nagyaya tapos ako ang tatanungin! "Okay, sabi ko na sa Tony's Farm tayo."
Tony's farm? Saan naman iyon at anong gagawin namin doon? Magtatanim? Ah bahala siya. Basta ba hindi muna ako makapasok ngayon.
Matapos ang ilang minutong pagbyahe ay nakarating na kami sa Toni's Farm. I was expecting a literal farm with all the farm animals but it wasn't. It was a fish farm instead. May mga fish pond na naroon at marami ang tao.
"Anong gagawin natin dito?", I asked nang bumaba kami ng sasakyan. Inilingon ko ang paningin sa paligid.
"Mangingisda", he said. He paid for the entrance at agad kaming pumasok. Marami ang nga nangingisda doon. Mayroon ding nag-iihaw ng isda at kumakain sa mga cottage na naroon.
"Okay lang ba na nakauniform pa ako?", I asked. Pinagtitinginan kasi ako ng mga tao. They might be thinking what a Bridle student doing here at class hours. Oh yeah. I ditched school guys. Yes, I did.
"Okay na yan. Just don't mind them. Halika magpa-fish spa muna tayo", he said at hinila ako sa bahaging may mga upuan. Naupo kami roon at hinubad ang mga sapatos namin at inilagay ang mga paa sa tila maliit na pool na may mga maliliit na isda. Agad iyong lumapit sa mga paa namin at mahinang kinagat iyon. It's so refreshing to the feet. Marami rin ang nakaupo roon at nakababad ang papa. Panay ang tawa ni Cooler dahil nakikiliti daw siya at panay rin ang saway ko sa kanya dahil pinagtitinginan ito ng mga tao pero wala itong pakialam. Patuloy lang ito sa pagtawa dahil sa kiliti. Weird.
Matapos magpa-fish spa ay namingwit kami sa fish pond. At first ay nahirapan pa kami ngunit kalaunan ay may nahuli na rin kami. Dalawang malalaking tilapya ang nabingwit namin. Nagpahuli rin kami ng tatlong bangus mula sa ibang fishpond.
"Doon na lang kaya natin ito ihawin sa mansion?", he asked habang ipinapakilo namin ang mga isda. Umabot iyon ng tatlong kilo dahil malalaki ang mga iyon.
"Okay lang basta wala doon ang papa mo", sagot ko sa kanya. Nakakahiya kasi na panay gala namin dito at naka-uniform pa ako.
"Cronus doesn't stay at the mansion. Minsan lang naman siya kung umuwi doon. He has his own penthouse", sagot ni Cooler.
"So ikaw lang ang naroon?", tanong ko sa kanya.
"Madalas si Ryu doon. Minsan doon din natutulog ang mga reapers", Cooler said. Binayaran na niya ang isda at niyaya akong lumabas ng Toni's farm.
Pagpasok namin ng kotse ay bigla na lamang napahinto si Cooler. "Wait. Saan natin ilalagay ang isda?"
I rolled my eyes at him. "Alangan namang ikandong mo, syempre ilalagay mo talaga sa dashboard", sarkastikong sagot ko sa kanya.
"No way! Bibili muna tayo ng plastic container", wika niya at pinahawakan amg isda sa akin. He drove to the nearest sidewalk na nagbebenta ng mga plastic ware at bumili. Matapos bumili ay bumalik na siya ng kotse and drove to the mansion. He opened the car's roof upang hindi mangamoy ang kotse niya. Masyado siyang maarte sa kanyang mga sasakyan dahil ayon sa kanya ay mga "baby" niya ang mga iyon.
Pagdating namin sa Vander mansion ay mukhang nagkakagulo. Nagmadali kaming lumabas ng kotse at tiningnan kung ano ang nangyayari sa loob. Cooler pulled me when there was a vase that flew towards us.
"Damn reapers! Balak yatang ubusin lahat ng gamit dito sa mansion!", Cooler said at nagmamadaling inakyat ang hagdan. I remember the time when Ryu brought me here. Naglalaban din sina Hermes at Eros noon habang tila nanunuod naman ng sabong si Artemis.
Pagdating namin sa taas ay halos magpatayan ulit sina Eros at Hermes. They're brawling like there's no tomorrow. Eros threw a punch on Hermes but the latter dodged it and gave him a hard kick. Mabilis na nakatayo si Eros mula sa pagkatumba at kinuha ang center table at akmang ihahampas iyon kay Hermes ngunit naunang magsalita si Cooler.
"Manira pa kayo ng gamit o ako mismo ang babasag sa lahat ng gamit dito sa mansion at sa katawan niyo mismo", Cooler said which caused to stop the chaos between the two. Inilapag ni Eros ang mesa at tinulungang tumayo si Hermes.
"Zeus. Pasensya na. Sinusubukan lamang namin ang bagong martial arts technique na natutunan ko. Oh, hello Amber!", wika ni Hermes. I gave him a smile as a response.
"I don't care. This isn't an arena. May nakalaang kwarto para sa ganyan. It's downstairs, beside the entertainment room in case you forgot." Cooler said and the two apologized again. Binati rin ako ni Eros.
Cooler pulled me at muli kaming bumaba. He brought me on the mansion's backyard kung saan naroon ang malaking swimming pool, which caused me to blush when I remembered yesterday! Arrrgh!
"Hoy, ba't ka namumula dyan? Ayos ka lang ba?", Cooler asked and I just shook my head. He ordered the maid to clean the fish and bring some coal dahil iihawin namin ang isda.
Pagdating namin sa poolside ay naglalaro ng chess sina Red at Artemis samantalang nagsi-swimming naman si Mnemosyne. Umahon ito ng makita kami and I almost stop breathing when I saw her in two piece bikini. She got big chest for a 19 years old. Papasa din itong model sa vital statistics nito. Kumikinang ang kutis nitong nasisikatan ng araw. Nagmukha itong dyosa ng tubig habang umaahon ito. I wonder why Ryu don't like her. She's a real beauty!
"Hello School girl. You ditched class?", masayang bati ni Artemis. She tapped the chair beside her at niyaya akong umupo doon.
"Hi Amber. Napapadalas yata ang pagkikita natin", bati ni Red. Oh yeah, I'm stuck with the mafia boss' sons kaya paniguradong madalas nila akong makita.
"Pansin ko din", sagot ko sa kanya. Lumapit sa amin si Mnemosyne and she kissed my cheeks.
"Hi Amber!", nakangiting bati niya na tinugon ko rin ng ngiti. Bigla na lamang itong hinagisan ni Cooler ng tuwalya.
"Don't flaunt your body. Wala si Ryu dito and even if nandito siya, you don't have an effect on him", wika ni Cooler. Ang harsh naman nito. He doesn't even considered if Mnemosyne will be offended or not.
"Nah, I know sooner or later Ryu will like me. Hindi rin naman ako nagmamadali", Mnemosyne answered as she wrapped herself with the towel that Cooler tossed her. She pulled a chair and sat beside me. I saw Red's expression darkened. Oh, is this some sort of love triangle?
Dumating na ang maid na dala-dala ang malinis na isda. Red and Cooler prepared the grill. They prefer the traditional grill than the electric one. Dumating din sina Hermes at Eros na may dalang beer.
"We saw the maid brought some fish here. You're having an early pool party huh? These are perfect for this", Eros said at nilapag sa mesa ang mga bote ng beer. Well yeah, it's really too early to drink. Kumuha silang lahat and Artemis handed me one which I politely refused.
"Hindi ako umiinom at may klase pa kasi ako", wika ko sa kanya.
"Okay School girl!"
Nagsimula na silang mag-inuman ng maluto ang inihaw na isda. The maid served pineapple juice for me. Panay kwentuhan din sila at minsan ay hindi ako maka-relate sa topic nila dahil tungkol iyon sa mafia.
"Oh, by the way, I dropped by at a soothsaying house last night. Ano nga bang pangalan nun, hmmm", saglit na nag-isip si Cooler. "Ah. Fortune Cookie. She's a known soothsayer." I'm not surprised if he believe on soothsaying. Naniniwala nga ito sa magic, sa hula pa kaya? Ako naman ay hindi naniniwala doon. From the term 'hula', ibig sabihin ay posibleng mangyari at posibleng hindi. 50% chances na mangyari at 50% na hindi.
"Oh tapos? Anong hula sayo?", Artemis asked. Lahat sila ay nag-aabang sa sagot ni Cooler.
"She said there will be traitor in the mafia." Napahinto ang lahat mula sa pag-inom at napatingin kay Cooler.
"Wait. Is that Fortune Cookie a reliable soothsayer? Hindi ba yan fake?", Hermes asked. Maybe having a traitor in the mafia bother them.
"I've heard of such soothsayer at wala pa siyang hinulaan na hindi nagkatotoo. They said she got sixth sense which has something to do with hearing", Mnemosyne said. Sixth sense? Tsk. Nagpapatawa ba sila?
"Really? I think she can be an asset to the mafia", komento ni Red. Panay ang sulyap nito kay Mnemosyne kaya sigurado akong may gusto ito sa kanyang kapwa reaper. Poor Red, Mnemosyne like the Devil boss.
"Meh! We don't need freaks in the mafia", nakangiwing wika ni Eros. Tulad ko ay hindi rin ito naniniwala sa hula.
"But what if there's really a traitor, what are you gonna do?", tanong ni Artemis kay Cooler. Bahagyang napaisip ang huli bago sumagot.
"Standard charges. We all knew that death is the punishment", sagot ni Cooler at napaamang ako. My God! I really can't be part of them and never will.
"What if si Amber ang traydor?", Mnemosyne asked at napataas ang isang kilay ko.
"I'm not part of the mafia", sagot ko. Geez! Isali ba naman ako. Hinding-hindi nga sabi ako magiging bahagi ng Vander Mafia. NEVER! Come hell or high water.
"Well if that happens, I'll save her by offering my own life. Killing me is enough to save all of you if you'll all become traitors", seryosong turan ni Cooler. Natahimik ulit sila. Is it true that Cooler's life is enough to save everyone? I don't know how they run the mafia but kaya nga bang patawan ni Cronus ng kamatayan ang sariling anak?
Si Artemis ang unang bumasag sa nakakabinging katahimikan. "Way to go LoverBoy. Andami nyo nang mag-aalay ng buhay para kay Amber." Napuno agad sila ng kantyaw to ease the awkward ambiance kanina.
It was past twelve nang magpahatid ako kay Cooler pabalik ng Bridle. Whether I like it or not ay magkikita talaga kami ni Gray. Nagpasalamat ako sa kanya bago tumakbo papunta ng classroom. Hindi pa nagsisimula ang klase namin at tanging si Jeremy lamang ang nasa mesa namin.
"Bestfriend!" I rolled my eyes at him. Ang lame talaga ng endearment nito lalo na't kalalaki nitong tao. "Ba't di niyo sinabing iiwan nyo pala ako sa ere, edi sana naka-Airplane mode ako", maktol nito.
Hindi ko pinansin ang joke niya. "Why? Where's Math? At si Gray? Di rin ba sila pumasok kanina?"
"Ops! One at a time bestie. Sagot sa unang tanong, natanong ko rin sa sarili ko yang Why na yan eh. Second question, hindi ko alam nasaan si Math. Third question, di ko alam nasaan si Gray. Fourth question, yes. Hindi sila— I mean kayo, hindi kayo pumasok. Naging forever alone tuloy ako nung breaktime. Mag-isa akong kumakain sa cafeteria tapos yung pinatugtog pa nila ay All By Myself! Nananadya yata yung cafeteria staff na nagpamusic eh!", Jeremy said while pouting. "But, Math left some clues kung nasaan siya."
Kinuha niya ang math textbook niya at hinanap doon ang iniwan ni Math. "Ito oh." Inabot ko mula sa kanya ang kulay pink na maliit na papel.
"Do you think she's in danger?", I asked.
Jeremy rolled his eyes. "Bestie, kinakalawang na ba ang detective skills mo? Kita mong ang ganda ng gamit na papel tapos may heart pa yung signature niya tapos nasa panganib. Hay naku!"
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago binuklat ang papel. Oo nga naman no? Ba't di ko yun naisip? Napakunot ang noo ko ng mabasa ang laman niyon.
It reads:
24-32...11-44 ...44-23-15... 24-33-21-24-42-32-11-42-54... 33-45-42-43-24-33-22... 22-42-11-54.
-Math ♥
Meh. What's with the heart by the way? Napaisip ako kung anong cipher ang gagamitin doon. I tried substituting the numbers with the alphabet ngunit lumampas pala ang ibang numbers, 26 lang ang english alphabet. Pilit kong inalala ang mga codes at cipher na tinuro ni Gray. I'm observant enough but I'm not good with codes and cipher, thanks to Gray for teaching me some.
"What if i-minus natin lahat ng number, baka ganun yun", suhestiyon ni Jeremy.
"Tsk. Ano naman ang meron sa negative 799? It doesn't make sense Je", wika ko sa kanya. Napakamot ito sa ulo at nahihiyang ngumiti.
"Sorry na bestie. Pero ang galing mo ha, tiningnan mo lang alam mo na agad na negative 799 ang sagot. Yan ang bestfriend ko! Mabuhay si Amber", kinuha niya ang isang braso ko and raised it like I had won a contest with a prize worth billions. Sinamaan ko siya ng tingin bago hinila pababa ang kamay ko. Hello? Hindi pa lang niya sinasabi ay nagsimula na akong mag-subtract sa isipan. Ini-minus ko lang naman lahat, ignoring the dots. "Biruin mo, nag-ala Margo Roth Spiegelman si Math."
Hindi ko na siya pinansin at pilit na inalala ang mga tinuro sa akin ni Gray. Morse Code. Atbash. Alphanumeric. Caesar's shift. Vigenere. Rot13. VIC na hindi ko maintindihan kahit anong paliwanag niya. Polybius—
Right! Polybius square! Agad akong kumuha ng papel at ballpen at pilit inalala kung paano gawin ang Polybius square.
I arranged the numbers vertically and horizontally to create a 5x5 grid and arranged the alphabets inside the grid but since 26 ang alphabet ay kailangan i-combine sa iisang square ang I at J.
1 2 3 4 5
1 A B C D E
2 F G H I/J K
3 L M N O P
4 Q R S T U
5 V W X Y Z
The coordinates in the grid represents each letters. The first numbers are the numbers arrange vertically while the second are the one arrange horizontally. Isa-isa kong ni-locate ang mga letters base sa iniwan na code ni Math.
So Math's message was:
24-32...11-44 ...44-23-15...
I- M... A -T ... T- H- E...
24-33-21-24-42-32-11-42-54...
I- N - F - I - R - M- A- R - Y...
33-45-42-43-24-33-22...
N - U - R -S - I - N - G
22-42-11-54.
G - R - A- Y.
"Galing mo bestie!", wika ni Jeremy sabay hampas sa braso ko. "Ano tawag dyan?"
"Polybius square."
"Ah! Eh kaso may problema", Je said with a worried expression. What now? I thought the only problem is this?
"What?"
"Kaninang umaga pa sila magkasama baka—", tinakpan niya ang bibig niya na para bang ayaw sabihin ang karugtong. Hinila ko ang nakatakip niyang kamay.
"Ano nga?"
"Si Math at si Gray—", he did the same thing again and this time I wanted to cut his arms. Naiinis na ako. Mambitin ba naman?
"Je, last na lang kapag ginawa mo pa yan, babaon tong ballpen sa kamay mo", pagbabanta ko.
"Sweet mo naman bestie", sarkastikong sagot nito. "Ganito kasi yun. Kung naaatim nga ni Math na halikan si Gray habang maraming saksi, how much more kung sila na lang diba? Tapos nasa weak state pa si Gray, edi hindi siya makakapalag! Tara! Time is gold!" Tumayo si Je at hinila ako palabas ng classroom. Lakad-takbo ang ginawa namin papuntang infirmary.
I can free myself from Je's grip and make my way back to the classroom and listen to the class no matter how boring it is. Pwede naman akong tumangging samahan siya papunta siya sa infirmary. I'm still not ready to face Gray after what happened yesterday but a part of me want to see him. Habang papalapit kami sa infirmary ay mas tumindi ang kaba ko. I took a deep breath bago kumatok si Je sa pinto at binuksan iyon. May nakasabit na The Doctor is Out sa pinto ng office ni Dr. Trias at hindi rin mahagip ng mata ko ang nurse.
"Hala! Perfect timing! Malaya tayong makakapasok nang hindi napapagalitan. Dali bestie!", wika ni Je at hinila ako papunta sa mga bed na naroon. Natatabingan ng kurtina ang mga kama kaya inisa-isa iyong binuksan ni Je. The third one reveals the location of Gray with Math on his side. Nakaupo ito sa gilid ng kama samantalang nakasandal naman si Gray sa headboard ng kama. Nagbabalat ito ng orange at isinusubo kay Gray pero sa halip na isubo iyon ay kinuha iyon ng huli at siya ang nagsubo sa sarili niya.
"Aheeeeem!"
Sabay silang napalingon sa amin dahil sa sinadyang pagtikhim ni Jeremy. Math smiled at us.
"Hi Amber! Hi Jeremy!", Math greeted. She was wearing her school uniform as well as Gray.
"Hi Math!", bati ni Jeremy and murmured something. "Akala ko furniture shop lang pag-aari mo, factory din pala ng papel? Masyado kang mapapel eh. May pa nurse-nurse ka pang nalalaman."
"Ano Jeremy?", naguguluhang tanong ni Math.
"Wala. Sabi ko ang galing ni Amber. Nasagutan niya yung iniwan mo gamit yung Po— ano nga ba yun? Porsche square? Kapangalan yata nung aso ko?"
Ngumiti ulit si Math. As of Gray, I don't know what's his facial expression. Iniiwasan kong sulyapan siya.
"It's Polybius Square Jeremy, not Porsche. Sandali lang. Ginganlan nimo imong iro after sa sakyanan?" , Math asked. Oh yeah, we need an interpreter please.
Jeremy rolled his eyes. "Amen Math." Hinila niya ako papunta sa paanan ng kama.
"Ibig kong sabihin, you named your dog after a car?", transalate ni Math sa simabi niya. Eh ano ngayon? Si Filter nga named after Gray!
"Ayaw kasi akong bilhan ng magulang ko ng Porsche eh. O kahit secondhand na kotseng sira-sira. Kahit kariton! Hahay! Ang hirap sa bunso, overprotective sayo lahat. 'Tsaka ano bang masama dun?". Mula sa paanan ng kama ay tinulak naman ako ni Jeremy sa tabi ni Gray at sapilitang pinaupo sa kama. Bali napapagitnaan namin siya ni Math. Tumalikod ako kay Gray at hinarap si Je na muling tumayo sa paanan ng kama.
"Wala namang masama. Yung aso ko ngang Labrador Retriever, si Medicol. Heto siya oh, sandali."
Math got her phone from the sidetable at pinakita ang kanyang wallpaper.
"My God! Kung si Porsche mukhang basahan, etong Medicol mo mukhang yung dumi mismo! Tingnan mo bestie oh", inabot ni Jeremy ang cellphone ni Math sa akin. The dog's color was like a chocolate at ganoon din ang mata nito.
"Cute." Komento ko at ibinalik kay Math ang cellphone.
"Grabe ka naman Jeremy. Kakaiba kasi ang kulay niya, parang chocolate kaya siya yung napili ko. Mabait kaya si Medicol. He saved us from theives before", wika ni Math. This is so awkward. Si Math at Jeremy lang ang nagpapalitan ng salita at tahimik lang kaming dalawa ni Gray.
"Teka nga. Lumalayo na tayo eh. Ba't ka nandito? Si Gray naiintindihan ko. Kahapon pa yan may sakit. Eh ikaw? Malakas ka pa sa kalabaw ah. Ba't ka nakapasok dito? Alam mo bang bawal dito mag-stay ang hindi pasyente?", Jeremy asked as if he's interrogating Math for a crime.
"I'm a patient too. See?". Bahagyang pinakita ni Math ang naka-cast na paa. "I was about to go to the classroom when I saw a guy driving a black convertible called Amber. At first, akala ko si Gray pero di pala. I was watching them like all the time at di ko napansin na naglalakad na pala ako papunta doon sa hinukay para sa gagawing construction kaya ayon. Na-shoot ang isang paa ko sa may maliit na butas na may hollowblocks."
"You're with Cooler, Amber?", tanong bigla na Gray and I was hesitant to answer but in the end, I chose to give him a nod as response. He mumbled a 'tsk' and then he looked away.
"Baka sinadya mo. Ba't may loveletter ka pang iniwan? You planned it all along right? Aminin mo na Math."
Napasimangot si Math. "Grabe ka naman Jeremy! Hindi no. Ginawa ko lang yun para hindi kayo mag-alala. Sinabi kong aalagaan ko si Gray para hindi na kayo mag-alala sa akin tapos pinabigay ko kay Shiela. Siya kasi ang tumulong sa akin kanina. Sapat na si Gray ang inaalala ninyo, ayoko ng dumagdag pa."
"Hindi naman talaga kami mag-aalala sayo no", Jeremy said and this time ay sinaway ko na siya.
"Je!"
"Hindi kami mag-aalala kasi SOBRANG MAG-AALALA kami", bawi ni Je which made Math delighted.
"Talaga?"
"Oo. Kaya halika, subukan natin paa mo. Let's do the runningman challenge— aray!". Binato ito ni Math ng balat ng orange.
"Loko ka ah. Kita mo na nga tong paa ko", natatawang wika ni Math. "Nakakalakad naman ako, paika-ika nga lang."
"Tulungan mo naman akong magbuhat ng bangko oh, tutal dun ka naman magaling eh", Jeremy said at sinamaan ko ulit siya ng tingin. Masyado na siyang halata.
"Ano?"
"Sabi ko patulong sa math Math. Please? Puppy eyes? Porsche eyes? Please?". Ginawa talaga nito ang pagpa-puppy eyes and I wanna puke as I watched him!
"Sige na nga. Nasaan ba?" Math asked. Well, wala naman akong problema kay Math maliban sa sobrang hangin na mukhang natural na sa kanya. She's not Math if she's not boasting. Pati na rin ang basta-basta nitong paghalik sa lalaki lalo na't hindi nito boyfriend. Hindi iyon bahagi ng norms ng Pilipinas kaya marahil kay Math lang iyon. Other than that, wala na. Mabait naman ito but I can't fully trust her. Hindi ko pa nakakalimutan na mabait din si Marion. And if Math likes Gray, marahil ay baka si Gray na naman ang dahilan ng pagpapahamak nito sa iba.
"Nandoon sa classroom eh. Samahan mo na lang ako habang hindi pa nagsisimula ang first period. Please Math", pagsusumamo ni Jeremy. Base sa ikinikilos nito, I knew he had a plan.
"How about Gray? Wala siyang kasama—"
"Don't mind him. Si Amber na muna bahala sa kanya. Diba Gray?", Je asked for Gray's approval at tumango naman ang huli. Wala nang nagawa si Math kundi sumama kay Jeremy samantalang naiwan kami ni Gray doon. I was thinking how to start a conversation ngunit naunang tumayo at magsalita si Gray.
"Let's get out of here. I received a text message from Detective Tross. Have you heard of the inauguration of the La Czar Underground Private Museum owned by the half french art enthusiast?", he asked habang nagsusuot ng sapatos.
"Well yeah. I checked the latest news last night dahil hindi ako makatulog kagabi—" Bahagya itong napahinto sa pagsusuot ng sapatos and I blushed when I remembered that I said I can't sleep last night. I cleared my throath bago nagpatuloy. "I read that they have the Gustave Courbet's notable works. Teka, okay ka na ba? Baka kasi mabinat ka."
"Yes, no need to worry. Iyon nga. Those paintings that the museum exhibits are real ones as examined by experts so the museum's security was upgraded. Marami kasing nagbabantang nakawin ang mga painting." He stood up matapos masuot ang sapatos at kinuha ang backpack na nakapatong sa monobloc chair.
"But Gray, hindi ba trabaho na yan ng police?" I asked. Ngayon lang yata ako nagkaisip ng ganoon gayong dati pa naman kaming nakikialam sa trabahong pulis.
"Technically, yes but that's not our job. Detective Tross quit the police force and decided to be a businessman instead but due to a special friend's request na hindi niya matanggihan, he's asking for our help. Let's go bago pa makabalik si Math at Jeremy. We don't want extra baggages", wika niya. He held my wrist at hinila ako palabas ng infirmary.
Agad kaming sumakay sa asul na BMW niya at lumabas ng Bridle. I was expecting na hihinto kami sa bagong museum ngunit sa halip ay sa harap iyon ng isang male and female boutique.
"We can't be in school uniforms", he said as he pulled the car on one side. Nawala ang awkwardness na naramdaman ko kanina pa lamang at mas inisip namin ang task na ito. Agad kaming bumaba at namili ng pormal na damit na angkop sa dadaluhan namin. Pagdating namin doon ay nag-aabang si Detective Tross sa amin. Nakasandal ito sa kanyang kotse at abala sa tinitingnan sa cellphone. Nang bumusina si Gray ay nag-angat ito ng tingin at ngumiti ng makita kami.
"Hello Lovers", nakangiting bati nito ng makababa kami. "Hindi naman siguro masisira ang pag-aaral ninyo sa minsang pag-absent diba? And Ivan, alam kong may sakit ka. Pasensya na. Pwede sanang si Mikmik ang pinakiusapan ko kaso he's still two hours drive away. Kanina ko lang din kasi nag-request si Jolo."
"We're not lovers Detective Tross", nakangiwing wika ko sa kanya na ikinatawa lang niya.
"Well atleast not yet. So let's proceed to the basics of this task". Isa-isa niyang inabot sa amin ang invitation para sa inauguration ng private museum. "My friend Jolo is worried about his cousin Nicholas. May bago daw kasi itong trabaho ngunit hindi niya alam kung ano. Basta na lang daw itong umaalis tapos pagbalik andaming dala pero wala naman daw itong pera dahil kakakuha lang ng trabaho. He even gave him passes for this exclusive museum inauguration. Mga kilala kasi ang kadalasan na inimbitahan."
"How about you?", Gray asked at pinakita ang ticket. "You got one?"
He shook his head. "Kilala ako ni Nicholas. He'll know for sure that I'm snooping him. Don't worry. This request is not dangerous unlike the ones we had when I'm still part of the police. Kailangan niyo lang bantayan si Nicholas sa loob and observe if he's doing something illegal or suspicious and if yes, all you have to do alert me. Ganoon lang kasimple."
Gray gave him a frown. "This isn't a task at all. Para mo lang kaming pinakain ng pizza na walang toppings."
"Pagbigyan mo na ako Ivan. Oh, by the way, here's a photo of Nicholas", wika niya sa amin at pinakita ang larawan ng lalaki. It was a thin guy with thick glasses. He sent the photos to our phones at pumasok na kami sa tila isang tunnel bago nakarating sa underground museum na may metal detector security.
There were really valuable work of arts inside. Nakasabit sa dingding ang mga painting na gawa ng hindi masyadong kilalang artist at mga counterfeit gaya ng Mona Lisa at The Last Super ni Leonardo Da Vinci at iba pang sikat na pintor.
Nasa mga glass case naman ang mga antique collections gaya ng cutlery na 900 years old, sword used in a film, bow and arrow na may mga sentimental value para sa may-ari ng private museum at memorabilia ng kung sinu-sinong sikat na tao and even sculptures.
The museum's pride was the painting of Gustave Courbet. Pumunta kami kung nasaan ang mga painting. The first one was labelled Burial at Ornans and the second one was The Artist's Studio. Ayon sa narinig ko kanina, the paintings were acquired at a very large sum.
"Hindi kasi ako artist kaya hindi ko makita kung bakit pinaggagastahan nila ng malaking halaga ang mga painting na ito. Look, it's just simple. May inilibing lang naman. Tapos ito, nagpe-painting tapos may nakatingin", mahinang komento ko. Mahirap na baka kamuhian pa ako ng mga art enthusiast na nakakalat lang sa paligid.
Gray's fist was on his chin as he looked at the paintings. He was carefully looking at every detail of it.
"Yeah, it may not look great but the message in it is a great deal. Kita mo itong Artist's studio? I think this represents Courbet's life as an artist. Have you observed the difference on the group of people on his right and left side? Maybe on his right are his admirers and friends while on the other side are the exploiters and temptations, see? There's a naked woman here", paliwanag ni Gray at saka ko lamang napansin ang mga iyon ng sinabi na niya. Wow. Gray can read artworks.
"That's right. Good observation young man."
Sabay kaming napalingon ni Gray sa likuran. It was a middle-aged woman. She looked good in her formal clothes na tinernuhan niya ng napakagandang brooch. Lumapit siya sa amin at tiningnan ang mga painting.
"That's exactly what the painting says. Gustave Courbet's known for his disapproval for Romanticism of the previous artist and led the realist movement for artists. Shown in this paintings is his bold social statements. Look at this one, he hate priests, prostitutes, merchants and those who oppose their arts", wika ng babae at napaamang lang kami ni Gray sa kanya. Wait, don't tell us she's—
"Oh, sorry. Nakisali ako sa usapan ninyo. I'm Julianne Daumier. I'm the owner of the museum", pakilala niya sa amin. Gumanti ng ngiti si Gray at bahagyang yumuko.
"Bonjour Madame. My name's Gray Silvan and this mademoiselle here is Amber Sison. It's our pleasure to meet you", kinamayan niya si Ma'am Julianne at ganoon din ang ginawa ko. Lumapit ang isang lalaking nakasuot ng eyeglasses at kinausap ito.
"Ma'am, dumating na po si Mayor", wika ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Gray. It's Nicholas.
"Okay Nic. I'm on my way", wika ni Maam Julianne at umalis na si Nicholas. "That's my PA, Nicholas. Kakakilala ko pa lang sa kanya this past few days pero I trust him already after he saved me from robbers. Oh I need to go." Nagpaalam na kami sa kanya at nang medyo malayo na ito ay si Gray ang unang nagsalita.
"Do you think that Nicholas is doing illegal?", he asked habang sinusuyod ng mata ang paligid.
"I don't think so. Maybe Ma'am Julianne's so kind to him. You see? She hired him kahit kakakilala lang and oh, as of the job, he's a personal assistant", komento ko.
"I'll inform Detective Tross about it right away." Nagpaalam siya na lalabas upang makausap si Detective Tross samantalang iginala ko naman ang paligid. May mga kilalang tao sa lipunan and some are politicians. Ma'am Julianne must be incredibly rich to have this circle of friends.
Panay ang paglilibot ng tatlong waiters na may dalang mga inumin. Abala rin ang mga tao sa pag-uusap. Iilan pa lamang ang naroon dahil mamayang alas tres pa ang simula ng seremonya. May iilang mesa kasi sa paligid na may mahahabang table cloth na umabot hanggang sahig. Napansin kong kahinahinala ang isang lalaking nakasuot ng shades. Panay ang lingon nito sa cellphone at paligid na tila ba pinagmamasdan ang bawat isa.
Oh what am I doing? Maybe I'm just overthinking. Baka naman hinihintay lang nito ang kanyang kasama kaya panay ang tingin nito sa cellphone at sa paligid.
Muli kong iginala ang paningin at isa na namang kahina-hinanalang lalaki ang nakita ko at gaya ng nauna ay panay din ang tingin nito sa cellphone. Hindi kaya nagko-contact silang dalawa? When I looked at my phone ay wala palang service kaya impossibleng nagko-contact ang dalawa.
"I already talked with Detective Tross and informed him about it but we have another task. There were police outside. They received a tip from an informant na may mangyayari daw na holdappan dito mamaya but unfortunately, the guards won't allow them inside", wika ni Gray. "So we have to look for the situation here and inform them. That will be their que."
"Well yeah but walang phone service dito. By the way, I found some suspicious men", wika ko sa kanya at tinuro ang dalawang lalaki.
"They really look suspicious. Keep an eye on them", bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong. "I'm gonna do something. Do you have anything sharp with you?"
"I have a blade in my kit. Why? Anong gagawin mo dun?" tanong ko sa kanya habang kinukuha iyon at agad na inabot Gray.
"Thanks. I'll tell you later", he said bago umalis. Naiwan akong mag-isa ulit doon. Ilang saglit lang ay nagkagulo ang mga tao nang namatay ang ilaw at may mga tunog ng nababasag na glass case. Tumunog ang mga bulglar alarm niyon. Nataranta ang mga tao dahil sa dilim at napahawak naman ako sa kalapit na mesa. Nakakaya ko na ang tumayo sa dilim ngunit may kaba pa rin sa dibdib ko. May narinig ring apat na putok ng baril kaya mas lalong nagpanic ang mga tao.
"The generators!", someone shouted at ilang saglit bumukas na ulit ang mga ilaw ngunit tatlong tao ang nakatumba sa sahig at walang malay. May tama ang mga ito sa katawan. Nagulat ang mga tao ng makita ito at halos hindi makagalaw.
"Walang kikilos!", wika ng lalaking pinaghihinalaan ko kanina! Sinasabi ko na nga ba! He raised his gun at inutusan ang kasama nito na ipunin ang mga tao sa gitna. Napasunod kaming lahat sa sinabi niya at ng isa pang kasama nito.
What the hell? Where's Gray? I can't find him in the group with us at pinigilan ko rin ang sarili kong lingunin ang paligid dahil baka mahalata ako. There were almost 20 of us inside. May politician ngunit wala itong kasamang bodyguard dahil inakala nilang safe ang inauguration since dadaan sa metal detector ang lahat ng papasok. Where did they get their guns?
I looked around at the area. Binasag ang mga glass case na pinaglagyan ng mga memorabilia. Maybe the guns were hidden inside. Kung ganoon ay may kasabwat na kasama ang armadong lalaki and one of it could be part of the museum's working committee. Tiningnan ko si Nicholas at Ma'am Julianne. Could it be Nicholas?
"Walang magtatangkang kumilos ng masama kung ayaw ninyong matulad sa apat na ito!", wika ng lalaki. Lumapit ito sa kinaroroonan ni Ma'am Julianne at hinablot ito mula sa gilid ni Nicholas.
"Please don't hurt me", pagmamamakaawa ng babae.
"Wag kang mag-alala. Sasamahan mo lang naman kaming tumakas at kapag nakalayo-layo na kami ay iiwan ka na namin! Nasaan ang sasakyan mo?", he asked. "Siguraduhin mong hindi tayo dadaan sa harapan!"
"I-I have a car. K-kailangan lang dumaan sa opisina ko. Please, I'm begging you. Wag niyo akong sasaktan", pagmamakaawa ulit nito. Hinawakan ng lalaki ang buhok ni Ma'am Julianne.
"Samahan mo na kami! At kayong lahat. Wag kang gagawa ng kahit ano. This place is equipped with bombs detonated using a phone. Kung sino man ang—"
"You mean these bombs?", biglang labas ni Gray mula sa ilalim ng mesa na dala-dala ang mga nadis-armang bomba. "You know it's no sweat disarming these."
Biglang nagpaputok ang isa pang kasama ng lalaki at nabitawan ni Gray ang apat na nadisarmang bomba. "No guns please, cowards!", mayabang pa rin na wika ni Gray. No matter how hard the situation is, his arrogance increases everytime.
"Speak a single word at sasabog ang bungo mo!", pananakot ng lalaking may hawak kay Ma'am Julianne. Mukhang pikon na pikon ito.
"I can say all I want because—" Bigla na lamang ikinasa ng lalaki ang kanyang baril at bago pa man niya naiputok iyon kay Gray ay napulot ko na ang bow and arrow mula sa basag na glass case at pinana ito sa kamay. Kahit hindi gaanong matulis ang pana ay bumaon pa rin iyon sa kamay ng lalaki. Tumulo ang dugo nito ng hinigit ang pana.
"You little bitch!", he said at tinangkang itutuko sa akin ang baril ngunit nauna ng magsalita ang isa nitong kasama.
"Stop it PB. We have no time", wika nito at nagmamadaling hinila si Ma'am Julianne na takot na takot. Saka lamang nakapagreact ang mga tao ng mawala ang mga ito sa paningin namin. Agad na lumapit si Gray sa akin at kinumusta ako.
"Are you okay? Wala ba silang ginawa sayo?", puno ng pag-aalalang tanong nito. I just shook my head as a reply.
Nabuksan na ang main entrance at nakapasok ang mga pulis. Bago kami pinalabas upang imbestigahan ang museum ay bahagyang lumapit si Gray sa apat na nakahandusay sa sahig. One of it was a politician. Ang isa naman ay isang kilalang art enthusiast samantalang pawang businessman ang dalawa. Napansin naming nakasuot silng apat ng corsage, which means they're both important part of the inauguration. Kinuha ni Gray ang isang corsage at tiningnan iyon sa ilalim ng mesa. Something in the corsage glowed.
"Maybe that's how those guys shoot them in the dark", komento ko.
"Yes. But why do you think these guys were shoot?", tanong niya and I shrugged my shoulders.
"I have no idea", wika ko sa kanya. Nagtataka din ako kung bakit pinatay ang apat.
"I guess it has something to do with a drug called Syntoxin. While creeping under the tables to find the bombs, I heard the mayor talked about it. Narinig ko rin iyon mula sa businessman na yan. It's blue crystal-like drugs. That's all I've heard", wika niya at tinuro ang isa.
Dumating na ang mga pulis at pinalabas kami. Habang papalabas ay kinuha ni Gray ang headset at ipinasuot sa akin ang isa. He opened something at may narinig akong boses ng mga lalaki at babae.
"What's this?", I asked habang nakikinig kaming dalawa.
"It's the listening bug that I put on Ma'am Julianne's coat", wika niya.
"What? Saan ka naman nakakuha niyon?", tanong ko.
"It's a device invented by Math herself. Ironic that her name's Math but she's really a science freak. She got weird inventions. Binigay niya ito kaninang umaga and she told me about all her invention too. That bug is as small as a button and I have it connected to my phone. Agad na mare-record ang mga iyon as long as hindi masyadong malayo ang distansya", wika ni Gray ans I was surprised to hear about it. Isang scientist si Math and she's good in making weird but useful devices?
"Pakinggan na lang natin to mamaya. Tayo na", wika ni Gray at sabay kaming lumabas ngunit nagulat na lang ako ng may biglang bumangga sa likuran ko. Nabitawan ko ang dala kong clutch at nabitawan rin ng lalaki ang dalang envelope. Marahil ay galing din ito sa naudlot na inauguration. Pinulot ko ang clutch ko at pinulot niya rin ang envelope but to my and Gray's astonishment, may nakita kaming maliit na paketeng may laman na kulay blue na mukhang pinong bubog. Parehas kaming napahinto at napatingin sa lalaki and his smirking face caused us to stop even more. He gave me a smirk bago kami nilagpasan.
Ilang sandali ang lumipas bago kami nakabawi. "Gray? Do you still remember that guy?"
I saw his face tightened and his expression darkened. "Of course. He's been part of my very first case here in Bridle."
Sinulyapan ko ang dinaanan ng lalaki kanina. He was nowhere to be found ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang smirk ng gwapo ngunit masungit nitong mukha.
Lowie Mondino...
#
-Shinichilaaaaabs♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top