CHAPTER 18: 42 HOURS WITH RYU VANDER MORISSON (Part 3)
Chapter 18: 42 Hours with Ryu Vander Morisson (Part 3)
12AM - 5AM
Marahil ay narinig nito ang sinabi ni Ryu na naka-tattoo sa braso ni Scott ang pinagtaguan ng mga hindi pa natatagpuang koleksyon ni Ivanovich!
Nagkagulo ang mga tao at panay sulyap sa kubo kung saan nandoon ang katawan. Bahagya kaming lumapit doon at nakiusyoso na rin. On the floor was the corpse of a man, he has white skin at puno ng tattoo ang leeg at paa nito. There wasn't any tattoo on his hairy right hand while his left hand was chopped and missing.
I looked around at the people. One of them could possibly be the one responsible for cutting his arms. Marahil ay isa iyon sa mga sinasabi ni Ruben na ayaw magbago. Maybe one of them spied our hut at nagbabalak na looban kami!
"Ryu?", tawag ko sa kanya. I hope I was wrong with what I am thinking.
"Ano?", sagot niya. He wasn't looking at me, sa halip ay panay pa rin ang tingin niya sa mga taong naroon na panay ang bulungan tungkol sa nawawalang braso ng convicted criminal na si Scott.
"Did you lock the door before we went to sleep?", I asked.
"I did."
"But how was it when we went to see what's happening here?"
"It's open— what the fuck!", he darted a dark gaze at me at kinapa ang bulsa niya. "My wallet and cellphone are lost. How about yours?"
"Still intact. I hid them under my pillow", sagot ko sa kanya. He took a deep sigh pero mukhang wala lang sa kanya iyon. "Aren't you supposed to be freaking out by this moment?"
"For what?", wika niya habang nakakunot ang noo.
"You just lost your phone and wallet", paalala ko sa kanya.
"So?"
"YOU JUST LOST YOUR PHONE AND WALLET!", pag-uulit ko. Ano ba ang mahirap intindihin doon sa sinabi ko?
"SO?!"
"Hindi ka man lang ba nababahala sa credit cards mo? Your phone. Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sa mga mirror selfies mo doon?" Okay, mirror selfie is not a big deal but he is Ryu, someone you can't imagine doing a mirror selfie.
"Mirror selfie? I don't take photos of myself! As of the cards, I'll have it reported. Wala naman doon ang credit card ko", sagot niya sa akin.
Uh! Unbelievable! Sabagay! Barya lang naman sa mafia ang pinambili ng mamahaling cellphone niya!
"Makinig kayong lahat!", sigaw ni Ka Roman kaya napadako ang atensyon namin sa kanya. "Isa itong nakaka-alarmang pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang motibo ng gumawa nito at kapag nalaman ko kung sino man iyon ay kailangang umalis dito sa ating tagong baryo o kung hindi ay hahatulan ko ng kamatayan! Sinabi ko na sa inyo! Kailangan na nating magbagong-buhay!"
Nagbulong-bulungan ang mga tao. Nagtataka sila kung sino ang pumutol sa kamay ng pugante at ano ang dahilan niyon.
"Iisa-isahin namin ang bawat kubo!", wika ni Ka Roman at umalis na sila. Naiwan ang mga tao sa labas at panay pa rin ang usapan nila.
Malamig ang dampi ng hangin kaya't niyakap ko ang sarili ko. I was thinking if we could really leave this place safe. Lahat ng nandito ay mga pugante. Pamilya ng pugante. Well some could have just been desperate enought to commit their crimes but it's still their choice and they're sane enough to know what's wrong and right. I saw a log at napaupo ako roon. Ryu sat beside me but he was in deep thoughts.
"Iniisip mo ba ang cellphone at wallet mo?", I asked.
"No."
"Eh ano iniisip mo? Yung kamay nung Scott?" Oo nga pala. Wala itong pakialam sa cellphone at wallet niya.
"Sort of. I was thinking of Mnemosyne."
Tinusok ko ang tagiliran niya. "Uyy, nagkakagusto ka na kay Mnemosyne ha." He gave me a smirk. Nasa lugar na kami ng pugante at kung ano ay hindi pa rin mawala-wala ang dakilang smirk nito.
"It's not like that. I'm thinking of her gathered informations about Scott. Cooler thinks that in his arm wasn't the location of Ivanovich but rather a message for the police about his innocence or what", wika ni Ryu.
"Message for the police?"
"Yes, but he's not really sure about it. It could be a tattoo that can prove that he's not part of the heist. Cooler believes that he's not part of it. In fact he had it investigated with Poseidon."
"You mean Red?"
Mahina siyang tumango. "Cooler said na maaring nagkamali ang nga pulis. Scott wasn't really part of it at nadamay lamang. But police report stated the contrary. They pointed out that he was the mastermind. Parang na-frame up lang siya."
"Kawawa naman pala si Scott kung ganoon. How about Mnemosyne's grandfather? Hindi ba niya kinonfirm sa inyo ang involvement ni Scott?", tanong ko sa kanya.
"Old Theodore doesn't know. Ayon sa kanya ay hindi niya alam kung sino ang mga namumuno sa gang. He just knew their codenames. Scorpion. That's the codename of the their front man. Scott got a scorpion tattoo on his chest kaya marahil ay siya si Scorpion", paliwanag ni Ryu.
Napaisip ako, life with mafia isn't easy. Pakiramdam ko ay laging nasa linya ang buhay mo.
"Ang gulo ng buhay ninyo", komento ko sa kanya at hindi na siya sumagot pa. Ilang minuto din ang lumipas bago muling dumating si Ka Roman at nagsalita sa gitna.
"Tapos na naming libutin ang lahat ng kubo ngunit hindi namin matagpuan ang nawawalang braso ng yumaong pugante. Umamin na kung sino man ang may gawa nito!", puno ng awtoridad na wika nito. Umugong muli ang ingay sa paligid. Panay ang tanong nila kung sino ang maaring gumawa niyon.
Imposible naman yatang agad iyon mawala. Someone must have hidden it somewhere. Have they really checked all the huts?
"Sino ang gustong magpahayag ng kanyang opinyon?", tanong ni Ka Roman and I immediately raised my hand. Nagtatakang tiningnan ako ni Ryu at ng mga taga baryo.
"Binibini?"
"What's this Amber? Do you want to get your head chopped?", bulong ni Ryu sa akin at hindi ko siya pinansin.
"Itatanong ko lang po sana kung tiningnan niyo po ba talaga lahat ng kubo?"
"Oo naman binibini, maliban sa kubong ginagamit ninyo", sagot ni Ka Roman. "Imposible namang kayo ang gumawa niyon. Isa pa ay binibigyan namin kayong mag-asawa ng sariling espasyo. Ipinagbabawal namin dito ang pagpasok sa mga kubong ginagamit ng mga dayo at alam iyon ng lahat."
"Kung ganoon po ay malaki ang posibilidad na nasa kubo namin ang nawawalang braso. Sa katunayan ay pinasok po kami. Ninakaw po ang wallet at cellphone ni Ryu— ng asawa ko", pagbibigay-alam ko sa kanila. Umugong ulit ang ingay mula sa mga bulong ng bawat isa.
"Totoo ba ang sinasabi mo? Kung inyong mamarapatin ay nais naming halughugin ang inyong kubo", wika ni Ka Roman at nagtungo sa kubong inuokupa namin.
Hinalughog nila iyon at ilang sandali nga ay natagpuan na ang nawawalang braso ni Scott. The culprit really hid it in our hut since he knew that huts used by visitors aren't subject for inspection.
Muling tinipon ni Ka Roman ang mga tao at tinanong kung sino ang nanloob sa kubo at naglagay ng braso doon gayundin ang nagnakaw sa cellphone at wallet ni Ryu. Walang sumagot kahit anong pilit ni Ka Roman hanggang sa napagpasyahang magkaroon ng roll call. Isa-isang tinawag ang mga pangalan ng taga-roon at isang taong nagngangalang Allan ang nawawala. Ka Roman concluded that Allan might be the one responsible for everything and then he fled away. Naayos na ang lahat at pinabalik na ang bawat isa sa kanya-kanyang kubo. Sumama naman sa kubo namin si Ka Roman at Nana Letty kasama si Ruben.
"Ipagpaumanhin ninyo ang nangyaring pagnanakaw ng sakop kong si Allan. Hindi ko saklaw ang iniisip nila. Marahil ay nasilaw siya sa pera", wika ni Ka Roman.
"Kalimutan na lang ho natin iyon dahil wala na po tayong magagawa", sagot ni Ryu. I know he's angry. He's a devil and surely he hates being robbed by another devil.
"Mag-uumaga na. Mas mabuting magpahinga na kayo. Ikaw din Ruben. Magpahinga ka na muna at nang maihatid mo sila bukas sa labasan", suhestiyon ni Nana Letty. Nag-alangan pa si Ruben bago ito napayuko.
"May aaminin po ako Ka Roman. Ako po ang pumutol sa braso ng pugante. Patawad Ka Roman. Handa po akong tanggapin ang ano mang kaparusan na ipapataw ninyo sa akin", napaluhod na wika ni Ruben. Nagulat si Nana Letty sa pag-amin nito. Hindi niya marahil maisip kung bakit niya iyon nagawa.
"Bakit Ruben?", kalmadong tanong ni Ka Roman.
"Narinig ko po kasi ang usapan ng mag-asawa. Ayon sa kanila ay nakasulat sa braso ang lokasyon ng mga ninakaw nung pugante. Patawad Ka Roman", wika ni Ruben.
"Alam mo na ang kahahantungan mo."
Bigla na lamang nagsalita si Ryu. "Please spare his life tutal ay inamin naman niya ang kasalanan niya", wika nito na ikinagulat ko. Kailan pa naging soft-hearted si Ryu? "Ipakita niyo po sa amin ang braso. Sa katunayan ay mali po ang impormasyong narinig ni Ruben. Ang totoo niyon ay naniniwala kaming wala talagang kasalanan si Scott."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung inyong mamarapatin ay nais po naming makita ang braso", Ryu said at inakbayan ako. "Ang totoo po niyan ay isa pong cryptographer ang asawa ko. Maari niyang mabasa kong ano man ang nasa braso."
Lies! Lies! Lies! Una ay hindi niya ako asawa! Pangalawa ay hindi ako cryptographer! Namumuro na rin si Ryu sa mga patsa-tsansing niya!
"Kung gayon ay tulungan mo ako Ruben. Ihanda natin sa mesa ang braso. Letty, dagdagan ang ang lampara at nang lumiwanag ng maayos. Kumuha ka rin ng pang-ahit", wika ni Ka Roman.
Nang makaalis sila sa harap namin at agad kong tinanggal ang braso ni Ryu. "Ano ba ang ginagawa mo? I'm not a cryptographer for goodness sake! Isa pa ay hindi ko alam kong maniniwala ba ako na wala nga siyang kinalaman doon."
"Cooler got a strong gutfeel so let's trust his theory on this", wika niya at wala na akong nagawa ng maihanda na nila ang lahat. Naupo kami sa mesa nang sinimulan nilang ahitin ang mabuhok na braso ni Scott. Tumambad doon ang malaking tattoo.
подмастерье.
Iyon ang nakasulat sa kanyang braso. The third character looks like a scorpion in his arm. Sa ibabang bahagi naman ay mayroong VI. Roman numerals for six?
Russian characters? I'm not familiar to those. I've already encountered russian characters in one of my adventures before but I wasn't the one who translated it.
"I'm not really sure what it means but I really believe that Scott has nothing to do with the robbery before", wika ni Ryu. "Ayon sa nalaman ko, isang tattoo master si Ivanovich kay marahil siya ang nagtattoo kay Scott. VI is the proof." Kinunan niya iyon ng larawan gamit ang cellphone ko.
"Hindi ba yan Roman Numerals?", tanong ko.
"No. Ang ibig sabihin nito ay Vyachelov Ivanovich. It's his initials", Ryu said.
"Teka, akala ko ba ang asawa mo ang cryptographer?", tanong ni Nana Letty kay Ryu. Nagkandautal-utal naman ito bago sunagot.
"Ah- I'm her, ang ibig ko pong sabihin ay apprentice niya ako", sagot ni Ryu.
"Ganoon ba? Ang totoo niyan ay narinig ko rin ang tungkol diyan. Bueno, magpahinga na kayo. Ruben, mag-uusap pa tayo bukas", wika ni Ka Roman at tumayo. Dinala niya ang braso at sumunod sa kanya si Nana Letty. Umalis na rin si Ruben matapos magpaalam sa amin. Nang makaalis ang mga ito ay muli naman kaming bumalik sa pagtulog namin.
5AM-10AM
Maaga kaming nagising kinabukasan. Agad na naghanda si Nana Letty ng kape at agahan namin na pinaunlakan namin ni Ryu. Matapos mag-agahan ay hinatid kami ni Ka Roman sa labasan kung saan naiwan ang kotse ni Ryu. We took the other way at hindi iyon ang daan na tinahak namin papunta doon. Nang makarating kami doon ay nagpasalamat kami kay Ka Roman bago umalis.
"Can I borrow your phone
for a while?", tanong ni Ryu habang nagmamaneho. Agad ko naman iyong inabot sa kanya. I don't know what he was doing but I just let him scroll on my phone. He dialled a number at hinintay na may sumagot doon.
"This is Apollo. Is Mnemosyne around?", tanong ni Ryu at saglit na nanahimik. "Mnemosyne, we've discovered the dead body of Scott Vega. I already send the photo on your phone. Gusto ko ring bisitahin mo ang lugar niya at— fuck!", he tossed the phone back to me. Nang tingnan ko iyon ay dead battery.
"You're welcome ha!", sarkastikong wika ko. Bumalik na naman siya sa pagiging devil niya!
"I'm not still familiar with the road. Mabuti na lamang at may signal na dito", wika niya and I made a face. Bakit pa kasi nag-shortcut pa ito! Arrrrgh! Nakakainis isipin! Patuloy lang siya sa pagda-drive hanggang sa nakarating kami sa isang tila lungsod.
"Mukhang mas napapalayo talaga tayo", wika niya and he pulled the car on one side. Nang tingnan ko ang labas ay may dagat doon at iilang mga tao.
"Ano mukhang mas lumalayo? My God Ryu! Wala bang GPS tracker tong kotse mo at nang matunton tayo ng mga kampon mo?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "I have it removed dahil ayoko ng masyadong binubuntotan ng mafia."
Napafacepalm na lamang ako sa sinabi niya. I really have to wait hanggang sa makabalik kami sa main highway ng syudad. I'm not even sure if this place is part of our city!
Bumaba si Ryu ng kotse upang magtanong-tanong. Agad akong sumunod sa kanya at nagtanong na rin sa iilang tao na nandoon.
"Naku, malayo pa ho tayo sa kabihasnan. Kapag lumuluwas kami sa syudad ay kadalasang umaabot kami ng limang oras", sagot ng isang lalaki. What the hell! 5 hours?!
When I glanced at my watched ay mag-aala syete pa lamang. Uh, bakit ba ang tagal ng oras?! I've been with him for almost 24 hours and it doesn't turns out to be good! Pumunta kami at naupo sa mga bench nakaharap sa baybayin.
"I hate this. Ayaw kong hindi naliligo ng isang araw", wika niya sa akin. "I want to change my clothes. Even just a shirt."
"Edi bumili tayo", wika ko at tumayo. "I saw a mini-boutique kanina. We can choose some clothes there."
Tumayo na rin siya at sumunod sa akin. I want to take a bath too and change my clothes. Hindi rin ako mapakali kapag hindi naliligo! Nang makarating kami doon ay agad kaming sinalubong ng saleslady.
"Magandang umaga po Maam, Sir! Welcome to JM Couple's Boutique!"
"What? Couple's boutique?" magkapanabay naming tanong ni Ryu.
"Opo Maam, Sir. Nagtitinda po kami ng mga couple shirts at iba pang mga stylish na couple items", nakangiting wika nito.
"Teka, miss. You got it wrong. We're not couple. Wala ba kayong mga damit na hindi pang couple?", wika ko sa kanya. There's no way I'll be wearing an identical shirt with Ryu!
"Wala po Maam. Pero meron po kaming mga damit na pang couple pero hindi identical. Saka wala na rin pong mga nagtitinda ng damit dito, meron po pero ukay-ukay", wika niya.
"Ayokong magsuot ng galing ukay so we'll take those. Magkano ba ang mga iyon?", Ryu asked. Aba, ang arte! Ang ganda kaya ng mga damit sa ukay-ukay! Laba lang ang katapat!
"300 each po." Ang mahal ha! Sigurado akong inaabuso lamang ng tindera ang pangangailangan namin ngayon!
"Pautang", Ryu said at hinarap ako. Sinamahan kami ng babae upang natingnan ang nga damit. Matapos kaming pumili ay agad naming binayaran ang mga iyon.
I handed my credit card to the saleslady at nagtatakang napatingin lang siya sa amin. "Hindi po kami tumatanggap niyan dito ma'am. Cash lang po."
Hinalughog ko ang bag at wallet ko ngunit 250 lamang ang cash ko na naroon. "Pero Miss, 250 lang ang pera ko. Pwede bang utang?"
"Naku Ma'am. Tindera lang po ako dito. Kung gusto nyo po, may sale kami. 250 po, couple shirt."
"Miss, hindi talaga kami couple", paliwanag ko sa kanya. Argh! Ano bang hindi niya maintindihan doon?
"Kukunin namin", Ryu said and I've got no other choice but to agree kaysa naman hindi ako makapagbihis. I almost cuss when I saw what was written on the white couple shirt.
On Ryu's shirt ay may nakasulat na My Heart Belongs to Her at may arrow na nakaturo sa kanan samantalang ang nakasulat naman sa shirt ko ay My Heart Belongs to Him at may arrow din na nakaturo sa kaliwa.
"Don't you dare stand on my left", wika ko sa kanya ng makalabas ako ng fitting room na nakabihis. Damn! Nakakasuka naman ang nakasulat sa damit na ito! But it was better than those remaining shirts on sale! Mas nakakadiri kaya yung nakasulat doon na He's/She's my Baby at kung anu-ano pa!
Tiningnan niya ako ng masama. "You think I like this shirt? I got no other choice Amber kaya tigilan mo kung ano man yang iniisip mo."
"Kyaaaaaah! Ang cute niyo po! Bagay na bagay kayo!", kinikilig na wika ng tindera. Ryu and I both gave her a deadly glare bago nagbayad at lumabas doon.
Naglakad kami palabas ng boutique at napadaan sa harap ng mga lalaking umiinom ng kape mula sa vending machine.
"Tinawagan ako ni Bossing kagabi. Sabi niya meron na naman tayong raket. Isang transaksyon daw, kasama yata yung sindikato ng droga", wika ng isang lalaki.
Napatingin sa dako namin ang isa sa kanila at napakunot ang noo. Kinalabit niya ang isang kasama at tinuro kami. I saw Ryu's face tightened and then he grabbed my wrist while mumbling a cuss.
"Apollo!", sigaw ng isa sa mga lalaki at bumunot ng baril.
"Run Amber!", sigaw ni Ryu at hinila ako palapit sa sasakyan! Shit! Kung minamalas ka nga naman!
Nang lingunin ko ang mga lalaki ay patakbo rin sila papunta sa isang pick up. Panay pa rin ang mura niya habang pinapaandar ang kotse.
"Shit! Shit! Shit! Damn it! Pati ba naman dito! Fuck!
"Pwede ba tumahimik ka! Hindi nakakatulong ang pagmumura mo!", I shrieked when a bullet hit the side mirror. My God! Palagi na lamang ganito ang eksena kapag kasama ko si Ryu! Sigurado akong walang Artemis na tutulong sa amin ngayon!
"Amber, there's a gun under your seat. Pakikuha please!", natatarantang wika niya.
"Idiot! Kailan mo ba maiintindihan na takot ako sa baril! Aaaah!", napasigaw ulit ako ng muling nagpaputok ang mga lalaki.
"Shit! Bakit ba kung kailan may kasama ako, saka ko nakaka-enkwentro ang mga tao ng sindikato!", wika niya. He's face was very serious while he was driving the car.
"Ano na naman ba kasi ang ginawa mo sa kanila?", tanong ko sa kanya. Nakayuko ako dahil sa takot na matamaan ng mga bala.
"I beat the hell out of their transactor!", wika niya. "Amber kunin mo sabi ang baril!"
"Ayaw!" So we're back to this scene.
"Amber!"
Patuloy pa rin ang putukan kaya wala akong nagawa kundi kunin ang malamig na bagay na nasa ilalim ng upuan ko! Damn, I'm afraid with guns ngunit ilang beses na akong pinahawak ni Ryu ng baril! This devil never failed to pissed off the hell out of me by making me do the things that I don't want to!
"Hawakan mo ang manibela!"
"What?"
"Hawakan mo ang manibela Amber!"
"What are you gonna do?!"
"Just do it!", sigaw niya at natatarantang hinawakan ko ang manibela. He opened the car's door at nagpaputok ng ilang beses.
"Ryu don't do it!", tarantang wika ko habang nakahawak sa manibela. Ilang saglit lamang ay muli niyang sinara ang pinto at siya na ang humawak sa manibela. When I looked back ay nakita kong unti-unting humina ang takbo ng pick up hanggang sa tumigil ang mga ito.
"Ano'ng ginawa mo?!", tanong ko kay Ryu.
"I hit their tires. Don't worry, walang natamaan sa kanila. You don't have to cry like those goons are your family member", wika niya. Napakapa ako sa pisngi ko. Kapag sobrang takot ang nararamdaman ko ay hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. And for goodness sake, I wasn't worried about those goons! Bakit ba palagi na lang akong naiiyak nang hindi ko namamalayan?
"Hindi sila ang iniiyakan ko! Natatakot lang ako sa baril", wika ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako saglit at tinapon sa likuran ng kotse ang baril.
"I'm sorry for dragging you into this mess", seryosong wika niya at natigilan ako. So this devil knows how to say sorry? Kagabi ay nag-thank you din siya. Bumabait na ba ang dating devil na si Ryu??
"What? Don't give me such look like I just said a miracle", he scowled at me. Oh there. He's still a devil.
Hindi ko na lamang siya sinagot at saglit na naidlip. Nang ginising ako ni Ryu ay mataas na ang sikat ng araw. Nang sulyapan ko ang relo ko ay mag-aala una na ng tanghali. Ganoon ako katagal na naidlip?! Nilingon ko ang paligid ngunit hindi pa rin iyon pamilyar. Wait.
What?! For almost 7 hours ay hindi pa rin kami nakakalabas sa lugar kung nasaan kami?!
"Nasaan na tayo?"
He shrugged his shoulders. "I have no idea." Napabuntong hininga ako. Medyo sumingkit ang mata ni Ryu, marahil ay galing din ito sa pag-idlip. Can't blame him. Parehas kaming napuyat dahil sa insidente kagabi.
"Let's keep going", wika ko sa kanya but he gave me a frown. "What was that for?"
"Nasiraan tayo", wika niya and I almost lost all hope. Una ay overheat, tapos naubusan ng fuel, tapos ngayon na naman ay nasiraan?! Great. Just great.
I sighed heavily again. Pasakit na talaga ito sa buhay. Why do we have to experience this series of misfortune? Isa ba kami sa Baudelaire's children mula sa A Series of Unfortunate Events ni Lemony Snicket?
"What are we gonna do now?"
"Ask for help. I saw a house nearby. It's a maskmaker's house", wika niya. We got no other choice kaya bumaba kami ng kotse at tinungo ang bahay na sinasabi niya.
1PM-12AM
Pagdating namin doon ay nakakatakot na ang bumungad sa akin. The main gate contains masks. May mga nakasabit doon na greek theatre mask, the mask which shows a happy and sad emotions. Mayroon ding aztec mask at kung anu-ano pa. We were about to knock on the rusty gate nang bigla na lamang iyong bumukas at sinalubong kami ng nakakatakot na mukhang nay maskara. It was a face of the devil from a Balinese topeng mask! Parehas kaming napaatras ni Ryu at hindi agad nakapagsalita. Tinanggal ng lalaki ang suot niyang maskara at tumawa.
"Pasensya na kayo. Ugali ko kasing sukatin ang mga maskarang ginagawa namin. What mask design do you wish to purchase?", wika niya. Base sa pananalita at pananamit niya ay mahahalatang may pinag-aralan ito.
"No, we're not here to purchase a mask. I'm Ryu and this is Amber", pakilala ni Ryu. "Nasiraan kasi kami ng kotse and we want to ask for help. Isa pa ay nawawala kami. Hindi namin alam ang daan pabalik sa syudad. We want to ask for some help."
"Ganoon ba? Kung ganoon ay pumasok muna kayo at ng makapagpahinga. May mga bisita din kasi ako na bibili ng mga maskara para sa teatro. Ilang oras pa ang babyahiin niyo bago kayo makalabas dito sa probinsya. Mekaniko ang isa kong kapatid kaya maari kayong humingi ng tulong sa kanya", wika ng lalaki at niluwagan ang pagbukas ng gate. "I'm Cyrus Mavel. A maskmaker."
Inaasahan naming nag-iisa lamang si Kuya Cyrus doon ngunit hindi pala. May kasama siyang dalawang lalaki at isang babae. Nang ipakilala niya ito sa amin ay nalaman naming bisita lamang din sila. One guy was Owen Macas, a 43 year-old theatre director. Ang isang lalaki ay si Arthur Salve, 28, ang kanyang assistant at ang babae naman ay si Thelma Arangcon, 24 and a theatre actress na siyang gagamit sa pinagawa nilang Noh mask. Naroon din ang dalawang kapatid ni Kuya Cyrus na siyang katulong niya sa paggawa ng mga maskara. There was Celine Mavel, 42 at Carlito Mavel, 40. Kuya Cyrus was 46 years old but still young at heart kaya mas pinili niyang tawagin namin siyang Kuya.
Puno ng maskara ang buong bahay kaya nakakatakot iyong tingnan. There were shelves which contains masks of different kinds and designs. Tiningnan ko ang mga nakadisplay na maskara doon.
"Masks are scary", wika ko kay Ryu na nakatayo sa tabi ko at tinitingnan din ang mga maskarang nakadisplay.
"Everyone needs masks to hide away the real them", seryosong wika niya. "Don't be fooled by the masks of people around you Amber. What they are showing are not the real them. Sometimes you have to rip off their masks."
I looked at him and I wonder if he was wearing any mask. Is he really the devil that he's showing as him? O isa siya sa mga taong nagsusuot ng maskara? Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong magkomento pa sa sinabi niya dahil lumapit sa amin si Kuya Cyrus.
"This is one of my favorite mask", wika ni Kuya Cyrus at inilabas mula sa shelf ang isang maskara. It was a face of a woman. "This is a female noh mask showing how the expression changes with a tilting of the head", he said at gaya nga ng sinabi niya ay nag-iba nga ang ekspresyon ng mukha ng babae sa maskara.
"Amazing! I saw something like this in Detective Conan! Hindi ko lamang maalala kung anong episode iyon", natutuwang wika ko. I heard Ryu mumbled something like 'childish!' at hindi ko na lamang siya pinansin.
"Yes. Japanese culture includes masks as part of a very old and
highly sophisticated and theatrical tradition", wika ni Kuya Cyrus. "In fact ay nagtatrabaho ako sa Japan dati and we used to make Tengu masks, but now I decided to make my shop here in the Philippines at ipinapadala iyon kung saan."
"Ibig po bang sabihin ay ini-export ninyo ang mga gawa ninyong maskara?", tanong ko sa kanya.
He smiled at me. "Yes, umaabot sa iba't-ibang dako ng mundo ang mga gawa namin."
"But why chose an isolated place para puntahan ng mga bisita? You can make a store in the city", Ryu said. He's right. Bakit naman nasa liblib na pook ang kanyang shop?
"Hindi naman kasi kami ang nilalapitan ng mga customer. My style is ako ang lumalapit sa kanila kaya hindi ko na kailangan pag gumawa ng maskshop na nasa syudad mismo", sagot niya.
Lumapit si Sir Owen sa isang shelf at tinuro ang isang maskara. "Anong klaseng maskara naman ito?"
Si Auntie Celine ang sumagot. "It's a korean traditional mask. They're associated with shamanism and ritual dances. Ginagamit din iyan for shamanistic ceremonies to drive away evil spirits."
Kinuha ni Kuya Cyrus ang isang simpleng maskara. "This mask was once used in performing the Indian drama, depicting the epics Mahabharata and Ramayana."
Nagtanong din ang iba pang bisita tungkol sa mga naroong maskara at maganang sinagot naman sila nina Kuya Cyrus.
"How do you transport your masks?", tanong ni Ryu.
"We have it placed in the box at si Carlito ang tagapamahala ng pag-eexport niyon", sagot ni Auntie Celine. "Bakit hindi natin dalhin sa gallery ang mga bisita mo kuya at nang makita nila ang iba pang mga maskara?"
"Magandang ideya iyan. Sumunod kayo sa akin", wika ni Kuya Cyrus at naglakad papunta sa isang malaking pinto na nasa second floor. We almost catch our breath nang mabuksan iyon at tumambad sa amin ang napakaraming maskara. Nakagalay ang mga iyon sa shelf at may iba rin na nakabitin. There are different varieties of masks there at ipinaliwanag iyon sa amin ni Kuya Cyrus mula sa mga Papierkrattler masks, Yup'ik masks, comedy masks, batac masks, Noh masks, cherokee ceremonial mask, kabuki at maging mga fang masks at iba pang uri ng mga maskara ng which shows a devil face. Matagal-tagal din kaming nanatili doon at nakinig sa mga paliwanag nina Kuya Cyrus at Auntie Celine sa mga naroong maskara. Mayroon ding mga malalaking kahon na nandoon at ayon sa kanila ay mga pre-ordered masks iyon na kailangang i-ship sa mga susunod na mga araw. Kuya Carlito wasn't around dahil napakiusapan na namin itong kumpunihin ang kotse ni Ryu.
"Bakit hindi mo sila handaan ng meryenda Celine? It's almost three and our visitors must be hungry", wika ni Kuya Cyrus at tumalima naman si Auntie Celine. I was surprised to know na alas tres na pala ng hapon. Nanatili kami sa sala habang naghahanda ng meryenda si Auntie Celine at nagpaiwan naman sa gallery si Kuya Cyrus.
"I'm so bored here. Hindi pa ba tayo aalis?", maarteng tanong ni Thelma kay Sir Owen. Kanina pa ito nagpapa-cute kay Ryu ngunit hindi naman siya pinapansin ng huli.
"Hindi pa Thelma", sagot ng butihing direktor. Panay pa rin ang pag-iinarte ni Thelma. Nakakainis itong pakinggan. Kesyo mainit daw, walang internet, boring at kung anu-ano pa ang reklamo nito.
"Arthur, paypayan mo nga ako!", maarteng wika nito at tumalima naman si Arthur. If it was me ay ihahampas ko talaga ang pamaypay sa mukha ni Thelma. She's very irksome and acting like a queen!
Hindi nagtagal ay dumating na si Kuya Carlito upang makisalo na rin sa meryenda nang maihanda na iyon. Auntie Celine already knocked on the gallery ngunit hindi daw ito sumasagot.
"He's always like that lalo na at busy sa kanyang ginagawa. Lalabas din iyon mamaya", paliwanag ni Auntie Celine at nakisalo na rin sa meryenda. Panay rin ang kwentuhan nila tungkol sa mga maskara, mga suki nito sa iba't-ibang bansa at iba pa. Nagkwento din si Sir Owen tungkol sa mga play na nai-teatro nila. Thelma went bragging about her plays and other opera. Halatang nagmamayabang.
"Bakit hindi na lamang kayo magpabukas ng alis Ryu? Maari kayong sumabay sa amin. Arthur knows this place very well kaya paniguradong hindi na kayo maliligaw", wika ni Thelma. Panay ang sulyap niya sa couple shirt na suot namin.
Ryu looked at me as if he's asking for my opinion. "What do you think Amber?"
"Mabuti nga iyon at nang hindi tayo mawala", wika ko at pinaunlakan niya ang paanyaya ni Thelma na sasabay kami sa kanila.
"Really? Can I ride with you? Sira kasi ang aircon sa kotse ni Sir Owen. I hope you don't mind Amber", wika nito. Of course I don't mind. Thelma asked the wrong person. She should be asking Ryu and not me. Sa napapansin ko ay hindi papasa sa pagiging whore niya si Thelma. Well, she's pretty but it seems like Ryu don't like her. Naalala ko tuloy ang napakagandang si Mnemosyne! Kung hindi ito pumasa sa standard ni Ryu, ano na lamang kaya ang mga babae niya? Are they close to perfection or what?
"Yeah, sure", walang ganang wika ni Ryu at tuwang-tuwa naman si Thelma.
Nang sumapit ang alas sais ay nagpaalam si Auntie Celine na maghahanda ng hapunan. Nagpaalam din si Sir Owen na maglalakad muna sa labas. Si Arthur naman ay nagpaalam na may kukunin sa kotse kaya naiwan kami ni Ryu sa sala kasama sina Thelma at Kuya Carlito.
Dumating si Auntie Celine at nagtanong kong hindi pa rin ba lumalabas si Kuya Cyrus. Nang malaman nitong wala ay bumalik ito sa kusina at sinabing marahil ay bababa ito kapag hapunan na. Panay naman ang kwentuhan ni Kuya Carlito at Ryu tungkol sa negosyo. Geez, ngayon ko lamang nalaman na masyado pa lang interesado si Ryu sa business. He should have took Business Administration courses rather than Information technology.
Nang maihanda na ang hapunan ay bumalik na sina Arthur at Sir Owen. Nakahanda na ang mesa ngunit hindi pa rin bumababa si Kuya Cyrus kaya napagpasyahan ni Auntie Celine na muli itong puntahan sa gallery. Ilang saglit lang ay muling bumalik si Auntie Celine sa kusina.
"Carlito nasaan ang masterkey? Nakapagtatakang hindi man lamang sinasagot ni Kuya ang pagtawag ko", wika niya at naalarma ang lahat kaya sumama kami sa kanila pabalik sa gallery.
Kuya Carlito opened the door at hindi agad ito nakagalaw pagbukas niya ng pinto. Nagulat kaming lahat ng tumambad sa amin ang nakabitin na katawan ni Kuya Cyrus! Nakakakalat din ang mga maskara sa sahig! Napasigaw si Thelma at si Auntie Celine at hindi rin halos makagalaw sina Sir Owen! Someone killed him habang nag-iisa ito sa gallery but the question is, WHO KILLED HIM?
"Ibaba natin siya!",wika ni Ryu at agad nilang pinagtulungan na ibaba ang katawan ni Kuya Cyrus. Saka lamang nakahuma si Kuya Carlito. Humagolhol naman si Auntie Celine at takot din ang nakabakas sa mukha ng bawat isa. I carefully studied their facial expression dahil isa lamang ang ibig sabihin nito. The murderer is someone who's with us right this very moment.
Napatingin ako sa mga nakakalat na maskara sa sahig. Bakit nasa sahig ang mga iyon? How did the murderer managed to put those masks on the floor with making any suspicious sounds or noise? Kung inisa-isa niya iyon sa pagbaba mula sa mga shelf, it takes time dahil napakarami niyon. Kung basta niya lamang inihulog ang mga iyon, it will surely creates some noise that will catch our attention habang nasa sala kami. There are more than hundreds of masks!
Wala ni isa mang maskara ang naiwan sa mga shelf. Lahat ay nasa sahig at iyon ang nakapagtataka. Could it be possible na hindi lamang isa ang gumawa niyon?
Come to think of it. Ang wala sa sala kanina ay sina Sir Owen, Arthur at Auntie Celine na nasa kusina. Naiwan naman kaming apat nina Ryu, Thelma at Kuya Carlito doon sa sala. How did the murderer managed to kill him without passing on the first floor? Kitang-kita ko nang lumabas ng main door sina Sir Owen at Arthur. Kung may iba mang may alam ng ibang daan papunta sa gallery ay sina Kuya Carlito at Auntie Celine lamang ang nakakaalam niyon dahil sila ang may-ari ng bahay.
Nang maibaba nila ang katawan ay agad na tinanggal ni Ryu ang fishing line na siyang ginamit sa paglambitin sa katawan. Lumapit siya sa akin at bumulong.
"I know you've been rooting to solve this case Miss Detective, I'll be your assistant if that's so", wika niya at agad na hinawakan ang pulso ni Kuya Cyrus. "He's still warm kaya hula ko ay hindi pa matagal mula nang mamatay siya."
"Kuya!", humagolhol na tawag ni Auntie Celine ang kapatid. Nang akma itong lalapit ay agad ko siyang pinigilan.
"Please don't touch the body!", wika ko sa kanya at napatingin silang lahat sa akin. "Touching the body might destroy any possible evidence na naiwan ng murderer!"
"Murder? Hindi ba ito isang suicide?", tanong ni Arthur.
"This is definitely a murder. Paano naman naging suicidal si Kuya Cyrus when he shows how much he was looking forward to life? Another point is the scattered masks. Bakit kailangang ikalat ang lahat ng maskara sa sahig? Lastly is the position of the body. Nakabitin siya but there wasn't anything na maaring pinatungan niya.", sagot ko sa kanila.
"Hindi kaya ginamit niya ang mga maskara and that explains why nakakalat ang mga iyon sa sahig?", tanong ni Thelma.
"Wait, what are you kid? Some sort of a detective?", tanong ni Sir Owen and I almost raised one of my brow when he called me kid.
"Yeah. She helps the police a lot", sagot ni Ryu. "So now if you'll excuse us. Please stay on the living room o kaya ay kumain na kayo ng hapunan while we will try to identify who's behind this."
Pumayag sila at agad na lumabas. Nagsimula ko ng siyasatin ang bawat sulok ng gallery for murder. The scattered masks on the floor is a big mystery for me.
"I think I know how the culprit managed to scatter all the masks without making any noise", wika ni Ryu kaya napalingon ako sa kanya.
"Paano?"
"Habang nandito tayo kanina ay napansin ko ang fishing line na siyang nakakonekta sa lahat ng mga maskara. That's how the masks are able to stand inside the shelf", seryosong wika niya.
"You mean —"
"Yes. Kaya nakakalat ang mga maskara sa sahig ay dahil ginamit ng killer ang fishing line sa pagpatay kay Kuya Cyrus. He simply held both ends of the fishing line bago iyon hinugot kaya hindi iyon masyadong lumikha ng tunog."
"But how was he able to pull the body up?", tanong ko. "Ryu, don't you observed any suspicious reaction ng bawat isa ng pumasok tayo dito kanina?"
He shrugged his shoulders. "Nothing. Maliban na lamang sa lahat ay halos hindi makagalaw dahil sa gulat ng makita ang katawan", sagot niya. Hindi makagalaw?
"Ryu! Let's search the body for any burnt mark!", wika ko sa kanya. Nag-alangan siya saglit ngunit agad naman siyang tumalima and there really was a mark on his nape! Maliit lamang ang pasong iyon kaya alam ko kung saan iyon galing.
Tiningala ko ang fishing line kung saan nakabitin ang katawan kanina. Tinanggal na iyon but I was surprised that there was a box on the doorway. Nakaharang iyon sa pinto upang hindi iyon masara.
Just like a jigsaw puzzle, the pieces fit into each other and complete the whole scenario. It's no doubt that that person is the murderer! Mula sa nakakalat na mga maskara, sa nakasabit na katawan gamit ang fishing line, to the deliberate immobilization as if due to shock but rather to execute his plan. Ang malaking box din na nakaharang sa pinto ay isa sa matibay na ebidensya na magtururo sa taong iyon.
"I think it's that person", wika ko kay Ryu. He looked firmly at me at marahang tumango.
"I think you're right. But I'm wondering why", he said at nagtangkang alisin ang box na nakaharang sa pinto. Marahan niya iyong sinipa at hindi agad iyon gumalaw. "Damn! These masks are heavy!"
Natigilan ako sa sinabi biya. The masks are heavy? Pumulot ako ng ilang maskara na nasa sahig ngunit hindi iyon mabibigat. Lumapit ako sa gilid at tinangkang buhatin ang isang kahon. Magaan lamang iyon ngunit ng nilapitan ko ang box na nasa pinto at tinangkang buhatin iyon ay napakabigat niyon.
"Can you open these boxes for me Ryu?", I asked him at tumalima siya. There were masks inside ngunit ng inalis ko ang ilang mga maskara ay tumambad ang mga armas.
Handguns of different caliber and designs! Napaatras ako at nanlamig ng makita ang mga iyon. Agad namang isinara iyon ni Ryu.
"Are you ready for your deduction show Miss Detective?", he asked at iginiya niya ako palabas ng gallery.
Pagbaba namin sa sala ay tahimik ang lahat. Panay pa rin ang hikbi ni Auntie Celine at wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita. Nang makita kaming pababa ng hagdan ay agad niya kaming sinalubong.
"May nakuha na ba kayong impormasyon tungkol sa kung sino ang pumatay kay Kuya Cyrus?", tanong niya sa amin and I nodded my head slowly.
"Sino?! Who did it? Kung sino man iyon ay sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan!"
I took a deep breath bago nagsalita. "He wasn't dead nang paulit-ulit ninyo siyang katokin kanina. Saka lamang siya binawian ng buhay nang pumasok tayo sa gallery", panimula ko and all of them gasp in surprise.
"Anong ibig mong sabihin?", tanong ni Arthur. He was one of the suspicious ones kanina dahil umalis sila sa sala when Kuya Cyrus was still in the gallery at iniisip namin na abala lamang sa kanyang ginagawa.
"He was still alive but he just lost consciousness. He was immobilized using a stun gun and that explains why he got a burnt mark on his nape."
"A stun gun? Who did it?", tanong ni Sir Owen.
"It's the person who opened the door and acted like he was surprised. Ang totoo niyan ay sinadya niya ang ganoong reaksyon upang bawian na ng buhay si Kuya Cyrus", wika ko sa kanila.
Napatutop si Auntie Celine sa bibig niya. "Ibig sabihin—", she slowly turned her gaze into his brother, Kuya Carlito. "C-carlito?"
Nagulat ang huli ngunit hindi ito sumagot o kaya ay gumalaw man lamang.
"He used a stun gun upang mawalan ng malay si Kuya Cyrus and then he removed the fishing line na nasa mga maskara. He hooked it around Kuya Cyrus' neck habang wala itong malay. He did all those things nung iniisip natin na nagkukumpuni siya ng sasakayan. He attached the fishing line on the door and by the moment that we will open the door ay maangat ang katawan. He deliberately froze for a moment upang bawian ito ng buhay. He even placed a box on the door nang hindi maibaba ang katawan kapag maisara ulit ang pinto", wika ko. I'm sure of it. As of how he managed to enter the gallery, marahil ay kumatok lang siya at pinagbuksan ni Kuya Cyrus who was clueless of the danger that awaits him.
"Totoo ba iyon Carlito?", halos hindi makapaniwalang tanong ni Auntie Celine. Kahit ako ay ayaw maniwala but that's how things were done. They're siblings for goodness sake!
Tumayo si Kuya Carlito at lumuhod sa harap ni Autie Celine. "Patawarin ninyo ako! Hindi ko sinasadya! Nagdilim lamang ang paningin ko ng pagalitan niya ako dahil nalaman niyang itinatago ko sa mga kahon ng maskara ang mga illegal na baril mula sa sindikatong kinabibilangan ko, kaya ginamit ko ang stun gun. Natakot ako na baka paggising niya ay maiungkat na naman niya iyon kaya ko nagawa iyon. Sabi niya ay isusuplong niya ako sa pulis. Patawarin ninyo ako! Handa na akong sumuko", he said while kneeling at naiyak na rin. "Masasakit kasi ang mga salitang binitawan niya sa akin and that pushed me to do it."
Nagulat kaming lahat ng magsalita si Ryu. "His harsh words is not an acceptable excuse for killing him. There is such thing like forgiveness. Hindi ka naman niya masasabihan ng ganoon kung tama lang din ang ginawa mo. I wonder kung paano mo naatim na patayin ang isang kapamilya mo. Some people out there are wishing for the presence of their dead family members samantalang ikaw ay pinatay mo ang kapamilya mo. You don't know how those people feel. You have no idea how we feel", he said in a very serious tone which made me thing that he's slowly ripping off his mask. Behind the badass and evil Ryu is a young man who's been lonely for his loss.
#
-Shinichilaaaabs♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top