CHAPTER 17: 42 HOURS WITH RYU VANDER MORISSON (Part 2)
Chapter 17: 42 Hours with Ryu Vander Morisson (Part 2)
12 NN— 7 PM
Hinihintay namin ang order namin at nakasandal lang siya habang mahinang tinatapik ang kamay sa mesa.
"Kumakain ka pala sa mga ganitong fastfood. I thought sa mga high class restaurant lang", wika ko bilang panimulang usapan.
He scowled at me. "Cowboy ako kaya kumakain ako kahit sa ala cart."
"Hindi halata", wika ko and I rolled my eyes at him. He's not letting out his familiar annoying smirk kaya tantiya ko ay nagugutom na ito. When I glanced at my watch, it's almost one. "Nagugutom ka na ba?"
"Yes."
Sinasabi ko na nga ba. Sana palagi na lamang itong gutom upang maging mabait ito— err. No, I mean not mabait but tahimik rather. I guess having him starved would mean peaceful to me. "Sana gutom ka palagi para tahimik ka."
Sumimangot siya sa akin bilang tugon. "I'm not quiet because I'm hungry."
"Nahiya pang aminin. Pfft!"
He sighed. "It's not really like that. I'm thinking of a big problem." Wika niya at patuloy na tinapik-tapik ang mesa. Well it might really be a big problem.
"Ano?"
"I think I got us lost and we have no enough fuel left", he said in a serious tone.
"Sus iyon lang naman pala. Akala ko pa — what the hell?!", I exclaimed. Did he just say we're lost? I looked around the area and it's not really familiar. Wala rin masyadong tao sa fastfood house. May dalawang pares na kumakain doon kaya lumapit ako sa kanila at nagtanong.
"Excuse me. Alam niyo ba ang daan papunta sa main highway?", I asked them but their answers were both no. Napadpad din daw sila doon at nawala rin. When I asked if they have extra fuel, wala din daw dahil naka-motor lamang sila.
I went back to my chair in front of Ryu na nakahimutok pa rin. Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin kaya tinanong ko ang nagserve sa amin ng parehas na tanong na tinananong ko sa dalawang pares kanina.
"Naku Ma'am. Hindi po eh. Taga-baryo po kami at gumawa lang kami ng fastfood dito dahil marami po talagang naliligaw dito pero sabi ni Ate, malayo pa raw talaga yung main highway. Kung naghahanap naman po kayo ng gasolina, may alam po akong nagbebenta kaso nasa baryo po", wika ng lalaki.
"Di bale na basta makabili kami. Saan ba?", I asked. We badly need fuel. God! Bakit ba kasi napasok ako sa ganitong sitwasyon? Curse this devil to death!
"Doon po sa may eskinita. May makitid po na daan doon, kailangang lakarin, tapos may makikita kayong mga bahay kubo dun."
"Yun na?"
"Hindi po. Lalagpasan niyo lang yung bahay kubo. May makikita kayong burol doon, tapos may maliit na sapa. Kailangan ninyong tawirin pero maliit lang naman yun. Tapos makikita ninyo yung bahay na medyo malaki, gawa sa kawayan yung ibaba."
"Yun na talaga yun?"
"Hindi rin po."
Bigla na lamang napatayo si Ryu at kinuha ang tinidor na nasa harap. He grabbed the guy in his collar at itinutok ang tinidor dito. Nagulat ang iilan na naroon sa ginawa niya, maging ang lalaki.
"Are playing a joke on us? If yes, well it's not funny. If you wanna live a longer life, umayos ka!", he said at padabog na binitawan ang lalaki.
"P-pero totoo naman po yung sinasabi ko", wika ng lalaki. He was shaking with fear. Who wouldn't be? An angry Ryu is not a pleasant sight. "Lagpasan niyo po yung bahay na kawayan ay may makikita kayong maliit na tindahan. Doon po, nagbebenta sila ng gasolina. May mga kabahayan na kasi doon. Mauna na po ako." The guy immediately ran towards the kitchen.
"Pikon ka pala devil", wika ko sa kanya. Oh yeah, he really is. Kinuha na niya ang pagkain at nagsimulang sumubo.
"What do we have to do now?", he asked.
"Kasalanan mo ito eh! Kung hindi mo sana ako pinasakay— arrrgh! There's no use in blaming you dahil hindi ka rin naman magsisisi at hihingi ng tawad!"
He let out his amnoying smirk. "Mabuti naman at alam mo. I'll just leave the car here at puntahan natin yung sinabi ng lalaki."
Matapos kumain ay hinanap namin ang eskina at naglakad papasok doon. It's creepy dahil madamo roon at tahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng mga yapak namin at ng mga insekto ang naririnig ko. Malayu-layo rin ang nilakad namin bago namin natanaw ang mga kubo. We looked for water inside ngunit tama nga ang sinabi ng lalaki. There wasn't any water there! Sa halip ay may mga buto ng mga hayop! Worst, mayroon ding kalansay ng tao!
"AAAAAAAAAHHHHHHHHH! RYUUUUUUUUUUUU!"
I screamed my heart out! This is the first time I saw a human skeleton na buo at totoo. Well there was a life-size human skeleton model at Bridle pero alam kong hindi iyon totoong buto! But this one's real! At hindi lang iyon isa kundi dalawa!
Bigla namang napasugod si Ryu sa kubong kinaroroonan ko. "What happened?"
Nanginginig na tinuro ko ang mga kalansay. One was lying on the mat samantalang nakasandal naman sa dingding ang isa. Lumapit siya doon at tiningnan iyon.
"They probably died due to old age. Ano ba ang isinisigaw mo dyan?", he asked. "Kalansay lang natatakot ka na? Tsk!"
I gave him my most deadly glare. Well pasensya na kung matatakutin ako! Those things really creep me. Ni hindi nga ako nanunuod ng mga horror films! I've never watched even once!
"Pasensya na ha?", I said sarcastically at bumaba na roon. We continued walking at mayroon ngang maliit na burol doon na kailagan naming lagpasan. Malalaki ang puno doon kaya kahit mag-aalas dos na ay hindi namin ramdam ang sikat ng araw.
"Hell, this is worst than a mafia mission", he said and I frowned at him. Mas pipiliin ko pa ang ganito kaysa sa mafia no! Atleast dito, walang mga ugly-looking goons na manunutok sayo ng baril!
"Nothing's worst than the mafia", komento ko.
"Well that's my life. Do you think my life's worst?", he asked at napatigil sa paglalakad. He looked straight at me and I can't read any emotions in his face. Ano ba ang tamang isagot? Hindi ako sanay na ganito si Ryu. Sanay ako na kung anu-anong kasamaan ang lumalabas sa bibig nito.
"I don't know. I never live your life so how would I know?", wika ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Stop", he said and I looked back at him. His face was dark and it's saying "danger". Nagalit ba ito sa sinabi ko kanina?
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ngunit isang hakbang pa lamang ay muli itong nagsalita.
"I SAID STOP!"
This time ay mukhang galit na ito. Bakit ba kailangan niyang magalit? Nagpapahayag lang naman ako ng opinyon!
"Whatever Ryu!", wika ko sa kanya. He was five steps away from me and I don't mind making it six.
"Go ahead. Basta wag kang sisigaw-sigaw ng Ryu kapag naapakan mo yang ahas sa likuran mo ha!", he said and my eyes widened. AHAS?
AHAS as in SNAKE?
Shit! Napayuko ako at tinangnan ang likuran ko and HOLY SHIT KABAYO NI SAILORMOON DORAEMON POKEMON NOBITA DORA AT MAJIMBO! There really is a big snake! A black and yellow snake coiled on my back!
"Shit Ryu!", nanginginig kong wika. I wanted to run but I can't move my legs. This is what I hate whenever I see a snake. I can't move to save my life. Napakalaki pa man din ng ahas. Hindi kaya sawa iyon? Don't know, hindi ako pamilyar sa mga ahas.
"Umalis ka dyan at bumalik ka dito", he said but I shook my head.
"I can't!"
"Just take few steps back!", wika ni Ryu ngunit umiling pa rin ako. I really can't! I felt the hot liquids running down my cheeks! Damn! Iyakin talaga ako pagdating sa mga ahas. Ryu stepped forward and grabbed me towards him. Agad akong napayakap sa kanya at humagulhol.
"Akala ko na talaga katapusan ko na. Mafia works are really better than this!", I said in between my sobs. "Dito ba naninirahan si Marion? Bakit nandito ang mga ahas niya?"
Ryu chuckled. "What does snake have to do with Marion? You mean inaahas niya si Gray sayo?", he asked. Nakasubsob pa rin ang mukha ko sa dibdib niya and he was caressing my hair. Kung iisipin ay napaka-sweet ng posisyon namin ngayon.
Sweet? Well YUCK.
Bumitiw ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. "Hindi no. She hung me on a tree with two snakes on my both sides."
"She did that to you?", he asked. Well yeah. Hindi naman pala nila alam ni Cooler kung gaano kapraning si Marion
"Yeah. Halika na nga baka lumapit pa yung ahas sa atin", wika ko sa kanya. We found another path at nilagpasan iyon. We walked a little further hanggang sa makita na namin ang maliit sa sapa.
I sat on one log. "This is hell! We've been walking for hours!" Napaupo na rin si Ryu at nagpahinga. We rested for 30 minutes bago napagpasyahang magpatuloy.
"We surely don't want to spend the night here so we need to keep moving", wika niya at hinubad ang suot na sapatos. Inangat niya rin ang suot na pantalon at nagsimulang lumusong sa tubig.
"Sandali! Wala bang ahas sa tubig?", I asked and he darted a deadly glare on me. Ano namang masama sa tanong ko? Naninigurado lang ako!
"Meron kaya mag-ingat ka. Baka madisturbo mo ang pagsu-swimming nila", sarkastikong wika niya.
"Ryu!"
"Look at the water Amber. Lagpas paa lang naman at malinaw pa, edi kung mag ahas makikita mo", wika niya at tumawid na.
Fine! Hindi naman talaga iyon malalim eh! Hinubad ko ang sandal na suot at lumusong na rin sa tubig. Nakasuot na ng sapatos niya si Ryu ng makatawid ako. We continue walking hanggang sa makita na namin ang kabahayan. When I glanced at my watch, mag-aalas tres na! Ganoon kabilis?
"Tao po!", tawag niya sa tindahang maliit na may itinitindang gasolina. Lumabas ang isang lalaking balbas sarado at napaatras si Ryu. Napakapit naman ako sa braso niya!
"Anong kailangan ninyo at bakit napadpad kayo dito?", tanong ng lalaki at tiningnan kami ni Ryu! God! Bakit balbas sarado siya? Nagmukha tuloy siyang mabaho! Call it my prejudice but I really hate bearded guys. Ayaw ko sa makapal ang balbas dahil tila mabaho ang tingin ko sa kanila although hindi naman talaga lahat ay ganoon.
"Naligaw po kasi kami at naubusan ng gasolina. May nakapagturo sa amin na dito daw makakabili", sagot ni Ryu. He sounded afraid to. I'm sure he didn't have gun with him kaya natatakot siya dito. Napatingin naman ako sa paligid at saka ko lang napansin na maraming nakatingin sa amin! Kadalasan ay mga kalalakihan na uh— ang babaho tingnan! Balbas sarado kasi at puno pa ng tattoo ang katawan at mukhang hindi pa naliligo! What if— what if mga rapist sila?! Gosh! Gagahasain nila ako bago patayin?!
Wag naman sana! Lord, wag po! Kung ganoon naman lang ay sana na Wrong Turn na lang kami! Atleast hindi ako gagahasain nung creature na apektado ng genetic mutation! Nooooooooooo!
"Limang daan isang litro", wika ng lalaki.
"What?! Bakit ang mahal?! Diba may rollback naman?", I exclaimed and it was too late to realize what I am saying! Sumiksik ako kay Ryu nang tiningnan ako ng masama ng lalaki.
"Keep your mouth shut", bulong ni Ryu sa akin.
"Iyon ang presyo. Kukunin niyo ba o hindi?", tanong ng lalaki. Kapag kami nakaligtas dito isusumbong ko talaga sila sa DTI! Masyadong over pricing! Hindi nga umaabot ng singkwenta ang isang litro tapos 500 sa kanila?!
"Kukunin namin", Ryu said at naglabas ng limang daan.
"Mahal ang gasolina kapag dayo ang bumili pero kung taga dito lang, singkwenta lang yan. Wala ba kayong ideya kung nasaan kayo?", tanong ng lalaki.
Ryu shook his head. Nang tiningnan ako ng lalaki ay napailing din ako. Damn! He's so scary! Di bale nang madikit kay Ryu, wag lang dun sa lalaki!
"Ito ang baryo ng mga pugante. Lahat dito ay mga takas sa kulungan pero nagbagong buhay na ang iilan. Mamamatay tao, nanggahasa, magnanakaw,at iba pa. Kumbaga klase-klaseng kriminal ang nandito", wika ng lalaki. Iniyakap ko na talaga ang dalawang braso ko kay Ryu! Shittttt! Sabi ko na nga na mas mabuting na Wrong Turn na lang kami!
"Makakaalis ba kami dito ng ligtas?", Ryu asked. He doesn't sound scared anymore. Marahil ay nagtapang-tapangan siya dahil nakikita niyang natatakot na ako. He put his arms around my waist!
Okay Ryu! Chancing-ngan natin ang isa't-isa! Basta ako natatakot talaga ako!
"Oo naman hangga't protektado kayo ni Ka Roman", sagot ng lalaki.
"Sino si Ka Roman?", tanong ni Ryu at napalingon sa paligid. Mas dumami pa ang mga nandoon. May mga bata rin at babae. Marahil ay mga anak iyon ng mga pugante.
"Siya ang nangangasiwa sa amin dito. Sa madaling salita, siya ang kapitan", wika ng lalaki. Bigla na lamang dumilim ang paligid at bumuhos ang malakas na ulan.
Oh no! Kung minamalas ka nga naman! Bakit umulan pa?! Ayaw ko ng manatili dito! Please ipatigil ang ulan!
"Doon na muna kayo sa kubo ni Ka Roman. Kapag may dayo ay doon mananatili", wika ng lalaki at may tinawag. "Ruben, dalhin mo sila sa kubo ni Ka Roman!"
Isang lalaking walang suot na damit ang lumabas, he looks like he was around 18 or 19 years old. Gaya ng iba ay puno rin ito ng tattoo. May dala siyang dahon ng saging at inabot iyon kay Ryu. Aanhin ba yun?
"Ipayong ninyo at sumunod kayo sa akin", wika ng lalaking si Ruben.
"Hey Ruben", tawag ni Ryu.
"Hey din tisoy."
"Madalas ba may maligaw dito?", Ryu asked. Hinahawakan niya ang dahon ng saging para sa aming dalawa.
"Oo. Madalas chiks nga, eh kapag walang asawa ayun nagagahasa", Ruben said at napalunok ako ng malaki. Sheeeeeeet! Ayoko na talaga.
"Bakit naman? Akala ko ba nag-bagong buhay?"
"Yung iba pero meron pa ring hindi kaya ayon, pinaparusahan ni Ka Roman. Kamatayan", kwento ni Ruben. Huminto ito at nilingon kami. "Kayo ba? Magkapatid kayo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. "No. Asawa niya ako!" Uh, bluff. A big bluff! Ni hindi ko nga maimagine ang sarili kong maging girlfriend ni Ryu, ASAWA pa kaya?
"Di nga! Ang bata mo pa babae", wika ni Ruben at nagpatuloy sa paglalakad.
"M-mag-asawa talaga kami. May lahi kasi kaming instik kaya maaga kaming pinag-asawa", I lied again.
Muli namang lumingon si Ruben sa amin. "Di naman ah! Ang laki nga ng mga mata niyo. Lalo ka na lalaki."
I saw Ryu's fist clenched pero pinigilan niya iyon. Don't joke with Ryu, Ruben. He's bad at it!
"Pero mukha ngang mag-asawa kayo kasi hindi naman kayo mukhang magkapatid", Ruben said at huminto sa harap ng malaking kubo. "Ka Roman! Ka Roman?"
Lumabas ang isang matandang babae. "O, Ruben?"
"Kayo pala Nana Letty. Nandyan po ba si Ka Roman?", Ruben asked at bahagya kaming tiningnan. "May mga dayo ho kasi, hindi agad makabalik kasi dumidilim na at malakas pa ang ulan."
"Pasok muna kayo, hija at hijo. Nasa labas pa si Roman, tiningnan niya yung bagong pugante na namatay. Ililibing marahil nila kapag huminto na ang ulan ", wika ng babae at niluwagan ang bukas ng pinto. Kumapit ako kay Ryu nang pumasok kami.
I look around inside the house. Walang kuryente doon kaya maraming lampara sa sahig. Wala masyadong gamit doon at may mga kung anu-anong nakalambitin sa dingding gaya na lang ng paa nga manok, sungay ng kalabaw at iba pa.
"Yun pong dalawang pugante na sugatan ng mapadpad dito nung isang araw?", Ruben asked. "Namatay ho yung isa?"
"Oo. Malubha ang tama niya kaya hindi na nagamot ni Roman. Balita ko ay dalawampung taon din nakulong yun bago nakatakas", sagot ni Nana Letty.
"Ibig niyo po bang sabihin ay yung may lahing Americano na nakulong dahil sa pagnanakaw ng mga gold at iba pang valuable collections ni Vyachelov Ivanovich noong nanatili siya sa Pilipinas?", Ryu asked. I never knew that he's updated with current events.
"Mukhang ganoon nga hijo", Nana Letty said at biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang may edad na lalaki ngunit base sa pangangatawan nito ay mukha pa rin itong malakas.
"May bago na namang pugante?", he asked at tiningnan kaming dalawa. I prevented the urge to raise my brow dahil baka hindi na kami sikatan ng araw kapag ginawa ko iyon. How dare this old man? Mukha ba kaming pugante? Baka si Ryu, oo but me? No way.
"Hindi po. Nawala lang po kami ng asawa ko at may nagturo na makakabili kami ng gasolina dito. Yung lalaki sa fastfood", wika ni Ryu at inakbayan ako. He emphasized the words ASAWA KO kanina.
"Si Julio marahil. Ako nga pala si Ka Roman. Marahil ay may nagsabi na sa inyo kung anong lugar itong napasok ninyo. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?", Ka Roman asked.
"Kung inyo pong mamarapatin ay nais sana naming manatili dito ng ligtas kung sakaling dumilim na at hindi pa tumitila ang ulan", magalang na wika ni Ryu. Nakaakbay pa rin ang braso niya sa akin. "Maaari po akong magbigay ng halaga para sa pananatili namin dito."
Marahang tumango si Ka Roman. "Hindi naman ako hipokrito para sabihing hindi namin kailangan ng pera pero kung walang pera ang dayo, maari pa rin naman kayong manatili dito ng ligtas", wika ni Ka Roman.
Naglabas ng limang libo si Ryu mula sa wallet niya. "Yan ho ang natitirang cold cash ko. Sana po ay manatili kaming ligtas ng asawa ko."
Tinanggap iyon ni Ka Roman at inabot kay Nana Letty. "Timplahan mo sila ng kape."
7 PM—12 AM
Nanatili kami doon at kinausap si Ka Roman. We told him about how we arrived at the place. Natagalan bago tumili ang ulan at iginiya na kami ni Ka Roman sa isang kubo. Maliit lang iyon at may munting kusina na maaring paglutuan. Iisa lang din ang banig na nasa papag at may dalawang unan at isang kumot. Mayroon ding lampara doon.
"Dito muna kayo manatili ngayong gabi. Nais niyo na ba talagang umalis bukas?", tanong ni Ka Roman.
"Opo. Marahil ay hinahanap na kami ng anak namin, diba asawa ko?", Ryu asked and then he kissed my head.
What the hell?! That kiss isn't necessary! Ano ba ang nakain niya at ginawa niya iyon?! Hindi kaya may halong kamanyakan yung kapeng pinainom sa amin kanina?!
"Ganoon ba? Uutusan ko na lang si Ruben mamaya na maghatid ng bigas at itlog para sa hapunan ninyo", wika ni Ka Roman at nagpaalam. Nang makaalis na ang ito ay agad kong sinuntok ang sikmura ni Ryu.
"Argh! Witch! Bakit mo ginawa iyon?", he scowled at me.
"That's for kissing my head! You don't have to do it devil", I hissed at him.
He gave me his annoying smirk. "I just did it to make it look like we're a real couple. It's no big deal para namang hindi ka pa nahalikan, sa ulo lang yun! Wait, don't tell me you haven't been kissed?", tudyo niya at nag-iwas ako ng tingin.
"Wala kang pakialam!"
He chuckled. "So lil' couz didn't do any move yet? He got coward pair of balls", natatawang wika ni Ryu.
"Ano bang pinagsasabi mo devil?! Bakit ba hahalikan ako ni Gray?! We're not couples!"
"It doesn't take a couple to kiss. You can kiss anyone", he said at napaupo sa papag.
"Wag mo nga kaming itulad sa iyo, jerk! Hindi na ako magtataka kung balang araw ay magkaka-STD ka!", I said. Argh! I hate him! Anong akala niya sa kiss, parang ngiti na pwedeng ipamigay kahit kanino?!
"I doubt. Hindi ako pumapatol sa mga cheap. My bitches are classy."
"They're still bitches."
Tumigil kami sa pag-uusap nang dumating si Ruben at may dalang bigas at itlog. Ryu handed him a 500-peso bill bago ito umalis.
Nagsimula na akong magluto samantalang abala naman si Ryu sa kahahanap ng signal. He's been cussing every now and then mula ng hawakan niya ang cellphone niya dahil sa signal.
Nang maluto na ang kanin ay sinunod ko ang itlog. There were six eggs but I don't know how Ryu wants his egg to be cooked. Ayoko kasi sa sunny side-up. I prefer boiled eggs o kaya ay scramble.
He was still busy with his phone when I asked him. "Ryu, ano'ng gusto mong gawin sa itlog mo?"
Nakahiga siya sa papag at itinataas ang cellphone upang makakalap ng signal. Bigla na lamang niyang nabitawan ang cellphone niya at tumama iyon sa kanyang mukha. Bigla siyang napaupo at tiningnan ako ng masama.
"What?!" he asked with a wide eyes. "MY eggs?"
I rolled my eyes. "Yes. Sabihin mo na at nang magawa ko."
"What the hell Amber! Are you referring to my balls? Well I want it caressed in a circu—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil lumipad ang isang panggatong sa kanya.
"You jerk! Ano na naman bang kamanyakan ang pumasok sa utak mo?!"
"Awwww!", napahawak siya sa ulong natamaan. "Dapat inayos mo ang tanong mo!"
"Dapat inayos mo ang utak mo jerk! So ano nga ang gusto mong gawin sa ulam mo na itlog?", I asked. Argh. Nakakainis! Napakamanyak!
"Have it scrambled", wika niya at tinalikuran ko na siya upang ipagpatuloy ang pagluluto. It took a while bago ko naihanda ang mesa at tinawag siya.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Tanging ang tunog ng kubyertos at kulisap ang maririnig kaya napagpasyahan kong kausapin ito.
"Devil."
"Hmmm?"
"Tell me more about the prisoner", wika ko sa kanya. Magana ang pagkain niya kahit itlog lang ang ulam.
"Hindi ka ba nanunuod ng news?", he asked and I shook my head. "Vyachelov Ivanovich is a rich russian merchant na nanatili dito sa Pilipinas. He had gold and other valuable collections ngunit isang araw ay nilooban ang matanda. It was that half-American's gang. I guess his name was Scott Vega. Half american pero lumaki at namuhay sa Pilipinas. He was 20 that time at naging habang buhay ang sentensya niya dahil napatay niya ang matanda. It's been 20 years since that incident."
"Oh. Hindi pa ako naipanganak", komento ko.
"That issue lasted for many years hanggang sa naging convicted criminal siya and he had a lifetime sentence. It was lately nang muli na namang naging sikat ang pangalan niya dahil sa pagtakas niya. And you know what? There's a speculation that he tattooed on his arm the location of the unretrieved gold collections? Madalas niyang inaahit ang braso upang lumago ang buhok doon. Likas kasi na mabuhok siya and he always shave his arm to hide the tattoo", paliwanag ni Ryu and it caught my interest.
"Teka, you mean he used steganography? Ipina-tattoo niya iyon sa braso niya and have it covered with hair?"
He nodded. "Yeah."
Itinaas ko ang isang kilay sa kanta. "Saan mo naman narinig iyan?"
"From Mnemosyne. Aside from being a pathfinder, her speed also applies on collecting information. Reliable information", wika niya. Oh, Mnemosyne? The beautiful reaper who likes this devil?
"Saan naman niya nakuha iyan?"
"Her grandfather's one of the mastermind of that heist", he said at nagulat ako. Uh, ayaw ko ng alamin pa ang ibang tungkol sa mga reapers dahil baka atakihin lang ako sa puso. Hindi na ako nagtanong pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
"I'm full. Thanks for the food witch", he said. Oh, devils know how to say thank you eh?
Natapos na kaming kumain at maghugas ng plato. Pagsapit ng alas nuebe ay natulog na kami. I have no other choice but to sleep near him! Mahirap na baka pasukin kami at uh— I don't wanna think about it. If ever Ryu do anything stupid ay hindi ako magdadalawang isip na i-apply ang bagong karate moves na natutunan ko noong summer.
Maayos ang tulog namin ngunit bigla na lamang kaming nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Bakit nagkakagulo ang mga tao?
Inabot ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng unan at tiningnan ang oras. It was past 12 in the midnight. Maging si Ryu ay nagising din.
"What happened?", he asked at bahagyang kinusot ang mata. I shrugged my shoulders at nang bumangon siya at lumabas ay sumama na rin ako. Nasa katabing kubo ang maraming tao at may dalang mga torch. Anong meron?
Nakita namin si Ruben at agad na lumapit sa kanya. "Ruben anong nangyari? Bakit ang daming tao?", Ryu asked.
"Yun kasing bagong pugante na namatay. Nawawala ang isang braso niya! Buo pa daw iyon kanina nang iwan ni Ka Roman upang kausapin kayo at balak sana nilang ilibing ngayon ngunit nawawala na ang isang braso nito", sagot ni Ruben.
Scott's arm was chopped and missing? Nagkatinginan kaming dalawa ni Ryu. It only means one thing.
Someone must have overheard our conversation over dinner!
#
—Shinichilaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top