CHAPTER 14: THE STALKER CASE (RESOLUTION)

Chapter 14: The Stalker Case (Part 2: Resolution)

"We have to eat first. I don't believe with Holmes when he said that brain best work on an empty stomach kaya halika na", Math said at hinila na niya ako papunta sa mesa kung nasaan si Gray at Jeremy. Agad siyang umupo katabi ni Gray so I have no other choice but to sit beside Je.

Nagsimula na kaming kumain nang bigla na lamang magsalita si Math. "Guess what? Amber got a case and I'm gonna lend her a hand." Geez, lend me a hand? Hindi ko kailangan ang tulong niya. I can do this on my own.

Ibinagsak ni Jeremy ang kutsara at tinidor niya at biglang napaharap sa akin, I can see in his eyes that such look say's 'hey, sinabi mo sa kanyang may case tayo?'

"Really? I'm sure Amber can handle that alone", wika ni Gray. If this wouldn't be the circumstances, I would have been glad ng sinabi niya iyon dahil ibig sabihin ay pinagkakatiwalaan niya ang kakayahan ko. But the way he said it now, bakit pakiramdam ko ay ayaw lang niyang maging abala si Math sa kung anu-anong mga bagay at sa kanya lang ang atensyon nito? Argh! Okay, ang gulo ko. Dapat chill lang ako. Bahala silang dalawa!

"Well I want to help. This could be a deduction showdown between us, right Amber?", Math said smiling. I faked a smile at her.

Jeremy whispered in my ear. "Amber, magkatapat kayo ng tuhod sa ilalim ng mesa ni Maya diba? Tinidorin mo nga nang hindi na makatayo!"

I scowled at him kaya muli niyong kinuha ang kubyertos niya at nagsimulang kumain. Tahimik na rin akong kumain hanggang sa matapos ako. Agad akong nagpunta sa locker room kasama si Math upang tingnan ang locker ni Heidee.

Hindi sinira ang lock but there were marks on it na malamang ay galing sa bagay na ginamit upang mabuksan iyon. Probably a wire or anything na kakasya doon.

Naikwento ko na rin kay Math ang kwento ni Heidee kanina at sinabi ko na rin sa kanya ang mga pangalan ng mga textmate ni Heidee. I also showed her the photos that were sent by Heidee's stalker.

"Thanks Amber! I'll investigate on my own. I've got to go and see those three. I'm gonna hide a knife behind a smile", wika niya. Mahilig yata sa matalinghagang salita si Math.

"Anong ibig sabihin nun?", I asked. I can see in her eyes that she's really into this case.

Lumawak pa ang ngiti nito. "I'm gonna charm and ingratiate myself with those three, by the time that I have gained their trust, I'm gonna move against them in secret", wika niya at nagpaalam. She'll gonna gain their trust in just a short span of time? She can do that?

Uh, maybe she had the magic of doing things in a blink of an eye. My classmates trusted her kaya siya ang ginawang class president. Not that I'm jealous of such position, wala sa hinagap ko ang magkaroon ng mga responsibilidad gaya ng pagiging classroom officer. She can have all the position that she wants but not class president yet, it's too early for that. Oh well, majority wins at kanina ay kami lang yata ni Jeremy at ang nag-nominate sa isa pang nominee ang hindi bumoto sa kanya.

Uh! Kami lang ba ni Je ang ayaw sa kanya? I throw away such thought at  ibinalik sa isip ang case na kinakaharap ko ngayon. May mga pumasok na babae doon kaya nagtanong-tanong ako. The lockers of the boys are in a different room from the girls' locker.

"Uhm, excuse me. Pwede bang magtanong?", tanong ko sa mga babae.

"Ano po iyon?"

"May napansin ba kayong lalaki na pumasok dito sa locker room ng mga babae kanina mga after break?", I asked him. Nagkatinginan silang tatlo at nagtanong-tanong sila sa isa't-isa.

Sumagot ang isa sa kanila. "Nandito ako kanina but I never noticed any guy here". Nagpasalamat ako sa kanila at umalis na. Maybe just like Math, I have to see those three lalo na at kahina-hinala silang tatlo kanina.

Kinuha ko mula sa bag ko ang mga larawang pinadala ng stalker ni Heidee. I already showed it to Math kanina at malamang ay may nakuha na rin siyang clues mula doon. Saan ko ba sila makikita ngayon?

"Amber."

Napalingon ako sa tumawag sa akin and I was surprised to see Gray. Uh, he's gonna make it up to me?

"Yes?"

Lumapit siya sa akin. I braced myself for his ways of making me smile, but to my surprised, iba ang tanong niya.

"Have you seen Math?", he asked at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Okay, ako na ang assumming! I shook my head at nagpaalam na sa kanya.

"Mauna na ako Gray", wika ko sa kanya and dashed out the door. Ang hinayupak! Hindi man lamang ako pinigilan! Ipanagpalit na ba talaga niya ako kay Math? Ayaw na niya sa Amber at gusto na niya ang Math? Uh, Graaaaay! Iwinaksi ko na lang iyon sa isip at nagconcentrate sa possible stalker ni Heidee.

I went to the convenient sheds at hinanap ang mga textmate ni Heidee ngunit sa halip ay sina Heidee at Cindy ang nakita. Lumapit ako sa kanila at nakipag-usap.

"Kumontak ba sayo ang stalker mo?", I asked her at tumango siya. She showed me a textmessage which reads:

Did you enjoy my gift? See you later.

The stalker is reminding her of their meeting as her textmate. But I was wondering why he had to be her textmate and stalker. He can just assume one, masyadong ma-effort ang ginagawa niya. He needs extra sim or extra phone para matext niya si Heidee as textmate or as a stalker. I'm still wondering why.

"Sino ba ang nakakaalam na magmi-meet kayo ng mga textmate mo?", tanong ko sa kanya.

"Maliban sa atin, ay silang tatlo lang din. I don't know if they told others about it", sagot niya. Nasa gilid nila ang box na may lamang patay na ipis. Kinuha iyon ni Cindy at binuksan ang box. She watched closely the dead cockroaches inside.

"Ang sama ng stalker mo Bes! Ano kaya ang motibo niya?", she asked at sumang-ayon naman ako. Why does her stalker exerted much effort on following her? Ang pagkuha ng larawan, pagpapadala ng mga nakakatakot na bagay. Maybe may dahilan ang mga iyon.

"I don't know Bes", naguguluhang sagot niya. Nilingon niya si Cindy. "Teka Bes, ayusin natin ang hairpin mo."

Hinawakan naman ni Heidee ang buhok at inayos iyon. "Ako na Bes."

"Oh ayan! Ang ganda talaga ng friendship hairpin natin ano?", wika ni Heidee.  I glanced at my wristwatch, mag-aala una na at wala pa akong masyadong alam dito nakukuha na impormasyon mula sa kasong ito. I set a time limit of 5PM ngunit wala pa rin akong hint kung sino man sa tatlo ang stalker niya.

Nagpaalam na ako sa kanila upang mahanap ko sina Jeron, Cristopher at Lawrence para magkaroon ako ng ideya kung sino ang stalker. I went to the second floor of the building kung saan matatagpuan ang classroom nina Cristopher. Gaya kanina sa cafeteria ay abala ito sa ginagawa sa kanyang tablet. Nasa malapit sa dingding ito at maingat sa ginagawa upang walang makalapit doon at matingnan ang ginagawa niya sa kanyang tablet. I just watched him from a distance at ikinubli ang sarili ko sa may pinto. Mabuti na lamang at hindi pa bumabalik ang mga estudyante dahil kung hindi ay magmu-mukha akong tanga sa ginagawa ko dito. Just then ay biglang dumaan sa tabi ko si Math. She walked towards Cristopher at lumapit dito.

"Hi!", bati niya. Nagulat naman ang huli sa paglapit ni Math at agad na itinago ang tablet sa likuran niya. Remarkable! Very remarkable.

"Y-yes?", tila gulat nitong tanong. May mga dumating na grupo ng estudyanteng mga lalaki at maingay ang mga ito kaya umalis na ako doon. I can't hear Math and Cristopher anymore dahil nasa kalayuan ako at may mga maingay na estudyante pa doon. Maybe I should check the other two.

Bumaba ako doon at nakasalubong ko si Jeremy. "Bakit mo ako iniwan? Nakikipag-team up ka na kay Math?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Like that's gonna happen. I think she got much on this case but I'm not giving up lalo na't nangako ako kay Heidee na tutulungan siya."

"Ganyan nga! Fighting! Don't let that Math take the full credits!", pagchicheer ni Jeremy sa akin. "So, who's our next destination?"

"Lawrence or Jeron. Let's see Jeron first", wika ko sa kanya at akmang hihilahin sana siya ngunit iniwas niya ang braso niya.

"Ah-ah-ah! Not yet. Let me spice up your life para ganahan ka namang mag-imbestiga. How do you spell Ambulance?", he said with a big smile.

"Je—"

"Sagot na kasi!"

I rolled my eyes at him. "Fine. Ambulance. A-M-B-U—", he cut me off.

"Hep! Make it faster."

"A-M-B-", panimula ko and made it faster that I did kanina ngunit sumimangot bigla si Jeremy.

"What? Why are you frowning?"

He gave me a smile. "I said faster! It should be like this, WEWEWEWEWEWEWEWEEEWEWEWEW! HAHAHAHHAHAHA!", he said and started laughing out loud. Uh, seriously?! Mahinang hinampas ko ang braso niya at hinila siya somewhere. We need to find those two at nang magkaroon na ako ng development dito. Hinanap namin si Jeron and we found him the nearby benches. Tila may sinusundan ito at panay din ang pagtatago nito sa mukha sa pamamagitan ng pagtatakip ng isang comic book.

"Sa tingin mo, bakit kahina-hinala ang ginagawa niya? Siya na kaya ang statlker?", Jeremy asked. Tinitigan niya si Jeron mula sa kinatatayuan namin.

Sinundan ko ang direksyon ng tinitingnan ni Jeron at nakita ko sina Heidee sa di kalayuan! Sina Heidee! Siya na kaya ang stalker?

"Isn't he suspicious?"

"Yes, he really is susp—", napalingon ako sa nagsalita! It was Math! Nandito na agad siya sa tabi namin? Diba kausap lang siya ni Christopher kanina? Don't tell me she already figured out who among them is the culprit?! "Math?!"

"Yup, that's my name. Oh, hi Jeremy!", bati niya kay Jeremy na nakasimangot sa tabi ko.

"Hi Maya."

"Maya?"

"Maya as in yung dating national bird. Nacu-cute'tan kasi ako doon. Buti na lang pinalitan ng Philippine eagle ano?", Jeremy said at mahinang kinurot ko ang braso niya. God! He's talking nonsense!

"I see. Malapit ng mag 1:30, magsisimula na ang mga club meetings. Saan ka nga palang club Amber?", tanong niya.

"Sa Theatre club", sagot ko sa kanya. Bumaling siya kay Jeremy at tinanong ang parehong tanong.

"Sa Booklovers club ako."

"I'm confused kung saang club ako sasali", himutok ni Math. I glanced at my watch at malapit na ngang mag-1:30.

"Saan ka ba magaling? Yun na lang piliin mo", wika ko sa kanya. Hindi ako sasali sa club meetings ngayon dahil siguradong elections at kung anu-anong mga rules lang naman ang magiging agenda ngayon.

"I'm good in everything", Math said na ikinakunot ng noo ni Jeremy.

"Edi salihan mo lahat para ikaw na", bulong nito.

"Ha?"

"Wala. Sabi ko doon ka na lang kaya sa Night Club? Magsexy dance ka roon."

Tumawa ng malakas si Math na tila ba tuwang-tuwa ito sa sinabi ni Jeremy. "Nakakatawa ka talaga. Magpapatulong na lang ako kay Gray sa pag-decide. Anyways, alam mo na rin ba kung sino sa kanila ang stalker mo?", she asked.

Wait. Did she say "RIN?" Ibig bang sabihin ay alam na niya?! That fast?!

"You already identified who's the stalker?", tanong ko sa kanya and she nodded.

"Yes. Among the three, he's the most suspicious", wika niya. "Paano? I have to go. See you at poolside later Amber para sa deduction show!", she winked at us bago siya umalis.

"Now I really really hate Math. Ang yabang niya ano?", nanggagalaiting wika ni Jeremy nang makalayo-layo si Math. Hinarap ko siya at tinitigan ng maigi. "What?!"

"Halika na nga, let's find the last guy Lawrence", wika ko sa kanya at hinila si Jeremy. Nilibot namin ang buong Bridle and we found Lawrence on the gym kasama ang ilan sa mga kaklase nito. They're talking about girls at naikwento ni Lawrence ang textmate nitong kakatagpuin daw niya mamayang alas singko. Kahit hindi niya iyon pinangalanan ay alam kong si Heidee ang tinutukoy nito. He said nothing suspicious so we gave up listening to their conversation.

Mag-aalas dos na ngunit wala pa rin akong ideya kung sino man sa kanila ang stalker!

"Je, what's your favorite quote from Sherlock Holmes?"

"Marami eh. Bakit?", he asked.

"Mag-isip ka nga ng isa lang."

"Teka sandali", he said and he tapped his temple as he thinks. "Aha! Eto. It is a capital mistake to theorize in advance of the facts. Insensibly one begins to twist facts to suit theories, instead of theories to suit facts."

Right. I should start with the facts to begin my theories.

FACT: The photos that were sent to Heidee were close enough.
THEORY: Her stalker must be near when he took that photo. He might had disguised himself upang magawa iyon, but hindi nga ba talaga iyon napansin ni Heidee?

FACT: Kahit anong palit niya ng number ay nakocontact pa rin siya nito.
THEORY: Her stalker is one of those people that she had informed about her new digits. Pwede ring nam-blackmail ang stalker niya sa isang kakilala kapalit ng kanyang bagong contact details.

FACT: The stalker knew about Heidee's fears.
THEORY: Maybe she knew the stalker or isa iyon sa mga sinabihan niya sa mga kinatatakutan niya.

FACT: Naglagay ng box na may ipis ang kanyang stalker sa locker niya.
THEORY: The stalker stole the key beforehand and had it duplicated. Pwede ring gumamit ito ng mga lock-picking kit o kung ano man.

Tumunog ang alarm ko nang sumapit ang alas singko I haven't really got much on this case! Maybe Math will own the stage of deduction. Uh, don't get me wrong. I'm not competing with her, okay?

"Alas singko na", Jeremy said while looking at his watch. "Let's go?" Tumayo na kami at nagpunta sa poolside. Naroon na sina Heidee at Cindy kasama sina Math at Gray. See?! Mas nauna pa sila amin.

Gray looked at us at napakunot ang noo nito. Pagkatapos niyon ay umiwas na siya ng tingin sa akin.

"Amber!", tawag ni Heidee at sinalubong ako. "Papunta na sila dito."

Math smiled at us at binati kami. Gray wasn't talking at nakasandal lamang sa gilid habang nakatingin sa amin. Teka, galit ba siya?

May dumating na mga lalaki at halos magkasunod lang ang mga ito. Naguguluhan naman ang nga ito nang makita kami at ang isa't-isa.

"Hi boys!", bati ni Math. "You might be wondering kung bakit maraming tao when in fact you're just expecting to see Heidee."

Napakunot ang noo ni Jeron. "So, what's all of this about?" Napatingin ito ng isa-isa sa amin at napasimangot.

"It's about the stalker of Heidee. May creepy na stalker kasi siya at malamang isa iyon sa inyong tatlo", wika ni Math.

"Not me!", depensa ni Lawrence.

"Mas lalong hindi ako!", Cristopher said at tumanggi rin si Jeron.

"Ops, not too defensive, okay? May tanong lang naman ako sa inyo", lumapit si Math kay Jeron. "Why are you acting suspicious and you watched Heidee from a distance mula pa kanina?"

Namutla si Jeron sa tanong ni Math. "Yes, I followed her but I'm not her stalker! Gusto ko lang siyang tingnan mula sa malayo, nahihiya kasi ako sa kanya!"

"Really? Ikaw Lawrence. Bakit nagmamadali ka kanina nang mabangga mo si Amber? Tinago mo pa ang mukha mo sa suot mong cap? Hindi kaya dahil may ginawa ka tulad ng paglagay ng ipis sa locker ni Heidee?", Math asked.

"What? I didn't do it! Nagmamadali lang talaga ako!", he said.

"Lastly, is you Cristopher. Ano ba ang kinabi-busyhan mo sa tablet mo? Hindi kaya iyon ang ghost account na ginagamit mo?", she asked at bigla namang namutla si Cristopher.

"Hindi ako stalker!", he hissed at her.

Math really got enough on this case. Lumapit siya kay Cristopher. "How's stalking her Cristopher? Among the three, you're the most suspicious. I wonder how you took those photos closely. Probably you disguised yourself and based on my research, you're part of the cosplay and camouflage club kaya madali lang sayo ang mag-disguise. You put the box of cockroaches on her locker when you disguised yourself as a girl. Gayundin ng kunin mo ang nga litrato. You know she's afraid of frogs and cockroaches so you sent those", Math said at napaatras si Cristopher.

Bumulong si Jeremy sa akin. "You'll let her take all the credits?" Sinamaan ko siya ng tingin at nanahimik na lang ito sa tabi ko.

"He's the stalker?", hindi makapaniwalang wika ni Heidee.

"I don't know that she's afraid of cockroaches!", tanggi ni Cristopher. "Sinabi ko nang hindi ako stalker!"

"You're the stalker! Marahil nga ay yang ghost account mo ang nasa tablet mo! Alam mong lahat ay takot sa ipis! Kahit ako ay takot na takot sa ipis!", Cindy said at napatingin ako sa kanya. That's it! Unti-unting nabuo sa isip ko lahat. Mula sa mga pictures, kung paano nalaman ng stalker ang bagong contact details nito at kung anu-ano pa.

"As a proof, why don't you show us your tablet kung saan naka-log in sa facebook ang ghost account mo?", wika ni Math and to our surprise ay bigla na lamang napatakbo si Cristopher!

"Let's chase him! I need to ask him kung bakit niya ginagawa iyon", wika ni Heidee and they were about to run after Cristopher ngunit pinigilan ko sila.

"You don't have to", wika ko. "He's not the stalker."

"But I saw his ghost account ng lapitan ko siya kanina", wika ni Math. Jeremy was smiling all the way. Natuwa ang loko nang magsalita na ako. As of Gray, he was looking at me with his pokerface.

"Probably those account is for his omegle chatmates. Kadalasan kasi sa mga gumagawa ng ghost account ay para sa Omegle nila", wika ko. Well that's what I heard from my cousins last summer.

"Then who's the stalker?", tanong ni Lawrence na nakatayo pa rin doon kasama ni Jeron.

"Wala ka bang napapansin sa mga pictures Heidee?", I asked her.

"Wala naman maliban sa malalapit ang pagkakakuha niyon", sagot niya.

"Exactly. It's because your stalker is just close. Diba Cindy?", I asked at tiningnan ang gulat na gulat na si Cindy.

"What are you talking about?", patay-malisyang tanong niya.

"You took her photos and stalk her in fb using your ghost account. Nakakapagtaka kasing ang lapit ng pagkakakuha ng larawan yet Heidee didn't notice anyone following her. Also, alam mo ang kanyang mga bagong contact details, of course, you're the bestfriend right? I just don't know why you're doing it. Sabi mo rin kanina ay takot ka sa ipis pero kanina ay parang wala lang sayo nung kunin mo ang box. That's how I figured out that you're lying."

"Totoo ba Cindy?"

"Wag kang maniniwala sa kanya Bes!", Cindy said. "What's your proof?"

"Aside from the pictures, look at your hairpin", wika ko sa kanya. Lumapit ako at kinuha iyon sa buhok niya. Madali lamang iyong kunin dahil mukhang lumuwang ito. Bahagyang nakabuka ito, unlike the other hairpins. "Ito ang ginamit mo sa pagbukas ng locker niya diba?"

Nagulat naman si Heidee at maging si Cindy. Halos hindi ito makapaniwala sa ginawa ng bestfriend nito.

"Ikaw ba talaga Bes?

Napayuko si Cindy at nang mag-angat ito ng tingin ay nanlilisik ang mga mata nito. "Yes! I did it!"

"But why?"

"Dahil nakakainis ka! Ikaw na lang palagi! Palagi na lang akong kinukumpara sa iyo! Ikaw na ang maganda, ang matalino! Ikaw na lahat!", Cindy said. "You must be very happy with your life, samantalang ako palagi na lang naikukumpara sayo! That's when I decided to inject fear into you at nang hindi lamang kasiyahan ang natatamasa mo!"

"What made you think na palagi akong masaya? Akala mo ba hindi ako nasasaktan kapag kinukumpara tayo? Bes, nasasaktan din ako dahil kaibigan kita! You're unique in your own way! You do things that I don't. Sa tingin mo ba kaya kong mag-paint gaya ng ginagawa mo? Do you think marunong akong magluto gaya ng mga masasarap na recipe mo? You don't have to be that insecure! My God Bes! We've been bestfriends since we're kids!" Bigla na lamang napaiyak si Heidee at tumakbo ito palayo. It took few seconds bago tumakbo si Cindy upang sundan ito.

"Friendship that has lasted for years can be completely changed in an instant and will never be the same again", wika ni Jeremy habang tinitingnan ang mga ito. Umalis na din doon sina Jeron at Lawrence kaya naiwan kaming apat.

"Oh well, you've proven your detective skill Amber. I'm impressed. Well, I've overlooked the small details and got a wrong deduction. I should have take this case seriously", nakangiting wika ni Math. "Sayang ang friendship nila ano."

"Yabang talaga", bulong ni Jeremy.

Tumayo ng tuwid si Gray mula sa pagkakasandal sa dingding. Nakapamulsang lumapit siya sa amin. " No matter how good  a friend to someone is, they're going to hurt you every once in a while and you must forgive them for that", wika niya habang nakatingin sa akin. Muli niyang iginala ang paningin sa paligid.

"Hala! Oo nga pala! Mauna na ako!", Math said at agad na tumakbo paalis doon.

"Oo nga. Hali ka na Amber", Jeremy said at humakbang ako palapit sa kanya ngunit bigla akong hinawakan ni Gray sa braso.

"Can we talk for a while?", he asked at napatingin ako saglit sa kanya ngunit wala aking sinabi.

"Mauna na ako", paalam ni Jeremy at umalis kaya kami na lamang ni Gray ang naiwan doon.

Namayani saglit ang katahimikan sa amin bago iyon binasag ni Gray. "Why are you ignoring me?"

Nakatalikod ako sa kanya habang nakatayo. Aba! Ako pa ngayon ang tinanong niya ng ganoon? "I should be the one asking you that question. Why are you ignoring me? Hindi mo ako pinapansin, puro ka na lang si M-math." Uh, there. Nasabi ko na.

"Puro ka nga din Jeremy. Ni hindi mo ako matingnan. Si Jeremy ang lage mong hinaharap. Tinatalikuran mo kaya ako kanina pa!", wika niya. What?! Tinatalikuran ko lang naman siya kasi naiilang akong tumingin sa kanya!

Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa niya. He hugged me from my back and he burried his face on my neck. "Na-miss pa naman kita tapos hindi mo man lang ako matingnan mula ng dumating ako dahil naaaliw ka na kay Puns."

I slowly smiled. Nagseselos ba siya kay Jeremy? "Nagseselos ka kay Jeremy?"

"Yes. I'm fucking jealous", he said at mas hinigpitan ang pagyakap sa akin.

"You don't have to. Ikaw pa rin naman ang male best buddy ko. Akala ko nga ipinagpalit mo na rin ako kay Math. Hindi ako pinansin kanina, si Math lang hinanap mo", wika ko sa kanya. Bigla na lamang siyang bumitaw mula sa pagyakap sa akin.

"Argh. Best male buddy? You're slow", he said and he frowned.

"Bakit? Hindi mo ba ako kaibigan?", I aked at mas lalo siyang napasimangot.

"Tsk! Halika na nga FEMALE BEST BUDDY ko. Wag ka ng magtampo. Agad ka ngang umalis kanina, hindi mo pinansin ang pagtawag ko", wika niya ang emphasized the words kasabay ng pagsimangot. Hinawakan niya lang ako sa braso habang paalis kami sa poolside.

What's with him giving emphasis to Female Best Buddy? Uh, he's weird. I just smiled ng maalala ko ang pagyakap niya sa akin. Yeah, it felt so good. So damn good.

#

-ShinichiLaaaabs.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top