CHAPTER 3: THE TRUTH BEHIND

Chapter 3: The Truth Behind

"The culprit is...." Gray was about to say who's behind the poisoning case when some students were running towards the cafeteria. Sabay kaming napalingon ni Gray sa mga tumatakbong estudyante.

"Bilisan mo bro, mainit na raw ang suntukan nina Lowie at Albert sa cafeteria," wika ng isang estudyante habang tumatakbo. Nagkatinginan naman kami ni Gray, curious of what was happening, we both make our way to the cafeteria kahit na paika-ika ang lakad ko.

Pagdating namin doon ay marami nga ang nanonood sa suntukan. It was between Lowie and Albert Degero, a martial arts club member na kasama ni Joey noong gabi na nalason ito.

"Mamamatay tao ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nalason si Joey!" Albert shouted to Lowie. His lips were swollen, marahil ay napuruhan na iyon ni Lowie.

"Hindi ko kasalanan iyon! And it's his fault!" sigaw naman ni Lowie. Galit na galit ito. He also got a bruised cheek. Nakahawak din ito sa sikmura. Maybe Albert hit him there.

Muli silang nagsuntukan nang biglang dumating ang guard. May kasama pa itong dalawang pulis. Agad naman na pinaglayo ang dalawa bagaman panay pa rin ang batohan nila ng mga masasakit na salita.

"Ano ba naman kayong mga bata kayo! Hindi pa nga nalulutas ang nangyaring insidente rito noong nakaraan, tapos ngayon magpapatayan kayo?" wika ng isang pulis.

Nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Gray papunta sa direksyon ng mga pulis. My foot still hurt kaya napangiwi ako ng hilahin niya ako.

"Officer, the truth is that we've already figured out who is behind the poisoning," wika ni Gray ng makalapit kami. Napuno naman ng ingay ang cafeteria dahil sa narinig. They are curious of who is behind it.

Napakamot ng ulo ang pulis. "Teka, ikaw? Hindi ba ikaw 'yong kaibigan ni Detective Tross? Bakit nandito ka? Alam niyo na? Hindi ba't 'yon 'yong nawawalang staff ng cafeteria?" sunod-sunod na tanong ng pulis.

Eh? Kilala ng pulis si Gray?

Gray shook his head. "No, Sylvia Adan is completely innocent."

'Ohhhs and what' filled the cafeteria. Gulat na gulat ang lahat sa sinabi ni Gray. Even me, I still don't know who is the culprit dahil hindi natuloy ang pagsabi ni Gray kanina dahil pumunta kami rito sa cafeteria.

"Then who?" Albert, who is still furious asked.

Gray smiled. "It was the person na hindi natin iisipin na gagawin niya. Right, Angelo Costa?" Nilingon niya si Angelo na malamang ay kanina pa niya namataan.

Napatingin na rin ang lahat sa direksyon ni Angelo. He was standing there, wide-eyed. Maging ito ay gulat na gulat sa rebelasyon ni Gray.

"That's rubbish! Hindi si Angelo ang nais lumason kay Lowie!" one guy shouted. He was standing next to him. Muli namang umugong ang ingay. Everybody wanted an explanation.

"Teka, sandali. Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ng isa sa mga pulis. "Hindi ba lahat ng ebidensya ay tumuturo lahat kay Sylvia Adan at ang pagkawala niya ay isang patunay na iniwasan niyang pagbayaran ang nagawang kasalanan?"

Umiling si Gray. "We investigated this well. Ang lalaki na may inabot na sulat kay Sylvia ay utusan ng boyfriend niya. Ang sulat na iyon ay para sa planong pagtatanan ni Sylvia at ng kasintahan niya. As a proof, here is a burnt part of the letter kung saan nakalagay ang initials na L.M. which stands for Lester Marquez, we can even prove that they eloped," wika niya, nilabas niya mula sa bulsa ang papel na nakita namin at siniko ako.

Naintindihan ko naman ang ibig ni'yang sabihin kaya kinuha ko ang cellphone ko at inabot sa pulis. "The people beside this guy in the airport ay si Sylvia at Lester. This photo was taken the same night," wika ko at muling napuno ng bulung-bulongan ang paligid.

"Oh, sabihin natin na hindi nga si Sylvia. Paano naman naging suspect 'yang batang 'yan?" tanong ng isang pulis at tinuro si Angelo na gulat na gulat pa rin. Maging ako ay hindi makapaniwala. How come that it was Angelo?

"May ebidensya ka ba diyan sa pinagsasabi mo?" tanong ni Angelo nang makabawi ito mula sa pagkabigla na sinagot ni Gray ng iling.

Angelo laughed. "Ano’ng klaseng deduction show ba ito? You came pointing people when you don't have any evidence!"

Ngumiti lang si Gray. "The evidence was disposed immediately. Sayang nga at ngayon ko lang naisip na importante pala iyon. But don't worry, I know you would turn yourself in kapag sinabi ko na kung paano mo iyon ginawa."

Muling natakot ang mukha ni Angelo. "Paano?"

"Kung hindi niyo napansin, bagaman malapit ang mesa niya sa water dispenser na ito, kumuha siya ng tubig sa dispenser na malapit sa counter," panimula ni Gray. He pointed the spot where Angelo and his friends sat last friday.

"Dahil walang laman ang malapit na dispenser!" Angelo hissed.

"No, ang tunay na rason ay dahil pumasok ka sa kusina at kumuha ng agricultural chemical na nakalagay sa ilalim ng mesa kung saan naroon ang ikatlong water dispenser," Gray said.

Gulat na gulat ang lahat. Yep, I remembered Angelo walk past the counter's entrance and not from beside kung saan naroon ang isa pang water dispenser.

"The truth is that wala sa pagkain na inihanda ni Sylvia kundi nasa baso mo ang chemical na ginamit mo para lasonin sana si Mondino," pagpapatuloy ni Gray. Saka ko lamang naintindihan ang ibig nitong sabihin.

"Right. Kaya pala sinadya mong humarang sa daan ni Joey, who used to bully you dahil alam mo na ang mangyayari. And as expected, he pushed you towards the direction of Lowie since he was just beside you. Kunwari ay napasubsob ka sa mesa niya and spilled some of your glass's chemical contents," wika ko naman. Kaya pala nakatitig lang si Gray kanina sa natapon na laman ng coke noong natapilok ako. It was the same process used by the culprit.

"Wala kayong ebidensya!" wika ni Angelo. Pulang-pula na ang dating napakaamo nitong mukha.

"It's because you disposed that styro cup. Seeing you as smart, hindi mo iyon tinapon dito sa basurahan ng cafeteria, instead you carried it away with you and God knows where you disposed it. Akala ko dati dahil lang iyon sa takot mo kaya hindi mo mabitiwan ang styro cup na iyon. Now I realized it's the evidence of your crime," wika ni Gray. Maingay pa rin ang paligid at hindi pa rin makapaniwala ang lahat sa rebelasyon namin ni Gray.

"Bakit ko naman gagawin iyon?! I don't have any motives in poisoning Lowie!" pagbabawi ni Angelo sa sarili.

"Ah, the motive is to avenge your father. Sinabi mo sa amin kanina na dating sa Mondino Laboratories nagtatrabaho ang daddy mo. At saka ko lang naiugnay iyon. A month ago, malaking balita ang tungkol sa company turnover ng nasabing laboratory. At isa ang daddy mo sa naapektuhan ng turnover diba? Maybe your dad love science as much as you like it kaya masakit sa kanya ang matanggal sa trabaho and replaced with another, right?" Gray said. Cool itong nakapamulsa habang isinisiwalat lahat. He really investigated that much. Kaya pala na-late ito kanina.

Napatungo naman si Angelo. "I guess I have no other choice but to confess. Tama ang sinabi nila," wika niya at umugong ang malakas na ingay. Lahat nagulat sa pag-amin ni Angelo.

"I want to avenge my father through poisoning Lowie but there is more to that. Hindi ba't nagkasagutan si Lowie at Mrs. Sera? It is because of Lowie playing with chemicals that can actually make the laboratories explode! Nandoon ako! And I as someone who loves science so much cannot bear to see people who want to destroy such wonderful place like the laboratory!" he said while crying. "He deserved to be punished! At tama nga sila. Dinala ko ang styro cup sa dorm at doon iyon sinunog, thinking the truth won't be discovered," umiiyak niyang sabi. "Kaya pala iba ang pakiramdam ko nang puntahan ninyo akong dalawa sa science club office kanina."

"Hindi mo maitatago ang katotohanan Angelo. Kahit ilang beses mo pang pagplanuhan, darating din ang araw na lalabas ang katotohanan," komento ko kay Angelo. He smiled bitterly.

Hinawakan siya ng pulis. "Dahil minor ka pa lang, dadalhin ka namin sa custody at sila na ang bahala sa iyo," sabi nito. They left the cafeteria with Angelo.

Tuwang-tuwa naman ang lahat. They even congratulated me and Gray for exposing Angelo's crime. Napangiti naman ako at nagpaalam na kay Gray. Geez, I don't like attention that much. Salungat ko naman si Gray na tila nag-eenjoy sa atensyon sa kanya. Humakbang na ako palabas ng cafeteria but my foot still aches. Damn, it hurts badly. 

Paika-ika akong bumalik sa classroom namin at kinuha ang naiwan kong gamit. Naupo ako at tinanggal ang sapatos ko upang tingnan ang paa kong namamaga. It was also the time when Gray entered.

"It's swollen," komento nito habang nakatingin sa paa ko. Namamaga iyon and violet marks started to appear.

"Ang tanga mo kasing maglakad," Gray said. Tiningnan ko siya ng masama at pinigilan ang sarili kong sipain siya. Baka lalo pang mamaga ang paa ko kapag nagkataon.

"Pasensya na ha," I said sarcastically. How dare him to call me stupid! "If not because of me being stupid, edi hindi pa sana natin nalaman na si Angelo ang salarin!" Tiningnan ko pa rin siya nang masama while he just stood there. Tila wala itong narinig sa sinabi ko and still thinks I'm stupid.

I gave him dagger stares while putting my shoe back. Binalewala lang niya ang mga irap ko. He picked his backpack at sinuot iyon. He also picked my backpack at sinuot din. 

Nagulat na lang ako ng binuhat din niya ako! What the ----!

"Idiot. Maso-solve pa rin natin iyon, you don't have to hurt yourself like this," nagsimula na siyang maglakad na buhat-buhat ako. Hindi naman siguro ako mabigat dahil mukhang hindi naman ito nahihirapan.

"What are you doing?" I asked surprisingly habang nagpupumiglas. It's so awkward! Marami ang nakatingin sa amin! Gosh, he's carrying me in a bridal style! 

"This is called carrying, in case you don't know," he said at patuloy lang sa paglalakad.

"Ibaba mo ako Gray!" protesta ko but he refused.

"Stay still Amber kung hindi ay ihuhulog kita," he warned. He insisted on carrying me kaya wala akong nagawa kundi mamula while he's carrying me towards the direction of the dorm habang maraming mata ang nakatingin sa amin.

Great! We'll be the talk of the school for solving a case. as well as the talk, for him carrying me like this. Uh!

***

Nakadapa ako sa kama ko sa dorm habang nagbabasa. I was reading a short story for my literature class nang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko naman iyon, it was an unregistered number.

"Hello?" bati ko nang matapos kong pindutin ang answer button. Walang sumagot mula sa kabilang linya but I heard sounds of the wind. Muli kong binati kung sino man ang tumawag.

"Hello?" ulit ko ngunit wala pa ring sumasagot. Meh, what's with people and their prank calls?

"Hello, sino to?" I asked impatiently. Hangin lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya."Kung wala kang magawa sa buhay, please stop making prank calls. It's not funny," inis na wika ko at akmang papatayin ang tawag nang bigla nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Ang sungit mo."

The voice was familiar. It was a husky voice at isa lang ang kilala kong ganoon ang boses. Gray.

I mentally rolled my eyes. "Whatever Gray."

Muli naman siyang tumawa.

"Why did you call?" tanong ko sa kanya. "At saan mo naman nakuha ang number ko?"

"Ah, I'm just trying to scare you pero mukhang mainit ang ulo mo. Meron ka ano?" he asked at muling tumawa. "And your number? Oh well, I'm a detective so I have my ways."

Tsk, he just called to scare me? Not effective, I'm annoyed.

"You're not scary. You're annoying," wika ko sa kanya. "I have to hang up, bye."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at muling nagbasa. He just annoyed me. Ibinalik ko na lamang sa binabasa ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Andi. She was smiling all the way at parang alam ko na kung saan ito galing.

"Ini-stalk mo na naman ang crush mo ano?" tanong ko sa kanya. Nagulat ito ngunit agad ding nakabawi.

"Hindi ah," she denied at umiwas ng tingin sa akin.

"Naah, you can't fool me. I'm a detective." Meh, why do I sound like Gray? Mukhang masama ang impluwensiya niya sa akin!  Hindi nga lang ako kasingyabang niyang pakinggan.

"Sige nga. Spill your deductions kung paano mo nasabing nangstalk nga ako kay Jeff," tanong niya. She sat beside me at naghintay sa sagot ko.

"Wanna try me?" She nodded immediately. "You came in here with that stupid smile at lumalabas lang 'yang ngiting 'yan kapag nakita mo si Jeff," panimula ko. She pouted.

"Uh, that's not enough to say that I'm stalking."

"Pumunta ka ng gym dahil nandoon si Jeff nagpa-practice at dahil ayaw mong makita ka niya, you didn't take the ordinary way towards the gym, sa halip sa likod ka dumaan kung saan walang makakakita sayo," wika ko sa kanya.

"How would you know that I took the other way?" tanong niya.

Tinuro ko ang soot niyang itim na T-shirt. "Your shirt. Kung titingnan mong mabuti, may mga cotton-like stuff na nakakapit sa damit mo, and those are flowers from a bush na makikita lamang sa likurang bahagi ng gym, near the woods," wika ko sa kanya.

"Yeah that maybe possible but pumunta lang naman ako doon upang bumili nito," wika ni Andi at itinaas ang kamay na may hawak na nilagang mais. Doon ito mabibili sa mga tindero sa may gilid ng gym diba?" nakangiting wika. "That does not prove your theory about me, stalking."

"Kung gusto mo talagang bumili ng mais, you can buy that at the cafeteria since may nagtitinda din niyan doon. At isa pa, you don't like corn. Hindi ka kumakain niyan. Kapag kasi kumakain tayo ng halo-halo, hiniwalay mo iyon sa mga kinakain mo, not eating it at all. Ganun din no'ng nagdala ng maja blanca si Therese, hindi mo kinain 'yong mga piraso ng mais. Kahit hindi mo sinabi sa amin na hindi ka kumakain ng mais, I already figured it out," nakangiting wika ko.

"Hmm, kumakain ako ng mais. Kaya nga bumili ako nito," inangat niya ang hawak na mga mais.

"No. Binili mo 'yan kasi muntik ka na namang mahuli ni Jeff. You made it as an alibi na bumili ka ng mais sa halip na nagmamasid kay Jeff. At kung bibili ka lang talaga ng mais, you wouldn't take the other way. Masukal doon at tago. Mas madaling dumaan sa pathway pero bakit dumaan ka sa likod? It's because you don't want anyone to see you. Right?"

Itinaas naman niya ang dalawang kamay. "Alright, you win. You're really observant."

Tumawa ako ng mahina. Obvious naman talaga. Kapag walang pasok, routine na nito na subaybayan ang crush niya. Hindi na kailangan ng detective skills para malamang ini-stalk niya ang kanyang crush.

"Isa din sa basehan ko ay ang buhok mo. You changed your hairstyle a bit. You even wore a hoodie at nagdala ka ng eyeglasses at newspaper. It's like you're trying to hide your identity. And the newspaper, you can use it to hide your face para kunyari nagbabasa ka," dagdag ko.

Sumimangot naman ito. "Ang pangit pakinggan na ini-stalk, di ba pwedeng nagsubaybay lang?" tanong niya.

"Yeah, stalking is creepy," wika ko naman. Tumayo siya at nagbihis na.

"Uh, you're even creepier. Pakiramdam ko made-deduce mo lahat ng gagawin ko," wika niya. Natawa naman ako at hindi na lang sumagot. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong pagbabasa.

#

ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top