Epilogue
Ezekiel
It's been such a long week for me but satisfying. I didn't expect that a simple guy like me became a guardian.
Kinuha ko naman ang tablet ko at tinignan ang resulta ng mission ko.
MISSION #7
Types of People: Criminal
Criminal Case: Robbery
Status-to-be: Stable life
Conflicts: Family usual problem
Result: Passed
Napangiti ako sa resulta. Hindi ko expect na papasa ang mission ko but here it is the proof.
"All is well with God, Ezekiel."
Napangiti ako muli nang nakita kong tumatawag si Destiny.
"Magandang araw, Ezekiel." Bati ni Destiny.
"Magandang araw rin Destiny."
"Nagagalak akong nasisiyahan ka ngayon at napagtagumpayan mo ang iyong misyon."
"Overwhelm rin ako ngayon. Hindi ko expect na pasado pa rin ang misyon ko eh hindi naman talaga happy ending ang nangyari sa kanila ni Jansen. Alam ko naman na hindi pa talaga napapatawad ni Jason ang ama niya pero..."
"Pero kahit na ganoon pa ang sitwasyon, napagtagumpayan mo pa rin ang mabigyan at mabalik sa kanila ang kasiyahan na dapat ay para sa kanila. At natutuwa akong masaya ka para doon."
"Yeah. I am. Proud ako sa batang yun. Naiintindihan ko ang side niya pero ayon, unti-unting napapatawad niya ang ama. At ganoon din si Jansen. Unti-unti na rin niyang napapatawad ang sarili. And that's an improvement."
"Hindi nga kami nagkamali na ikaw ang aming napili upang tumulong sa iba upang makuha nila ang tunay na kaligayahan. Sobra kaming nagpapasalamat sa iyo. Lalo na si Ama."
"Nah! Okay lang yun. Oo nga at may kapalit ang pagtulong kong ito pero minsan hindi ko na iniisip. Pwera nalang kung may masamang elementong pumapasok sa ulo ko. Sa mga nagawa ko, masasabi kong masaya ako sa ginagawa ko ngayon. Masaya ako na kahit mahirap, buo ang puso kong gustong makatulong sa iba. You know, noon ko pa 'to napapansin. Siguro before ako namatay tumutulong rin ako sa kapwa ko. Kasi hindi na mahirap ang tumulong. Kahit mahirap ang misyon, nakakaya ko dahil sa inyo. Dahil kay Ama. Salamat sa inyo."
"At nagpapasalamat rin kami sayo. O siya, magpahinga ka muna. Alam kong may susunod ka pang misyon. At gusto ko ring sabihin na ito na ang huling tawag ko sayo."
"Ha? Bakit huli na? May pupuntahan ka ba?"
"Hindi na ako ang may hawak ng susunod na kabanata. Nawa'y malampasan mo pa rin ito na may tapang at paninindigan. Ikaw ang magiging daan at makakatulong sa mga taong kailangan ng nararapat na kaligayahang kailangan nila."
"Ha? Hindi kita maintindihan?"
"Muli ay binabati kita sa matagumpay mong paglalakbay patungo sa paghahanap mo sa katotohanan. Ngunit may isa akong babala sa iyo. Tandaan mo sana ito. 'Felicitas in extenuata gerens pectore invenies'."
"T-teka? Anong ibig sabihin nun? Hindi ko maintindihan?"
"Tandaan mo yun dahil yan ang magiging basihan mo sa iyong paglalakbay. Mag-iingat ka at wag mong kalilimutan si Ama. Paalam kaibigan."
Bigla namang namatay ang video call niya.
"Ano ba naman niyan. May sinabi nga siya pero hindi ko naman naintindihan."
Narinig ko na may nagbeep sa tablet ko. Isang mensahe galing kay Destiny.
'Felicitas in extenuata gerens pectore invenies'
"Ha? Ano 'to? Bugtong? Hay, si Destiny talaga. Mabuti pa nga at mamasyal ako tutal tapos naman ang misyon. Yup, yun ang gagawin ko."
"Sinong kausap mo?"
Muntikan na akong atakihin sa puso ng may magsalita. Nilingon ko naman ito. Walang iba kundi si Sarah.
"Ano ba? Papatayin mo ba ako sa kaba? Bakit ang hilig mong manggulat?" hinawakan ko ang dibdib ko.
"Sorry, eh nakita kasi kitang nagsasalita. Baka kako'y may kausap ka. Meron ba?"
"Mukha bang meron? Bakit nga ba nandito ka?"
"I just want to remind you na ako ang susunod mong tutulungan."
"Of course naalala ko pa. Hindi ko nakakalimutan."
"Okay. So, saan ka tatambay? Uumpisahan mo na ba akong tulungan ngayon?"
"Nope. Bukas na. Magliliwaliw muna ako. Gusto kong ma-feel ang essence ng pasko at new year. Ano? Sama ka? Well, wala kang choice dahil magkakasama tayo sa susunod na mga araw."
"Okay."
"Ha?"
"Let's go. Time is gold." sinukbit ng braso niya ang braso ko.
"W-wait. Saan naman tayo pupunta?" pigil ko sa kanya.
"Magliliwaliw? Yun ang sinabi mo."
"Oo nga pero saan tayo unang pupunta?"
"Ay! May kasiyahan sa may park. Halika manood tayo." Excited na sabi ni Sarah sabay hila sa akin.
Nagpahila lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa parke, marami nang taong nanonood.
At dahil hindi kami nakikita, ay madali kaming nakalusot. Mukhang paligsahan ito sa pagkanta.
"And now, for our next contestant. Let's call on Miss Vera Laso. Around of applause please."
[Music: Sayo by Silent Santuary]
🎵Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo 🎵
"Wow! Ang ganda ng boses niya. Grabe siya oh!" Manghang komento ni Sarah.
"Yeah. Ang ganda nga." Napangiti naman ako sa sinabi niyo.
"Kuya, sige na kantahan mo ako. Yung paborito ko. Yung sa silent santuary na 'Sayo'. Sige please?"
"Hay! Ano ka ba? Hindi nga ako marunong kumanta, pakakantahin mo pa ako."
"Sige na please. I'm so sad today pa naman." Malungkot niyang sabi.
"Ha? Bakit naman?" Nag-aalalang tanong ko.
"Hindi na ako kasali sa top 10. Nasa pangtop 11 nalang ako."
"So ang pagkanta ko ang makakapagpagaan ng loob mo? Ano ang boses ko, magic? Kailan pa ang sentunado naging magic?"
"Kuya naman eh...."
"Kuya naman eh..." panggagaya niya.
"Kanta na please...."
"Okay, okay. Walang basagan ng trip." Timikhim muna ako bago nagsimula.
🎵Tumingin sa 'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto, ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
"Hey, ayos ka lang? Masakit ba ang ulo mo?"
🎵Kailangan ba kitang iwasan
Sa tuwing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo,
Iba rin pag tayo lang 🎵
"Kuya...."
"Tama na...."
"Hey, ayos ka lang ba?"
"Ezekiel..."
"Arghhhhhh!!!!!!!!!!" Sigaw ko saka ako natumba.
"Ezekiel!" Diluhan niya ako.
"I love you..."
Yun lang ang huli kong naalala saka ako nahimatay.
Sarah
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tao sanang tutulong sa akin ay bigla nalang nahimatay.
"Ezekiel? Ezekiel, gising."
"Anong nangyari sa kanya?" Dinaluhan kami ng hindi ko kilala na lalaki.
"Ah teka. Sino ka? At nakikita mo kami?"
"Oo at kailangan natin siyang tulungan. Ako nga pala si Rael. Isa sa mga anghel na tumutulong kay Kel."
"Ahh... nice to meet you."
"Kailangan natin siyang dalhin sa kampo. Handa ka na ba?"
"Ha? Saan yun----- O.M.G!!!!"
Napatili ako dahil na rin sa pwersang bumalot sa amin. At hindi ko na rin alam ang sumunod na pangyayari.
Rael
Nakarating kami sa kampo ng isang segundo. Kaagad naman akong tinulungan ng iba kong kasamahan.
"Dalhin niyo sa tent Ezekiel. At si Sarah doon sa isa pang tent."
"Masusunod po."
"Anong nangyari Rael?" Tanong ni Miquil. Isa sa mga lider rin ng sandatahang anghel.
"Unti-unti na niyang naaalala, Miquil. Mas lalo pa yang lalalala kapag nakompleto na niya ang kanyang misyon."
"Kailangan na nga nating paigtingin ang sandatahan. Lalo't kumikilos na ang mga kampon ni Luci." Seryosong sabi ni Miquil.
"Sa ngayon, ligtas pa si Ezekiel. Ngunit sa mga susunod niyang misyon, magiging delikado na ito."
"Hindi natin hahayaan magtagumpay ang kasamaan. Kailangang magtagumpay ni Ezekiel."
"Kailangan. Kailangang-kailangan talaga. At sana magawa nga iyon lalo pa't kailangan ng niya ito." May pag-aalalang kong sambit.
"Manalangin tayo na makakaya niya ang lahat ng pagsubok na haharapin niya.
Sana nga. Malampasan niya ang lahat ng ito.
--------------------------------------
Whoah! At last! Natapos rin ang Destiny. Sana nag-abang pa rin kayo sa huling chapter.
But don't worry, may book 2 nito. And I will try to update.
Thanks sa mga bumabasa pa rin nito kahit na napakatagal kong mag.update.
I hope you like this update.
Arigato gozaimasu!
Aisheteru! 😙😙😙😙
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top