Chapter 9
Ezekiel
Agad naman kaming pumunta sa magiging tambayan namin.
Guess where?
Sa bahay ni Zero.
Medyo bestfriend ko na kasi yun eh. Nakukulitan na nga yun sa akin. Naglibot-libot naman si Marie sa loob ng bahay ni Zero habang ako ay nakaupo lang sa may sala. Hay! Ang sarap talagang umupo sa malambot na upuan.
Napatayo naman ako bigla ng may sumigaw sa may itaas. Nakita ko na naman si Marie na pababa ng hagdan habang medyo natatakpan ang mukha ng kamay niya. Napansin kong pababa rin si Zero na nakabathrobe. Kaya naman pala.
"Who the hell are---- ikaw na naman?!" baling niya sa akin
"Yep! Ah, siya nga pala, kasama ko siya" turo ko kay Marie
"She--- what the hell! Bakit ba kayo nandito?! At bakit ba pinayagan mong umakyat siya?!" galit niyang tanong
"Malay ko bang pumasok siya sa kwarto mo at parang---"
"Wag mong ituloy! Walang hiya ka! Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na bahay ng lalaki ang pupuntahan natin!" inis niyang sabi
"Nagtanong ka ba? Sa pagkakaalala ko kung saan tayo pwedeng tumambay"
"You---- i hate you!"
"I like you too"
"Wait, wait, wait, wait. Anong tatambay kayo dito? Hindi tambayan ang bahay ko!"
"Easy bro. Baka atakihin ka sa puso. Naghahanap lang naman kami ng masisilungan. Hindi ka ba naawa sa amin?" i pout
"Haist! Hindi ko alam kong ano kayong klaseng multo. Ang sakit sa ulo!"
"Hoy di kami multo ha! Spirit kami. S.pi.rit. Kuha mo?"
"Ghost, spirit whatever you are. Just leave me alone!"
"Weh? Bakit? Anong gagawin mo dito? Why don't you just accept us in your temporary house. Ang lungkot kaya ng walang kasama" paliwanag ni Marie
"Sino ba 'to ha? Bago mong recruit para kulitin ako?"
"Sort of. Tsaka correction dude, nandito kami as your fate's guardian. Hindi kami multo okay? At hindi ako bagong recruit. Chusera 'to" paliwanag ni Marie
"Actually, she's here to accompany me. Ang lungkot kaya mag-isa. Wala kang kausap. You know what i mean"
paliwanag ko
Palipat-lipat lang ng tingin si Zero na para bang inaanalyze ang mga explaination namin.
"Payagan mo na lang kasi kaming tumambay dito. Alam mo, kung kasundo ko lang yung kapitbahay mong masungit, eh di sana dun na kami tumambay. Di mo naisip yun?"
"So you think brainless ako ganun? Magsilayas nga kayo dito!" asik ni Zero
"Ay! Naging halimaw na. Ano ka ba naman Kile? Wag ka ngang bad sa kanya" saway naman ni Marie
"Teka, teka, i didn't mean that way. May sinabi ba akong brainless ka?"
"Oo. Ngayon" tugon ni Marie
"Uy! Tanong yun ha? Walang ibang meaning. Zero promise, hindi kita minamaliit" paliwanag ko
"Magsitigil na nga kayo. Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Magbibihis lang ako saka tayo mag-uusap" aakmang paakyat sa hagdan "And you lady, don't ever try to sneak out on my room. Do you understand?"
"Yes boss!" sabay saludo
Napailing na lang si Zero sa inakto ni Marie habang papunta sa taas. Nagkatinginan kami ni Marie at napatawa ng mahina.
"You really helping me. Mukhang kailangan na nating pagplanuhan ang steps para magkalapit sila"
"For that, i think i had idea" she grins
"And that is?"
"Kailangan natin siyang maging friend muna and then, mag-eexecute tayo ng plan para kulitin ang isa mo pang client"
"Kulitin? Eh baka naman magpatawag na yan ng spiritista at mapalayas tayo ng di oras dito sa lupa"
"Like hello? Were not ghost okay? Hindi tayo basta mapapalayas dito no? Unless kung makabangga natin ang kampon ng dilim. Dun, vavoosh na tayo dito"
"Hmm. Okay. I will trust you. Para naman matapos na ito"
"Hello again..? Matagal pa bago bumalik yang memory mo no. Nabasa ko sa tab ko, dahil na rin ikaw ang mission ko, every time na magsucceed ka sa mission mo, unti-unti naman itong lilinaw"
"Ganun? Anong kinalaman ng mission ko sa memory ko at parang mga questions na kailangan ng answers?"
"Well, ganun na nga. Tsaka, this is your fate okay. Oo nga at alam ni Destiny kung ano ang magiging resulta ng fate mo but pwede itong mag-iba sa isang maling galaw mo. Meaning kung sa isang game pa, if you fail to answer it, mababawasan ang chance mo. Gets? That's a human thing"
"So ang tao talaga ang gumagawa ng fate niya. Ganun?"
"Hmm yup. Pero not with the help of those kismet annihilator. Dahil pagnakalapit sila sayo, it's either madeceive ka o susunod ka sa nakatadhana sayo"
"So, possible na mafail ko ang mission ko? You know, pwedeng nalapitan na si Febbie ng mga yun"
"Kaya nga tayo nandito di ba? Were here to guide them. Para hindi sila mapunta sa kasamaan. Dahil pagnangyari yun, Father will be upset. You know how much he loves us epecially his people. Hindi mo mapapantayan ang love niya para sa atin"
"I think hindi lang memory ko ang kailangan kong i-save. But also the love and faith ng mga tao sa Kanya"
"Now you look like a guardian na"
"Weh? Nambola pa"
"No I'm not. Sana, pagdumating ang araw na maalala mo na ang lahat hindi mo kakalimutan ang mga ginawa mong mabuti"
"Whoah! Now you sound like Destiny. Nakakakilabot"
"Ginawa mo pa kami ni Destiny na multo. Hmp!" nagcross arm ito
"Di joke lang. Yung mga salita kasi ni Destiny, grabe ang epekto. Parang ginagamot niya ang masama mong side. Grabe. Makatindig-balahibo"
"Are you awarw na naririnig ka nila doon?" itinuro ang kisami
"Oo nga no? Ah Destiny, peace po" I smiled
"Tss! Weird mo"
"Mas lalo ka na"
"Okay then. Pareho tayo"
Napatawa nalang kami. Hay! Kahit may pagkabaliw si Marie, may side naman siyang seryoso lalo na kung misyon na ang pinag-uusapan. I hope also na pagbumalik na ang alaala ko, I will not forget this.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top