Chapter 7
Destiny's POV
Kasalukuyan akong nakatingin sa mga ginagawa ni Ezekiel ngayon. Alam ko alam ng Diyos na nagsisisi ako sa suhwestyon ko para lang maibalik namin ang alala niya. Ngunit anong magagawa ko, naisulat na ng Diyos ang mangyayari sa kanya. Sana lang ay mapagtagumpayan niya ito.
"Destiny?"
Napalingon naman ako. Si Marie, isa sa mga guardians namin.
"Balita ko may bago daw'ng dumating? Sino siya, pwedeko ba siyang makilala?" tanong ni Marie
"Sa ngayon, hindi mo pa siya makikilala dahil kasalukuyan niyang ginagawa ang misyon niya"
"Ah ganun ba? Eh di puntahan ko na lang siya o tulungan man lang. Sigurado akong naninibago pa iyon"
"Yun nga ang susunod mong misyon. Ikaw ang gagabay sa kanya upang mapagtagumpayan niya ang misyon niya"
"Talaga?! Sige sige. Payag ako! Salamat at may misyon na naman ako" natutuwang sabi niya
"Mabuti naman at papayag ka"
"Naku, kung alam mo lang kung paano niyo ako napapasaya sa ginagawa ko. Ang matulungan ang mga tao upang maging isang mabuting nilalang sa lupa. Nakakataba ng puso"
"Masaya akong ganyan ang pananaw mo"
"O pa'no, puntahan ko na siya"
"Sige, mag-ingat ka"
"Oo naman"
Agad naman siyang pumasok sa lagusan at dinala na siya sa kinaroroonan ni Ezekiel. Sana nga, maging maayos lahat at matulungan ni Marie si Ezekiel sa misyon niya.
Ezekiel's POV
Hay! Nababagot na talaga ako ngayon. Ano bang gagawin ko? Dapat gumagawa na si Destiny ng paraan para makatagpo ang dalawang yun.
Habang papalapit ako sa bahay ni Febbie, bigla na lang may sumulpot sa harapan ko. Isang babae at mukhang kapareho ko pa.
"Anak ng---- really? Kung dadalhin mo ako sa saktong lugar, ayusin mo naman ang pagteleport sakin" reklamo nito sabay tayo habang nakatingin sa langit
"Ah excuse me? Miss----"
"There you are. akala ko eh maling lugar na ang napuntahan ko. Marie pala" inilahad ang kamay niya
"Eze--"
"I know, I know. Ezekiel. Right?" tanong nito sabay smile
"Yeah"
Dahan-dahan kong tinanggap ang kamay niya at nakipagshake hands.
"So where's your client. Destiny told me na may bagong guardian so I volunteer myself to help you. Katatapos ko lang kasi sa misyon ko. So, asan na sila?"
Mga ilang seconds ko din siyang tinignan. Seryoso bang babaing ito? Tutulungan niya ako? May misyon rin siya, so that means may hiniling rin siya kay God.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top