Chapter 6
Kile's POV
Yeah, yeah. Ako na ang dakilang tagasunod. Sinundan ko kasi si Febbie hanggang sa kanyang pinagtatrabahuan. Ang laki pala talaga ng kompanyang pinagtatrabahuan niya! At sikat pa. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang ugali ni Febbie. Sorry Lord. Pero kung ganito ba naman ka sikat ang kompanya, halos lahat dito ay trabaho ng trabaho. Kulang na nga lang ay wala ka na talagang time para sa sarili mo.
Inobserbahan ko naman ang iba. May nagbabasa sa may lobby habang uniinom ng coffee; may iba naman ay takbo dito takbo doon; may iba na nagrereview habang naglalakad sa hallway; may nag-uusap tungkol sa new project nila; may nagtatalo; may sumisigaw; may mga sunod-sunuran. Parang lahat na lang ng hindi maganda sa paningin mo ay makikita mo dito. Sorry again Lord sa nasasabi ko.
Napansin ko naman si Febbie na pumasok sa isang silid. Conference room. Agad naman akong pumasok doon. Hindi na ri ako nagpakita kay Febbie dahil baka mashock siya.
"So, can you explain to me kung anong nanyari dito? Paano nangyari na nawala ang hard copy ng mga scripts?!" galit na tanong ni Febbie
Wow! Ganyan ba talaga siya magalit?
"ANO?!" galit na tanong niya sabay pa ng hampas sa mesa
Ouch! ang sakit ng paghampas nun ha.
"S-sorry po. Iniwan ko lang po sandali sa table, pagbalik ko ay wala na dun" maiiyak na sabi ng babae
Huminga naman ng malalim si Febbie saka nagsalita ulit.
"Paghindi niyo nakita yung script na yun, magbalot-balot ka na. We don't an employee na napakclumsy. Maliwanag! EVERYBODY, FIND THAT DAMN SCRIPT NOW!!"
Agad naman silang nagsitayo at lumabas sa conference room. Hmm, makausap nga kaya ito.
"That was rude"
Nagulat naman siya at napatayo sa kinauupuan niya.
"What the heck? Tsaka bakit ka nandito?"
Tumingin-tingin naman siya sa labas.
"I followed you at nakita ko kung ano kang klaseng katrabaho"
"Wala kang pakialam. And stop following me!"
Agad naman siyang lumabas ng conference room. Hmm, makausap nga ang isa sa mga katrabaho niya. Searching......searching........searching.......searching......viola! Huli ka!
"Ah, excuse me?"
"Yes? May kailangan ka?" tanong nung babaeng pinagalitan ni Febbie kanina
Mapapansin mong galing ito sa pag-iyak.
"Ayos ka lang ba?"
"Ahhahaa! O-oo. Ano nga pala ang kailangan mo? Sorry ha, medyo nagmamadali kasi ako eh" she smile
"Ah, tatanungin ko lang kung saan ang office ni Miss Febbie?"
"Ah, dumeritso ka lang diyan sa hallway, saka ka lumiko pakaliwa. DUn, office na yun ni Miss Febbie"
"Thanks. Um, hindi sa inaabala kita pero si Miss Febbie ba ang may gawa niyan sayo? Kung bakit ka umiiyak?"
"H-ha? Um, kasi napagalitan ako ni Miss Febbie dahil napakaclumsy ko. Kasalanan ko kung bakit umiiyak ako ngayon" she smiled
"Bakit ka naman niya pinagalitan?"
"Nawala ko kasi ang script. Um, sige, hahanapin ko muna yun. Kailangan na kasi yun bukas eh. S-sige"
Agad naman itong umalis. Hmm, masyado siyang mabait. I need to find someone na madaldal. At nakakita nga ako. Pero hindi ako nagpakita sa kanila. Naki-eavesdrop lang ako. Busy sila sa paghahanap nung script.
"Alam niyo, sumusobra na talaga yang si Miss Febbie eh" sabi nung babaing nakaglasses
"You're right. Alam niyo yung nagpapakabossy siya eh subtitute lang naman siya dito eh" sabi nung maarteng babae
"And to the point na ipahiya niya si Lisa sa lahat" sabi nung bakla
"Tama naman si Miss Febbie ha. Napakaclumsy ni Lisa. Tingnan mo tuloy, damay tayong lahat"
"Hoy! Kung makapangsisi ka diyan parang perfect ka diyan. Ang dapat sisihin dito ay yang amu-amohan natin. Aba't pasalamat nga siya at tinutulungan natin siya dito eh kabago-bago pa niya nagsusungit na siya. Gosh!" sabi ng bakla
"Korek ka diyan mare. Kung hindi niya sana inasa kay Lisa ang pagkeep nung script, hindi sana yun mawawala" sabi nung nakaglasses
"Tsaka bakit mo ba pinagtatanggol yung masunget na yun na bruha ha Anthony?" tanong nung maarteng babae
"Hind naman sa pinagtatanggol ko si Miss Febbie, pero mali naman talaga ang ginawa ni Lisa. Tignan mo ngayon, damay tayo sa galit niya. Sa lahat ng ayoko ay yung nangdadamay ng ibang tao" sabi ni Anthony
"May point ka nga. Pero hindi pa rin makatarungan yung ginawa niya sa atin. Sana mawalan siya ng trabaho para marealize niya ang ginagawa niya sa mga katrabaho niya" sabi nung nakaglasses
"Hay naku! Mabuti pa lumipat na tayo at mukhang wala dito" suggest nung bakla
"Buti pa nga" pagsang-ayon nung maarteng babae
Nagsilabas naman sila sa room. Naku, mukhang malala na ito. Mapuntahan nga yung isa. Pagpasok ko pa lang doon ay busy na itong nagsusulat sa laptop niya.
"Busy?"
Nagulat naman siya. Palagi na lang ba itong magugulat sa akin?
"Ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok o hindi manggulat? At sinabi ko na lubayan mo ako?" galit na tanong niya
"Bakit mo yun ginawa?"
"What did I do?"
"Hindi ka ba natatakot na isang araw ay mawalan ka ng trabaho dahil sa ugali mo?"
"Nandito ka lang ba para sabihin sa akin ang walang kakwenta-kwentang bagay?"
"No, sinasabi ko lang sayo ang posibleng mangyari dahil sa ginagawa mo"
"Ano ba talaga ang gusto mo at nang malubayan mo na ako? Did I do something wrong to you nung nabubuhay ka pa? Tell me"
"Wala kang atraso sa akin pero sa katrabaho mo, ang dami mo nang atraso"
"So, sinisiraan nila ako, tama?"
"So ano ngayon kung sinisiraan ka nila? Anong gagawin mo?"
"Simple lang. Sila ang mawawalan ng trabaho at hindi ako. Hindi ko destiny ang mawalan ng trabaho"
"Talaga? Gaano ka nakakasisigro that hindi mo talaga destiny ang mawalan ng tra--"
"Pwede ba! Umalis ka na dito! Ayoko ng mga asungot sa buhay ko! Sino ka ba para diktahan ako ng ganyan!"
Napatitig naman ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ganyan pala ang ugali niya.
"Grabe, hindi ko akalaing ganyan ka na kalala. Wala ka na talagang pag-asa. Sana pinabayaan na lang kita"
Agad naman akong umalis doon. Hay! Diyos ko, sana kayanin ko pa ito. Grabe, nasaktan ako sa sinabi niya. Mabuti pang si Zero na lang ang aabalahin ko. Ipapalamig ko muna ang ulo nun. Tama. Mamaya ko na lang siya kakausa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top