Chapter 43

Jansen

Pasko na pero hindi ako lubos na masaya dahil na rin sa nangungulila ako sa mga anak ko. Sobra ko talagang pinagsisihan ang mga nagawa ko pero kung hindi ko rin yun ginawa ay ano nalang ang magiging kinabukasan nila sa pangangalaga ko?

"Jansen, dito ka lang ba? Halika, sama ka sa amin. Magmimisa si Father Ocampo." pag-aaya ng kasamahan ko.

"Um, dito nalang ako."

"Ilang misa din ang hindi mo naatenan, halika na. Makinig ka nang kahit konti. Saka, malungkot ang mag-isa sa pasko."

Tinignan ko naman siya. Ilang sandali pa ay nagdesisyon na akong sumama kay Loloy. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko maalala kong kelan ako huling nagsimba. At sa ginawa kong kasalanan, mapapatawad pa ba ako ng Panginoon?

Nang makapasok kami sa chapel ay siyang pagsisimula ng misa. HIndi ko alam kong ano ang gagawin ko dito. Para akong tanga dito na patingin-tingin sa paligid.

"Ang pagsilang kay Jesu Kristo ay isang malaking biyaya sa ating lahat. Dahil sa kanya ay nahugasan ang ating mga kasalanan. Ito'y patuloy na naghahatid sa atin ng pag-asa..."

"Ah... Loy, alis nalang ako. Parang hindi talaga ako bagay dito." bulong ko sa kasamahan ko.

"Ha? Wag na. Dito ka lang. Wala kang kasama doon. Mabuti nang dito ka nalang. Makinig ka, maganda ang paksa ngayon."

Napilitan naman akong tumango. Nakinig na rin ako ulit.

"Bakit nga ba tayo nagkakasala? Ilan sa inyo dito ay alam kong gusto nang makalabas. Ngunit sa pananatili niyo dito, may natutunan ba kayo? Natanong niyo ba minsan na, 'bakit ba ako nandito? Bakit ko ba binabayaran ang mga kasalanan dito?' Ang daming tanong, pero mahirap sagutin. Lalo na kung tatanungin mo ang sarili mo. Pero minsan masasabi nating, sa pakikipag-usap ko sa sarili, nakukuha ko ang mga sagot. Lalo na kung sasamahan mo ito ng pakikiusap sa Diyos. Ang diyos ay laging nakikinig sa ating mga dasal ngunit kapag hindi natin nakuha agad ang sagot, nawawalan na agad tayo ng pag-asa. Masasabi na, 'wala rin namang kwenta ang pakikipag-usap sa kanya dahil hindi rin naman tayo naririnig.' Ang tanong, ang tinanong mo ba ay makakabuti para sayo? O sadyang hindi mo magawang maghintay ng tamang panahon para sagutin ng Diyos ang panalangin mo...."

"Lahat tayo gustong makuha kaagad ang sagot. Lahat tayo gustong maunang sagutin ng Diyos. Lahat tayo gustong maging selfish at dapat 'ako' lang. Kung sino yung nakatama una dapat siya ang pansinin lagi ng Diyos. Ngunit hindi ganyan ang ating Ama. At kahit kailan hindi siya magiging ganyan. Yung kung sino lang ang nakagawa ng mabuti, siya lang ang kanyang papansinin. Tandaan niyo, hindi mapili ang Diyos. Pantay ang pagmamahala niya sa atin. Kaya nga sinakripisyo niya ang anak niyang si Hesus upang tayo'y masagip sa isang kasalanan. Ngunit kahit namatay na si Hesus, patuloy pa rin tayong nagkakasala. Bakit kaya? Bakit lagi pa rin tayong nagkakasala?..."

"Nagkakasala tayo dahil sa pagkalimot natin. Nagkakamali tayo dahil nakalimutan natin ang tungkol sa mali at sa tama. Ngunit hindi pa rin niya tayo iniwan kahit nakakalimot tayo. Samakatwid, ito ang nagiging daan upang maalala natin na may Ama tayong gumagabay sa atin. Ganun ka perpekto ang ating Ama. Kahit magkasala tayo, kahit makalimot tayo, kahit maalala natin siya at mahalin, nandiyan parin siya sa ating tabi. Hindi nga lang literal, pero ginagabayan niya tayo patungo sa katotohanan at kaayusan..."

"Wala siyang pinipili. Kahit kayo, bumalik lang ang loob niyo sa kanya, kahit nasakatan Siya sa mga ginawa niyo. Patuloy pa rin Niya kayong papatawarin ng paulit-paulit. Masasabi nga natin na minsan nauuto na natin Siya dahil kapag humihiling tayo binibigay Niya at anong pinalit natin, ang masakatan Siya. Ngunit patuloy pa rin Siyang nagpapatawad. Dahil sa laki ng pagmamahal Niya sa atin. Walang hanggang at walang katapusan. Ganun kalawak ang pagmamahal Niya sa mga tao. At hindi rin siya napapagod na magpatawad ng paulit-ulit dahil hindi Niya tinitiis ang mga anak Niya..."

"Kaya sa araw ng pagsilang ni Hesu Kristo, ito'ymaghahatid ng pag-asa na kahit nandito kayo, nakulong, pinagbabayaran ang mga kasalanan. Isipin niyo na lagi niyong kasama ang Diyos sa pagsisisi niyo. Wag kayong mawalan ng pag-asa. Napatawad na kayo ng Diyos ngunit sana mapatawad niyo rin ang mga sarili niyo. Minsan kasi kulang ang pagpapatawad ng Diyos lalo na't hindi niyo pa napapatawad ang sarili niyo. Kapag napatawad niyo ang sarili niyo, saka niyo pa mababatid na, 'siguro nga kaya ako nandito ay para magbago na ako. Para kapag nakalabas na ako, wala na akong mabigat na bagay na ipinapasan.'..."

"At sana ngayon pasko ay ang simula ng pagbabago niyo. Manalig sa Kanya, hindi Niya kayo bibiguin. Magsitayo ang lahat. At sabay-sabay nating sambitin ang 'Ama Namin'"

Grabe, hindi ko alam ganito pala ang pakiramdam kapag may naghahatid ng mensahe ang Diyos. Matagal-tagal na rin nung huli akong nagsimba. Medyo natamaan rin naman ako sa mga sinabi ng pari, pero sana rin nga mapatawad ko ang sarili ko bago ako humingi ng tawad sa mga anak ko.

Ilang minuto ang lumipas saka natapos ang misa. Saka kami nagsibalik sa aming kulungan. Ang iba ay kasama ang pamilya nila. Nakaklungkot mang isipin na hindi ko man lang makakasama ang mga anak ko ngayong Pasko. 

"Oh, Jansen. Ayos ka lang ba? Nagustuhan mo ba ang pakikinig kanina sa misa?" tanong ni Loloy.

"Opo. Salamat po sa pamimilit kanina."

"At pinilit pa talaga ha. O heto, maghati tayo ng dinala ng anak ko. Hindi ka ba dadalawin ng pamilya mo?" naupo naman kami at kumain ng dala niya.

"Hindi po yata. Saka, ayoko rin naman mamulatan ng dalawa kong nakakabatang anak ang kulungan. Saka, sigurado akong galit pa rin sa akin ang panganay ko sa akin."

"Hayaan mo nalang muna. Ganun talaga ang mga anak. Alam mo naman tayong ama ang dapat na isa mga modelo ng mga lalaki nating anak. Ngunit vtayo pa ang sumira ng imahe natin sa paningin nila. Pero papasasaan ba't mapapatawad ka rin niya. Tignan mo yung anak ko rin, bato yun pero kapag tinamaan siya ng concern, ayun napapadalhan niya ako ng pagkain. Hindi man siya nagpapakita sa akin tuwing dadalaw ang asawa, umaasa pa rin akong balang-araw, mapatawad niya ako. At nangyari nga. Kaya nga, kahit makulong pa ako at pagbayaran ko ang mga kasalan ko dito habang buhay, ayos lang sa akin. Ang importante, ang napatawad ako ng anak ko at alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. Yun lang ang gusto ko para sa kanya."

"Sana nga mangyari rin sa akin yan."

"Mangyayari basta ba manalig ka lang sa kanya. Sabi nga ni Father Ocampo kanina, hindi tayo pinapabayaan ng Diyos. At dapat rin nating patawarin muna ang sarili natin bago tayo makakahinga ng maluwag. pagsubok lang ito Jansen, walang-wala ito sa malaking natutulong sa atin ng Diyos. Kung hindi tayo pursigidong magbago, ay patay tayo diyan. Hindi kakayanin ng Diyos na tulungan tayo. Sa dami ba naman natin sa mundong ito na tinutulungan niya. Kaya kailangan rin ng effort natin para naman biyayaan tayo."

"Ang dami mo na talagang natutunan dahil sa Kanya."

"Sa pagtatyaga lang yan. Maniwala, may kakahantungan yang paghihintay mo at mga panalangin mo. Basta ba ay hindi ito masama, tutulungan ka Niya."

"Salamat ulit."

"O sige, kumain ka pa. Hay naku! Minsan lang tayo makakakain nito kaya lubos-lubusin na natin."

Tumango lang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Sana nga balang araw, mapapatawad rin ako ng anak ko, lalo na ang Panginoong Diyos.

---------------------------------------------------------

Hi guys! 

I hope nandiyan pa kayo. Sorry again dahil natatagalan talaga ang pag-a-update ko. 

I hope na magustuhan niyo ang chapter na 'to at may natutunan kayo.

Tsaka malapit ko na ring i-end ang book na 'to but don't worry may book 2 ito. Mas exciting ang journey ni Ezekiel na sana'y kapapanabikan rin niyo.

Happy reading! 

See you soon for the next update.

Love lots,

Author :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top