Chapter 41

Ezekiel

It's Christmas!

Hay! Napakaganda talaga ng mundo tuwing pasko. Maraming iba't ibang kulay na mga ilaw ang makikita mo sa mga kabahayan, sa lansangan at mga pasyalan.

May mga decoration rin at christmas tree na sumisimbolo talaga sa paparating na pasko.

"Ama? Masaya kaya ang pasko ko noon? Sana masaya akong sine-celebrate to."

"Oo naman."

Bigla naman akong napalundag ng may bumulong sa akin. Na kaagad ko namang nilingon.

"Hay! Ano ka ba? Bakit ka ba nanakot? Paskong-pasko oh! Tapos na ang araw ng mga patay. Hay!"

Tawa lang ang sinagot niya. Goodness! Si Sarah pala, ang next kong tutulungan. Siya yung napansin ko doon sa bahay na nanakawan sana nila ni Jansen. Naalala niyo. Yung multong babae.

"Sorry... ang seryoso mo kasi. Kinakausap mo pa si God." Natatawa niyang paliwanag.

"Bakit bawal ba?"

"Hmm hindi naman. Nga pala, anong ginagawa mo sa lugar na ito?"

"I think ako dapat ang magtatanong niyan. Bakit ka nandito? Nasa kabilang kanto ang bahay mo."

"Eh boring doon eh. Walang tao. You know, ako lang mag-isa. So, gumala ako at hinanap kita. And here I am."

"Kita ko nga. Alam mo ikaw lang ang multong nakilala ko na nabored mag-isa sa bahay."

"Eh, kanya-kanyang trip lang yan. Nga pala, yung sinabi mo sa akin nung huling kita natin. Matutulungan mo na ba ako?"

"Oo matutulungan kita pero, hindi sa ngayon. Hindi pa ako tapos sa mag-ama eh. I mean, malapit nang mapalapit si Jansen kay Ama pero ang problema eh yung panganay niyang anak. Nag-iisip pa nga ako kung papaano ko mapaparealize sa batang yun ang sitwasyon ng ama niya."

"You need my help?"

"Nah. I can handle this. Kailangan ko lang ng isang dahilan para maka-influence kay Jason --- uy, nakikinig ka ba?"

Lumingon naman siya. "Ha? Ah oo. Sorry, natuwa lang ako sa magjowa dun." Tinuro niya ang magkasintahang nagkukulitan.

"Oh, eh ano namang nakakatuwa diyan. Nagkukulitan lang naman sila."

"Actually, I know them."

Napatingin naman ako sa kanya. Naging seryoso na ang mukha nito.

"Siguro nga at may dahilan kung bakit ako namatay. That two, hindi sila ganyan kasiya nung nabubuhay pa ako."

"Bakit? Sino ba sila?"

"They are my siblings. Well, yung isa lang to be exact. The girl is my younger sister. And the guy, his our adoptive sibling."

"So, naging parang kontrabida ka sa kanilang pagmamahalan ganun?"

"No, I'm not. It's our parents. College palang ako ng mapansin kong may kakaiba na sa kinikilos ni Jay. Parang hindi na kapatid ang turing niya kay Sofia. Hanggang sa nalaman ko nalang isang araw na magkasintahan na sila."

"How about your parents? When did they know about their little secret affair?"

"Graduating na sa college si Sofia nung nalaman nila. Jay confess his feelings towards Sofia in front of us. Medyo nagworry nga si Sofia nun dahil sa confession ni Jay. Even me, kahit alam ko na ang ugnayan ng dalawa, kinabahan ako nun. Dahil sa confession na yun, pinaghiwalay nina papa at mama ang dalawa. Pinapili pa nga si Sofia kung sino ang pipiliin niya. Kami ba na pamilya niya o ang pag-ibig ni Jay."

"Sino ang pinili ni Sofia?"

"Wala siyang pinili. Instead, she ran away from us. Even Jay didn't know where to find my sister. Nasisi ko rin sina mama at papa sa pag-alis ni Sofia."

"Until one day, hindi ko inasahan na mangyari. I was diagnosed with colon cancer. I think it is fate to happen dahil nagpakita ulit ang kapatid ko sa akin. That span of time, hindi na-mention sa pamilya ang tungkol sa affair ng dalawa. You know, evertime na titignan ko ang dalawa, parang hindi sila magkakilala. They act like my sibling. Hanggang sa ako na mismo ang kumausap kina mama at papa. I ask them to allow them to be with each other. Consider it as my dying wish, I was happy nung sinabi ni Sofia na aayusin nila ang relasyin ni Jay. And here they are. Tinupad nila ang wish ko. They became happy." She smiled.

"So, meaning natapos mo na ang misyon mo dito sa lupa. Bakit ka pa magpapatulong sa akin?"

Bigla nalang siyang nalungkot pero binawi niya ito sa konting ngiti.

"I'll tell you kung matapos ka na sa misyon mo sa mag-ama. Sige, maiwan na kita."

"Ha-- t-teka. Hmm?" Tumingala ako. "Ama, sandali lang ha. Susundan ko lang siya."

Dumistansya naman ako sa kanya ng konti. Napansin ko naman na medyo marami-rami na ang kahoy sa paligid na dinaraanan namin.

Ilang sandali pa ay may naaninag na akong bahay. Bahay na nasa gitna ng kagubatan?

Napahinto naman ako nang hindu ko na makita si Sarah. Nilapitan ko naman ang bahay baka pumasok lang siya doon.

Mapapansin mong may kalumaan na ito ngunit parang mabibilang siya sa mga traditional na bahay.

"Nasaan na kaya ang babaeng yun?"

Pupunta na sana ako sa likod ng may marinig akong ingay sa loob ng bahay. Parang may nabasag. Pumasok naman ako.

"Sarah?"

"O my gosh! Ano ba? Nakainis ka na ha! Itigil mo na yang kavi-video mo sa akin?"

"Teka, boses yun ni Sarah ha."

Umakyat naman ako sa itaas. At tinungo kung nasaan ang ingay.

"Walang basagan ng trip hon. Eh sa gusto kitang videohan eh. Ang ganda talaga ng mahal ko. At mahal na mahal rin ako."

"Wag mo kong bolahin, Mr. Sandoval. Ano ba? Itigil mo na yan."

"Nope, I will not. Ang ganda-ganda talaga ng mahal ko oh."

Napansin ko naman na may nakabukas na pinto sa isang kwarto. Nang silipin ko kung anong nandoon, hindi ko inaasahan na may tao doon. Nakaupo ito sa sofa at nanood ng video.

"Hi, I'm Gray Sandoval. And at this moment, hinihintay ko ang pinakamamahal kong babae. Actually aayain ko siya ng kasal. Sana, pumayag na siya."

"Siya ang gusto kong tulungan mo."

Nagulat naman ako nagsalita. "Ano ka ba? Lagi mo nalang ba akong gugulatin?"

Natawa siya ng mahina. "Sorry."

"Hindi na ako magtatanong kung sino siya. Pero bakit gusto mong tulungan ko siya? Sa anong paraan?"

"I want him to move on. Isa sa dahilan kung bakit hindi pa ako umaalis sa mundong ito ay dahil sa kanya." Huminga siya ng malalim. "Sa lahat ng ayoko ay ang makita siyang ganyan. Kaya sana matulungan mo ako. Ayoko na siyang masaktan." Iyak nito.

I tap her back. "I will. Don't worry."

"Naging masaya nga ang mga kapatid ko pero hindi ang isang taong minahal ako ng lubos."

Niyakap ko nalang siya bilang response ko. Napansin ko rin si Gray na umiiyak na rin.

"Sarah.... please. Bumalik ka na sa akin. Ang sakit-sakit na eh..." napahagugol naman ito pati na rin si Sarah.

Hinayaan ko na ang dalawa na umiyak hanggang sa nakatulog na si Gray.

Nilapitan naman ito ni Sarah. "I'm sorry. Kung... iniwan kita. Mahal na mahal kita." Hinalikan niya ito sa noo saka walang lingong umalis.

Susunod na sana ako ng marinig ko ang huling mga salita bago natapos ang video.

"I love you, Gray. I promise to you na hindi tayo maghihiwalay kahit na anong mangyari. Maghihintay ako."

'Maghihintay ako.'

Napatingin lang ako sa natutulog na si Gray. Ilang beses na kaya niya napanood ito?

Kaagad naman akong umalis. Pero nang makarating na ako sa labas ng bahay ay wala na si Sarah.

Napabuntong-hininga nalang ako. "God, mukhang pahirap ng pahirap na ang misyon ko sayo ha. Sana lang ay matapos ko ito ng matiwasay."

Agad naman akong umalis sa lugar na yun. Kailangan ko na talagang matulungan si Jason para matulungan ko na rin si Gray. God, guide me in this rocky journey.

**********************
Hello readers!

Sorry if ang tagal kong mag-update. Sobrang busy na ako dahil student teacher na si aketch.

I hope you will like this chapter.

Aishiteru! 😍
Belated happy valentine's day to all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top