Chapter 4

Five minutes na lang at magsi-six na in the morning. Napansin ko naman ang ?road sign. Nandito na pala ako sa Baguio. At bakit dalawa lang ang bahay dito?


"Destiny, hindi mo naman sinabing dalawa lang ang bahay dito"


So meaning, silang dalawa lang talaga ang nandidito? Agad ko namang pinuntuhan ang isang bahay na napakaganda ng pagkakagawa. Pwede nang pangdream house 'to. Tinignan ko naman ang isang bahay na di kalayuan sa bahay na tinapatan ko. Ano kaya ang magiging unang event sa buhay nila for this day? Agad naman akong pumasok pero namangha ako dahil bubuksan ko sana ang gate ngunit lumagpas ang kamay ko at munitikan pa akong matumba. Oo nga pala, parang spirit pala ang role ko dito. Meaning hindi ako tao, isa lang akong—-


"Teka, sino ka? Magnanakaw ka no? Anong ginagawa mo sa pamamahay ko!"


Naku! Agad naman akong napatakbo at nagpaikot-ikot kami sa buong bahay niya. Akala ko ba spirit ako. Bakit nakikita ako ng client ko. Nang wala na akong mapuntahan at nakorner na niya ako ay nagdasal ako na sana hindi niya ako papaluin ng pala.


Napadilat naman ako nang napasigaw ito at napatakbo. Lumagpas kasi ang pala sa katawan ko. At yun nga at napabalik ito sa bahay niya. Agad naman akong tumayo at sinundan ito. Nakapasok naman ako sa bahay niya without any question. Hmm, if kaya kong dumaan through walls, can I have the ability to teleport? Nah! Ano na ba 'tong pinag-iisip ko? Ang mabuti pa kausapin ko na ang client ko nang hindi na siya matakot sa akin.


Agad naman akong umakyat sa taas where she's busy calling someone. Baka tumawag na ito nang espiritista. Lumapit naman ako sa pinto ng kwarto niya at nakinig sa tawag niya.


"I'm not insane okay! Please, just call any paranormal experts that you know" nanginginig niyang sabi


Naku, mukhang natakot talaga siya sa akin. Kung papasok ako, may possibility na magpanic ito. Wala naman siguro siyang sakit sa puso para atakihin. Pero matatakot pa rin siya akin. Pero kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko na harmless ako. Tama! Hingang malalim then go.


Pumasok naman ako sa kwarto niya at nasa sulok ito yakap-yakap ang unan at hawak niya ang phone niya. Hala! Baka may trauma siya sa multo.


"Ah! What—-"


"Lumayo ka sa akin! Please! Nakikiusap ako!" sigaw niya nang hindi tumitingin sa akin


Confirm. Takot siya sa multo.


"Ah excuse me"


No response.


"EXCUSE ME! MA'AM!"


Nag-iiyak naman ito sa takot. Hay! Ganito ba talaga makaengkwentro ng multo. Kailangan ko na itong kausapin bago pa ito himatayin.


"Excuse me, but can you just listen to me first?"


Crying.


"Okay, I know that you're afraid with me but I assure you that I'm not like in the movies na nakakatakot ang mga itsura. I'm totally harmless spirit. Can you face me now?"


No response.


"Okay. I return na lang pagready ka nang makipag-usap sa akin. Sorry kung natakot kita"


Agad naman akong lumabas sa bahay niya. Hay! Hindi talaga madali ang misyon ko. Una pa nga lang ay mukhang susurinder na ako. Lord, please help me na maliwanagan agad ang kaisipan ni Febbie. Hay! Naglakad naman ako patungo sa isa pang bahay. Agad ko namang tinignan ang loob nito pero mukhang wala pang nakatira dito. Agad naman akong umalis at naglakad-lakad.


Binasa ko naman ang ibang details ng dalawang client ko.


"Teka, ngayon darating si Zero ha. Pero bakit wala pa siya?"


Di ko naman inaasahan na may dumating na van at voila, nasagasaan ako. Pero hindi naman mangyayari yun dahil spirit ako. Pagmulat ko ay nasa loob na akong van at nasa labas na silang lahat. Agad naman akong lumabas at nakiosyoso sa kanila.


"Sinong hinahanap niyo?"


Nagulat naman si Zero sa tinuran ko. Nagtaka naman ang iba.


"Okay ka lang tol?" tanong ng lalaki


"Tol, wala naman tayong nabangga eh" sabi ng isa


"Sir baka guni-guni niyo lang yun" sabi ng driver


"Oo nga tol. Uy, ayos ka lang?" tapik sa kanya nung naunang nagtanong


"Hindi niyo ba nakikita ang nakikita ko?" tanong ni Zero


"Nakikita?"


Nagsitinginan naman sila sa paligid ngunit parang di man lang nila ako makita.


"Ano bang nakikita mo?" tanong ni guy #2


"W-wala, wala. I think I need a rest" sagot ni Zero


"Okay. Manong Sergio, let's go na" tawag ni guy #1


Nakatingin pa rin siya sa akin tapos agad naman siyang bumalik sa van. Okay. And my mission is beginning. Right. Sana magtagumpay nga ako sa misyong magabayan ko sila.


NEXT DAY....


Nagulat na naman si Feb sa presence ko. Ayun at nagtago na naman siya. Tumambay kasi ako sa bahay niya the whole day, at wala siya sa bahay niya dahil nasa work siya.


"Ano bang kinakatakot mo sa akin? I already said that I am a Harm-less S-pi-rit. Can we just talk please? Gusto ko lang makipagkaibigan"


No response.


"Okay, if you don't want to talk, I will talk. First I will introduce myself. I am Ezekiel but no family name. Hindi ko kasi maalala kung saan ako nanggaling. But my mga memories akong nakikita pero hindi ko sila masyadong maaninag. Kaya ako nandito just because wala akong mapagsabihan ng problema ko. Ng journey ko. Nakikinig ka ba?"


I knock the closet.


"I don't know how it feels like to seen a spirit before, pero trust me, I'm not gonna hurt you. I just want you to be my friend"


Hindi pa rin sumagot. Naku mukhang matatagalan pa talaga ako sa kanya.


"Okay, babalikan na lang kita mamaya. Just be sure na okay ka na ha. Sige"


Agad akong umalis at lumipat ng bahay. Di ko naman inaasahang nakarating ako ng ganu-ganun lang. I knew it. May teleportation ability rin ako.


"Destiny, Lord, ang astig nitong ability ha. Thanks!"


Agad akong nag-roam around para tignan ang buong kabahayan. Z-3 band? Ah oo! Ito pala yung banda nila Zero. Bigla naman akong napalingon ng may bumuga ng tubig, pero hindi sa akin.


"Oh! Hi there"


Aakma naman akong lumapit pero pinigilan niya ako. By the way, nasa sala kami at plano niya sigurong manood ng t.v. dahil naka-on ito.


"Sino ka? At bakit nandito ka sa pamamahay ko?" tanong ni Zero


"Ah, I'm sorry if hindi ako nagdoorbell dahil no need naman talaga. Nandito ako para makipagkaibigan" sagot ko sabay ngiti


"Kaibigan? Your a ghost, can't you see? Paano ako makikipagkaibigan sa ghost?"


"Correction, I'm a spirit not a ghost. Ang papangit kaya ng mga ghost"


"Anong pinagkaiba nila? Tsaka pwede ba, wag mo na akong susundan"


"Hay! Bagay talaga kayo ni Febbie. Parehong ang e-exxage ng pananaw niyo"


"Teka, Febbie? Sino siya? Kasamahan mo? Marami kayo dito?"


Napailing na lang ako tapos itinuro ko ang kabilang bahay. Tinignan rin niya ito.


"Sinubukan kong lumapit sa kanya pero takot pa rin siya sa akin kahit sinabi ko nang harmless ako. Ano bang masama sa pakikipagkaibigan?"


"Teka, maiba tayo. Ano ang rason mo at ako ang napili mong kaibiganin?"


"Simple. I am destined to be here. Kaya ikaw ang napili kong friend. At yung kapitbahay niyo. Nga pala, wala kang kasama dito?"


"Wala sila. May shooting ang mga yun"


"Ganun ba. Ikaw, wala ka bang ibang ginagawa, maliban sa panonood ng t.v.?"


"Teka, imbestigador ka ba? Bakit ang dami mong tanong?"


"I just want to know you, friend" I smiled


"Hindi ako papayag. Ikaw ang una kong tatanungin. Saan ka nanggaling? Sino ang pamilya mo at mga kaibigan mo? At bakit sinusundan mo ako? Idol mo ba ako?"


Napatawa naman ako na ipinagtaka niya.


"Anong nakakatawa sa tanong ko?"


"Okay, I'm sorry. Ako nga pala si Ezekiel, Kile for short. Actually I don't know where I came from or who are my family or friends. And I'm not one your fan. Dumating na lang ako bigla dito sa lugar niyo ng hindi ko alam"


"So, parang may amnesia ka?"


"Parang ganun na nga"


"May ganyan ba sa mga ghost? Or nagsisinungaling ka lang?"


"Kahit ipa-lie detector mo pa ako, hindi ako magsisinungaling"


"Paano ba kita ipapa-lie detector eh ghost ka"


"Spirit nga eh. Do I need to spell out to you?"


"Okay, fine. Let's consider it for a day. Pero, imo-monitor ko ang mga kilos mo"


"Ano ba yan? Ganyan ba ang pakikipagkaibigan mo?"


"Oo. Maiba tayo, bakit mo pala gustong maging kaibigan ang neighbor ko? At ano yung sabi mo kanina? Bagay kami? Sino ka ba? Si Kupido?"


"Hay! Kaya ko nasabi yun dahil pareho kayo kung mag-isip. Yun nga lang, mas mature siya sayo"


"Nakilala mo na siya?"


"Oo, pero di pa kami close. You know, natatakot kasi siya sa katulad ko"


"Ahahaha. Sino ba ang hindi matatakot sa multo lalo na at nanggugulat pa?"


"Nanggugulat? Eh grabe na nga ang pagsuyo ko sa kanya na harmless ako, takot pa rin siya—— Teka, writer nga pala siya. Meaning, nage-exxage ang image ko sa paningin niya"


"Teka, bakit kinakausap mo yang sarili mo?"


"May kino-confirm lang ako"


"Hay! Ang weirdo mo"


Agad naman itong umalis. Syempre sumunod ako sa kanya patungo sa kusina.


"Bakit ka nga pala hindi ka kasali sa shooting? Di ba, ka-bandmates mo sila?"


"Grounded ako"


"Bakit naman?"


"Tatanungin mo lang ba talaga ako palagi?"


"Eh sino bang hindi magtatanong eh busy ang ka-bandmates mo samantantalang ikaw, nandirito at walang ginagawa. May ginawa ka bang hindi maganda?"


"Oo. Nanggulo lang naman ako sa bar kaya grounded ako ng manager ko. Masaya ka na?"


"So troublemaker ka pala. Eh bakit ka pa pumasok sa showbiz kung ganyan rin lang naman ang ugali mo?"


"Alam mo, ikaw na talaga ang hari ng katanungan. Tumigil ka, naiinis na ako"


Iniwan naman ako at pumunta sa sala at nanood ng t.v.


"Bakit? Anong gagawin mo kung sakali?"


"Hay! Pwede ba, tantanan mo na ako! Para kang reporter eh" galit na ito


"Pwede rin"


"Please lang. Pwede bang iba na lang ang kulitin mo. Yung neighbor ko na lang ang guluhin mo please?" kalmang sabi niya


"Hindi pa siya ready eh. Ikaw na lang"


"Ano ba ang gagawin ko para lumipat ka na sa kabila?"


"Simple lang. Answer my question at mawawala na ako"


"Forever?"


"This day lang"


"Urgh! Okay fine. Para umalis ka na"


"Bibigay ka rin pala eh"


"Ganito ba ang gusto mong pakikipagkaibigan?"


"Nope. Gusto lang kitang makilala"


Napabuntong-hinga naman ito. Pasensyahan na lang, ganito ako kakulit eh. Sana mapatawad ako ni Destiny at Ni Lord nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top