Chapter 39.2
Ezekiel
"Bata pa lang ako, idol ko na ang papa ko. Sino bang hindi? Siya na ang nagpalaki sa amin. Pinupunan niya lahat ng pangangailan namin sa kalinga ng isang ina. Napakasipag niya, at ginagawa niya lahat para may makain at maipambaon kami sa eskwelahan..."
"O, napatigil ka? May problema ba?"
"Pero nawala nalang bigla ang pag-idolo ko sa kanya nung nalaman ko kung ano ang ginagawa niya para lang makakain kami."
"Bakit? Ano bang ginawa niya?"
"Nagnanakaw siya para lang matustusan ang mga panganagilangan namin. Alam mo bang napaaway ako sa eskwelahan dahil sinasabihan nila ako na anak ng isang magnanakaw? Di ba ang galing ng tatay ko. Halos lahat ng tao ang tingin na rin sa akin ay magnanakaw. Ngayon sabihin mo sa akin, paano mo maiintindihan ang nararamdaman ko?"
"Sinabi mo na gumawa ng masamang bagay ang papa mo para lang sa inyo. Kung ganoon, yun lang ang basihan mo para hindi mo na siya idolo ngayon?"
"Bakit? Ano pa ba ang iba kong iisipin? Sini bang matutuwa kung ang ama mo ay isang magnanakaw?"
"Ang tanong, alam mo ba ang pinagdadaanan ng ama mo ngayon? Kung bakit niya naisipan na gawin ang masamang bagay na yun? Sabi mo walang nakakaintindi sayo? Ngayon, tatanungin kita. Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ng papa mo ngayon?"
Naguluhan naman siya sa tanong ko.
"Ganito kasi yan. Oo at mali ang ginawa ng papa mo. Pero nagawa niya yun dahil ayaw niya kayong mahirapan. Lahat ng masamang bagay, may kaparusahan. At dumating na nga ang kaparusahan sa masamang gawain ng ama mo...."
"Pero imbes na magalit ka dahil nagkaroon ka ng ama na masama, magpasalamat ka dahil nabigyan ka ng isang responsableng magulang. Minsan kasi, if the darkness will dominate, hindi na natin nakikita ang kaunting liwanag. Same sa naiisip mo ngayon. Natabunan na ng galit ang puso mo kaya hindi mo na naiisip ang mga magagandang bagay na naranasan mo."
"Eh paano ko naman maiisip yun kung na-disappoint na ako sa ginawa niya."
Natawa naman ako. "Hay naku! Aside sa pag-uunawa, kailangan din ng tao na makinig ng maigi. Again I repeat, kapag pinairal mo ang galit sa puso mo hindi mo mahahanap ang pagmamahal ng ama mo sa puso mo."
Napailing naman siya. "Ikaw ang hindi nakikinig ng maigi. Palibhasa kasi sayo ay hindi mo naranasan ang nararanasan ko ngayon."
Napangiti naman ako. "Oo, hindi ko nga naranasan pero alam ko kung gaano kasakit ang ma-disappoint. Hindi man tayo pareho ng nararansan ngayon pero pareho tayong nasasaktan ngayon."
"May... pinagdadaanan ka din?"
"Alam mo yung feeling na gusto mo nang sumuko. Pero hindi pwede."
Tumango naman siya.
"Great. Naka-relate ka. Alam mo yung feeling na everytime na ginagawa mo na ang lahat pero kulang parin? Yung nag-effort ka pero kulang pa rin? Minsan nga gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang huminde. Yung sasabihin mo na 'nakakapagod na, gusto ko nang magpahinga'. Pero kailangan mo pa ring magpatuloy dahil may umaasa sayo."
Tinignan ko naman siya na taimtim na nakikinig.
"Pero alam mo ba kung anong nagpalakas sa akin?"
Tinuro ko ang itaas at tumingala naman siya.
"Ang puno ng mangga?"
Natawa naman ako. "Hindi! Si Ama! Si God."
"Akala ko mangga. Tumuro ka sa taas eh puno ng mangga 'tong sinisilungan natin."
Natawa naman ako ulit.
"Hindi. Si God ang number one motivation ko. Whenever I'm down, problema dito, problema doon. Siya palagi ang takbuhan ko. Minsan nga naiiyak na ako, especially nung mga times na ang hirap mahanap ang solusyon sa problema. Hindi niya ako pinabayaan."
"Weh? Siya talaga? Eh di ba hindi naman siya nakikinig sa mga dinadasal ng mga tao. Ako nga palagi akong nagdadasal noon na dumating na sana ang mama namin pero hanggang ngayon wala pa rin."
"Eh kasi hindi naman agad-agad nasasagot ni God yun dahil baka busy pa siya. You know, ilang bilyong tao ang nakatira sa mundo? Si God, sumasagot yan sa mga dasal natin. Kung hindi man ngayon Niya masagot baka sa susunod pa. Or baka nasagot na niya hindi lang natin napapansin. It's a matter of waiting and faith kasi yan...."
"Dahil ba hindi kaagad sinagot ni God ang hiling mo, susuko ka na kaagad? Tandaan mo bata, tao lang tayo at Panginoon natin siya. Tayo ang humihiling, matuto tayong maghintay. May tamang panahon para sa mga hiling natin. Basta ba ay hindi ito labag sa kalooban ng isang tao or free will."
"Eh, basta. Ayoko sa kanya."
"Kung ganyan ka palagi, paano ka magiging masaya?"
"Ewan ko sayo. Ang weirdo mo. Diyan ka na nga." Tumayo ito at naglakad palayo.
"Uy! Teka--- hay!"
Napailing nalang ako sa inasta ni Jason.
"Naku, Ama. Mukhang matagal-tagal pa ang proseso ko sa kanila. Pero naniniwala na malapit na rin akong magtagumpay."
Napangiti naman ako. Sana nga mapagtagumpayan ko ito.
Jason
Hindi ako makapaniwala na nakipag-usap ako sa taong yun. Hindi nga siya kidnapper, baliw naman. Napailing nalang ako sa pakikipag-usap sa taong yun.
Sa paglakad-lakad ko, hindi ko namalayan na nadaanan ko pala ang simbahan. Para namang may nag-udyok sa akin upang pumasok doon.
Naupo naman ako sa pinakahuling upuan na malapit sa entrda ng simbahan. Hindi ko alam kong anong gagawin ko dito pero nakipagtitigan lang ako sa statue ni Jesus na nakasabit siya sa krus.
Nagising nalang ako sa pag-iisip ko ng may kumalabit sa akin. Si Gail, kaklase ko.
"Hi Jason. Mag-isa ka lang?"
"H-ha? A-hh oo."
"Patabi ako ha?"
"Sige."
"Bakit wala kang kasama?" Usisa niya sa akin.
"Uhm, naglakad-lakad lang ako. At naisipan kong dumaan dito."
"Hmm, siguro madasalin ka no? Kasi, dumaan ka talaga dito. Alam mo ako rin. Minsan kong malungkot ako, dito ako dumidiretso. Nababawasan kasi ang lungkot ko kapag nandito ako."
Ngumiti lang ako.
"Kumusta ka nga pala? Yung nangyari sa papa mo? Naayos na ba?"
"Wag natin siyang pag-usapan."
"Ay! Sorry."
Naging tahimik naman si Gail. Pero alam kong nag-iisip ito ng sasabihin. Alam ko kasi hindi siya nauubusan ng kwento sa classroom namin.
"Nalungkot ka ba sa nangyari sa papa mo?"
Sabi ko na nga ba.
"Medyo. Ikaw, hindi mo ba ako kukutyain? Alam mo na, anak ako ng isang magnanakaw."
"Bakit ko naman gagawin yun sayo? Ikaw ba ang nagnanakaw? Tsaka hindi naman siguro sinasadya ng papa mo na maging ganun siya."
"Naniniwala ka na hindi sinasadya ng tatay ko yun?"
Tumango siya. "Yung papa mo, napakasipag nun. At nakikita kong mahal niya kayo. Yung pa ngang sa recognition day natin, proud na proud siya sa inyo. Tsaka, wala ako sa posisyon na sabihan ang ama mo na siya na ang pinakamasamang tao sa mundo."
"Bakit naman?"
"Dahil relate naman ako sayo. Yun nga lang magkaiba tayo. Kasi yung papa ko, nakagawa rin siya ng masama. Nangaliwa siya. Iniwan niya kami ni mama. Pero ngayon, bumalik siya sa amin."
"Binigyan ng chance ng mama mo ang papa mo? Bakit?"
"Dahil nagsisi na si papa sa mga ginawa niya. Matagal-tagal nga lang bago nagbalikan sina mama pero worth it pa rin. Masaya ang family namin. Kaya naniniwala ako na hindi sinasadya ni tito Jansen na gumawa ng masama. Siguro natukso lang siya. Pero alam ko, pinagsisihan na niya yun."
"Sana nga ganun kadaling patawarin ang ginawa ni papa. Hindi lang kasi ibang tao ang sinira niya. Pati na rin ang pagtitiwala ko sa kanya."
"Well, hindi naman kaagad makakapagpatwad ang isang tao. Pero naniniwala akong magaawa mo yan sa tamang panahon."
"Gail! Halika na."
Napalingon naman kami ni Gail. Masaya namang tumayo si Gail.
"Sige, mauuna na ako. Tawag na ako ni papa. See you sa school. Babye."
Kaagad naman siyang tumakbo patungo sa papa niya. Kasama rin nito ang mama niya.
Buti pa sila, kompleto ang pamilya. Samantalang ako hindi.
"Bakit ba ako napunta sa ganitong pamilya? Bakit napaka-unfair niyo?"
Bumuntong-hininga nalang ako at nagdesisyong umuwi nalang. Kailan ba masasagot ang mga tanong ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top