Chapter 38
Ezekiel
Masayang sinalubong si Jansen ng kanyang mga anak sa bahay nila. Buti nalang at nakalabas na siya ng ospital. Sa tulong na rin ng babaeng nakausap ko.
Malungkot ako kasi naiwanan na niya ang pamilya niya. Ngunit nakita ko sa kanya na masaya siya sa patutunguhan niya. I know, hindi siya pababayaan ni Ama sa daan niya patungo sa walang hanggang buhay.
Masaya silang nagsalo-salo ngunit naputol ang munting kasiyahan namin ng may bumisitang mga pulis.
"Jansen Sitio? Inaaresto ka namin sa salang pagnanakaw."
"P-Po?"
"Teka po. Baka nagkakamali lang po kayo. Hindi po masamang tao ang tatay namin." depensa ni Joana.
"Sumama ka nalang sa amin. Sa presinto ka na magpaliwanag." sagot ng pulis saka nilapitan at pinusasan si Jansen.
"T-Teka po. Sandali, yung mga anak ko--- Jason, Jeneca, kayo na muna ang bahala sa mga kapatid niyo. Aayusin ko 'to anak." sigaw ni Jansen habang hila-hila siya ng mga pulis patungong police patrol.
Iyak naman ang dalawang anak ni Jansen na inalo ni Jeneca. Nang makalayo na ang sasakyan saka pa dumating ang isang babae at nilapitan ang mga bata.
"Mga bata.." tawag niya rito.
Tumakbo naman si Joana rito at yumakap habang nagmamalibis pa rin ang luha sa mukha nito.
"Tita, hinuli nila si tatay. Wala naman pong siyang kasalanan pero hinuli pa rin siya ng mga pulis..." iyak nito.
"Shh! Tahan na ha. Hindi masama ang tatay niyo. Babalik rin yun." pampalakas ng babae sa kanila.
"Pero bakit ang sabi ng pulis hinuli siya dahil nagnakaw siya?" May galit sa tono ni Jason.
"B-Baka naakusahan lang ang tatay niyo. Dito lang kayo ha. Susundan ko ang tatay niyo sa presinto. Wag kayong mag-alala. Jason, bantayan mong maigi ang mga kapatid mo." Umalis naman kaagad ang babae.
Pinapasok naman ni Jason ang mga kapatid niya. Nagsialisan na rin ang mga taong nakiusyoso sa nangyari. Hindi na rin ako nagtagal sa lugar na yun at sumunod ako sa presinto. Pagdating ko doon ay pinaghahampas si Jansen ng isang babae.
"Walang hiya ka! Wala ka na talagang magawa sa buhay mo at nagnanakaw ka na lang ng gamit ng iba! Isuli mo yung ninakaw mo!" Hinampas na naman siya nito.
"Misis, tama na po. Ayun sa imbestigasyon na nakalap namin, nabenta na niya lahat ng alahas at gadget na nakuha sa inyo. Pero kahit hindi na natin maiibabalik ang gamit, sisiguraduhin namin na makukulong siya." sambit naman ng hepe.
"Dapat lang! Kung pwede ay hindi lang pagkakakulong ang parusa niyan. Hay! Bakit ba may mga makikitid na utak sa mundo at gagawa nalang ng masama. Siguraduhin niyong hindi na makakalabas yang hayup na yan. Kundi, ako mismo ang magsusumbong sa nakakataas na hindi maganda ang serbisyo dito." Nilingon ang katabi. "Halika na. Nakakasakit ng ulo ang mga tao dito." Nagmartsa naman ito palabas ng pulisya.
Napailing nalang ako sa inakto ng ginang. "Parang mas suitable sa kanya ang makitid na utak ha. Hay! Buhay nga naman."
Matapos piktsuran si Jansen ay ipainasok na siya ng kulungan. Ilang sandali pa ay dumating na yung babaeng kumausap sa mga anak ni Jansen. Nagpaalam naman ang babae na kakausapin niya si Jansen.
"O, Sitio. May gustong kumausap sayo."
Medyo nagulat naman si Jansen nang makita niya kung sino ang dumalaw sa kanya. Alanganin naman siyang tumayo at lumapit sa rehas.
"Bakit ka nandito?"
"May tumawag sa akin. Dinakip ka raw. Nang pumunta ako sa inyo, umiiyak na ang mga anak mo. Ano na naman bang nangyayari sayo? Bakit ka pumasok sa ganyang gawain?"
"Kung pumunta ka lang para sumbatan ako, makakaalis ka na. Pakitignan na rin ang mga anak ko dahil matatagalan ako rito." naupo ito.
"Ayos lang sayo na nandito ka, habang yung mga anak mo ay naghihintay sayo doon?"
"Kung ayaw mong pinakakausapan ka, sa iba ko nalang ihahabilin ang anak ko. Makakaalis ka na."
"Bakit ka nagnakaw? Bakit mas gusto mo pang gumawa ng masama kesa tulungan ka namin---"
"Sabi kong umalis ka na di ba?! Mas gusto ko pang mabulok sa kulungan kesa manghingi ng tulong sa inyo. Di ba pinabayaan niyo na ako, sana naman pati ngayon hayaan niyo na ako."
"Mas importante pa ba ang pride mo kesa mga anak mo? Kung nakita mo lang ang itsura ni Jason kanina. Kulang nalang ay isumpa ka niya. Gusto ba na lumaki siya, sila na suwail? Jansen, tignan mo ang naging resulta ng pagiging matigas ng ulo mo." naiiyak na sagot nito kay Jansen.
"Nakikiusap ako Joy, umalis ka na. Sabihin mo na lang sa mga bata na umalis ako upang magtrabaho. Sige na. Gusto ko nang magpahinga."
Kaagad namang tumalikod si Jansen at tinungo ang pinakasulok ng kulungan at doon naupo. Umiiyak namang umalis si Joy sa presinto. Naghintay naman ako ng ilang oras bago ako nagpasyang dalawin si Jansen. Buti nalang at pinayagan pa ako.
Alanganin namang lumapit sa akin si Jansen. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.
"Ano? Sasabihin mong binalaan mo ako noon pa pero hindi ako nakinig. Kung nandito ka lang din para pagsabihan ako, nag-aaksaya ka lang nang oras." Yun lang ang sinabi niya at tumalikod na ito.
"Masaya ka ba rito?" Napahinto siya sa tanong ko. Nilingon naman niya ako na para bang ang sama ng sinabi ko sa kanya.
"Umalis ka na---"
"I said, masaya ka ba rito?"
"Ano bang pakialam mo?" naiinis niyang tanong.
"May pakialam ako dahil kaibigan kita."
"Wala akong kaibigang multo."
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Masaya----"
"Hindi! Sino bang taong nasisiyahang makulong?"
"Eh bakit sinabi mo sa kapatid mo na mas gusto mo pang makulong kesa humingi ka ng tulong sa kanila?"
"Wag kang makialam. Umalis ka na." Tumalikod muli.
"May pakialam ako dahil sa mga bata." Lumingon siya sa akin. "Ano sa palagay mo ang nararamdaman nila ngayon? Nagtatanong na siguro sila kung nasaan ka na. Kung nag-aalala ka pala sa mga anak mo, bakit kailangan pang mangyari ito?"
"Pwede ba. Pwede bang umalis ka na!"
"Hoy! Kanina ka pa sumisigaw diyan ha. Gusto mo ba nang away?" tawag sa kanya ng isa sa mga preso.
"Pasensya na ho." Tinignan ko naman siya. "Hindi ako pumunta dito para diktahan ka ng kung ano-ano. Gusto ko lang malaman kung masaya ka ba sa ganitong buhay. Yung pati ang mga anak mo ay madamay sa mga ganito. Alam ko, hindi madali ang maging isang ama lalo na't ikaw lang ang nag-aalagang mag-isa. Pero, kahit kailan, hindi naging solusyon ang gumawa ng masamang bagay para lang mapasaya mo ang isang tao. Kahit minsan ba, tinanong mo ang mga anak mo kung anong gusto nila, maliban sa mga materyal na bagay?" Napansin kong pinipigilan niyang maluha.
"Kung tatanungin mo ako kung masaya ako dahil naparusan ka na sa masamang ginawa mo, nagkakamali ka. I'm against with your deed, pero hindi ibig sabihin na katulad ako nila na nanghusga agad sayo. Hindi ako nasisiyahan na nandito ka dahil alam kong iniisip mo ang mga anak mo. Iiisip mo kung sino na ang mag-aalaga sa kanila ngayon. You see Jansen, hindi lang ikaw ang nahihirapan dito. Hindi rin lang ako. Pati si Ama. Kahit kailan hindi siya nasiyahan na mapariwara ang mga anak niya at gumawa ng kasamaan." Napabuntong hininga nalang ako.
"Babalik nalang ako. Titignan-tignan ko na rin ang mga anak mo. Pero sana sa pagbalik ko, mahanap mo si Ama sa puso mo at masagot ang lahat ng mga katanungan diyan sa isipan mo. Mag-ingat ka dito."
Kaagad naman akong tumalikod at umalis doon. Nang makalabas ako ng presinto ay nabuntong hininga nalang ako ng malalim.
"Hay Ama! Sana maliwanagan na siya."
***********
Long time no update, mga readers!
Yeah, it's been a long time. Kaya nga I've tried my best to make an update for you.
Sorry dahil paputol-putol ang update ko. And I hope na magustuhan niyo ang chapter na ito.
'Till my next updates!
Sayonara! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top