Chapter 37
Ezekiel
"Anong nangyayari sayo? Sinong kausap mo?" Tanong niya sa akin.
"Sabi niya matutulungan niya raw ako para makita ko ang pamilya ko dito sa lupa. Pwede rin daw niya akong buhayin ulit." Naiiyak na ako sa sinasabi ko. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon.
"Teka, sabi mo demonyo yung kausap mo. Akala ko ba naniniwala ka sa Diyos? Bakit ka nakikinig sa kanya?"
Para namang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Parang bigla nalang akong nakabalik sa reyalidad.
"May sinasabi ka ba?"
"Sabi ko, bakit ka nakikinig sa demoyo kung malaki ang paniniwala mo sa Diyos?"
"Nakinig ako sa demonyo?" Nilingon ko naman di Kaloy. Nasa tabi pa rin nito si Cyllan. "Bakit? Ano bang sinabi ko?"
Napakamot naman si Jansen sa batok. "Ano ba yan? Ka-bago-bago mo lang sinabi na matutulungan ka raw niya na maging tao ulit at makilala mo ang pamilya mo. Nakalimutan mo na agad."
Nilingon ko naman ang demonyo. Tama ako. Kinontrol niya ako kanina.
"Anong ginawa mo sa akin?!"
"What? Tinignan ko lang naman ang laman ng puso mo."
"Kung ginagawa mo ito para siraan si Ama, hindi ka magtatagumpay!"
"Really? Do you know why I can control you a while ago? Anger. Fear. Your heart desire. You know how much we love that."
Natigilan naman ako. Tama siya. Nagalit kasi ako kanina. At yung pagnanais kong makilala kung sino ba talaga ako.
Napapikit naman ako at nanalangin kay Ama. Siya lang ang makakatulong sa akin.
Ama, alam kong nakikinig ka. Gusto kong humingi ng tawad dahil kamuntikan na akong maniwala at magpadala sa temtasyon. Sana po ay matulungan niyo kami ni Jansen na malagpasan ang pagsubok na ito. Hindi ko po kaya kung wala ka sa tabi namin. Inuulit ko po, patawad sa ginawa ko kanina. Mahal ko po kayo Ama. Amen.
Nang minulat ko ang mata ko ay nawala na ang ngiti sa mga labi ni Cyllan. Bigla namang kumulog. Na hudyat na narinig ni Ama ang panalangin ko.
"Anong sinabi mo sa kanya?! Madaya ka!" Galit na ito at unti-unting nagiging pormang demonyo na talaga ito.
"Tandaan mo. Mas makapangyarihan pa rin si Ama kesa sa inyo."
Biglang kumulog ng napakalakas kinasigaw nila Jansen at Kaloy. Lumingon naman si Kaloy sa amin saka walang sabing timakbo palayo.
"Kile, mukhang kailangan nating sumilong. Baka tamaan tayo ng kidlat." Lumingon-lingon ito at hindi mapakali.
"Mauna ka na, sususnod nalang ako. Naghihintay na ang mga anak mo sa bahay niyo." Tugon ko sa kanya.
"Sigurado ka?"
"Oo. Tatapusin ko lang ang pag-uusap namin."
"O-O s-sige. Mag-iingat ka ha."
Kaagad naman siya kumaripas ng takbo habang tumitingin sa paligid. Binalingan ko naman ang nasa harap ko na nagtransform na talaga.
"Sa tingin mo magtatagumpay ka?"
"Oo. Dahil nasa tabi ko si Ama."
Bigla namang may tumamang kidlat di kalayuan sa gitna namin. Namangha naman ako dahil hindi ko akalaing may makikita akong Archangel. Tumayo naman siya at hinarap ako.
"Hanggang dito nalang ang pag-uusap niyo. Ako nang bahala sa kanya. Ayaw ni Ama na mapahamak ka pa."
Napatango nalang ako at sinulyapan ulit si Cyllan na nagpupuyos na ng galit. Kaagad naman akong umalis doon. Ngunit hindi ko inasahan na susugurin niya ako. Pero kaagad naman itong sinunggaban ng Archangel.
Nasa tabi lang ako at hindi ko maiwasang magmasid sa labanan ng kabutihan laban sa kasamaan. Pero sa huli ay natalo ito ni Archangel. Ngunit bago pa siya maging abo ay humarap siya sa akin.
"Hindi mo mapipigilan na mangyari ang nakatadhana sa kanya. Sa impyerno pa rin ang bagsak ng binabantayan mo..."
Huminga siya ng malalim saka siya naging abo. Nilingon naman ako ng Archangel at nilapitan.
"Gawin mo na ang dapat mong gawin upang magtagumpay ka sa misyon mo. Asahan mong darating ako, kung makikialam na naman ang mga galamay ni Luci."
Napatango nalang ako. Bigla namang nagliwanag buong katawan ng Archangel at naging bola iyon saka lumipad pataas at pumasok sa isang portal na sumara rin naman kaagad.
Nang hindi ko na siya makita sa himpapawid ay napasok nalang sa isipan ko si Jansen. Na kaagad kong sinundan. May hinala ako sa huling sinabi ni Cyllan na may kinalaman kay Jansen yun at may mangyayaring masama sa kanya.
Hindi pa ako nakarating sa bahay nila ay naaninag ko si Jansen na nakatalikod. Napaatras naman ito at nabitawan ang dala-dala niyang supot ng pagkain saka biglang napaupo.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung anong nangyayari sa kanila. Napatakbo naman ako palapit kay Jansen habang si Kaloy na may hawak na patalim ay kumaripas na ng takbo. Kaagad ko naman siyang dinaluhan.
"Jansen.... hindi. Wag kang sumuko okay? Isipin mo ang mga anak mo. Kaya mo bang tumayo?"
Tumango lang siya dahil narin siguro sa nahihirapan siyang huminga.
"Lumaban ka. Wag na wag mong ipipikit ang mata mo." Naiiyak na ako.
"Kile, a-ang mga...a-anak ko..." naghihina niyang sambit.
"Wag kang mag-alala. Dadalhin muna kita sa ospital. Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw ko.
Ilang sandali pa au nakakita ako ng mga taong nakatambaya lang at kaagad ko silang tinawag. Tinulungan naman nila kami at dinala namin si Jansen sa ospital.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Takot akong mamatay si Jansen. Paano na ang mga anak niya? Ang babata pa ng mga ito para mawalan ng magulang.
"Trust God."
Napalingon naman ako sa nagsalita. Isang babaeng nakabonet at maputla ang mukha. Nakasakay ito sa wheelchair at may dextrose na nakakabit sa braso nito.
"Um, I know. Hindi siya papabayaan ng Panginoon."
"Alam mo, may suspetsa akong hindi ka tao. Hindi naman siguro ikaw ang sundo ko." Natawa siya.
Napangiti nalang din ako. "Bakit mo naman nasabing ako ang sundo mo?"
"Hmm, hula? Kasi minsan nakakkita ako ng mga namatay na sa ospital na ito. Sabi daw ng iba na kapag malapit ka na raw mamatay, nakikita mo na yung mga kaluluwang magiging kasama mo patungo sa kabilang buhay."
"Mamatay ka na?"
"Hindi ba obvious? I was diagnose with cervical cancer. Nalulungkot ako sa mga iiwan ko pero mas nanaig sa akin yung bumitaw nalang rin dahil ayoko na silang nakikitang nasasaktan."
"Did you pray to God na pahabain pa ang buhay mo?"
"Oo. Pati pamilya ko. They've been asking God to give me more lives to live pero ako, kontinto na ako kung saan ako patungo. Kung mabubuhay pa ako, okay lang pero kung kukunin niya na ako, okay lang din. Alam ko kasing kahit ano pa ang kahihinatnan ko, sa kanya pa rin ako patungo."
"Ang lakas ng paniniwala mo sa kanya ha."
"Dahil siya ang Panginoon natin. Ang mapagmahal na Ama natin. Kaya panatag ako kung mawala man ako, alam kong hindi papabayaan ng Diyos ang pamilya ko. Masaya akong aalis sa mundong ito na walang takot at pangamba."
"Napaka-pure hearted mo talaga."
"Ikaw rin naman. Kaya nasisiguro ko na kung ano man yang pinagdadaanan ng kaibigan mo, ikonsulta mo lang sa kanya. He will hear you."
"Salamat."
"Walang anuman. Pray ka ha. Sige, babalik ba ako sa kwarto ko. Kita-kits nalang sa langit."
Masayang umalis ang babae. Napabuntong-hininga naman ako.
Grabe ka Ama, ang swerte ko talaga sayo dahil kahit nawawala ako minsan dahil sa takot ko, binibigyan mo pa rin ako ng mga taong magpapaalala sayo.
I pray na iligtas niyo si Jansen. Inaasahan pa siya ng mga anak niya kaya sana wag niyo pa po siyang kunin.
At ipinagdarasal ko rin ang kaluluwa nung babaeng nakausap ko. Natutuwa ako at may mga taong katulad niya na hindi nawawalan ng pag-asa at naniniwala pa rin sa inyo. Patnubayan niyo po siya sa kanyang paglalakbay. Amen
Napadilat nalang ako ng mata ng may nagtanong tungkol kay Jansen.
"Ako po dok. Ako po yung kasama niya patungo rito."
"Ligtas na ang pasyente. Inilagay na namin siya sa patients ward upang doon mabisita. Sige, hijo."
Umalis naman kaagad ang doktor. Thank God. Iniligtas niyo po siya. Salamat sa pagdinig sa panalangin ko, Ama.
Kaagad ko namang pinuntahan kung saan naroon si Jansen. Second life na niya ito. At sana ito na ang simula ng pagbabago niya ng tuluyan at maibalik na rin ang tiwala niya kay Ama.
*************
Hey readers!
Hope you like this chapter. Bumabawi talaga ako sa inyo at sana magustuhan niyo.
Sayonara! Oyasominasai!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top