Chapter 35
Ezekiel
I never expect na ganito kahirap suyuin ang isang you know.... si Jansen. Hay! Pero ano pang magagawa kundi ang maghintay ng tamang panahon para lang maging masaya ang kahahangtungan niya.
Pero paano ko gagawin yun kung kasalukuyan ko siyang pinapanood habang nagnanakaw sila sa sa isang bahay na walang katao-tao?
"Hay! Buhay nga naman oo. Napakahirap."
Huminga ako ng malalim saka ko naglakad palapit sa kanila. Forgive me Father but I really need to do this.
Dahil na rin hiwalay silang dalawa, yung kasamahan ni Jansen ang pagtitripan ko. Lumapit naman ako sa kanya at bumulong.
"Mali yang ginagawa mo." Bulong ko.
Napalingon naman ito. "Sino yan? Sinong nandiyan?" Kinakabahang tanong niya.
Hindi ko naman mapigilang tumawa ngunit mahina lang pero sa tingin ko ay narinig niya dahil napaatras siya ng konti.
Agad naman siyang lumabas sa kwarto at hinanap si Jansen. At dahil mabilis ako, humarang naman ako sa dinadaan niya. Laking-gulat nalang niya ng makita niya ako. Binigyan ko pa siya ng isang napakagandang ngiti.
"Boo."
"Wahhhhhh!!! Multo!!!!!!!"
Bigla naman siyang sumigaw at kumaripas ng takbo pababa. Napansin ko naman na lumabas si Jansen sa isa pang kwarto at hinanap ang kasama niya.
Buti nalang nakapagtago ako at hindi niya ako nakita. Tinignan ko naman sila sa ibaba. Pinapakalma ni Jansen ang kasamahan niya.
Nang lumingon siya sa akin ay sumaludo lang ako sa kanya at umalis agad.
Hindi pa ako nakakalabas ng gate ay nakaramdam ako kakaibang enerhiya. Nilingon ko naman ang madilim na parte ng garahe. Nakita ko na may nakasilip na babae pero nawala rin ito.
Napailing nalang ako. Kahit hindi ko tinakot ang kasamahan ni Jansen ay may mananakot pa rin sa kanila dito.
Pero hindi pa rin tama dahil walang espiritu na naiiwan sa mundong ito. Unless may unfinished business.
Kaagad rin naman akong umalis doon at hinintay nalang si Jansen sa bahay nila. Habang naghihintay ako sa kanya ay nag-iisip naman ako sa susunod kong gawin para lang hindi na siya gagawa ng masamang gawain.
Ilang oras rin ang hinintay ko nang matanaw ko na ang bulto ni Jansen na papalapit sa bahay niya. Hindi pa nga siya nakakalapit ay alam ko nang galit ito. Dahil siguro yun sa pananakot ko sa kasamahan niya kanina.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba nakuntento na sirain ang trabaho namin kanina?" naiinis na tanong nito sa akiin.
"Gusto ko lang naman na tumigil ka na sa ganoong gawain. Masama ba ang hangarin kong ituwid ang landas mong tinatahak?"
"Sino ka para pag-utusan ako? Diyos ka ba?"
"Natabunan na talaga ng kasamaan yang buong sistema mo dahil kahit si Ama ay hindi mo susundin. Tell me, Jansen. Ito ba talaga ang gusto mong daan? Kasi, everytime na sabihin ko sayo na baka malaman ito ng anak mo, umiiwas ka. Hindi mo ba naisip ang mararamdaman nila kapag nawalan sila ng ama. Kung makulong ka? Ano nang mangyayari sa kanila? Jansen, oo at hindi ako Diyos pero nandito ako bilang isang kaibigan sayo na nagpapayong tapusin mo yang masamang gawain mo."
"Tama na! Sa lahat ng ayoko ay yung may nagdidikta sa akin!"
"Hindi naman kita dinidiktahan. Pinagsasabihan lang kita patungkol sa realidad. Jansen, kahit para lang sa mga anak mo, tumigil ka na. Dahil kapag napahamak ka, ang mga anak mo ang kawawa. Pag-isipan mo yang mabuti. But I prefer na tumigil ka na diyan sa gawain mo. Paara sa anak mo."
Nilapitan ko naman siya at tinapik ang balikat niya saka ako naglaho sa harap niya. Napunta naman ako 'di kalayuan sa bahay nila at tinanaw ang nakatulala pa rin na si Jansen. Sana nga ay matigil na siya sa ginagawa niya. Ayoko ring masaktan ang mga anak niya kaya ko ito ginagawa.
Kinabukasan, maagang nagising si jansen na gaya ng ginagawa niya araw-araw. Pinaghanda niya ng almusal ang mga anak niya ay inasikaso ito saka hinatid sa kani-kanilang eskwelahan. Pagkatapos niyang maihaid ang mga ito ay pumunta na siya sa construction site upang magtrabaho. At nang mga-break sila ay kinausap naman niya ang kaibigan niya at partner niya sa pagnanakaw.
"Pare, gusto ko nang kumalas sa grupo." Panimula ni Jansen.
"Ano? Nagbibiro ka ba? Hindi Pwede yun. Gusto mo bang mamatay?"
"Ayaw ko na kasing magsinungaling sa mga anak ko. Oo nga't nabibigyan ko sila ng mga kailangan nila ngunit hindi naman nila alam kung saan yun nanggaling. Ayokong isang araw malaman nalang nila sa iba."
"Pare, delikado yang sinasabi mo. Alam mo namang istrikto yung grupong pinasukan natin. Anong gusto mo, walang makain ang anak mo o yung sagana sila araw-araw?"
Bigla naman akong napatuwid ng tayo ng makita ko ang dalawang kampon ng kadiliman na lumitaw sa tabi nila Jansen. Hindi naman ako nagpatalo at tinungo ang kabilang side ni Jansen. Kailangan niyang maliwanagan kundi gagawin niya ulit iyon.
"Isipin mo ang mga anak mo, Jansen. Oo at mabibigyan mo sila ng maginhawang buhay ngunit hanggang saan at hanggang kailan? Magbago ka para sa mga anak mo." bulong ko sa kanya.
"Ano? May raket tayo mamaya. Sigurado akong malaki ang maibibigay ni Boss sa atin."
"Jansen..." bulong ko.
"Pass muna ako."
Magsasalita pa sana si Kaloy ng makarinig sila ng bell, hudyat para bumalik na sila sa kanilang trabaho. Nakatanaw lang ako sa likuran ni Jansen. Alam kong gusto niyang sumama rito ngunit mas pinili niyang hindi. At natutuwa ako dahil pinanigan niya ako.
Pero nag-aalala rin ako sa kanya. Gusto kong makatulong sa kanya upang hindi na siya bumalik sa pagiging magnanakaw. Alam kong hindi ko gawain 'to. Pero gusto kong makatulong sa kanya para mabuhay lang niya ang mga anak niya.
Nararamdaman ko, napakabuti ni Jansen. Sadyang natabunan lang siya ng kahirapan sa buhay niya kaya siya nakagawa ng ganoong kasalanan. And with that situation, diyan nagsisimula ang pagtawag natin sa Paginoon upang tulungan tayo sa paglutas ng mga suliranin natin sa buhay. At yun ang gagawin ko sa kanya. Ang maibalik ko ang faith niya kay Ama.
************************************************************************************
Hi readers!
Long time no update. Pasensya na at yung isang book ang nauuna kong maa-update kesa dito. Nahihirapan kasi ako kung ano ang susunod kung isusulat. Kaya pasensya na kayo kung ganito katagal na hindi ako nakapag-update. But I will try my best to create new chapters for this story. Actually nakaisip na nga ako ng isusunod ko kay Jansen. And that's my biggest problem. Mas nauuna pa ang future scenes kesa sa susunod na mangyayari sa current story (like Jansen's story).
Sana mataas pa ang pasensya niyo sa paghihintay sa update ko. Pagbubutihin ko pa ang pag-a-update. If hindi ako busy rin dahil graduating student na kasi and there are lots of works pa ang mae-expect ko ngayong June.
So, I hope you will like this chapter.
I love you readers! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top