Chapter 34
Ezekiel
Medyo bad mood ako ngayon dahil nakakita na naman ako ng kampon ng kadiliman kanina. I bet ginayuma na naman nila ang utak ni Jansen upang magpatuloy pa ito sa ginagawa niya.
Pero magpapatalo ba ako sa kanila? Kung makulit sila, mas lalo ako. At gaya ng nagdaan kong client, hindi ko sila titigilan hangga't hindi sila pupunta sa mabuting daan.
Lagi ko pa ring sinusundan si Jansen sa mga lakad niya at hindi nagpapakita sa kanya. At nakikita ko talaga kung paano sila magnakaw sa mga bahay-bahay o di kaya ay bumunggo ng tao.
Hindi naman ako makalapit sa kanya dahil nakasunod ang mga K.A. Unfair sa part ko dahil mag-isa ako. Well, not spiritually. I know ginagabayan ako ng Panginoon upang maituwid lang ang landas ng mga tao. Kung saan ang kasiyahan na hinahangad nila.
Natyempuhan ko naman siya sa bahay nila. Which means, wala na ang mga asungot na nagdidikta sa kanya upang magnakaw.
"Hello" bati ko.
Muntikan namang mapasubsob si Jansen sa may pinto dahil sa pagkagulat. Bakit kaya nagugulat pa rin ito? Eh expected namang nasa paligid siya.
"Nananadya ka ba talaga? Bakit ka ba nanggugulat?" pabulong nitong sabi sa akin.
"Sorry. Hindi ko naman alam na magugulatin ka. I mean you're a theft kaya hindi na bago sayo ang mga bagay na bigla-bigla nalang sumusulpot" paliwanag ko.
"Kahit na. Tsaka bakit ka ba nandito?" pabulong niya pa ring sabi.
"Sinabi ko na sayo di ba. Friendship ang pinunta ko sayo. Tsaka bakit ka ba bumubulong. Para ka namang magnanakaw sa bahay niyo?"
"Yung mga anak ko magigising. Tsaka umalis ka na nga baka makita ka pa nila. O kaya'y mapagkamalam pa akong baliw nila dahil kinakausap kita."
"I didn't get your point. Eh ano naman ngayon kung makita nila ako? As if naman pangit ako sa paningin nila. Gwapo kaya ako. Tsaka, nag-uusap lang naman tayo rito ha."
"Pwede ba? Lumayo ka na sa akin? Hindi ko nga kailangan ng kaibigan. Kailangan kong magtrabaho ng maigi para sa mga anak ko" seryoso niyang sabi.
"At ang pagnanakaw ang pinakamabuting paraan para maitaguyod sila?"
Agad naman niya akong hinila patungo sa likod ng kanilang bahay. Hehe! Hindi niya napansing nahawakan niya ako.
"Ano ba?! Wag na wag mong masasambit yang salita na yan. Paano kung marinig ka ng anak ko? E di mag-iiba ang tingin nila sa akin. Kung gusto mong mangsira ng buhay, wag ako yung iba na lang" mahina niyang singhal sa akin.
"Hindi ako ang sumisira sa buhay mo Jansen. Ikaw. Sa tingin mo, kailan naging tama ang magnakaw ng pag-aari ng iba? Walang sekretong hindi nabubunyag. At kahit ano pa ang tago mo rito, malalaman at malalaman ng anak mo ang ginagawa mo" seryoso ko namang sagot sa kanya.
"Wala kang karapatang sabihin yan sa akin. Hindi mo alam ang hirap na dinadanas ko. Palibhasa sayo isa ka nalang kaluluwa kaya hindi mi nararamdaman ang hirap ng mga kagaya naming hirap sa buhay!" sumbat niya sa akin.
"Hindi nga ba? Oo inaamin ko, hindi ko alam kung paano kahirap ang sitwasyon mo. Pero, kailangan bang gumawa ka ng masama makaraos lang sa kahirapan? Do you think na matutuwa ang mga anak mo na ang ibinibigay mo sa kanila ay nakaw lang? Alam mo rin ba ang mararamdaman nila kung sakaling makulong ka sa kasalanan mo? Pareho lang tayong walang alam kung anong mangyayari sayo sa hinaharap. Pero yang ginagawa mo ay pwede mo pang tigilan. You're thinking of your children's future but you don't think what can they feel if they found out your 'other' job. Mag-isip ka naman. Isipin mo ang mga anak mo"
"Wala kang karapatang pagsabihan ako kung ano ang tama o mali. Sa mundong ito, kailangan mong dumiskarte upang mabuhay. Nakikiusap ako, wag mo na akong guluhin. Hindi ko kailangan ng litanya mo. Umalis ka na at wag na wag ka nang babalik"
Pagkasabi niya nokn ay pumasok na ito sa bahay nila saka pinatay ang ilaw. Napabuntong-hininga nalang ako.
Naisipan ko namang pumunta sa may Pasig River via teleportation. Jansen is like this river. Natapunan siya ng kasamaan galing sa mga kampon ni Luci.
In order to save him, he needs a cleaner to clense all the evilness inside his system. At ako yun.
Pero paano ko magagawang linisin ang kalooban ni Jansen kong pati ako ay pinanghihinaan na nang loob?
Kahit sabihin kong nandiyan si Ama at si Destiny na gumagabay sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan malungkot tuwing tinataboy ako ng client ko. I just sigh with that thoughts.
Napansin ko naman umilaw ang tab ko. Agad ko itong kinuha sa sling bag ko at tinignan ito. May message si Destiny. Dami nito ha.
[When evil people attack me and try to kill me, they stumble and fall. Even if a whole army surrounds me, I will not be afraid. Even if enemies attacks me, I will still trust God.]
[God will put his angels in charge of you to protect you wherever you go. They will hold you up with their hands to keep you from hurting your feet on the stones. They will trample down lions and snakes, fierce lions and poisonous snakes.]
[God says, "I will save those who love me and will protect those who acknowledge me as Lord. When they call me, I will answer them; when they are in trouble, I will be with them. I will rescue them and honor them. I will reward them with long life; I will save them."]
[I hope this verse will help you on your journey with Jansen. Be brave, Ezekiel. Have more faith in him.
Destiny]
Matapos kong basahin ang message ni Destiny ay medyo nadagdagan ang power of confidence ko. Tama si Destiny, lahat kakayanin basta may paniniwala ka lang kay Ama. Hindi niya ako papabayaan at tutulungan niya ako kapag kailangan ko siya.
Nagreply naman ako sa kanya ng 'thank you'. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at nag-inat.
"I can do this. God, I know you can hear. I pray for Jansen's situation. Guide him always. At gagawin ko lahat, maging maayos lang ang sitwasyon niya"
Bigla na lang may nagliwanag na butuin sa himpapawid. And I consider it as God's response on me. Kakayanin ko ito.
------------------------------------
Konnichiwa!
Here's the verse na ginamit ko sa message ni Destiny kay Kile.
Psalm 27; 2-3
Psalm 90; 11-13, 14-16
So yan. I hope you will like this chapter.
Aishiteru! 😻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top