Chapter 32
The following scenes might not suitable for readers 18 and below. Please, be open-minded.
----------------------------------------------------------
Jansen
Ito ang gusto ang gisto ko sa trabaho ko. Ang makahawak ng napakaraming pera. Mabibili ko na rin ang mga gusto ko at pangangailangan ng mga anak ko.
Maghahapon na ng maisipan ng kasamahan ko na pumunta sa tambayan namin. Isa itong club na pag-aari ng isa sa mga big boss namin.
Sa club nayun kami naghahanap ng pansamantalang kaligayahan. Kaya kahit malaki-laki ang kita namin sa pagnanakaw ay malaki rin ang nawawaldas namin dahil sa services.
Agad naman kaming inasikaso ni Sher, siya ang namamahala sa Pleasure Club.
"The usual ba?" tanong niya sa amin.
Tumango lang kami saka umupo sa harapan ng stage. Nang maibigay na sa amin ang mga inumin ay nagsimula na rin ang show.
Lumabas ang limang babaing halos nakahubad na sa harapan namin. Hindi pa nga sila nangangalahati sa pagsasayaw ay gusto ko nang hilain ang isa sa kanila.
Kalagitnaan na ng show ng tawagin ko si Sher. Pinakiusapan ko siyang kung pwede ko nang kunin ang service ng isa sa mga show girl.
Agad namang kinausap ni Sher ang isa sa kanila. Sumenyas naman si Sher na pumunta na ako sa isa sa mga lounge.
"Pre, mauna na ako sayo" paalam ko.
"Takte pre, grabe talaga yang libog mo. Sige na at baka sumakit pa yang pantog mo" pagtataboy ni Kaloy.
Agad naman akong pumasok sa isang kwarto at hinintay ang babae. Ilang sandali pa ay pumasok na ito at inutusan ko nang hubarin niya ang saplot niya.
Nang makahubad na siya ay agad ko siyang hinalikan at pinahiga sa kama. Dali-dali nang naghubad. At nangyari na ang dapat mangyari.
Halos isang oras din kaming nagniig saka pa kami nagpahinga. Agad ko namang inabot sa kanya ang bayad ko.
"Salamat ha. Nga pala, himala at napadpad ka ulit dito" sabi ni Shey habang nagbibilang ng pera.
Malaki-laki rin ang naibayad ko sa kanya dahil 500 daan kada 5 minuto.
"Masama bang humanap ng kaligayahan paminsan-minsan. At saka ramdam mo naman kanina na talagang sabik ang alaga ko" paliwanag ko.
"Oo nga. Kulang na lang ay gibain mo itong kama dahil sa bilis mo. Atat ka rin ano?"
"Sabik lang"
"Alam mo, kung sabik ka talagang makipagtalik, bakit di ka humanap ng asawa. At least yun unli, plus may mag-aalaga pa ng anak mo"
"Tsk! Wag mo nang banggitin yan. Wala ring patutunguhan yang suhestyon mo" padabog akong bumaba ng kama at nagbihis.
"Pasensya. Nagsa-suggest lang naman ako dahil alam kong mahal mo ang mga anak mo. Kaya ka nga kumakapit sa patalim di ba?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wag mo na akong bolahin. Hindi ka makakapagbayad ng ganito kalaki kung hindi ka nakakapit sa patalim. Alam ko yan dahil pareho lang tayo ng sitwasyon. May binubuhay rin akong mga anak kaya naiintindihan kita"
Hindi naman ako nakapagsalita. Hindi ko na siya hinitay na makapagbihis at lumabas. Magpapaalam sana ako kay Kaloy nanmauuna na ako ngunit nakita ko itong may kahalikan na babae. Agad rin naman itong nahila patungo sa lounge.
Nang makalabas ako sa club ay dumiretso ako sa bukas pang convenient store at uminom ng konti. Bumili na rin ako nang pagsnack ng mga bata sa eskwelahan at konting ulam na maiihahain ko mamayang agahan.
Mga ala-una ng madaling araw nang makabalik ako sa bahay namin. Hindi kami gaano kayaman ngunit naiibigay ko naman ang mga pangangailangan ng mga anak.
Sinilip ko naman silang apat na natutulog na. Hay! Sana nga ay magpatuloy pa itong trabaho ko. Ayokong matulad ang mga anak ko sa akin kaya ginagawa ko ang lahat makatapos lang sila ng pag-aaral.
Buti na lang at sanay ang mga anak ko sa squaters area at hindi naiingayan sa mga kapitbahay namin.
Dahil na rin hindi ako makatulog, nagdesisyon akong uminom na lang ng dala kong beer. Nangalahati na ako ng inom ng bigla akong magulat sa nagsalita.
"Sa wakas, naabutan rin kita"
Halos mahulog ako sa upuan sa pagkagulat. Muntik pa akong mabulunan dahil sa gulat.
"T-teka sino ka? Anong----"
"Shh! Magigising ang mga anak mo. Sige ka, ikaw rin ang mapipirwisyo" sabi ng lalaking nakaputi saka umupo sa katapat ko.
"S-sino ka at bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" tanong ko habang dahan-dahan akong umaatras palapit sa lalagyan ng mga kutsara kung saan may kutsilyo.
"Kahit hagisan mo pa ako niyan, hindi uubra sa akin yan. Gusto mo ng proof?" tinignan niya ako saka bigla na lang siyang nawala sa paningin ko.
Bigla naman akong kinabahan. Napahigpit naman ang hawak ko sa kuysilyo saka dahan-dahang lumapit sa mesa.
Isa ba yung multo o nag-iilusyon lang dahil sa nainom ko. Hindi pa man ako nakakaupo ay lumitaw ito ulit sa harapan ko at nakapalumbaba.
Sisigaw na sana ako pero sumeyas siyang huminto.
"Sisigaw ka o gusto mong mapagkamalang baliw? Tsaka natutulog ang mga anak mo. Kaya shh ka lang diyan"
Tinitigan ko naman siya. Kahit nanginginig ako sa kaba ay pinatili ko pa rin ang sarili kong matapang. Sino ba ito? Isa ba ito sa ninakawan namin at nagmumulto sa akin.
"Uy! Nga pala, baka akalain mong multo ako. No. Hindi ako multo. Isa akong espirito. Special spirit" sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya.
"M-may atraso ba ako sayo. Tsaka anong pinagkaiba ng m-multo at ng espirito? Pareho lang naman sila?" sagot ko habang nanginginig.
"Tsk! Pareho kayo kayo nung isa kong nakasalamuha. Pero never mind na yun. Ang mahalaga ay nagkita na tayo. Ay second time na pala ito. Naalala mo nung hinahabol ka ng pulis at nagtago ka kasama ko. Binalaan mo pa nga ako na hindi ako magsusumbong sa pulis"
Bigla namang may naalala akong nangyari nung nakaraang misyon namin. Nanlaki ang mata ko at tinignan ko ulit siya.
"I-ikaw---" hindi ko masabi ang sasabihin ko.
"Yup. The one and only. Ay! Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. Ako nga pala si Ezekiel. Kile for short. Nice to see again" bati niya sabay ngiti.
"A-anong kailangan mo sa akin? B-bakit nandito ka? K-kung nandito ka para maghiganti---"
"W-wait wait. Hindi ako naghihiganti kaya ako nandito. Iniisip mo bang ninakawan mo ako?" napatango ako.
Napatawa siya na wala namang nakakatawa.
"Ikaw talaga. Assuming ka! Hindi mo ako ginawan ng kahit ano mang kasamaan. Actually, may purpose bakit ako nandito" ngumiti ito na parang may binabalak.
"A-ano yun?"
"I want you to be my friend"
"A-ano?"
"Yes, you heard me right. At hindi kita titigilan hanggat hindi kita nagiging kaibigan" ngumiti ito ng napakaganda.
A-ano raw? Gusto niya akong maging kaibigan? Seryoso ba siya?
-----------------------------------------------------------------
Hey you guys!
What's up!
Here it is! Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. At about sa warning ko sa taas, ayoko lang na may macorrupt ang ang mga inosenteng mind niyo. Kaya hindi ko nilagyan ng iba pang detalye masyado para iwas na rin.
Hope you support this.
I hope i-support niyo rin yung isang story na bago. Pero you need a deep understanding sa storyang yun. Some of the contents ay iko-connect ko sa reality kaya sana, sana suportahan niyo rin.
Aishiteru! 💙
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top