Chapter 30

Jansen

Hindi madali ang buhay ng isang magnanakaw. Gaya ng mga sundalo, nasa hukay na ang isa mong paa. Hindi mo alam king hangggang saan ang buhay mo sa mundong ito.

Umaga na ng makauwi ako sa amin. Agad kong inihanda ang ang agahan ng mga bata dahil papasok pa sila sa eskwela.

Ihahahain konpa lang ang kanin nang magising ang pitong taong anak kong babae.

"Magandang umaga tay" papupungas-pungas pa ito.

"Magandang umaga anak. Gisingin mo na ang kuya't ate mo. Baka mahuli pa kayo sa eskwela" utos ko habang inahahain ko ang ulam nila.

"Ehh! Kanina ko pa po sila ginigising, eh hindi naman sila gumigising" napakamot ito ng ulo.

"Naku! Sige, mauna ka nang kumain. Tapos maligo ka na ha" bilin ko.

Agad akong pumunta sa kwarto upang gisingin ang tatlo ko pang anak. May apat pala akong anak. Si Jason, labing-apat na taong gulang, ang panganay ko. Si Jeneca, labing-isang taong gulang ang ikalawa. Si Jacob, walong taong gulang ang ikatatlo. At si Joana, yung bunso ko.

Mag-isa lang akong bumubuhay sa kanilang apat. Iniwan sila ng magaling kong asawa at sumama sa isang dayuhan na nakilala niya sa club.

Nang magising sila ay pinaligo ko na sila para makapaghanda sila sa eskwela. Nang makagayak na sila ay inihatid ko na sila.

Mabuti na lang magkalapit lang ang eskwekahan nila. Hindi ako mapapagod na ihatid sila.

Nang masiguro ko na nakapasok na sila saka naman ako umalis at bumalik sa bahay upang maghanda naman para sa tanghalian nila mamaya.

Nang matapos ako, agad akong umalis upang rumaket. Tuwing umaga, hindi ako nagnanakaw. Mas madali kasing madakip at masyadong maraming tao at cctv na nakapaligid. Madaling madakip.

Minsan, rumaraket ako sa construction site. Para na din hindi masyadong halata. Mahirap na baka mahuli ako ng hindi oras. May mga anak pa naman akong bubuhayin.

Hindi basta-bastang trabaho ang napasukan ko. Pero dahil na rin sa kahirapan, kailangan kong maging isang magnanakaw upang mabuhay ko lang ang mga anak ko.

Nung una nag-alangan ako, ngunit ng sumabak na ako, kahit labag sa kalooban ko ginawa ko pa rin dahil lang sa mga anak ko.

Sinubukan kong tumigil ngunit hindi na ako pinakawalan ng grupo na siyang nag-uutos sa aking magnakaw.

Hindi basta-basta ang kalakaran ng pagnanakaw namin. Kung maiipit ka man sa isang sitwasyon, agad ka naman rin nilang tutulungan. Ngunit kapag tumiwalag ka, impyerno ang aabutin mo.
May isang pangyayari nga na nakulong ako dahil sa pagnanakaw. Oo nakulong nga ako, ngunit nakalabas rin agad sa tulong ng mga kasamahan ko.

Yung iilan sa ninakaw namin sa isang bahay, ay inilagay doon sa isang magnanakaw na hindi sakop ng grupo namin. Kaya siya ang napagbintangan.

Kaya nga todo ang pag-iingat namin ng sa gayon ay hindi kami mahuli. Mahirap na, baka kung ano pang mangyari sa mga anak ko. Ako na lang ang inaasahan nila.

Kaya gagawin ko ang lahat, kahiy masama pa, alang-alang sa mga anak ko, bibigyan ko sila ng magandang buhay na hindi na nila kailangan ng tulong sa iba kahit na ang sarili pa nilang ina.

Ako mismo ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan at ibigay ang nararapat para sa kanila.

Hangga't kaya ko pang maging isang magnanakaw, hindi ko ako bibitaw. Alam kong kasalan iyon, ngunit baliwala na ito kapag pamilya na ang pinag-uusapan. Hindi pwede silang maghirap. At yan ang pangako ko sa sarili.

------------------------------------------------------------
Anneong readers!

Pasensya na kung ito lang muna ang maiibibigay ko sa inyo. Medyo busy sa school at busy rin ako sa pag-iisip kung anong magandang plot ang maiisusulat ko.

But don't worry, susubukan ko pa ding mag-update para sa inyo. Maraming salamat sa pagbabasa nito.

Happy sunday readers! 😄

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top