Chapter 25

February

Hindi ko alam kong binubwiset ako ni Kile o sadyang manhid lang talaga siya.

Ipagsiksikan ba naman ako kay Zero eh wala naman kaming RELASYON. How many times he encourage me to confess to Zero? Napakaraming beses lang naman!

Gosh! I am stressed with the book that I am finishing right now. Malapit na kasi ang deadline ko para ma-publish ito. At itong magaling na spirit kuno ay tinutulak ako sa may girlfriend na.

Oo, may girlfriend ang mabuti at napakabait kong kapitbahay na hindi man lang ako sinabihan na may girlfriend pala siya.

Ang kapal niyang sabihin sa akin na magkaibigan kami! May kaibigan bang nagsisinungaling?

At bakit ba ako naiinis ngayong nalaman ko na may girlfriend siya! Hindi nga kami di ba?!

At bakit ko ba nai-insert ang thought na maging kami? Imposibleng mangyari yun. Napakalaking imposible!

"ARGH!!!!!!!!!!!!!!!! STOP DAYDREAMING FEBRUARY!!!!!!"

Napahiga nalang ako sa sofa dahil na rin napagod ako sa pagsabunot sa buhok ko. Nakakafrustrate pala ang ganito. Ayoko talaga ng ganito. Bakit ba parang may pain sa heart ko?

"Mamamatay na ba ako Lord? Yes, I'm talking to you. I know you were shock because I talk to you" I breathe deeply. "Bakit ko ba 'to nararamdaman? 'Di ba mali 'to? Ilang araw ko din itong binalewala pero parang natamaan na yata ako ng pesteng pag-ibig na yan. Sorry for the cursing" I get up and rest my head sa sandalan

"Hay! Hindi ko dapat ito nararamdaman eh. Mali ito. Bato ako eh. Bakit ko ba ito nararamdaman?" napaluha na lang ako

"Feb?"

Napalingon ako. Napaayos naman ako ng upo saka pinahid ang kunting luha sa pisngi ko.

"Marie, ikaw pala"

"Sorry kung pumasok na ako. Naistorbo ba kita?"

"No. Actually nagpapahinga lang ako. Have a seat"

"I notice that something's bothering you. Do you mind if you share?"

"It's nothing. Stress lang ako sa pagsusulat ko. Malapit na rin kasi ang deadline ng mga 'to"

"Ah. Ganun ba? Nothing else?" I shake my head

"Tungkol saan nga pala yang sinusulat mo? I mean what's the story all about?"

"Ah. Tungkol sa fate ng dalawang tao. The usual story"

Napatango lang si Marie. "Ayaw mo ba talagang pag-usapan ang gumugulo diyan sa isip mo?"

Tinignan ko lang siya. Nang hindi ko na siya kayang tignan ay umiwas na ako. Ayokong may nakakabasa ng isipan ko. Mas lalong ayokong magshare kung ano ang nasa isip ko.

Lumaki akong walang ibang pinagsasabihan ng problema. Kaya kakayanin ko rin itong maresolba ng mag-isa.

"You know, I'm not forcing to tell what's bothering you. But gusto ko lang malaman mo ang pinakapaborito kung motto. 'Walang tao sa mundo ang nag-iisa'. Lahat tayo binigyan ng companion ni God. Yung bigyan ng sariling pamilya, kaibigan or even a boyfriend or a special person sa life mo. Hindi man sila magtagal sa life natin, they are still consider as one of the people na malaki ang parte sa buhay natin. Like your father.."

"Wag mong isama ang demonyong yun" I glare her

"Tignan mo 'to. Hindi ba uso sayo ang move on. Ang move on hindi lang yan tungkol sa boyfriend-girlfriend. May iba pang gamit yan. Oo nasaktan ka, sinaktan ka to be exact. Pero, isipin mo rin, you become strong woman dahil sa kanya. You dream widely dahil sa kanya..."

"At hindi ako sumubok magmahal dahil sa kanya" pagputol ko sa sinabi niya

"Exactly. Feb, imbes na isipin mo ang mga negatives na nagawa ng ama mo, just be thankful sa mga nangyayaring maganda sayo ngayon. You are being kick from you're work but here you are, malapit ka nang sumikat bilang isa sa magaling na writer sa bansa natin. You see, may awa ang Diyos Febbie. Hindi ka niya hinayaan na magsuffer. He knows how hurt you are kaya hindi ka niya binitawan. May tiwala kaya siya sa kakayahan mo. Kaya Feb, kung ano man yang iniisip mo (she pointed upward) talk to Him. Papakinggan ka niya. Just use this (she point my chest) while talking to Him, and you'll know the answers"

Natahimim naman ako. Ilang sandali pa ay timayo na si Marie. Habang ako ay sinisink in ko pa ang mga sinasabi niya.

"Aalis na muna ako. I hope na kausapin mo na siya. Don't be hesitate. Napakasarap niyang kausap. Okay lang na gamitin mo ito (she pointed her temple) basta ba isama mo si heart (she pointed her chest). See you"

Bigla naman itong nawala sa paningin ko. Hay! Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako everytime na bigla-biglang mawawala.

I lean my head sa sandalan ng sofa. Hay!

"I can't believe na kakausapin na kita" bigla na lang akong napaluha

"I hate you for bringing them to me. You make me weak..." napaluha na ako

"I know I doubt you but please, this once, heal me... heal my broken heart...." I weep

Tinabunan ko na ang mukha ko at naipaiyak na ako ng todo. Sana nga matapos na ang sakit sa puso ko. San nga...

----------------------------------------------------

Hey mga readers, sensya sa poor update ko. Sana may nagbabasa pa talaga nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top