Chapter 22

Marie

"I trust Him"

"Eh? Ganun lang kadali?"

"I belong to the people who accept the death. Lahat tayo takot mamatay, pero para sa akin kung mapupunta rin lang naman ako sa kaharian ni Ama, aba't hindi na alo aayaw no? Your the luckiest person/spirit na makapasok sa kingdom niya"

"How did you die?"

"Brain cancer. Pareho kami ng sister ko. Leukemia nga lang ang sa kanya. Mas nauna siyang namatay sa akin. At the age of seven, she left us. Muntikan ko nang sisihin si Lord nun pero grabe pa rin ang faith ng parents namin. Then, I accepted my sister's death. After I graduated to college, naconfine na ako. Lumalala na ang pagsakit ng ulo ko eh, kaya ayun, years of medicine, I surrender myself to God. I told my parents, na whatever happens to me, hindi sila mawawalan ng tiwala sa Panginoon. Keep their faith to Him, dahil hindi siya gagawa ng bagay na hindi makakabuti sa atin"

"What happen to your parents?"

"They are happy. Minsan, nagrerequest akong makausap sila. I'm happy na kahit wala na kami ng kapatid ko, patuloy pa rin sila sa pananampalataya nila kay Ama. Tumutulong pa sila sa mga cancer victims. Nakakakataba ng puso"

"Bakit ba ako napapaligiran ng mga taong lakas sa Kanya?"

"Para matauhan ka?" biro ko

"Ouch ha. Hindi kasi madaling magpatawad. You never know what I feel. At nakakainis dahil whenever I had a conversation with Kile, natatamaan ako. At I don't want it"

"Pride, ikaw ba yan?"

"Alam mo yung feeling na gusto mong mawala ang pagiging ma-pride mo?"

"Aba't ayoko talaga. Toxic kaya ang sabon na yan"

"Haha. Ang corny"

"Pero seryoso, kailangan natin yang walain. Do you know the seven deadly sins? Isa ang Pride dun. If you let that control you, you let the demon manipulate your life. Kung ano man yang pinagdadaanan mo, ipagdasal mo lang yan. Nandiyan lang naman si God. Handang makinig"

Natahimik si Febbie. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto at bumukas ito.

"Hey. Baka nagugutom na kayo. I prepared a lunch" sabi ni Zero

"Mukhang gutom na rin ako. Tara" nauna naman akong lumabas sa kanila

Pagbaba ko ay napabuntong-hininga na lang ako. Hay! Sana nga at makinig na siya sayo Ama.

Ezekiel

"Mahal kita"

Bigla na lang akong nagising. Napatingin ako sa kisame at inalala ang nangyari kanina.

I had a sister. At mahal na mahal ko ito. I remember something. Kung ganun, malapit na rin akong matapos sa una kong misyon.

Bumangon naman ako at bumaba. Napansin ko si Marie malapit sa bintana at mukhang may tinitignan.

"Hoy!" gulat

"Lord Jesus!" gulat niya. "Bakit ka ba nanggugulat?" galit niyang bulong

"Ano bang tinitignan mo diyan?"

"Look" she point

Nakita ko naman sina Zero at Febbie na nagdidilig ng halaman. Naghaharutan pa ang dalawa.

"Dumadamoves na ang manok mo! Ehhh!" kilig na bulong niya

"Oo nga. Pasimple rin itong si Zero ha"

"Sinabi mo pa. Uy! May trivia ako sa kanya"

"Ano yun?"

"Alam mo bang sinabi niya sa akin nung nagkausap kami na like daq niya si Febbie. Take note. Natu-turn on siya sa isang babae kung nagsusungit ito. Ang weird niya di ba? Pero astig"

"Ganun? So lagay na yan, nagpapapansin na siya kay Febbie?"

"Yup. Yup. Yup. Pero itong leading lady natin, ayun, manhid pa rin. Pero ano pa ba't gagawin ang lahat ni Zero para mapaibig niya ito"

"Yeah. May tiwala ako sa manok ko. At babalik na rin ang faith niya kay Ama"

"So, how are you? Musta ang alaala mo?"

"I had a sister. Mahal ko daw ito"

"Hmm. You must be close to her. Mayroon pa bang iba?"

I shake my head.

"Okay lang yan. Makikilala mo rin kung sino man yang kapatid mo. Tiwala lang"

"Of course. Ngayon pa ba ako susuko? Unti-unti nang lumilinaw ang images sa utak ko?" I smile

"Ganyan nga. Fight. Fight. Fight"

Nagkatawanan naman kamin dalawa saka namin tinanaw sina Febbie. Pero may isang nilalang na nakaagaw ng atensyon ko. I look at Febbie at nagkatinginan kami.

"Ready yourself Kile, we have company"

Tumalikod si Marie at bigla na lang itong nawala. Tinignan ko naman saglit sina Febbie saka sumunod kay Marie. Sana nga, maging maganda na ang buhay ni Febbie. She deserves it. At walang makakapigil sa pagkamit niya ng kaligayahan na yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top