Chapter 2

Hindi pa rin makapaniwala si Kile na nasa teritoryo na siya ng Diyos.

"So meaning, patay na ako?" tanong niya sa sarili

Napangiti ulit si Destiny. Nahulaan siguro niya na alam na ni Kile kung nasaan siya. Habang pinapakilala ni Destiny ang mga kasamahan niya doon, naguguluhan pa rin si Kile sa nangyayari.

"Mukhang hindi ka pa handang makita ang lugar na ito. Mukhang kailangan na muna natin pag-usapan yang dinadala mo" sabi ni Destiny

"H-Ha?" sagot ni Kile

Agad namang naglakad si Destiny patungo sa visitor's room.

"Maupo ka" aya ni Destiny

Naupo naman agad si Kile.

"Sana nga at masagot na ang mga katanungan ko" tanong ni Kile sa sarili

"Ah, nasaan ba talaga ako? I mean bakit ako naririto? Anong nangyari sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Kile

"Hindi mo ba nagustuhan ang lugar na ito?" tanong ni Destiny

"Hindi naman sa ganun, pero gusto ko lang talagang malaman kung bakit ako napunta na dito" sagot naman ni Kile

"Sabihin na lang nating, itinadhana kang mapunta dito" sagot rin ni Destiny

"Bakit nga?"

Ngumiti lang si Destiny.Tumayo naman ito nat niyaya si Kile na maglakad-lakad.

"May tanong lang ako sayo. May naaalala ka ba sa buhay mo sa lupa?" tanong ni Destiny

"Naaalala? M-meron pero hindi ko masyadong makita. Blurry lahat ng nakikita ko"

"Kung ganun, gusto mo ba ng isang kasunduan?" humarap ito kay Kile

"Kasunduan? Para saan naman ang kasunduan na yan?"

"May ipapagawa kami sa iyo at ang kapalit nun ay ang alaala mo"

"Tss! May ganyan pala dito sa langit ha" patawang sabi ni Kile

"Ano? Gusto mo bang malaman ang buhay mo sa lupa?"

"Ano bang klaseng kasunduan yan? Blackmailing ang tawag jan. At saka hindi naman tama yata na kailangan pa ng kapalit para lang malaman ko ang buhay ko sa Earth"

"Kile, may dahilan ang lahat ng bagay" sagot ni Destiny

"O-oo sige, payag ako sa kasunduan mo"

"Mukhang napipilitan ka?"

"H-hindi ha"

"Nakikita ko sa mga mata mo"

"Hay! Oo napipilitan ako. Pero, alang-alang lang sa memory ko, gagawin ko kung ano ang ipapagawa mo sa akin"

"Yan na ba talaga ang desisyon mo? Pwede kitang bigyan ng ilang oras para magdesisyon. Ayokong napipilitan kang gawin ang isang bagay na labag sa kalooban mo"

"You know what, the way you speak, parang nangungusensya ka"

Ngiti lang ang isinagot ni Destiny. Saka ito nagdesisyong umalis muna. Pumunta naman si Destiny sa isang silid kung saan nakakausap ang Panginoong Diyos. Agad na lumuhod si Destiny at nagdasal.

"Panginoon ko. Sana mapatawad niyo po ako sa ginawa ko kanina kay Ezekiel. Sana ang kasunduang ito ay magbigay kasagutan sa lahat ng katanungan niya"

"Kung ganoon ang paraan upang maalala niya ang nakaraan niya noon at malaman niya ang magiging tadhana niya, dapat nga natin siyang tulungan ngunit sanay hindi siya napipilitan sa kasunduang iyong napili" sagot ng panginoon

"Naiintindihan ko po. Maraming salamat sa pagsagot sa panalangin ko"

Agad namang tumayo si Destiny at tinungo si Kile. Binigyan niya ito ng ilang araw saka nakapagdesisyon si Kile. Ginagambala pa kasi siya ng isang alala na hindi niya maaninag man lang.

"Siguro nga, ito ang magiging sagot sa katanungan ko" kumbinsi ni Kile sa sarili


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top