Chapter 14
February
Nagising ako sa ingay ng doorbell ko. Gosh! Sino namang asungot ang naligaw sa bahay ko!
Padabog akong bumaba at tinungo ang main door.
"Ano bang---- a-anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong
"Hi. Um, good morning. N-naabala ba kita?" alanganin niyang tanong
"Well obviously, you ruin my sleep. Thank you for that" inis kong sagot
"A-ah, s-sorry. I thought you are up already. Alas nuebe na kasi eh"
"Ano bang kailangan mo at ginugulo mo ang pananahimik ko?!" pagalit kong tanong
"Ah... kasi. (deep breathe) Okay. Didiretsuhin na kita. I'm here because I need your help"
"M-my help? Ano naman yan?"
"I'll tell you later. But before that, I think (he look me from head to toe) you should change your outfit?"
I look at my outfit. Gosh! Naka-negligee lang pala ako! Agad kong itinago ang sarili ko sa pinto.
"Maybe I'll just--"
"G-go away!" sigaw ko
Binalibag ko naman ang pinto ko at nagmadaling pumasok sa kwarto. Gosh! I never been embarass like that! Ano nang mukhang maiihaharap ko sa kanya!
Teka! Bakit ba ako nag-aalala sa itsura ko sa kanya?
Argh!!!!!!! Ano bang nangyayari sa akin?
Zero
Okay.... That's interesting.
Napauwi naman ako na napapangiti. I never expect na makakakita akk nang ganung eksena.
Sinalubong naman ako ni Marie nang makapasok na ako sa bahay.
"So? Anong sabi niya? Dali! Ano na?" excited niyang tanong
"Go away?"
"Huh? G-go away? Sagot ba yun?" tanong ulit ni Marie
"Naging maayos bang pag-uusap niyo?" tanong naman ni Kile
Nilagpasan ko naman sila at umupo sa single sofa.
"Uy! Ano na?" atat na tanong ni Marie
"Hindi kami nakapag-usap ng maayos. Bagong gising pa kasi, ayun pinagbihis ko muna"
"Eh? Ganun lang?" tanong ni Marie
"Ganun lang. Ang mabuti pa ay tulungan niyo muna ako habang hinihintay natin siya"
"Hay! Na naman?" reklamo ni Marie habang paupo
Ilang oras na kaming nagsusulat pero wala pa ring sign ni Febbie. Nag-excuse muna ako kina Kile at Marie para sunduin ito. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan.
Ilang doorbell pa ang ginawa ko saka niya binuksan ang pintuan.
"What do you want?!" paasik niyang tanong
"Whoah! Chill. I told you 2 hours ago that I need your help"
"Why would you need my help? Sino ka ba?"
"Okay. Pwede bang huminahon ka. Ganyan ka ba talaga, lagi na lang nagagalit?"
"Ano bang pakialam mo?!"
Isisirado na sana niya ang pintuan pero hinarang ko agad ang katawan ko.
"Teka lang! Kinakausap pa kita. Ganito ka ba sa mga kausap mo?"
"Wala akong pakialam! Get lost!" tinulak-tulak niya ako
"Please, I really need your help. Pwede bang makinig ka muna sa akin!" sigaw ko sa kanya
"Ikaw pa ang may kailangan, ikaw pa ang may ganang sumigaw?"
"Eh sumisigaw ka eh. Aray! Pwede bang kausapin mo ako ng matino"
Gosh! Pinaglihi ba ito sa sili at palagi na lang mainit ang ulo nito. Binuksan naman niya ang pinto. Ang sakit ng balikat ko. Grabeng mang-torture ito.
"Ano bang kailangan mo sa kin?" kalmado niyang tanong
"Grabe ka, gusto mo yata akong balian" hinimas ko ang kanang balikat ko
"Sino bang nagsabi kasi sayong humarang ka sa pintuan?" inis niyang tanong
"Eh sabi ko naman sayo na mag-uusap tayo di ba?" inis ko ring sagot
"Okay. Mag-uusap tayo"
"Hindi mo lang ba ako papapasukin?"
"Why would I? Mag-uusap tayo rito"
"Hindi ka man lang ba tinuruan ng proper business manners?"
"I'm not a business woman" nagcross arm ito
Hinilot ko naman ang sentido ko. Hay! Tama nga sina Kile. Ang hirap suyuin ng babaing to.
"Okay. Sasabihin ko sa iyo ang ang kailangan ko. I need your expertise para makasulat ng kanta"
"Why do you need my help. Saka hindi ako marunong magcompose ng kanta"
"Yeah you're not. But I assume you're good at composing poem"
"W-well oo. Ano namang kinalaman ko sa pagsusulat ng kanta mo"
"Hindi ka ba nakikinig. Kailangan ko nga ng expertise mo. You're a writer. Look, hindi kasi umaandar ang utak ko ngayon. Our manager told me na magcompose ako ng kanta na may story. And I need you to help me on that?"
Ilang minuto rin siyang nag-isip. Ano naman kayang kalukuhan ang inisip nito.
"Papayag ako pero.... may bayad ang paghire mo sa kin" she look away
"What? Pe-- okay fine. Tell me your rate?" napataas naman siya ng kilay
"What? Did I say something wrong?"
"Yeah, you asking me like a prostitute. Do I look like a prostitute?" galit niyang tanong
"Hay! Ano ba naman? Hindi yun ang ibig kong sabihin. Magkano ang ibabayad ko sa talent fee mo. Ganun lang yun. Hay!" napapikit ako at hinilot ko ang sentido ko
"Well I'm sorry. Ganun ang pagkakaintindi ko eh"
"Whatever. Just tell how much nang makapagsimula na tayo. I had a deadline to catch up"
"Just wait for me. Magbibihis lang ako"
Bago pa ako makapagsalita ay isinara na niya ang pintuan. Great! Ang sarap niyang kausap. Hay! Kung hindi ko lang siya kailangan. Hay! Mauubos yata ang pasensya ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top