Chapter 13
Ezekiel
Masasabi kong ang hirap talagang ligawan si Febbie. Nakailang araw na rin kaming sumusuyo sa kanya pero hindi pa rin humuhupa ang galit nito.
Kaya nga tuwing nagdadasal kami ay ipinapanalangin namin na sana maging mabuti na siyang tao.
Kasalukuyan kaming nagbe-brainstorming sa living room ni Zero. Hindi para kay Febbie ngunit para sa pagsusulat ng kanta ni Zero para sa summer album nila.
"Hay! Wala talaga akong maisip na tamang concept" inis na napahiga sa sofa si Marie
"Ako rin"
"Ano ba? Mayroon yan, hindi niyo lang maconstruct ng maayos. Isulat niyo kaya" suhestyon ni Zero
"Eh ilang araw na tayong nag-iisip ng kanta. Ni tamang title nga ay hindi natin makuha" reklamo ni Marie
"Ano ka ba Marie? Kunting pasensya okay?" advice ko
"How about sa friendship ang isulat natin. O kaya'y life ng isang bakasyunista. What do you think?" dagdag ko
Bumangon si Marie at nagpangalumbaba, "Eh di ba sabi ng manager na dapat yung tatatak sa puso ng mga fans at nakikinig. Saan naman tayo maghahanap nun?"
"Nakakainis talaga pagwala akong naiisip. Kung hindi lang talaga sa walang hiyang yun hindi ako magbabakasyon dito eh" inis niya
"Wag mo nang isipin yun. Nangyari na kaya dapat ang iniisip mo ay ngayon. Sasakit lang yang ulo mo" sabi ko
"You're right. Argh! Pero kainis talaga. Bakit pa ngayon umaandar ang mental block ko" ginulo nito ang buhok
"Alam ko na!". Napalingon kami kay Marie. "Si February"
"Si Febbie?"
"Anong kinalaman ni Miss Sili sa ginagawa natin ngayon?" nagtatakang tanong ni Zero
"Di ba writer siya?"
"So? Anong kinalaman niya rito?" pagtatakang tanong pa rin ni Zero
"Ikaw naman. Kung makapagtanong ka parang ang laki ng kasalanan ni February sayo". Napataas ako ng kilay. "Ganito kasi yun. If she's a writer then malaki ang maitutulong niya sa iyo. She think thousands of concept about sa cover song ng album niyo. Baka naman magaling rin siya sa mga poems. What do you think?"
Nagtinginan naman kami ni Zero saka ibinalik ang tingin kay Marie.
"C'mon guys. Febbie needs our help right now. Hindi man niya sinasabi at palagi siyang nagsusungit but I know she needs our help. Ano? Are you in? Please?..." pagmamakaawa ni Marie
"Marie's right. I think we need her for your song. Lalo pa't binigyan ka ng deadline ng manager mo"
"Sa pangungumbinse niyo parang nangungunsesya kayo eh" pagdadalawang isip niyang sagot
"Uy hindi ah! Nagsa-suggest lang kami ng makakatotohanan. You need her, she needs you. So, magtulungan kayo. Don't worry, kami ni Kile ang referee niyo in case of emergency" nakangiting paliwanag ni Marie
"Teka, bakit tayo magiging referee?"
"Ang slow mo naman. Syempre, hindi maiiwasan na mag-away ang dalawa kaya tayo ang referee nila. Di ba? Ang ganda ng role natin"
"Pero baka magkasakitan sila"
"Ang slow mo talaga. Zero excuse us muna ha", tumayo ito at hinila ako di kalayuan kay Zero. "Ano ka ba? Chance na nila tong magmoment. Pumayag ka na lang. Hindi naman natin sila hahayaang mag-away. Gusto mo bang mangyari yun?" bulong ni Marie
Napaisip ako ng kunti. Tama nga naman si Marie. Pagkakataon na ito para magsama sila.
"Okay I get it"
"Good", bumalik naman agad ito sa inupuan. "So, ano na Z? Magandang idea di ba?" tanong ni Marie
"Sigurado ba kayo? Baka naman gumuho ang bahay ko dahil sa pag-aaway namin"
"Hahayaan mo bang gumuho ang bahay mo? Tsaka, patient lang naman ang katapat niyan. Dapat maging collaborative kayong dalawa. Para rin naman sa inyo ang idea na naisip ko. Di ba Kile?" baling ni Marie sa kin
"Yup. You need each others help. Kayo-kayo rin naman ang magkakapit-bahay rito. At isa pa, you are both given with wonderful gift. Yan ang magiging way niyo para maging successful ang kanta na mabubuo niyo" advice ko
"Fine. Pero.... kapag pumayag si Miss Sili. Tsaka kayo ang kumausap sa kanya"
"No. Ikaw ang kumausap. Ikaw ang may kailangan dapat ikaw ang sumuyo"
"Marie's right. Hindi yun makikipagnegotiate sa amin. Lalo na at ginawa pa niya akong multo" pagtatampo kong sabi
"Hay! Whatever. Basta, kung hindi siya pumayag, you will stuck with me. Kailangan niyo akong tulungan dito. Nagkakaliwanagan ba tayo"
"Yes boss/sir" sabay naming sagot ni Marie
Agad namang tumayo si Zero at nag-ayos saka lumabas. Kami naman ni Marie ay nagdesisyong magdasal.
God, sana patnubayan niyo si Zero sa pakikipag-usap niya kay Febbie. Kayo na pong bahala sa kanya. Alam ko medyo unfair to kay Zero dahil may hidden plan kami para sa kanila pero sana ito ang maging daan upang malampasan ko ang misyon ko dito sa lupa. Amen.
Pagkatapos naming magdasal ay pinanuod namin ni Marie sa may bintana si Zero. Sana nga mapapapayag nito si Febbie.
------------------------------------
Moshi-moshi readers!
Sorry sa mga late update ko. Nag-iisip pa kasi ako ng mga scenes na pwedeng isunod. But I'll try my best na maka-update agad-agad para hindi kayo mabitin.
Arigato!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top