Chapter 11

February

"Nay! Nay, ano pong nangyari sa inyo?" tinulungan kong tumayo ang nanay ko

"Nay? Bakit po kayo umiiyak? Asan po ba si tatay?"

"February anak, iniwan na tayo ng tatay mo...... sumama na siya sa babae niya...." umiiyak na ito

"Nay, tahan na po. Alam niyo namang niloloko na tayo ni tatay, tinatanggap niyo pa rin siya. Nay, ipangako niyo sakin na hinding-hindi mo na siya tatanggapin ulit. Nay, ayoko pong nakikita ko kayong nasasaktan" naiiyak na tugon ko

"Anak, paano na tayo ngayon? Hindi ko kakayanin na buhayin kayo ni April na mag-isa...(sniff) kailangan ko si Alfonso"

"Nay, nandito po ako. Tutulungan ko po kayo. Makakaahon rin tayo. Pinapangako ko yan. Hindi natin kailangan ng tulong ng iba, lalo na nang walang hiyang tatay namin. Iiaahon ko ang pamilya natin. Hindi na tayo matatapaktakan ng mga walang kwentang tao sa paligid natin"

"Anak...."

"Shh....... tahan na. Nandito pa kami ni April. Hindi ko kayo pababayaan"

-----------------------------------------

"Surprise!" sabay naming sabi ni April

"Anak, sa atin ba talaga 'to? Ang laki naman ng bahay" manghang tugon ni nanay

"Naku nay, hindi ka nanaginip. Sa atin yang napakaganda at malaking bahay. Ilang taon din yang pinag-ipunan ni ate. Di ba ate?" sagot naman ni April

"Opo nay. Sabi ko naman sa inyo eh. Aasenso tayo without their help. Sariling sikap at tiyaga ang pinuhunan ko rin diyan" paliwanag ko

"Naku anak. Salamat!" niyakap naman ako ni nanay

"Sali rin ako" yumakap rin ito

Kumalas ako sa yakapan, "Nay, magbubuhay donya ka na. You deserve this. Sana napasaya ko kayo"

"Anak, sobra-sobra na ito sa nagawa mo para sa amin. Napakasaya ko at mayroon akong anak na maunawain, matiisin, masipag, at higit sa lahat mapagmahal. Ako na ang pinakaswerteng ina sa mundo dahil mayroon akong mga anak na mabubuti" naiiyak niyang sabi

"Hay naku si nanay. Magdadrama na naman. Pumasok na lang kaya tayo" biro ni April

"Hay! Ikaw talagang bata ka. Panira ka sa moment ko" biro naman ni nanay

"Uy! Nag-english nanay. Maypa moment-moment pa siyang nalalaman. Improving ka na nay ha" tukso ni April

"He! Inaasar mo na naman ako. Tayo na nga sa loob"

Napangiti na lang ako sa inasal ni nanay.

--------------------------------

Nakatingin ako ngayon sa larawan ng nanay at kapatid ko. Kagabi pa ako iyak ng iyak dahil na rin sa masamang balita. Pinuntahan ko ang kompanyang pinagtatrabahuan ko at doon ko na na-confirm na wala na akong trabaho talaga.

Napaiyak na naman akong muli. Paano na ang pamilya ko? Lalo na ang kapatid ko na gagraduate na ng college. Paano ko pa masusustentuhan ang pangangailangan ng pamilya ko?

"Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito?! Bakit ba ang unfair mo...?"

"Sinisisi mo ba si Ama sa nangyari sayo?"

Napalingon ako sa nagsalita. Yung lalaki na naman na palaging nakikialam sa akin.

"Ikaw na naman?! Sugo ka ba niya ha?! Alam mo bang simula nung dumating ka, nagkadamalas-malas ako! Kaya sabihin mo diyan sa Diyos mo na wala siyang kwenta------"

"ENOUGH! Hindi ko na gusto yang tono mo ha! At wag mong isisi sa Diyos ang lahat ng masasamang nangyari sayo! Yang ugali mo! Alam mo, may pag-asa ka sana eh. Ayoko sanang sumuko sayo pero hindi na kita kakayanin. Ang sama-sama mo. Kinakain ka na ng galit mo. Nakakahina ka alam mo ba yun..."

"Hindi lahat ng tao, masama. Dahil ba ginawan ka ng masama gaganti ka na agad? Hindi ang paghihiganti ang solusyon para matahimik ka. At wag mong isipin rin na unfair ang Diyos sayo Feb. Lahat tayo, mahal niya. Sobra-sobra pa"

I smirk. "Sobra-sobra? Oh really? I doubt that. Sa pagkakaalam ko, pinabayaan niya kami. We suffered too much pain at ni isang dasal ko sa kanya, he didn't answer. Now tell me, paniniwalaan ko pa ba siya ha? Tell me!" sigaw ko sa kanya

"Minsan kasi, dapat matuto rin tayong maghintay ng tamang panahon"

"Right time. Right. Yan lang naman ang maiipapayo mo eh because you don't know how I felt. Para akong niloko. Sinaktan ng sobra-sobra. And you're saying I will wait for the right time? How ridiculous is that?"

"You're right. I didn't know your whole story because you never let me to know you. You and your pride who always welcome me. But the thing is, revenge is not a solution just to show to the people who broke you. It's the kind and pure heart that will heal everything that you are suffering. You have a heart like that. At naniniwala ako pati na si Ama na mabuti kang tao. You just lost your trust to Him. Promise Feb, God never leave our side. He is always there for us, to fight with us, to love us. We just need to let him help us, hindi mo Siya kailangang itakwil sa puso mo dahil lang ay nabigo ka niya o hindi niya dininig ang panalangin mo. Desisyon natin ang mismong makakapagbago ng mga plano niya sa atin. Desisyon mo na mapunta ka sa ganitong sitwasyon, kaya wag mong isisi sa kanya lahat"

"Sino ka ba talaga ha? Bakit ka ba nandidito? Sugo ka ba niya ha? Pinapunta ka niya dito para bilugin ang ulo ko?"

"Febbie naman o! Ang taas-taas ng speech ko hindi mo man lang inabsorb ang mga yun?"

"Sinabi ko bang magspeech ka ng napakahaba sa harapan ko?"

"Eh kasi ikaw eh. Ang tigas-tigas mo. Ang hirap mong aluin. Eh pati nga nanay mo dinamay mo pa sa kasungitan mo. Pinaglihi ka ba sa sili at masyado kang hot headed sa lahat ng nakakasalamuha mo?"

"It's none of your business! Just get lost!" sigaw ko sa kanya

"Ito naman oh. Hindi na mabiro. Pero sana may nakuha kang importante doon sa mga sinabi ko. Our destiny is already arrange according to God's plan, it depends to the people how they run their own fate. Ika nga, 'we had our free will'. Kaya, hindi lahat ng kamalasan ay isisi natin sa Kanya. I'm not saying that we're going to blame ourselves but just remind yourself that we are the one who made our choices. Kung sa pagkain pa, you have lots choices. It's either ham or dried fish. Ganun lang yun"

"Umalis ka na. Wag ka nang bumalik dito"

Agad akong tumalikod at tinungo ang hagdan. Ngunit nagsalita pa ito.

"Kahit na mahirap, hindi pa rin kita susukuan. Like God, he never lost faith na darating ang araw you will be back to Him. If nagchange ang mind mo at you're ready to be my friend, nasa kabilang bahay lang ako. Kumatok ka lang, I will be there to welcome you. Sige"

Nilingon ko naman siya pero wala na ito. Napakacreepy talaga ng guy na yun. At anong sabi niya, sa kabilang bahay? Agad ko namang tinungo ang kwarto ko at sumilip sa bintana.

Ngayon ko lang naalala. May kapitbahay pala ako. Pero sa pagkakaalam ko ay pag-aari yan ng isang sikat na singer. Naging haunted na kaya yan? Napansin kong may lumabas na lalaki. Mukha siyang familiar sa akin. Agad ko namang hinawi ang kurtina.

"Whatever. As if I care"

Lumapit naman ako sa kama ko at humiga. Medyo inaantok na rin ako dahil na rin sa kaiiyak ko. Sana mawala na ang sakit dito sa puso ko. Nakakapahod nang umiyak. Ayoko na.

-----------------------

A/N

Sorry sa late update. Medyo namental block ako these past few weeks about sa story na to. Sana tangkilikin niyo pa rin.

Aishiteru! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top