Chapter one
Sino ang may favorite ng ganitong pagkain? Yung fries i-di-dip sa chocolate sundae?
KUMAGAT si Greyson ng malaki sa aloha burger at tinatamad na ngumuya. Sinipat niya ang orasang-pambisig at napabuntong hiningang bumaling sa labas ng establisyementong kinaroroonan niya nang makitang alas sinco na. Kasalukayan siyang nasa Jollibee at inaantay ang mga kaibigan. Nakaupo siya sa pinakasulok ng fast food restaurant sa may glass panel. He cursed under his breath at muling kumagat ng burger. Kahit gaano kasarap ang kinakain niya hindi niya malasahan dahil sa pagkaasar sa mga kaibigan.
He waited for almost ten minutes at talagang hindi niya gusto ang naghihintay even a second. Humanda talaga sa kanya ang mga 'yon. Marahas niyang kinuha ang softdrink at sumisip saka pabagsak na inilapag ang softdrink. Ang tangka niyang pagsubo ng burger ay natigil nang mapansin ang isang babaeng may dala ng tray ng pagkain na tangkang uupo sa bakanteng mesa, isang mesa ang pagitan mula sa kinauupuan niya. Pero sa halip na umupo ay ipinaubaya nito ang seat sa costumer na isang matandang babae at batang babae na mukhang apo ng matanda.
The girl gave the old woman and the little girl a sweet smile — the kind one that can melt your heart. Naging dahilan iyon para lumitaw ang malalim na mga dimple nito sa pagkabilang pisngi that brings additional beauty to her face. Simple yet lovely! Iyon agad ang naisip niyang deskripsiyon para sa babae. Simple lang talaga ito. Jeans at simple white ladies shirt ang suot nito. Her hair was held in a bun at may mga hibla ng buhok na nakawala mula sa pagkakatali at lumugay ang mga iyon sa gilid ng pisngi nito.
The girl look around her and her gaze flew to his direction. A sweet smile appeared on his lips again again, she then strode to his direction.
"Pa-share na lang ah. Wala na kasing bakante." Anito na hindi tumitingin sa kanya. Nakatuon ang tingin nito sa pagkain na kasalukayang inaayos sa mesa saka umupo sa harap niya.
Napansin niyang may mababaw na cleft chin ito. That made her look more appealing. Ngumiti ito and damn her teeth! Pantay na pantay at tila perlas sa puti. Kinuha nito ang burger na katulad sa kanya ay aloha rin. Malaki itong kumagat, the sauce smeared from the corner of her mouth. Pinahid nito ng thumb-finger ang sulok ng labi at sinubo ang thumb-finger. Muli itong sumubo at saglit lang ay nangalahati agad ang burger. Kinuha nito ang tissue at nagpunas ng bibig bago uminom ng Coke Float. Ang French fries naman ang pinagtuunan ng pansin nito. Napakunot-noo siya nang kumuha ito ng dalawang pirasong fries at isawsaw iyon sa chocolate sundae saka kinain. Para itong sarap na sarap. May munting ngiting nakapaskil sa labi nito.
"Weird," he murmured. Nawala ang ngiti ng dalaga. Umangat ito ng tingin at nagtama ang mata nila. It's too late to look away dahil nahuli na siya nitong nakatingin. Their gazes locked, no one would dare to do the first move para umiwas ng tingin.
At hindi niya talaga gagawin ang umiwas ng tingin dito. It seemed like he was bewitched by her lovely, wide brown warm eyes. Nanlaki ang mata ng babae. Napahawak ito sa dibdib at parang nakikiramdam. Maya-maya lang ay umiwas ito ng tingin. Muli itong yumuko at kumuha ng fries at muling isinawsaw sa sundae. Sunod-sunod iyon saka sumipsip ng softdrinks at halos mangalahati iyon. Marahang natawa si Greyson sa ginawa nito. She looks tense but too cute.
Hindi na iba sa kanya sa tuwing may titig sa kanya. Ang susunod na gagawin ng babae sa tuwing titigan siya ay magpapa-cute na pero iba ang isang ito. Umiwas ng tingin at kung puwede lang na umalis o itago ang sarili ay ginawa na nito.
"I could feel the signs! God!" The girl uttered. Hindi naintindihan ni Greyson ang inusal nito.
"You might choke kapag hindi ka nagdahan-dahan sa pagkain." Hindi niya mapigilang sabihin. Napatingin ito sa kanya habang nasa bibig pa rin ang straw. Muling namilog ang mata nito na muli niyang ikinatawa. She really looks cute.
Parang nate-tense itong inilapag ang softdrink saka muling kumain ng fries. Ang weird talaga ng paraan nito ng pagkain ng fries. Na-curious tuloy siya kung ano'ng lasa ng French Fries na isinasawsaw sa sundae.
"It's really weird. Fries should dip in ketchup not in ice cream." Okay. Nagiging pakialamero na siya at hindi niya talaga gawain iyon. Pero paramg gusto niyang marinig ang boses nito. He had the urge to build a conversation between them and he had no any idea why. Muli itong tumingin sa kanya.
She opened her mouth but she pressed them together again.
"Maybe weird ka lang talaga." He said. C'mon, speak up!
"M-masarap.. Lahat naman gumagawa nito. Baka ikaw ang weird." She spoke softly. She had a voice of an angel. Humalaklak siya dahil sa sinabi nito. Again her eyes widened.
"Ano ba ang lasa?" he asked, placing his arms against the table. Looking at her face. Bigla-bigla ay naging interesado siyang makausap ito. Kumuha ito ng dalawang piraso at isinawsaw sa sundae saka iniumang sa kanya.
"Oh, tikman mo." Hindi niya inaasahan na susubuan siya nito. Tumaas ang sulok ng labi niya saka kinagat ang fries, muli ay namilog ang mata nito na parang nagulat sa ginawa niya. Her face flushed.
"B-bakit mo sinubo?"
"Inalok mo eh."
"Sabi ko kunin mo, hindi isubo." A flicker of surprise showed in her eyes. She looks around her worriedly and flickered her gaze back to him. Bakit nga ba niya na isip na susubuan siya nito? Oh! Such a stupid. Pero masarap nga fries na isinasaw sa sundae.
"Oh, kunin mo na 'to." Nanatiling nasa ere ang kamay nitong hawak pa rin ang fries na kinagat niya. His lips curved into a lop-sided grin and he could hear her gasp.
Bigla niyang isinubo ang fries na hawak nito, dumampi ang labi niya sa dulo ng daliri nito. At muli itong napasinghap. Kinuyom nito ang palad at dinala sa sariling dibdib and once again her eyes widened.
"Is that your habit to make your eyes wide open?" nakangiti niyang tanong.
"Grey!" Nilingon niya ang pinanggalingan ng tumawag sa kanya. Kumaway ang isa sa mga kaibigan niya habang papalapit sa kanya.
"Sorry, bro! Ang tagal kasi ng mga 'to eh!" sabi ni Jethro hustong makalapit ito.
"Woah! May date ka?" si Philip na nakatuon ang mata sa babae. Biglang tumayo ang babae. Kinuha nito ang bag sa upuan saka nagmamadaling umalis.
"Miss, wait!" Tawag niya pero hindi na siya nito pinansin pa. Mabilis itong lumabas.
Umupo si Jethro sa katapat niyang upuan kung saan nakaupo ang babae. Si Philip at Jace ay nanatiling nakatayo since dalawa lang ang upuan.
"Sino 'yon?"
"Hindi ko kilala at makikilala ko sana kung hindi kayo dumating." Humalakhak si Philip.
"Eh parang kanina lang halos lumabas ng ang apoy sa screen ng cellphone ko tuwing mag-te-text ka at magatatanong kung nasaan na kami."
"Kanina 'yon!" He said annoyed. Kinuha niya ang sundae at fries na naiwan ng babae at kinain. Katulad ng ginawa ng babae ay isinawsaw niya iyon. Napangiti siya pero bigla ulit umahon ang inis. Nang hihinayang siya dahil hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng babae. Malabo nang makita niya ulit iyon.
There's something about the girl disturbed him.
"Love at first sight." Naputol ang daloy ng isip niya nang magsalita si Jethro. May nakakalokong ngiting nakapaskil sa labi nito.
"Okay, pa-cheese burger! In-love na si Greyson Cole!!" Palatak ni Philip.
"Mga taratando!" Nakangisi niyang sabi.
CATHY stared blankly habang nakaupo at iniisip ang lalaki sa Jollibee kanina. Lahat ng sign na matagal niyang pinanabikang maramdaman ay naramdaman niya kanina sa isang iglap lang. Hindi siya maaring magkamali. Paulit-ulit niyang binasa iyon sa isang article at kabisadong-kabiso niya ang mga nakasulat doon.
- Instant Recognition
When you meet the eyes with your twin flame for the first time you will feel that you recognize them in a deep way despite never having seen them before. Even their voice or laugh may sound familiar. At naramdaman niya iyon.
When their gazes locked her heart was pounding crazily inside her chest. Ang sikmura niya parang may nagwewelgang mga paru-paru. Noong tumawa ang lalaki, parang boses ng anghel ang narinig niya. Parang kilala niya ang bose nito, ang tawa at ang mata ng lalaki. Marahil ay nakilala na niya ito sa kanyang panaginip.
"Hoy!" halos malaglag siya sa kinauupuang selya ng itulak siya ni Joanna. Ang bestfriend niya. Kapitbahay niya lang ito. Nang lumipat sila nang Morayta ay agad niyang nakilala si Joanna.
"Tulala ka?" untag nito saka umupo sa harap ng desk. Kasalukayan siyang nasa shop nila. Isang maliit na portrait painting shop ang pag-aari nila. May Xerox copy machine din sila at printing machine since malapit lang sila sa mga unbersidad.
Binuhay lang niya ang naturang shop dalawang taon na ang nakakaraan. Ang ama niya ang talagang may-ari ng shop. Binata pa lang ang kanyang ama noong magbukas ito ng shop. Pero isinara raw ito at nag-focus sa furniture business at nanirahan sa Baguio kung saan nakatira ang kanyang ina. Pinaupahan na lang ang bahay nila dito sa Morayta pati na ang puwesto. Nasa taas lang ng shop ang kanilang bahay.
Bumalik sila ng Maynila isang taong gulang siya at sa Quezon City sila nanirahan noon. Pero nang mamatay ang kanyang ama labing apat na taon na ang nakakaraan ay bumalik sila sa lumang bahay. Ang ama niya ang nag-pe-paint noon at nang ma-discover niya na namana niya ang galing ng papa niya sa pagpipinta ay itinuloy niya ito. Muli niyang binuhay ang shop sa orihinal na pangalan — Destined Flame Painting shop.
Naniniwala ang kanyang ama sa twin flame soul mate at ang madalas nitong ipinta noon ay pawang larawan ng isang babae na nakikilala raw nito sa kanyang panaginip. Pero hindi malinaw ang mukha ng babae sa panaginip niya kaya nang ipinta raw ng kanyang ama ang babae ay basta na lang iyon ang lumabas na mukha at hindi siya makapaniwala na kamukhang-kamukha iyon ng kanyang ina.
Doon lumakas ang kanyang paniniwala sa twin flame. Pero siya.. Hindi niya napapanaginipan ang twin flame niya. Pero kanina ay nakita niya na ito. Katulad ng kanyang mommy ay nineteen ito at ang kanyang daddy ay 21 nang magkakilala at sa mismong lugar din na iyon. Pero hindi pa nga lang iyon Jollibee kundi isang maliit na restaurant. Tama! Siya na talaga ang twin flame ko.
"Hoy!" Hinampas ng kaibigan niya ang desk para gisingin ang naglalakbay niyang diwa.
"Bess, nakita ko na siya." Napakunot-noo ang kaibigan niya.
"Sino?"
"Ang twin flame ko." Binigyan siya ng "Weh 'di nga" look ng kaibigan niya.
"Seryoso! Sa Jollibee kanina, bess, nakasabay ko kanina sa pagkain. 'Yong kabog ng dibdib ko, iba. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Totoo ang twin flame at siya 'yon, sigurado ako."
"Ano'ng pangalan? Tinanong mo ba?"
"Hindi eh. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nang dumating ang mga kaibigan niya bigla na lang akong umalis. Paano ko siya uli makikita?" Natahimik si Joanna. Mataman siyang tinitigan ng kaibigan.
"Paano—"
"Mga besss! May ganap kanina! May nakita akong afam sa LRT! Pak na pak! Naniniwala na uli ako sa sinasabi mong twin flame. Naramdaman ko kanina ang mga signs!!" Cathy and Joanna winced upon hearing Raymond's statement. Their gay friend at katulad ni Joanna ay kapit bahay lang din niya. Ilang beses na nilang narinig sa kaibigan niyang ito ang ,mga salitang 'yan. Sa tuwing may makikitang guwapo, pinaniniwalaan nitong twin flame nito.
"Lahat namang makita mo ganyan ang sinasabi mo. At kapag nakapagpa-booking ka na at nilayasan ka na ng mga lalaking 'yan sasabihin mo hindi totoo ang twin flame!" nakaismid na sabi ni Joanna.
"Naku! KJ.." umirap ang bakla. Nailing na lang si Cathy.
"Itong si Cathy.. nakita na raw niya ang twin flame niya kanina. Naramdama niya raw ang mga signs." Nanglaki ang mata Raymond sa sinabi ni Joanna at mabilis siyang tiningnan. Nangungumpirma ang paraan ng pagtitig nito. Marahan siyang tumango.
"Kyaaaaahh!!! Totoo!? Ano'ng itsura? Afang ba?" eksaheradang tili nito.
"Raymond, puwede ba 'wag ka ngang OA!" Bagamat may paninita sa boses niya ay nakangiti naman siya.
"Ano'ng nangyari? Baka naman akala mo lang 'yon."
"Totoo, 'yong sinasabi nila na kapag nakita mo ang taong nakatakda sa 'yo ay may conversation na magaganap. Unusual Meeting ang tawag doon. Twin flame will meet under strange and unusual circumstances or coincidences, perhaps both doing something they would not normally do. Nangyari 'yon,"
"Baka naman nagtanong lang sa 'yo kung anong oras 'convo' na 'yon sa 'yo!" Raymond said.
"Hindi. About sa chocolate sundae at fries ang pinag-usapan namin. Sabi niya ang weird daw ng paraan ko ng pagkain ng French fries kaya sinubuan ko siya para malaman niyang—"
"Huwat! May subuang naganap! Agad-agad!!" marahan siyang natawa at pinalo si Raymond na humawak pa sa dibdib.
"Ano ba! Hindi gan'on 'yon! Inabot ko sa kanya 'yong fries akala niya siguro susubuan ko siya kaya kinagat niya habang hawak ko. Kitam, isa 'yon sa sign, na may mangyayari sa pagitan niyong dalawa sa unang pagkikita pa lang."
"Tapos ito pa. N'ong lumapat ang labi niya sa daliri ko—"
"Huwattt!! Subuan ng french fries lang kanina tapos ngayon subuan ng daliri na! Ay ateng! Ang bilis ah!" Malakas niyang pinalo si Raymond sa likod ng balikat at natawa siya n'ong todo.
"Umayos ka nga! Patapusin mo kasi ako. Ganito kasi 'yon.. Alangan naman kasi kainin ko pa 'yong kinagatan niyang fries, edi ibinigay ko sa kanya, pero instead na kunin niya, ngumiti siya.. Yung lop-side smirk, bakla, at iba ang dating ng ngiti niya. The best grin ever, bakla. Tapos bigla na lang niyang isnubo ang—"
"Ang daliri mo?"
"Ang french na hawak ko! Umayos ka bakla naiinis na ako sa 'yo!" Sita niya rito.
"Ito kung maka-react. Eh 'buti nga si Cathy subuan lang ng French Fries, eh ikaw?" nakakalokong ngumiti si Joanna.
"Ano ako?" hamon na tanong ni Raymond.
"Nagsusubuan kami ng popsicle, banana flavor." Taas kilay na sabi ni Raymond sabay kunyaring flipped ng buhok na panglalaki naman ang gupit. Muli siyang binalingan ni Raymond.
"Ano naman ang pakiramdam n'ong isubo niya ang daliri mo, este n'ong dumampi ang labi niya daliri mo?" tanong ni Raymond.
"Spark. May spark at biglang parang nanulay sa buo kung katawan at lalong kumabog ang puso ko. Hayy! Paano ko kaya uli siya makikita?" she said dreamingly.
"Gusto mo talaga siyang makita ulit?" tanong ni Joanna at mataman siyang tinitigan.
"Siya ang twin flame ko at nakatakda kami para sa isa't isa."
"Paano si Jackson?"
"Oh!" She groaned as she realized that she wasn't single anymore. May boyfriend na nga pala siya. Si Jackson, ang two months boyfriend niya. Bakit nawala sa isip niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top