Chapter four


CATHY wandered her eyes through the darkness of the bar. His gaze searched out for Jackson. Niyaya siya nitong sumama sa bar pero tinanggihan niya ito. Guilt suddenly filled her. Hindi man lang niya napagbibigyan ang kasintahan kahit na isang beses sa tuwing magyayaya ito. Kaya nagpasya siyang puntahan na lang ito.

"Phillip!" She yelled through the loud sound nang ma-spot-an niya si Phillip na papunta sa direksiyon niya.

"Oh Cathy."

"Nasaan si Jackson?"

Lumingon ito sa likuran. "Doon ang table. Punta ka na lang d'on, ihing-ihi na ako."

Natawa siya. "Sige na at baka maihi ka pa sa pantalon."

Nagmamadali itong nagtungo sa CR at siya naman ay tinungo ang table na itinuro ni Phillip. Nakita niya si Jace na may kausap na babae o mas tamang sabihin ka-flirt. Halos maglingkisan ang dalawa.

She averted her gaze to another couple. A man was sitting on the couch while the girl straddling on his lap and obviously kissing. Nakasuporta ang kamay ng lalaki sa likod ng babae at ang isang kamay nito ay nasa lantad na hita humaplos. Naka-short lang ang babae.

The girl cocked her head to the right side, revealing the man face to her. Cathy's eyes nearly popped out of her head nang makilala ang lalaki. Si Grey.

Nanglaki ang mata ni Grey nang makita si Cathy. Tumigil ito sa pakikipaghalikan at halos isalya ang babae sa upuan. Agad na tumayo si Grey.

"Cathy, hi.. um.. ano'ng ginagawa mo dito?"

"Um.. hinahanap ko si Jack." Aniya at nahihiyang umiwas ng tingin, pero medyo nakaramdam siya ng inis na hindi niya alam kung bakit.

"Umuwi na siya. Kanina-kani lang."

"Gan'on ba. Sige, uuwi na lang ako." Mabilis siyang tumalikod at walang lingon-lingon na lumabas ng bar at agad na humigit na malalim na hininga.

"Such a playboy!" She uttered in annoyance.

"Hatid na kita." Halos mapatalon siya nang marinig ang boses ni Grey mula sa likuran. Hinarap niya ito at halos isang pulgada na lang pala ang layo nito sa kanya kaya napaatras siya.

"Hindi na." Matabang niyang sabi sabay talikod. Pero naramdaman niya ang kamay nitong lumapat sa likod niya at marahan siyang itinulak to move forward.

"Ano ba? Sabi ngang hindi! Balikan mo na lang ang babae mo d'on at baka mabitin ka pa."

Grey just laughed as he continued dragging her to his car. Wala na siyang nagawa pa nang pagbuksan siya nito ng pinto sa passenger's seat.

"Hop in, twin flame." Nanglaki ang mata niya sa sinabi nito and he just shot her a mischievous wink.

"Sakay na." Ulit nito. Wala sa sariling sumakay siya ng kotse na iniisip ang sinabi nito.

"Strick girlfriend huh!" His voice snapped her out of her thought. She spinned her head to him. The corner of his lips rose.

"Hindi ako strick. Pero sa tingin ko nga dapat akong maging strick lalo kung ikaw ang laging kasama ni Jack." Tumawa ito saka binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar iyon.

"I am a good boy, Cathy," he said as he maneuvered the car on the road.

"Yeah right!" She uttered sarcastically that made him laugh again.

"Saan pala kita ihahatid?" Umirap siya sa hangin at muli niya itong narinig na tumawa.

Mga three weeks na rin niya itong hindi nakakausap o nakakasama man lang. Nang huling makasama niya ito ay noong sa Jollibee pa. Parang umiiwas nga sa kanya pero baka nagkakataon lang na sa tuwing naroroon siya ay nagmamadali itong umalis.

Bakit naman ito iiwas sa kanya 'di ba? O baka naman umiiwas nga ito dahil sa tuwing makikita siya nitong kasama si Jack ay naipapamukha dito how Jack was lucky for having a perfect girlfriend like her. She almost laughed at the thought. Ang kapal ng mukha niya.

"You are lovelier when you are smiling." Natigilin siya at napahawak sa mukha. She didn't realize na malapad na pala siyang nakangiti.

"Just keep on driving. At 'wag mo akong sinasama sa mga binubola mo, Grey!" Naka-ismid niyang sabi at muli lang itong tumawa.

She let out a quick huff. Pero okay na rin na hindi sila nito nagkakasama. At least mawawala na ang pag-ka-crush niya dito. At salamat na rin sa nakita niya kanina sa bar dahil nakaka-turn-off iyon.

Sinabi niya kay Grey ang address niya. Nang maihinto ni Grey ang sasakyan sa tapat ng bahay nila, agad itong huminto at tumakbo sa passenger's seat at pinagbuksan siya.

Nang makababa ay agad siyang nagpasalamat dito.
"Hindi mo ba ako aaluking pumasok? Offer me a cup of coffee?"

Her brow cocked. "Wala kaming asukal," masungit niyang sabi at tangkang lalagpasan na ito pero iniharang ni Grey ang isang braso. His both hands were on the either side of her, caging her.

"Bakit biglang ang sungit mo?"

Napalunok si Cathy nang ilapit pa nito ang mukha sa kanya. Parang biglang nanginig ang mga tuhod niya nang masamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Lalo na ang titig nitong tila nanunuot ka kaluluwa niya.

"Naniniwala ka bang ako ang other half mo, Cathy?"

"What?" She asked, creasing her brows.

"Twin flame mo."

"O-of course not.." she stammered.

Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking 'to? She almost cursed nang maalala ang insidente sa Jollibee noon. Nang banggitin ni Reymond ang tungkol sa twin flame.

She moved forward, pushing him away but that was her wrong move. Hindi man lang ito at natinag at ang mas malala ay lumapat ang labi nito sa kanyang panga.

She clutched her fingers against his shirt when his lips skimmed along her jaw line. Her heart thumping nervously as she felt his warm breath fanning her sensitive skin.

"Cathy.." napapikit si Cathy nang iusal nito ang pangalan niya. His voice was deep, manly and attractive.

Grey gently cupped her chin and she felt his warm breath touched her lips. Cathy slowly open her eyes only to see Grey's dark chocolate eyes intently staring at her.

Napaawang ang labi niya. Gusto niyang iusal ang pangalan nito pero nabitin ang lahat ng sasabihin niya ng lumapat ang labi nito sa kanya.

She froze. Her knees wobbly. Her heart pounding even more. Lalong humigpit ang kapit niya sa t-shirt ni Grey banda sa dibdib nito.

Nang maramdaman niya ang labi ni Grey na nagsimulang gumalaw ay buong lakas niya itong itinulak. Mabilis siyang tumakbo sa maliit na gate ng bahay nila. Mabilis niya iyong binuksan pero bago pa man siya makapasok ay napigil na siya ni Grey. Hinawakan siya nito sa braso.

"Cathy, I'm sorry." Ipiniksi niya ang braso.

"Cathy, sandali mag-usap tayo," pakiusap ng lalaki at muli siyang hinawakan sa braso pero buong lakas niya itong sinampal.

"Umalis ka na! 'Wag mo akong paglaruan! 'Wag mo akong isinasama sa mga pinaglalaruan mong babae! Grey, girlfriend ako ng kapatid mo tapos babastusin mo ako ng gan'on!" Sigaw niya sa natigalgal na lalaki.

Pumasok siya ng maliit na gate at tumakbo ng hagdan para marating ang ikalawang palapag kung nasaan ang bahay nilang nasa taas ng painting shop.

She hates him pero mas galit siya sa sarili niya dahil sa kakaibang pakiramdam na naghahari sa puso niya. Iyong pakiramdam na tila nagustuhan niya ang halik nito. Iyong tipong gusto niyang patagalin ang pagkakalapat ng labi nila. Palalimin ang halik. She felt disgusted of what she had done. Ang cheap-cheap niya. She has a boyfriend and yet she let Grey kissed her, ang kapatid ng boyfriend niya.

NAITUKOD ni Gray ang isang kamay sa gate na nakapinid. Ano ba ang naisipan niya at ginawa niyang halikan si Cathy? Mula nang malaman niyang girlfriend ito ng kapatid ay ginawa niyang lahat para iwasang makasama ito para makalimutan niya ang nararamdaman para sa babae.

Sinubukan niyang ibaling ang atensiyon sa kung sino-sinong babae. Sinubukan nga niyang hanapin sa ibang babae ang katulad ng nararamdaman niya kay Cathy pero wala eh. Tanging kay Cathy lang niya naramdaman ang gan'on.

Nang magkalapit sila kanina hindi niya mapigilang halikan ito. He tried to fight the strong urge to kiss her but he failed. At ngayon ay parang lalong lumalim ang nararamdaman niya sa babae.

"F-- you, Grey!" Mura niya sa sarili at sumandal sa gate. Ilang sandali siyang nasa gan'ong posisyon bago tinungo ang sasakyan. Tumingala siya sa bintana ng bahay nila Cathy bago tuluyang sumakay.

CATHY was crying silently as she's peeping out through the window, hiding herself behind the curtain. Nakita niyang tila bagsak ang balikat ni Grey na sumakay ng sasakyan.

"Bakit kailangan pa kitang makilala, Grey? Bakit sa'yo ko 'to nararamdaman? Bakit hindi na lang kay Jackson?"

"Cathy." Mabilis niyang pinunas ang luha niya nang marinig ang boses ng kanyang mama.

"Bakit hindi ka nagbubukas ng ilaw na bata ka? Ano ba ang ginagawa mo riyan?" Binuksan nito ang ilaw saka siya humarap nang masigurado niyang wala ng bakas ng luha sa pisngi niya.

"Um.. nagpapahangin lang po, ang init kasi. Sige po, mama, matutulog na ako." Nilagpasan na niya ang ina at tumuloy sa silid.

BITBIT ang isang backpack patakbo siyang bumaba ng hagdan. Halos hindi siya magkandaugaga sa pagbibihis kanina dahil late na siyang nagising. Ngayon sila pupunta ng farm nila Joanna. Halos alas quatro ng umaga na siyang natulog dahil sa kakaisip sa nangyari sa pagitan nila ni Grey kagabi.

Nasa baba na ang sasakyan na gagamitin nilang papuntang Atemonan. Agad niyang itinulak pabukas ang maliit na gate pagbaba niya ng hagdan. Ang gate ay nasa mismong paanan ng hagdan na papaakyat sa bahay nila. Nasa gilid lang ng kalsada ang kanilang bahay.

Nang maisara ang pinto ay agad siyang tumakbo sa sasakyan at agad namang bumukas ang sliding door. Nakangiting si Jackson ang bumungad sa paningin niya.

"Good morning." Jackson greeted her and took her bag from her. Initsa nito ang bag niya kay Grey na katabi lang nito.

Napatingin siya kay Grey na nakatingin din sa kanya. Agad niyang iniwas ang tingin dito saka pumasok ng sasakyan.

"Mukhang puyat ka, Cathy, ah. Siguro hindi ka pinatulog ni Jackson kagabi 'no?" Puna ni Reymond na may kalakip na pagbibiro. Nakaupo ito sa likod kasama si Joanna, Jace at Jetro. Sa harap naman ay ang magkaibigang Vien at Brenda at si Phillip naman ang nagmamaneho na pinausad na ang sasakyan.

Sa halip na patulan ang pagbibiro ni Reymond ay yumakap siya kay Jackson pagkatapos maisara ang pinto ng van. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng kasintahan.

"'Problem, Cath?" Jackson asked, planting a tender kiss on the top of her head as he caressed her back.

"Inaantok ka ba? Tama nga si Reymond, mukhang puyat ka." Umangat siya ng mukha at tiningnan sa mukha si Jackson. Punong-puno ng guilt ang puso niya.

Guilt hindi lang dahil sa ginawang paghalik ni Grey kundi dahil sa nararamdaman niya para kay Grey.

"I'm sorry," she said, almost whisper. Masuyong hinawakan ni Jackson ang pisngi niya.

"Sorry for what?" Marahan siya nitong hinalikan sa noo. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito at kaba. Muli siyang yumakap sa binata.

Napabuntong hininga ito at mahigpit siyang niyakap.

"Have you met your twin flame already?" Bulong nito sa mismong tainga niya. Lalo niyang isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Gusto niyang maiyak bigla.

Inilapit niya ang bibig sa may leeg nito.

"No. Hindi totoo ang twin flame." Kung totoo man iyon kailangan ba talaga sa ganito sila pagtagpuin? Yung magkaka-boyfriend siya at after a few months ay makikilala niya ang isang tao at mararamdaman ang lahat ng signs na hinahanap niya and the worst was she found out na kapatid ito ng current boyfriend niya.

"Hindi ka na naniniwala sa twin flame?" Mahina ang boses ni Jackson na parang sinisigurong walang makakarinig. Umiling si Cathy.

"Does it mean ako na talaga ang para sa 'yo? Hindi mo na ako hihiwalayan tulad ng napag-usapan natin?"

Hindi siya umimik. Alam ni Jackson ang paniniwala niya sa twin flame. Nang ligawan siya nito ay hindi niya itinago rito ang paniniwala niya sa twin flame. Na hindi niya puwedeng payagan ang lalaki na manligaw sa kanya dahil inaantay niyang dumating ang destined para sa kanya.

But Jackson was persistent. Manliligaw pa rin daw ito sa kanya dahil malay raw niya, baka bago pa man dumating ang twin flame niya mahal na niya ito at mas piliin na niya ito kaysa sa twin flame na sinasabi niya.

Umabot nang dalawang buwan ang panliligaw sa kanya ni Jackson. Parang ayaw niya ng maniwala sa twin flame ng mga panahon na iyon. Tinanong siya ni Jackson minsan kung wala raw ba talaga itong pag-asa sa kanya. Sinabi niya kay Jackson na kung hindi lang talaga siya naniniwala about sa twin flame ay sasagutin niya ito. Jackson was perfect, wala ka ng hahanapin pa.

Hindi niya makakalimutan kung paano silang naging mag-on ni Jack.

"Why don't we try, Cath? Subukan lang natin. Maging mag-on tayo. At kapag nakilala mo ang destined para sa 'yo at gusto mo ng makipaghiwalay sa 'kin, hindi kita pahihirapan. I'm willing to give on you. No hurt feelings."

Pumayagag siyang makipagrelasyon kay Jack. Kung tutuusin ay puwede naman siyang makipaghiwalay dahil iyon ang usapan nila pero parang hindi niya kaya. Alam niyang masasaktan si Jack at nahulog na rin ang loob niya sa lalaki. At mas lalong hindi niya kayang hiwalayan ito kung dahil kay Grey.

Si Grey ang pinaniniwalaan niyang destined para sa kanya dahil lang iyon ang nararamdaman niya. Pero ang tanong, mutual ba sila ng nararamdaman ng lalaki. Ipinilig ni Cathy ang ulo paharap sa unahan at hindi sinasadyang mapatingin sa rearview mirror. Nakita niya si Grey na nakatingin sa kanya mula sa salamin. Muli niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Jackson. Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Grey.

PAGKATAPOS NG tatlong oras na byahe, inihinto ni Phillip ang sasakyan nang may makitang Jollibee. Gutom na raw ito at kahit ang lahat ay nagrereklamo na rin. Bumababa si Joanna at Cathy na siyang nagpresentang bibili ng pagkain sa naturang fastfood chain.

"One fiesta meal to go!" Sabi ng cashier habang nakatapat ang bibig sa maliit na microphone bago nito ginawa ang iba pang order nila.

"Hintayin kita sa table, Jo," paalam niya kay Joanna.

Umupo siya sa bakanteng mesa. Hindi pa man siya nagtatagal mula sa pagkakaupo ng may umupo sa katapat niya.

"Grey!" She gaped at him. Grey took her hands.

"Cathy, mag-usap tayo, please." Pilit niyang inagaw ang kamay mula sa pagkakahawak nito pero hindi nito iyon pinakawalan.

"Grey, ano ba?"

"Please!" Pagsusumamo nito. Saglit siyang hindi umimik. She breathed out, surrendering. Lumuwag ang hawak nito sa kamay niya at agad niyang hinila ang kamay niya.

"Cathy, I'm sorry sa nagawa ko. Hindi ko--"

"Hindi mo sinasadya dahil lasing ka. Okay na, Grey. Kalimutan na natin ang nangyari." She pushed herself up from her seat and headed outside.

Bumalik siya ng sasakyan. Kung saan nakaupo si Grey kanina ay doon na siya umupo. Ilang sandali lang ay dumating si Joanna kasama si Grey na bitbit ang take out na pagkain mula sa Jollibee.

She tried her very best to avoid his eyes. Alam niyang nakatingin ito sa kanya. Umupo si Grey sa kung saan siya nakaupo kanina.

They distributed the food.

"Oh heaven, hmm!" Phillip said happily as he munched on his Jolly hotdog. 😂😂😂

"Thanks, Jollibee for making people's life easier." Jace said and took a big bite of his Aloha.

Inalok ni Jack ng french fries si Cathy but she refused it. Wala siyang ganang kumain.

"Cath, is there something wrong? Alam ko mayroon. Sabihin mo sa 'kin."

"Jack, wala. Medyo inaantok lang talaga ako. 'Wag mo akong alalahanin."

Hindi na umimik si Jack at kumain na lang din. Yumuko siya pero ilang sandali ay napangiti si Cathy nang may makita siyang chocolate sundae sa harapan niya na may maraming nakatusok na French Fries.

Nakangiti niyang binalingan si Jack na siyang inakala niyang nag-abot sa kanya ng sundae but her smile slowly faded as she found out na hindi si Jack ang nag-abot ng sundae kundi si Grey.

Wala sana siyang balak kunin iyon but Grey mouthed "please." Muli niyang tiningnan ang sundae na hawak pa rin ni Grey at kinuha iyon.

Kumuha siya ng isang fries at kumagat. Napangiti na lang siya at napabuntong-hininga.

____

#MunchPhillip'sJollyHotdog
#Jollibee
#StressAngBrainCellsKoKakaisipNgSceneSaJollibee
#Haha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top