Chapter 13

GREY left Cathy in the kitchen when they heard the door bell rang, he went to answer it. As soon as he opened the door his thick brows knitted together as he saw Carlos standing in front of the open door with a basket of fresh strawberries and a few jar of strawberry jam in his hand. Nasa iisang basket ang fresh strawberries and jam.

"Magandang umaga, sir, nandiyan po si Cathy?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa narinig kahit pa ba magalang itong nagtatanong. He doesn't like the idea na may ibang lalaking naghahanap kay Cathy.

"Wala siya rito!" He lied and he doesn't even care.

"Carlos!" He flinched upon hearing Cathy's cheerful voice. Tinitigan naman siya ni Carlos at alam niyang kalakip ng titig na iyon ay panghuhusga.

"Hi, pasensiya ka na nga pala sa kahapon." Cathy apologized that made him want to curse.

"Ayos lang, dinala ko lang pala ito," itinaas nito ang basket na dala, " Iyong mga pinitas mo at ang ginawa nating strawberry jam."

"Wow! Thank you! Halika muna pasok ka, gumawa ako ng strawberry crepe, halika."

Kapag pumayag ang lalaking 'to na pumasok at makimeryenda babangasan talaga niya 'to.

"Naku, wag na!" Good.

"Sige na, Carlos, huwag ka ng mahiya." Hinawakan ni Cathy sa braso ang lalaki at hinila papasok. Naiwang napatanga si Grey.

Walang nagawa si Grey kundi ang bumuntong-hininga na lang. Sumunod siya sa kusina. Kasalukuyang nakaupo si Carlos sa mesa na nasa malapit sa kusina at pinaghahandaan ni Cathy ng meryenda.

Hinila niya ang silya at pabagsak na umupo.

"Go! Kain. Huwag kang mahiya, Carlos." Ani Cathy nang maupo sa kaharap niya. Masiglang-masigla ang dalaga.

"Kitten, gusto ko rin ng strawberry crepe." Matamis na ngumiti si Cathy sa kanya saka itinulak papunta sa kanya ang platong naglalaman ng strawberry crepe.

Pambihira! Si Carlos nilagyan sa plato tapos siya gan'on lang. Padabog siyang kumuha ng strawberry crepe saka inilagay sa plato. Gamit ang tinidor ay sumubo siya ng malaking hiwa ng strawberry crepe.

"Gawa mo talaga 'to, Cathy? Sobrang sarap!" Nasisiyahang ani Carlos pagkatapos sumubo ng crepe.

"Ngayon lang ako nakakain nito." Dagdag nito habang nginunguya ang laman ng bibig.

"Salamat. Bukas punta ka ulit gagawan kita habang nandito pa kami." Binagsak ni Grey ang tinidor sa plato saka sumandal at walang ganang nginuya ang laman ng bibig.

"Grey, problema?" Tanong ni Cathy nang mapunta ang busangot niyang mukha

"Nothing!" Sagot niya sa pagitan nang pagnguya.

Ang iritasyon niya ay nawala at halos mapahagalpak siya ng tawa nang sa kalagitnaan ng kanilang meryenda ay matapunan ng iniinom na juice si Carlos sa damit.

"Tanga!" Bulong niya pero sapat para marinig iyon ni Cathy at alam niyang narinig din iyon ni Carlos dahil sinamaan siya ng tingin ni Cathy.

Nagkibit balikat siya at kinuhang muli ang tinidor at nasisiyahang sumubo ng crepe.

"Grey, baka puwedeng pahiramin mo si Carlos ng T-shirt."

Nabitiin ang tangka niyang pagsubo at nakakunot-noo niyang sinulyapan si Cathy pero pinangdilatan siya ng dalaga.

"Huwag na, Cathy," tanggi ni Carlos. Mabuti at marunong mahiya.

Hinubad nito ang T-shirt. Napatuwid ng upo si Grey nang makita ang katawan ng lalaki. May malaking katawan ito at marahil dahil batak sa trabaho kaya perpektong nahubog ang katawan.

Agad niyang inilipat ang tingin niya kay Cathy para tingnan ang reaksiyon nito.

Nakatingin ito kay Carlos na ikinainit lalo na ng ulo niya.

"Cathy!" Kuha niya sa atensiyon ng kasintahan. Pinangdilatan niya ito nang dumapo ang tingin nito sa kanya.

"What?" Tila naiinis na tanong ni Cathy.

LUMANGITNGIT ang pinto ng silid na ukupado ni Cathy. Alam niyang si Grey lang iyan. Hindi siya tuminag sa pagkakahiga. Bahala si Grey sa buhay nito. Naiinis talaga siya sa binata dahil sa pambabastos nito kay Carlos kanina kahit wala namang ginagawa ang huli. Kulang na lang ay diretsahang sabihin ni Grey na lumayas si Carlos.

Nanatiling nakapikit si Cathy kahit naramdaman niya ang paglubog ng kama sa likuran niya at hindi nagtagal ay naramdaman niyang humiga ito sa tabi niya at isiniksik ang katawan sa likod niya sabay akap ng isang braso sa katawan niya.

"Kitten, galit ka pa? Sorry na." His voice so gentle and she likes it pero hindi pa rin niya ito papansinin.

Dumampi ang labi ni Grey sa balikat niya.

"Kitten, I know you still up, c'mon talk to me, please," he begged.

Ipinasok ni Grey ang sarili sa comforter na nakapaibabaw sa katawan niya. Nanigas ang katawan niya nang yakapin siya ni Grey. She suddenly felt uncomfortable at his hug. Nasa iisang kama sila at napakadilim na silid kaya naman ang focus ng utak niya ay nasa bawat galaw ni Grey. Rinig niya ang tibok ng puso nila na humahalo sa kanilang malamyos na paghinga.

"Cathy, love, please talk to me.." he purred at the back of her ear like a wild cat habang ang kamay nito ay masuyong humaplos sa braso niya.

Nagpasya siyang magsalita na dahil para na siyang nasu-suffocate.

"Grey, I'm not mad, just go back to your room."

"You are still angry, halata sa boses mo, eh."

She didn't intend to be sound mad. Marahil sa pagpigil niya sa kanyang paghinga habang nagsasalita ay iyon ang kinalabasan.

"Grey, hindi ako galit, sige na, alis na inaantok na ako." Hindi umimik si Grey. Maya-maya ay bumangon ito, akala niya aalis na pero laking gulat niya nang hatakin nito ang comforter at dumagan sa kanya. Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya.

"God, Grey, ano ba ang ginagawa mo?" Halos hindi na siya makahinga. Lahat ng pinong balahibo niya sa katawan pakiramdam niya ay nagsitayuan. Kakaibang kiliti ang hatid ng pagkakadikit ng mukha nito sa leeg niya.

"Kausapin mo ako. Ayaw kong nagagalit ka sa akin. Please, Kitten." Para itong batang nagsusumamo. Bumuntong-hininga siya at masuyo niya itong niyakap at hinaplos ang likod tanda ng pagsuko.

"Hindi naman talaga ako galit. Mali lang talaga ang ginawa mo kay Carlos. Pinakita mo sa kanyang hindi siya welcome dito. Nakakahiya." Umangat ng mukha si Grey. Hindi naman nila makita ang mukha ng isa't isa pero alam niyang magkatapat ang mukha nila.

"I'm sorry, masyado lang akong kinakain ng selos. You introduced the jealousy to me. I hate seeing you with someone else. Pakiramdam ko aagawin ka nila sa 'kin."

Ginagap niya ang mukha ni Grey sa dilim.

"Walang aagaw sa 'kin, Grey, at hindi ako magpapaagaw kahit na kanino. Mahal na mahal kita. Hindi ba iyon sapat para hindi ka na magselos?"

Naramdaman niya ang paggalaw ng dulo ng mga labi nito. He smiled.

"Sandali, bubuksan ko ang ilaw."

"No!" Mabilis niyang pigil sa binata.

"Why? I wanna see your face." Umangat ito nang kaunti sa pagkakadagan sa kanya.

"Grey--" before she could even protest the light spread throughout the room. Binuksan nito ang lamp shade na nakapatong sa side table. Napapikit siya nang madiin hindi dahil sa nasisilaw siya kundi ayaw niyang makita ang reaksiyon ni Grey dahil sa suot niya

Cut scenes......

Go to the "The cut scenes of Destined flame" Ito ang cover. Bawal kasi ang too much kissing scene dito. Aalisin nila sa winner list ang story.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top