Chapter 10

TUMAYO si Cathy  mula sa kinauupuan nang matapos ang basketball  game. Nanalo ang  eskuwelahan nila laban sa kalabang University. Gusto niyang lumapit kay Grey pero hindi niya magawa. Nasa ikatlong row sila ni Joanna nakaupo. Kumaway sa kanya si Grey at kumindat.

Kumabog bigla ang dibdib niya. Natatakot siya na baka malaman ng iba ang tungkol sa relasyon  nila. Pumayaga na siya sa gusto ni Grey. Alam niyang maling pumayag siya pero mahal niya talaga si Grey.

"Nakita mo 'yon? Gosh! Sino ang kinindatan niya?" Tanong ng babaeng katabi niya sa upuan. Napayuko na lang si Cathy. Siniko naman siya ni Joanna kaya nag-angat siya ng mukha.

"Ikaw ba ang kinindatan?" Bulong nito.

"H-ha? Hindi 'no?"

"E sino?"

"Malay ko."

"Aah, baka si Vien. Sila na ba?" Ngumuso si Joanna sa direksiyon ni Grey.

Nakita niyang pinupunasan ni Vien si Grey ng pawis gamit ang puting towel. Pero obvious  na ayaw ni Grey dahil pinipigilan ito.

"Itong babae talagang 'to napakalandi. Kulang na lang kumandog at halikan eh." Bulong niya.

"Ano 'yon?" Tanong ni Joanna.

"Wala."

"Bagay si Grey  at Vien 'no?"

"Hindi 'no!" Mabilis niyang sagot. Tinaasan siya ng kilay ni Joanna pero may nakakalokong ngisi sa labi.

"Ang bait kasi ni Grey at hindi bagay ang katulad ni Grey sa babaeng 'yon." Muli niyang  ibinaling ang tingin kay Grey. Nakatingin ito sa kanya habang hawak ang cellphone at ilang segundo lang ay nag-vibrate ang phone  niya na nasa loob ng pantalon.

Agad niya iyong hinugot at may message   mula kay Grey.

Wait for me in the parking lot. ❤❤❤ 😘!

Napangiti siya dahil sa tatlong heart at flying  kiss na emoji. Tumingin siya sa direksiyon ni Grey at pasimpleng tumango bago nagtungo ang team sa locker room ng basketball  team.

"Joanna, mauna na ako sa 'yo. Kailangan ko nang umuwi. Nagtext si Mama." Pagkatapos niyang magpaalam kay Joanna ay lumabas siya  ng Gym.

"Cathy." Napahinto siya at nilingon ang tumawag  sa kanya. Si Vien iyon.

Vien walks over to her.

"May ibabalik lang ako sa 'yo." Ipinakita nito ang hairclip na naiwan niya sa unit ni Grey. Kumabog bigla ang dibdib niya.

"Is this yours,  right?" Napalunok siya at nag-iisip ng sasabihin. Paano ba nitong nasabi na sa kanya iyon?

"Hindi," sagot niya. Tumaas ang kilay nito saka ngumisi.

"I saw you  exiting from Grey's condominium wearing the same thing you did the other day. It seemed you spent the whole night  with him. Akala mo kung sinong mahinhin. E nanunuhog naman pala ng magkapatid."

Pinagsalikop niya ang mga palad niya at pinisil-pisil iyon. Sobra siyang kinakabahan. Bumaba ang tingin ni Vien sa kamay niya.

"Nervous?"  Sarkastikong untag ng hitad.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Tinalikuran niya ito at muli ay natigil sa paghakbang nang muli itong nagsalita.

"Ano kaya ang sasabihin ni Jackson kapag malaman niya ang tungkol dito?" Muli siyang humarap kay Vien.

"Please lang, Vien, huwag kang gumawa ng gulo. Walang namamagitan sa amin ni Grey." Humalukipkip ito at naghahamon siya nitong tinitigan.

Tinalikuran na lang niya ito at tuluyang umalis. Shaks! Paano kung sabihin ni Vien kay Jackson? Ano'ng gagawin niya? Siguradong malaking gulo ito.

Nagtungo si Cathy sa Jollibee na nasa loob mismo ng university  at bumili ng yam cheese burger meal saka tumuloy sa parking lot at nag-antay sa labas ng sasakyan ni Grey na nasa pinakadulo ng parking lot nakaparada.  Sumandal siya sa gilid ng hood ng sasakyan at inilapag  ang take out food sa ibabaw ng hood ng sasakyan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating si Grey. Bigla siya nitong hinalikan sa pisngi at niyakap nang mahigpit.

"Nainip ka ba?" Tanong nito habang nakapaikot ang mga braso nito sa katawan niya.

"Hindi. Actually kakarating ko lang dito. Dumaan muna ako sa Jollibee  para..." binitin niya ang pangungusap at kinuha  mula sa paper bag ang burger.

"Tyaran!" Inalis niya ang kalahati niyon mula sa pagkakabalot at iniumang sa bibig ng binata. Akmang kakagat si Grey ng ilayo niya iyon sa bibig nito at siya ang kumagat. Pekeng sumimangot si Grey at mabilis niya itong hinalikan sa labi.

Malapad na napangiti si Grey at tumingala.
"Damn! Mas masarap ang kissburger. Isa pa nga." Pinatulis nito ang nguso at natawa siya.

"Hindi na po available  ang kissburger, sir. It will be available  tomorrow." Sumimangot si Grey.

"For now, cheese  burger muna." Muli niyang  iniumang ang burger at kumagat ito at hindi niya inaasahan na nanakawan siya nito ng halik sa labi.

"Ang daya mo ah."

"Cheeseburger  and kissburger together are good." Anito habang ngumunguya.

"Eh paano kung samahan pa natin ng mahigpit ng hugburger?" Mahigpit niya nitong niyakap. Tumawa si Grey at humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Mas masarap nga." Masaya nitong sabi at kapagkuwa'y  narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"You always make me happy, Kitten.  I've never be happy like this before. I love you so much."

Bahagya niyang inilayo ang katawan dito pero nanatiling nakapulupot ang mga braso sa bawat isa.

"Mahal na mahal din kita, Grey. I know this wrong but--"

"This is not wrong. Naging tayo wala na kayo ni Jackson  kaya huwag kang maguilty, okay?"

"Nakita ako ni Vien na lumabas ng condominium  mo nang pumunta ako. Baka sabihin niya kay Jackson."

"She told you?"

"Kanina lang. Ibinabalik niya ang hairclip  sa 'kin. Naniniwala siyang akin 'yon.

"Let me handle  this.  Sasabihin  ko rin 'to kay Jackson at alam kong maiintindihan niya 'to. Stop worrying, okay?"

Marahan siyang tumango at ngumiti.

"I love you so much!" He said and slowly leaned in to kiss her but she twists her face away  kaya dumampi ang labi nito sa pisngi niya.

"Sabi ko hindi na available  ang Kissburger eh." Nakangiti niyang sabi.

"Nagbabakasakali lang na baka available pa kahit leftover na." At marahang kinagat ni Grey ang pisngi niya. Bumungisngis siya sa ginawa nito.

"GREY, ARE YOU THERE?" Narinig ni Grey ang boses ni Jackson mula sa labas ng banyo.

"Hey, Jack, I'm here!" Sigaw niya habang nagsasabon ng katawan.

"May lakad ka ba ngayon? Samahan mo naman akong bumili ng isusuot para sa ball."

"Sure. Sandali na lang ito!" Muling sigaw ni Grey.

She openned the shower and let the water drifting to his body, washing out the soap.  As soon as he finished  he grabs the towel from the towel bar and dried his body.

"Grey, someone's calling!" Muling sigaw ni Jackson. Narinig niya ngang nagriring ang phone.

"Sh_t!" Napalatak siya ng mura. Baka si Cathy ang tumatawag.  Mabilis niyang pinulupot ang tuwalya sa baywang at lumabas. Nabungaran niyang hawak ni Jackson ang cellphone niya. Nakatingin  ito sa screen at medyo nakakunot ang noo.

"Jack!" Halos takbuhin niya ang kinatatayuan nito saka hinablot mula sa kamay nito ang cellphone. Agad niyang tiningnan ang caller at  si Cathy nga. "My Kitten" ang pangalan ni Cathy na nakasave sa contact  niya.

"Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ni Jack.

Sinagot ni Grey ang tawag. "Hey, Kitten.. ahm.. napatawag ka?"

Hey, Kitten, miss me? Kung wala si Jackson ay iyon dapat ang pangbungad niya sa tawag ni Cathy.

"Ha? Ayaw mo ba? Busy ka ba?

"I'm with Jackson, I'll call you back."

"Oh, I see." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Yeah, I love burger."

"Ha?"

"I love burger." It should be 'I love you'

Tumawa si Cathy sa kabilang linya. "I love you, too." Gusto pa niyang makausap si Cathy nang matagal kaso hindi na pupuwede.

Hindi man niya gusto pero nagpaalam na siya.

"Who's Kitten?" Tanong ni Jack nang tapusin niya ang tawag

"Wala lang 'yon," pabaliwang sagot niya. 

Nang makapagbihis si Grey  ay nagpunta sila sa mall kung saan ang boutique ng mga gown and suit. Pagpasok palang nila ay matamis na ngiti na agad ang sinalubong ng sale clerk ng boutique.

"Good morning, sir," the clerk greets them cheerfully.

"Ikaw po pala ulit, sir?" Sabi ng clerk nang makilala si Grey.

"Nagpunta na siya dito?" Tanong ni Jackson.

"Yes, sir, n'ong isang araw po, bumili sila ng costume ng girlfriend  niya." Kunot-noo siyang tiningnan ni Jackson.

"Girlfriend?"

"Ahm.. hindi. Hindi ko girlfriend  'yon. Classmate  lang. Sinamahan ko lang."

Hindi kumbinsidong ngumiti ang babae. Hindi talaga ito kumbinsido dahil buong pagmamalaki niyang pinakilalang girlfriend  niya si Cathy.

"Sige na mamili ka na ng costume. Lalabas lang muna ako, may tatawagan lang ako."

Iniwan niya muna si Jack sa loob ng boutique  at tinawagan si Cathy.

"Hey, hindi na kayo magkasama ni Jackson?" Agad na tanong ni Cathy pagkasagot sa tawag niya.

"I'm still with him, nasa loob siya ng boutique. Pupuntahan kita diyan sainyo pagkatapos namin dito."

"Talaga?" Malapad siyang napangiti nang marinig ang excitement  sa boses  ni Cathy.

"Yeah, miss na kita."

"Ako rin."

Saglit pa silang nag-usap ni Cathy bago siya nagpaalam. Tumingin siya sa loob ng boutique. Kasalukuyang tumitingin  si Jackson sa catalogue  na nasa mesa habang binubuklat iyon ng babae.

Pumasok siya ng boutique at lumapit sa dalawa.

"Hey, ano 'yan? Bakit sa pambabae ka tumitingin?"

"Ahm.. nothing. Nakapili na ako. Tara na." Aya ni Jackson.

Inabot kay Jackson ng clerk ang costume  na nakahunger at nababalot ng transparent plastic bago sila lumabas ng boutique.

"Ano'ng costume napili mo?" Tanong  ni Grey habang naglalakad sa lobby ng mall.

"Zorro." Tipid nitong sagot.

"Ikaw?" Kapagkuwa'y  tanong nito.

"Silver mask." Tumango lang si Jackson.

"May date ka?" Tanong uli ni Jackson  pero ang mata ay nakatuon sa nilalakaran nila.

"Wala. Maghahanap na lang sa ball," he lied.

"I hope Cathy is there. I will find her."

"Hindi naman raw siya uma-aattend sa mga gan'on." Tiningan siya ni Jackson at huminto ito sa paglalakad kaya huminto rin siya.

"You know how much I love her, right?"

Natigilan si Grey sa tanong ni Jackson pero tumango rin siya kapagkuwan.

"Of course," his voice just above  the whisper. He breathed out when Jackson started walking  again.

MABILIS na bumababa  si Cathy  ng hagdan nang marinig ang sunod-sunod na pagkalampag sa bakal na gate. Agad niyang binuksan ang maliit na gate pagkababa ng hagdan.

"Grey!" Masayang bulalas niya nang mabungaran si Grey. Agad na sumilay ang magandang ngiti ng binata.

"Miss me?" Tanong nito at ibinuka ang mga bisig.

"Yes!" Dinamba niya ito ng yakap. Natatawa naman itong yumakap sa kanya. Isang araw pa lang naman silang  hindi nagkikita pero talagang namiss niya agad ang kasintahan.

"Wait, wait, wait." Kumalas siya mula sa pagkakayakap kay Grey. May inabot ito mula sa likod at malapad siyang napangiti nang tumambad sa paningin niya ang mapupulang rosas.

"Wow!" Kinuha niya iyon at inamoy-moy. Hinapit siya  ni Grey sa baywang at agad naman niyang ipinulupot ang mga braso sa  batok nito.

Hinalikan siya nito sa labi na tinugon naman niya. Pumasok si Grey sa loob at isinara ang gate na hindi pinuputol ang halikan. Isinandal siya nito sa nakapinid na gate.

"May kasama ka sa taas?" Bulong nito sa labi niya.

"Wala akong kasama, Mr. Cole, at bakit mo naitanong, ha?" Ngumiti  lang ito at muling inangkin ang labi niya pero pinutol din agad. Umupo ito sa ikatlong baitang na kahoy na hagdan at pinaupo siya nito sa ikalawang baitang sa pagitan ng hita ng binata.

Kinuha ni Grey ang bulaklak sa kamay niya at inilapag sa hagdan.

  Hinawakan ni Grey ang kabila niyang pisngi at pinihit ang kanyang mukha paharap dito at muli siyang hinalikan sa labi na sinuklian naman niya.  

"I love kissing you..." he whispered  against  her lips.

"I feel the same way..." she whispered back and they kissed again. Iba pala talaga kapag mahal mo ang taong humahalik sa 'yo. Wala kang kahit na  katiting na ilang na nararamdaman.

"Oh my God!" Napapitlag ang dalawa nang biglang bumukas  ang gate.  Mabilis na tumayo si Cathy.

"Jo-joanna..."

"My goodness! Sabi na nga ba at may nangyayaring kababalaghan sainyong dalawa eh." Palatak ni Joanna at pumasok.

"So, kayo na?" Nakapamaywang na tanong ni Joanna. Nahihiyang tumango si Cathy.

Kinurot siya nito sa tagiliran.

"Malandi ka! Bakit naglilihim ka?"

"Wala. Nahihiya ako eh."

Tumawa bigla si Joanna na ikinakunot ng noo niya. "In all fairness, ah! Ang galing mong humalik."

Pinamulahan si Cathy  sa sinabi nito at natawa naman nang malakas si Grey.

"Grey might  a good tutor, huh?"

"Joanna!" Sita niya at pinalo ito sa braso.  Muling siyang hinila ni Grey paupo sa pagitan  ng hita nito at niyakap siya.

"You have to be proud, Kitten." Grey says.

"Aw! Kitten.. so cute endearment." Joanna says with her hands clasped  together.

"Ano ang tawag mo kay Grey? Puppy?"

Sabay silang natawa ni Grey at marahan niyang sinipa sa binti ang kaibigan na nakatayo sa harapan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top