Chapter V
SAFFYRE
PARANG gusto kong dagukan itong si Casspian kahit pa kumakain siya. Ako nga hindi na makakain sa mga pinagsasasabi niya, dapat ganoon din siya para fair!
"Dati ka bang may nobya, iho? Sinira ba ng anak ko ang relasyon ninyo?"
Bigla akong napalingon kay Nanay at napahawak ako sa dibdib ko, saka ko siya tinapunan nang hindi makapaniwalang tingin.
"Wow, Nay! Ang taas-taas naman ng tingin mo po sa akin. Ang ganda-ganda po ng banat mo. Ba't hindi n'yo na lang po kaya itinanong kung kabet ako?" sabat ko at sinamaan pa ako ng tingin ni Nanay.
Ikaw pa galet!?
"No, Ma'am. I was just engage for a very valid reason, but my former fiancé already called-off our engagement. I am no longer committed to anyone," sagot niya kay Nanay at tumango-tango naman si Nanay.
Oo, naiintindihan naman siya ni Nanay kasi nakatapos si Nanay ng sekondarya, kaso ang isang ito naman, kung makapag-straight english, akala mo ipinanganak sa Harvard Hospital. Nyemas!
"Oh, ngayon? Casspian, lumubay-lubay ka sa mga eme mo sa buhay, please. Ang gusto ko lang naman ay sustentuhan mo ang anak ko—"
"Natin."
Ito na naman siya sa pakilig-kilig niya! Jusko naman! Oo na! Anak mo na! Anak na natin! Kakainis! Pereng tenge 'te.
"N–natin nga. Hayun, basta sustentuhan mo lang kami, hindi mo na kailangan magpakita sa amin. Promise hindi rin talaga kita guguluhin—"
"But I have plans of messing up with you. Paaano 'yon?"
SIRA ULO! KINIKILIG AKO KAHIT NA ALAM KONG KABUGOKAN IYONG BANAT NIYA!
"CASSPIAN!" pa-emeng bawal ko sa kaniya pero ang totoo ay gusto kong pigilan ang sarili ko sa pamumula. Alam ko naman na magiging obvious ang kilig ko dahil mabilis makita sa katisayan ko iyong kilig. Kainis, punyeta!
"Hay nako, huwag na kayong magtalo. Parang ang tagal-tagal n'yo nang magkakilala kung makapag-angilan kayo," suway ni Nanay sa amin, saka na sila tumayo ni Garnette dahil tapos na pala silang kumain.
Tumayo na rin ako pero si Casspian ay ngingiti-ngiting itinuloy ang pagkain niya.
"Ngiti-ngiti mo riyan?" pagsusungit ko sa kaniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng iritasyon sa pagngiti niya ngayon, samantalang kahapon ay kulang na lang ay malaglag ang panty ko sa sobrang kilig.
"Enough staring at me, Saff. Paglabas ng anak natin, siguradong kamukha ko 'yan," aniya sa akin at para akong napipi nang muli na siyang bumaling sa pagkain. Ang angas at lambing kasi ng pagkakasabi niya sa mga katagang iyon. Jusko!
Naghugas na lamang ako ng mga pinagkainan at hinayaan siya. Oo, sinadya ko talagang pagligpitan siya para hindi na siya makapag-asawa. Para kwits sila ni Kalinn, lintik siya.
Nang matapos ako ay tumuloy na ako sa kuwarto para makapaligo na at makapagbihis. Bahala si Casspian kung ano'ng gagawin niya sa buhay niya habang inaasikaso ko ang sarili ko. Desisyonability naman siya kaya bahala na siya. At isa pa, baka kung ano na namang tumakbo sa lintik na baliko kong utak kapag bumanat na naman siya. Imbes na pinipigilan ko ang sarili ko, baka ako na ang gumapamg sa kaniya—char lang, anak! Baka imbes na isa ka lang, maging kambal ka pa. Hehehe.
KAPWA kami sakay ng sasakyan niya ngayon. Sabi ko naman at talagang desisyonability siya dahil siya na rin daw ang naghanap ng ob-gyne para sa akin.
Kaninang nag-aasikaso ako ng sarili ko, nakita ko lang siya na kausap si Garnette. Hindi ko alam ano'ng pinag-usapan nila at talagang sobrang kalmado at palagay ni Garnette sa kaniya na hindi naman normal na ginagawa ng kapatid ko.
Paglabas din namin ng bahay kanina, kanda-haba na naman ang leeg ng mga Marites kong kapitbahay sa pagmumukha ni Casspian. Sumisitsit pa nga iyong ibang mukhang dugong kong kapitbahay na naka-jackpot daw ako, pero kiber na muna sa kanila for today's video dahil baka ma-stress ang anak ko at maging kamukha pa nila.
Si Casspian din naman kasi, e. Ano kayang napag-isip-isip at sinugod ako sa bahay. Parang sira.
"What are you thinking?" basag niya sa katahimikan kaya't nakanguso ko siyang nilingon.
"Huwag ka nang babalik sa bahay namin, sinasabi ko sa 'yo! Iyong mga tao roon, kung puwede ka lang papakin, pinapak ka na!" singhal ko sa kaniya.
"But it is you whom I want to make papak to me. Would it be okay?"
HOOOOOOOYYYYYY!!!
"P–pinagsasasabi mo riyan!?"
"Kidding," sagot niya naman sa akin at bahagyang ngumisi na akala mo nagtagumpay sa pang-aasar sa akin.
"Tigilan mo na 'ko sa kakaasar mo. Basta huwag ka nang babalik sa bahay namin—"
"Then move in with me so I won't go to your house anymore," putol niya sa akin at kung ako lang ang may hawak ng manibela, malamang ay napapreno na kami nang matindi sa sobrang gulat ko.
"M–may tama ka ba sa ulo!?" sigaw ko sa kaniya at mas nagulat ako nang ihinto niya ang sasakyan at bumaling sa akin. Seryoso ang mga tingin niya, wala na rin ang ngisi niya kanina.
"I want you to move in with me. With your Nanay and Garnette," seryosong anas niya at parang kapag kinontra ko ay tatamaan na lang ako bigla ng kidlat. Iyong mga mata niya pa naman ay tila inuutusan ako na sumang-ayon sa gusto niya.
Agad akong nagbawi ng tingin nang pakiramdam ko ay lalamunin na ako ng hipnotismong bigay niya. "H–hindi. Hindi namin iiwan ang bahay na iyon. Iyon lang ang naiwan sa amin ng tatay ko," sagot ko sa kaniya at nanahimik na ako.
Mukhang ramdam niya naman na ayaw ko na ng usap kaya't muli na niyang pinaandar ang sasakyan at hindi na muling nagsalita pa.
Sobrang sensitive ko kapag usaping bahay. Sobrang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Aminado akong may Daddy issue ako kahit pa madalas kong trashtalk-in ang tatay ko sa isip ko, pero... sobrang mahal ko ang tatay... sobra na halos mawala ako sa sarili nang mawala siya.
Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa sapitin na namin ang isang napakalaking ospital na hindi ko alam na nag-e-exist pala rito sa mundo.
"Nasaan tayo?" tanong ko nang ihinto na niya ang sasakyan.
Nagulat ako nang imbes na sagutin ako ay bumaling siya sa likod at may kinuha roon.
Pagharap niya sa akin ay sinuotan niya ako ng facemask na ikinapiksi ko pa dahil hindi ko iyon inaasahan. "Para saan 'to? Para ba hindi ako makilala dahil kasama kita—"
"We are entering a disease prone premises. I would be mad at myself if you'll obtain a disease just because I brought you here," putol niya sa akin, saka pa niya ini-spray-an ng alcohol ang kamay ko at siya na rin ang nagkalat niyon roon.
Para tuloy akong nakukuryente na nakikiliti na hindi ko man lang maipaliwanag. Hindi ko alam kung ang anak ko ba ang kinikilig sa pinaggagagawa ng tatay niya o... ako na mismo. Nyemas!
"M–mag-facemask ka rin!" utal na utos ko sa kaniya.
"Why? I am strong, and I will be stronger for the both of you," sagot niya at gusto ko na talagang magkandirit sa sobrang kilig pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Hindi! A–ano... ahm... para hindi ka makilala! Baka magawan ka ng issue. Ayaw kong maging laman ng front page ng Liwayway at Bulgar bukas!" kunwaring singhal ko sa kaniya. Hindi ako puwedeng maging sweet, lalo pa't hindi ko pa naman verified na talagang na-cancel na ang engagement nila ni Kalinn.
"Kinakahiya mo ba 'ko?" nagulat ako sa tanong niya lalo pa't tagalog iyon.
"H–ha!?"
Bigla niyang inalis ang seatbelt ko at inilapit ang mukha niya sa akin na halos pagbanggain na niya ang tungki ng mga ilong namin.
"I am asking you kung kinakahiya mo ba 'ko?" pag-uulit niya na akala mo pa nang-aakit siya. Ugaling-ugali niyang tanungin ako habang inaakit. Punyemas, Casspian!
Bahagya akong umurong palayo pero sumunod pa rin siya sa akin. "H–hindi. Hindi naman kita kaano-ano, bakit kita ikakahiya?"
Imbes na ma-offend sa sinabi ko ay bigla kong nahagipan ng tingin ang pagngisi niya.
"That's an interesting question, Saff. Who am I to you? Hmmm..." aniya na animong sinadyang bitinin ang sinasabi nang hindi pa rin lumalayo sa akin. "...I am the father of your child, I guess? Does that make me your kaano-ano?"
Letse ka, Casspian! Ano ba! Sumosobra ka na! Tumatalon na 'tong puso ko! Hindi na 'ko natutuwa! Halos nito lang kita nakakasama tapos ganiyan na agad ang epekto mo sa akin!
Itutulak ko sana siya nang bahagya nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. "Nag-anuhan na rin tayo. Is that considerable too?"
HOOOOOOOOOYYYYYYYY!!!!!
"L–lumubay ka! A–ano-ano'ng pinagsasasabi mo!" singhal ko at lumayo naman siya nang kaunti para lamang muling ngumisi.
"I was just kidding. But..."
"A–anong but?"
"...if you consider my jokes... true, does that make me a part of your life too?"
Tarages na 'yan. Hindi na lang yata panty ko ang mahuhulog sa mga inaasta at sinasabi niya.
Anak, kasalanan mo 'to! Nagkakaroon ako ng hormonal imbalance at kinikilig sa tatay mong sugo yata ni Neneng B. sa tinding maggawa ng ikakikilig ko! Kasalanan mo talaga 'to, 'nak. Kung kinikilig ka sa tatay mo, parang awa mo na, ikaw na lang at huwag mo na akong idamay. Baka tuluyang mahulog ang nanay sa tatay, anak, tapos hindi ako saluhin. Bukod sa lalagapak na 'ko, mapapango ka pa. Usto mo yorn?
Sasagot na sana ako nang bigla na lamang siyang lumayo sa akin at ginulo ang buhok ko, saka na lumabas ng sasakyan. Akala ko ay iiwan na niya ako pero umikot lang pala siya para pagbuksan ako ng pinto.
Nang kapwa na kami papasok ng ospital ay nagpahuli talaga ako dahil pinagtitinginan siya ng mga tao.
Natatakot ako kahit paano. Ayaw ko siyang masira dahil sa akin. Ayaw kong madikit ang pangalan niya sa mababang uri na gaya ko. Kaya nga hindi ako naghahangad ng kahit na ano mula sa kaniya dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. Anak lang naman ang ugnayan namin ni Casspian, ang ambisyosa ko naman na siguro kung maghahangad pa ako na mahalin niya at maging parte ng magarbong buhay niya.
Excuse me naman sa akin. Trabahadora lang ako sa bar, sikat na tao siya, kapag pinagdikit kami, para akong gamit na sanitary napkin. Literal na walang-wala ako kung ikukumpara sa kaniya. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, ganda at utak lang ang mayroon ako. Pass sa usap na kayamanan. Sumugal lang ako, pero hindi pa naman sira ang ulo ko para maging sobrang ambisyosa at social climber. Anak lang at sustento. Ayos na 'ko roon. Sa susunod na lang din ako bubuwelo na tulungan niya ako sa pagpapagamot kay Garnette. Iyon lang naman ang mga gusto ko, wala nang iba.
Paliko kami sa isang pasilyo nang bigla niyang binagalan ang paglalakad. May kumukuha ng litrato sa kaniya kaya binagalan ko na rin ang paglalakad ko.
Nagulat ako nang bigla na lamang tumakbo si Casspian at maraming sumunod sa kaniya. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupunta kaya't naglakad na lamang ako nang naglakad.
Para akong batang nawawala dahil sa ginagawa ko. Binabasa ko lang ang mga plate na nasa pinto ng bawat opisina at wala akong nakikitang kahit isang ob-gyne sa mga iyon.
Nasa dulo na ako ng pasilyo nang mayroon na lamang biglang humatak sa akin papasok sa isang silid. Muntik pa akong sumigaw pero agad akong kumalma nang makita ko na si Casspian iyon.
"I'm sorry, Saff. I didn't mean to leave you. I just have to slip away from them just so I can be with you and my child," aniya at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Literal na parang awang-awa siya na kinailangan niya akong iwan.
Ngumiti ako sa kaniya nang tipid at marahang tumango. "Ayos lang. Hindi mo kailangan isipin iyon. Sa mga susunod kasi, huwag ka nang sumama. Puwede naman kitang i-update sa mga ganap sa anak natin. Hindi mo kailangan ipilit ang ganito kung mahihirapan ka. Hindi ko gugustuhin na masira ka. Hindi ko gugustuhin na sirain ko ang lahat ng mayroon ka. Hindi ko naman itatago ang anak mo sa 'yo, huwag kang mag-alala. Lahat ng mangyayari sa kaniya, ia-update kita—"
"It's not just my child, Saff. I want to know your condition too. I want to give you the best."
Bahagya ko siyang hinampas sa braso at tumawa para lang gumaan ang atmospera. Masyado kasing mabigat.
"Sira ka. Ayos lang ako. Aalagaan ko ang anak mo, hindi kami magkakasakit, lagi kaming magiging healthy. Hindi ko pababayaan ang sarili ko at mas lalo ang anak mo—Casspian!" hindi ko napigilan ang biglang mapatili dahil bigla na lamang niyang idinukdok ang mga mata niya sa balikat ko na animo ba ay hapong-hapo.
"Just let me take care of you. I want to be by your side, Saff. Gusto kong alagaan kayo—lalong-lalo ka na. Just let me be, Saff. Just let me be with you while I take good care of you. Again... please, move in with me."
Anak, paano kong tatanggihan itong tatay mo kung pati pagmamakaawa niya, ikakamatay ko yata sa kilig? Paano ako tatanggi sa tatay mo na wala yata sa bokabularyo ang salitang kumalma?
Haaaaaay, Casspian Vren Graylad! Nakakabaliw ka. Binabaliw mo 'ko, punyeta!
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Opo, sinabi ko na araw-araw ang update nito pero huwag po kayong aasa sa mga araw ng biyernes, sabado, at linggo. May review po ako s amga araw na iyan, hindi ko po maisasabay pero pipilitin ko. Huwag lang aasa po. 😅
Salamat sa paghihintay! Muah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top