Chapter IV

SAFFYRE

KUNG puwede lang akong magpanggap na hinimatay, ginawa ko na punyeta! Kaso syempre, lalo akong magiging agaw atensyon kaya nanahimik na lang ako kahit na ramdam ko ang kiming pisil ni Dwight sa baywang ko.

"Is there something wrong, Casspian?" tanong ni Saina kay Casspian.

Baklang 'to! Usyusera! Hindi makuntento na ginigisa na ako ng mga mata ni Casspian! Gusto mo pa talagang tuluyan akong makatay, punyemas ka!

"So what am I to you, Ms. Aleja?" muling anas ni Casspian. Lintik na 'yan, akala ko titigilan niya na 'ko, mali pala itong akala ko.

"A–ah, hehehehe." Nawawalan ako ng sasabihin sa kaniya.

"Do you have a problem with my girlfriend, dude?" ani Dwight at saka pa niya pinagsalikop ang mga kamay namin.

Imbes naman na sumagot itong si Casspian, tinitigan niya lang nga mga kamay namin.

Please lang, Casspian. Maghunos-dili ka, singkwenta mil ang mawawala sa akin kapag tumirada ka bigla ng hindi maganda.

"Oh, you're girlfriend," sagot niya na animo ba naghahamon ng away pero parang hindi kasi normal na good boy nga siya tapos ang amo pa ng mukha na kapag sinuntok mo, siya pa ang magso-sorry. Ah, basta!

"A–ah, e–eh, mag-cr muna sana ako, Dwight. Okay lang ba?" pagpatay ko sa tensyon sa pagitan naming apat.

Nilingon ako ni Dwight na parang gusto niya pa akong pigilan pero bahagya ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Aba'y sumesegway na nga ako para gumaan-gaan, eepal pa siya.

Binitiwan ko ang kamay ni Dwight at kumaripas na ng alis. Alam kong nakasunod pa rin ang mata ni Casspian sa akin pero kiber na muna, punyeta. Baka mawalan ako ng sideline kapag inintindi ko siya. Mahirap pa nito, imbes na dito ko sana sa pera na makukuha ko kay Dwight iaasa ang pangangailangan naming mag-ina, mapurnada pa.

Iyong tatay mo, anak, malabo pa sa ilong ng pusa. Wala naman kaming label, kung makapagtanong para bang kasal kami. Susmaryosep!

Agad akong pumasok sa malapit na banyo na nakita ko. Tumingin ako sa salamin at maganda pa rin naman ako. Mukha lang akong kinakabahan—na totoo naman, pero maganda pa rin ako.

Kinuha ko ang maliit na bag ko at naglagay ng kaunting lipstick, saka ako nagpahid ng kakaunting powder. Syempre puro kaunti lang, ayaw kong magmukhang espasol.

Nagtagal pa ako nang bahagya bago ako nagdesisyon na lumabas na. Siguro naman ay kahit paano kumalma na ang tensyon sa labas.

Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay liliko na sana ako pakanan nang bigla na lamang akong makarinig ng pagtikhim.

"Shall I tell your boyfriend that I am the father of your child?" aniya nang malingunan ko siya.

Seryoso lamang ang tingin niya sa akin pero iyong tanong niya, parang nangangatog na ang mga tuhod ko sa narinig ko.

Pinilit kong iayos ang sarili ko, saka ako humalukipkip. "Casspian, umayos ka parang awa mo na. Gusto mong ipangalandakan na may anak tayo? Sira ba iyang ulo mo? Maryosep ka. May bingot yata iyang utak mo—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil inilang hakbang niya ang pagitan namin kaya't nawala ako sandali sa hinagap ko at napasandal sa pader. Na-corner na niya ako ng mga braso niya.

"I never showed anyone how possessive I can get, baka sa 'yo pa lang," makahulugang sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.

Ang lamyos-lamyos ng mga mata niya pero sa mga oras na ito, para itong nag-aapoy na hindi maipaliwanag. Para akong mauulol sa kaniya ano mang oras.

Anak, itong tatay mo pa-fall ang buwisit! Gustong-gusto ko pa naman iyong mala-wattpad na ganito na kino-corner. Hayst! Huwag mo sanang manahin itong pagkapa-fall niya, kung hindi ay matatampal kita.

"Lumubay ka nga, Casspian! Tatadyakan kita riyan. Usapan natin hindi ka magpapakita sa akin. Ang sabi ko sustentuhan mo lang ang anak ko—"

"Natin."

Ito na naman siya!

"A–ah, basta!"

"Hindi pa tayo tapos mag-usap nang umalis ka. You didn't listen to what I have to say, Saffyre Zell," aniya sa akin at ang pagbuo niya ng para bang nagbabanta siya sa akin. Ang weird ng ugali ng isang ito!

"Sa akin ay tapos na, kaya nga umalis na 'ko—!" Nagulat ako kaya't napahinto ang pagsasalita ko! Bigla niya ba naman kasing pinagdikit ang tungki ng mga ilong namin. Nasisiraan na ba ako o siya!?

"Really?" aniya sa akin at punyeta—! Naaamoy ko iyong mabango niyang hininga! "Are we really done talking?"

Paano akong magsasalita ngayon? Feeling ko maling kilos ko lang, rurupok ako at mahahalikan ko siya.

"Answer me, Saff. Are we really done talking or you just want to runaway from me?" muli niyang tanong at hindi ko na alam anong gagawin ko.

"L–lumayo ka muna, s–sasagutin kita—"

"No. Answer me now, baka takasan mo na naman ako," aniya at kahit hindi ko nakikita, ramdam ko nakangisi siya.

Napakagat-labi ako kasi naman!

Anak, kung hindi lang ako buntis sa 'yo, kahit mag-round five kami nitong tatay mo, papalagan ko talaga, e! Masyadong nang-aano, porke't hindi ako makapalag-palag!

"H–hindi nga k–kasi tumakas ako," sagot ko na lang dahil wala naman akong magagawa.

Lumayo na siya nang bahagya sa akin at para akong gaga na gustong hatakin siya pabalik. Nakaka-bipolar siguro ang pagbubuntis.

"Good. Before you left, you told me that I could put my additional condition regarding our contract, and I just came up with one additional," aniya sa akin at sa gulat ko ay hinawakan niya ang baba ko at bahagyang itiningala ang ulo ko.

"A–ano naman 'yon, aber?" Pilit ko talagang pinatatapang ang dating ko kahit alam ko naman na talong-talo na 'ko.

"You are not allowed to enter a relationship without my consent," aniya at doon ko na siya naitulak.

Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. "Hoy, Casspian! Iyan ka na naman sa manipulative attitude mo—"

"I am not manipulating you, Saff, not unless... you want me to?"

Parang kinabog ako sa sinabi niyang iyon. May pagguhit ng kilig  sa akin na hindi ko malaman, e.

Punyeta talaga! Kaya madalas kaming masaktan na mga babae, e. Gustong-gusto namin iyong parang ginagangster kami, tapos fall na fall kami. Nyemas!

"H–hindi, ah! Wala pa akong diperensya sa pag-iisip, Casspian. Huwag mo 'kong bigyan ng sakit ng ulo!"

Bahagya siyang ngumiti sa akin, saka siya may kinuhang panyo mula sa bulsa niya at bahagya iyong idinampi sa noo ko.

"No, Saff, I ain't manipulating you. I have no plans. I was just teasing you. You have your own life to live. I already took a part of your life, I won't be a stumbling block to your future decisions. Just... just don't be in a relationship while you are carrying our child. I only wanted to avoid future confusion," malamyos na wika niya at ngumiti nang totoo.

Oh, punyeta! Kung nakaka-in love iyong angas-angasan at gangster-gangster-an niya kanina, mas nakalalaglag panty itong pagngiti niya na ramdam na ramdam ang sinseridad.

"I–iyon lang ba?"

"I will immediately tell you if I have other condition. For now, let me take you home," desisyon niya nang hindi man lamang ako tinanong.

Hindi nga manipulative, paladesisyon lang talaga siya. Ganoon ba 'yon?

Nagulat ako nang idantay niya ang panyo na kaninang pinampahid niya sa noo ko sa may kamay ko bago niya pinagsalikop ang mga kamay namin.

Para naman akong ginapangan ng kilabot at kilig. Daig ko pa iyong piptin yirs old na bata na ngayon pa lang na-meet iyong ka-chat niyang amoy lupa! Punyeta! Bonus pa na ang sarap-sarap ni Casspian.

Oo, masarap siya! Napatunayan ko na! Nagkatikiman nga kami kaya ako may bata sa tiyan ngayon, e.

"Ano'ng—"

"I was disinfecting you," aniya at bigla niya akong nginisihan, saka niya ako inakay sa isang daan na hundi ko alam kung saan papunta.

Tumambad sa akin ang labasan at inakay niya ako hanggang sa may sasakyan.

Nakasakay na ako sa sasakyan niya at kasalukuyan na itong umaandar nang bigla na lamang akong mapatutop sa bibig ko dahil sa naaalala ko.

Punyeta, si Dwight! Iyong pipti kyaw ko! Casspian kasi, e! Kapag kasama ko na siya, nawawala na 'ko sa sarili. Sabagay, kaya nga ako bumigay, e. Hayst!

  
NAGISING ako na bumabaligtad ang sikmura ko kaya't agad akong napatakbo sa banyo.

Walang tigil akong nagduduwal sa banyo namin. Ang hirap sumuka na wala naming isinusuka. Ang hirap magbuntis, punyemas. Tapos lolokohin lang kami ng mga lalaking wala namang mga bayag. Masakit pa sa panahon ngayon, kung sinong panget, sila pang nagtu-two timer. Hindi ko alam saan nila hinuhugot ang lakas ng loob at kapal ng mukha, punyeta nila.

Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko nang makaramdam ako ng humahagod sa likod ko.

"Nay, okay lang ako. Kalandian ko 'to, huwag po kayong mag-alala," anas ko at pupunasan ko pa sana ng likod ng palad ko ang mga labi ko nang may panyo na dumantay sa akin at siyang pumahid ng mga labi ko.

Agad akong kinabugan ng dibdib, at paglingon ko ay nakita ko si Casspian na hindi malamab ang itsura kung naaawa ba sa akin o gusto niya nang pumalit sa akin dahil hindi niya ma-take ang nangyayari.

"I'm sorry, Saff. I am really sorry you have to experience this," aniya at hinawi niya pa ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng tainga ko.

"A–ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

Hinatid niya ako kagabi pero hanggang doon lang sa may ututan. Ayaw ko ngang magpahatid dito sa bahay dahil ayaw kong malaman niya kung saan ano nakatira pero ito siya at nandito sa bahay nang ganito ka-aga.

"I will accompany you to the ob-gyne," sagot niya sa akin at saka ako inalalayan na makatayo.

"Alam ba ni Kalinn na nandito ka—"

"Yes, and she really wanted me to be with you in your every check up."

"Sus. Kung hindi pa sasabihin ni Kalinn, hindi mo siguro ako sasamahan," bulong ko. Umaatake kasi itong emosyon ng anak ko madrama kaya parang gusto kong mag-inarte.

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at inilingon ang mukha ko sa kaniya. "With or without her consent, I will be accompanying you. Our child needs me, and you need me too."

Oh, punyeta! Paano akong hindi bibigay sa lalaking ito na ipinaglihi yata sa santo. Jusko!

"K–kaya ko naman—"

"Nanay, si ate po nagpapakipot!" dinig kong sigaw ni Garnette na nasa harapan na pala namin ni Casspian at nanonood sa amin nang hindi ko man lamang namalayan.

"Ikaw na lintik ka!" sigaw ko at narinig kong bahagyang natawa si Casspian kaya't sinamaan ko siya ng tingin.

Magsasalita na sana ako nang makita ko si nanay na nanggaling ng kusina at may hawak pang siyensi.

"Mga anak, halina ay magsikain na muna kayo ng agahan. Mayroong tuyo, itlog, at kamatis dito," ani nanay nang nakangiti.

Dito ka naman mabibilib sa nanay ko, tanggap ang kalandiang taglay ko, at ni hindi man lang ako tinanong sino'ng ama ng anak ko, saka hindi man lang usisain itong si Casspian.

Inaya ko na lamang si Casspian sa hapag namin at naupo na rin ako. Wala naman siyang hiya-hiya na kumuha ng sarili niyang plato—ampota, hindi pala para sa kaniya ang plato! Inilagay niya iyon sa harap ko at sinandukan niya ako ng sinangag at mgs ulam. Pa-fall talaga!

"H–hindi mo naman kailangan gawin ito—"

"Sus! Kinikilig ka lang niyan, ate, e!" sabat na naman ni Garnette na kinasama ng tingin ko sa kaniya.

"Ang sweet mo naman, iho. Pero alam mo bang buntis na ang anak ko?" Parang gusto kong masamid sa pandidiretso ni Nanay kay Casspian.

"Yes, Ma'am. I am actually the father."

Gusto kong mapasampal sa noo ko sa kaswal ng usap nila ni Nanay. Para ba silang nagbentahan lang ng alagang tuta kung makapag-usap.

"Ganoon ba?" ani Nanay at nagsandok na rin ng pagkain niya. "Alagaan mo lang ang anak ko, wala akong ibang hihingin sa 'yo. Kapag ayaw mo na sa kaniya, ibalik mo siya sa akin nang kung paano mo siya kinuha. Huwag mong sasaktan, ibalik mo na lang sa akin. Tatanggapin ko, hindi ako magagalit sa 'yo dahil alam ko ang ugali niya," dagdag pa ni Nanay nang nakangiti.

Naaantig ang puso ko pero pilit kong itinago.

"Hindi po ako mag-aasawa, Nay! Kung makapagbilin ka riyan, para naman akong lalayas—"

"Kumain ka na lang riyan, hindi ka kasali sa usap," pambabara ni Nanay kaya't napanguso ako.

"Wala po akong balak na manakit ng kahit na sinong babae, Ma'am. Pinalaki po ako na hindi sinasaktan ng Daddy ko ang Mommy ko, so I was never used to violence and abuse, and I had no plans to," matatas na sagot ni Casspian.

"Wala daw plano, kaya pala may fiancé tapos nandito naman sa tabi ko—"

"Kalinn already cancelled our engagement. I am no longer engage, and I am no longer committed to anyone. Gusto mo ba?"

Punyeta, Casspian! Binibigla mo 'ko, at sa harapan pa talaga ng Nanay ko!

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Araw-arawin ko nga ang update nito. Try lang kung may nag-aabang. Hehehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top