Chapter I
SAFFYRE
TITIG na titig ako sa pregnancy test kit na hawak ko ngayon. Ang tindi ng semilya ng Casspian na iyon. Parang gusto kong magwala sa kaalaman na buntis ako.
"Oh, ano ngayon ang balak mo riyan? Inang 'to, nag-suggest lang naman ako, sineryoso mo talagang hayop ka!" ani Lara sa akin nang ipakita ko sa kaniya ang test kit.
Nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya dahil hindi ko rin naman alam ano bang dapat kong gawin. Una sa lahat, wala rin namang alam si Lara na kay Casspian itong ipinagbubuntis ko dahil baka sabunutan niya pati ang buhok ko sa ibaba kapag nalaman niya. Die-hard fan pa naman ni Casspian ang isang ito.
"Sino bang ama?" muling tanong niya, saka nagsimulang ipusod ang buhok niya.
"Ewan," sagot ko sa kaniya at bigla na lamang niya akong pinanglisikan ng mga mata.
"Animal!" singhal niya sa akin.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumungo na sa pinto ng apartment niya. Ilang bahay lang naman ang layo ng apartment niya sa bahay namin kaya't makakauwi rin ako agad. Dumaan lang talaga ako sa kaniya para sabihin na hindi pa rin ako papasok sa bar. Urat na urat ang pakiramdam ko na malamang sa oo ay dahil sa pagbubuntis ko.
"Alis muna 'ko. Balitaan mo na lang ako," anas ko sa kaniya na ikinatango niya.
Nagsimula akong maglakad patungo sa bahay namin. Hindi ko alam pero pati paglalakad ko ay ingat na ingat ako. Hindi ko pa siya halos maramdaman sa sinapupunan ko pero para bang ramdam na ramdam ko siya sa puso ko. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng isang ina.
Hindi ako nagsisisi na mabuntis sa ganitong paraan. Alam kong isa pang iisipin ang batang dinadala ko, pero hindi ko makapa ang pagsisisi sa akin. Ginusto ko ito at alam kong para sa akin ang batang ito. Ang pinakainiisip ko na lamang sa ngayon ay kung paano ko maipapaalam kay Casspian ang tungkol dito.
Pananagutan mo kaya siya, Casspian?
Malapit na ako sa bahay nang makita ko si Ninang Bonita na pinagmumumura at pinagsisisigawan ang Nanay Ruby ko na katabi rin si Garnette na parang ano mang oras ay aatakihin na ng sakit niya sa puso.
"PUTANG INA MONG MALANDI KA! PATI NINONG NG ANAK MO, LALANDIIN MO PARA LANG HINDI KAYO SINGILIN!? BAKA GUSTO MONG PULUTIN KAYO SA KANGKUNGAN NA MAG-IINA!?" sigaw ni Ninang Bonita kay Nanay kaya't hindi ko napigilan ang pumagitna at ilabas ang sungay ko.
"Excuse me, Ninang kong malaki pa sa dugong! Ang asawa mo ang kulang na lang ay magpakamatay para lang makapagpapansin sa Nanay ko at kulang na lang ay lumuwa ang mga mata kahit na naka-pajama at long sleeves ang Nanay ko para mag-eskandalo ka nang ganiyan! Huwag mo rin kaming hahamunin sa palayas-palayas mo dahil kahit saang korte tayo umabot, walang nakukulong sa utang lalo na't hindi ka naman tinatakbuhan!"
Akmang sasampalin ako nito sa sinabi ko ngunit agad kong sinalo ang braso nito. "PUNYETA KA—"
"Ikaw nga nag-puta talaga, sinumbat ko ba?" anas ko, saka ko tinapos ang braso nito palayo. "Lumubay kayo, hindi maganda ang mood ko, baka lalo kang manliit sa akin kapag ipinaalam ko sa asawa mo na nakikita kitang kumakalantari ng asawa nang may asawa malapit sa Travolta," angil ko sa kaniya at nakita ko ang biglaang pamumutla niya. "May picture ako, para lang alam mo."
Nang makita ko siyang tila magyelo sa sinabi ko, inakay ko na papasok sina Nanay at Garnette. Pinainom ko sila pareho ng tubig.
"Dahan-dahan ang hinga, Garnette," malumanay kong wika sa kapatid ko. "Sinabi ko nang kapag ganoon ay hindi mo kailangan lumabas dahil makakasama lang sa 'yo—"
"H–hindi ko kaya na minumura-mura si Nanay na alam kong may magagawa ako," putol niya sa akin pero umiling ako.
"Mamamatay o makakapatay ako kapag may nangyari sa 'yo kaya alagaan mo ang sarili mo," sagot ko at nakita kong napayuko siya.
Tumanaw ako sa bintana kung saan dumami ang mga Marites naming kapit-bahay.
Kailangan ko nang makausap si Casspian. Alam kong mali na gamitin siya, pero wala akong ibang naiisip na paraan kung hindi ito lang. Malulunok ko ang pride ko, pero ang hamak-hamakin ang Nanay ko, o mapahamak si Garnette, iyon ang hindi ko matatanggap.
NAKAABANG ako sa parking lot ng Travolta. Nagbabaka sakali lang naman ako na makita si Casspian dito. May pandong ako sa ulo dahil mahamog.
Ha-hunting-in natin ang tatay mo, anak ko, pero dapat safe ka pa rin kaya kahit mukha akong tanga, magpapandong ako sa ulo para sa 'yo.
Ang daming nagsisihintong sasakyan pero walang bumababang Casspian sa mga ito.
"Dude!" dinig kong tinig at nalingunan ko ang isang guwapong nilalang pero parang ang sungit tingnan.
"Bakit pa kasi kita sinundong hayop ka!" singhal naman ng isa na kakababa ng sasakyan. Guwapo rin ito.
"I drank a little, Alas. I forgot that it is Casspian's engagement party," anang lalaking mukhang masungit. Tumalas ang pandinig ko sa narinig kong pangalan.
"Ugok, Seiver. Forgot mo ulo mo. Talagang naging lasinggero ka na lang na hayop ka," anas niyong Alas, saka pa hinatak iyong Seiver papasok ng sasakyan.
Nang paandarin ni Alas ang sasakyan ay agad kong isinuot ang helmet ko at sumakay sa mio ni Lara na hiniram ko. Sabi ng instinct ko, sundan ko sila kaya't iyon ang ginawa ko.
Kakabog-kabog ang dibdib ko pero pinilit kong ayusin ang pagmamaneho ko.
Ang bilis nila pero kahit paano ay nakakasunod naman ako.
Halos may kalahating oras din ang naging biyahe hanggang sa sapitin namin ang isang lungga na pagkataas-taas ng mga bakod na para bang kung gusto mo mang mag-gatecrash ay wala kang chance.
Bumaba ng sasakyan si Alas at Seiver, saka nagsipasok sa loob. Iyong apat na guard sa entrance ang hindi ko alam paano ko malulusutan. May mga pumapasok na bisita at hinahanapan nila ng invitation.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang isang malaking truck na tila ba ipapasok sa loob dahil may mga magagarbong regalo ang nakasakay. Doon na ako bumaba ng motor.
Nang buksan ang malaking gate na papasukan ng truck ay agad akong pumuslit sa gilid ag sinabayan ang pagpasok ng truck nang hindi napapansin ng mga guwardiya.
Tindi ng kabog ng dibdib ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Sumalubong kasi sa akin ang isang lugar na alam kong hindi kailanman matatamasa ng mga dayukdok na gaya ko.
Kakaunti pa lamang ang mga tao kaya't agad akong pumuslit doon sa mini garden na walang katao-tao.
Mukha akong hampaslupa rito dahil nakasuot ako ng t-shirt na kulay puti at jogging pants na itim. Mukha akong chimimay na puwedeng gawing basahan sa sapatos nitong mayayaman na 'to.
"Congratulations, Casspian!" anang isang tinig kaya't agad akong napatago sa likod ng fountain.
"Thank you, Franz," sagot naman ng isang tinig at nang silipin ko ay nakita ko si Casspian na bahagyang nakangiti na parang nagpasikdo ng dibdib ko.
Ikaw lang naman ang na-excite sa tatay mo, anak ko, hindi ba? Naramdaman ko lang maman kasi nariyan ka sa loob ko?
"Masaya ako para sa 'yo at alam kong pasasayahin ka rin niya," anas ni Franz. Ang ganda ng babae, parang puwede mong ilaban sa Miss Universe kasi para may invisible crown na nagsasabi na deserving siya—oo, ganoon siya kaganda.
"Where is your jealous husband? Mamaya ay makita tayo noon, at isipin na naman na may ginagawa ako kahit na engagement party ko ito—"
"Cass!" anas na naman ng isang tinig at pagsilip kong muli ay may nakita na naman akong isa pang babae na parang anghel na ibinaba sa lupa. Sobrang amo ng mukha niya na para bang puwedeng pumasa sa mga Querubin.
"Hay nako, nariyan ni Kali. Sige na at mauna na ako," ani Franz, saka marahang tinapik si Casspian sa balikat.
Habang nakatanaw ako sa kanila, hindi ko maiwasang namnamin ang mukha niyong tinawag nilang Kali. Mukha talaga siyang anghel isama pa ang mala-porselana niyang balat.
"I've been searching for you. Hinahanap ka kasi sa akin ni Tita Sasa," anito sa napakalambing na tinig. Sobrang soft-spoken na parang nakakaantok ang boses niya.
"Kali—"
"I love you, Casspian," anito bigla at hindi ko alam pero para bang naglambot bigla ang mga tuhod ko. "I am not asking anything from you. I even told you na kahit wala nito, okay lang sa akin. You don't owe me anything, Cass."
"I–I am really sorry, Kalinn. I am really sorry that I could not offer you anything aside from this," ani Casspian at ramdam ko ang guilt sa boses niya pero hindi ko alam ang dahilan.
"Don't be, and you don't have to be sorry. You are just being true to yourself and I understand it. I love you enough para maintindihan ko na ginagawa mo lang ito para sa akin, and I really want to thank you bigtime. Again, I love you," anang babae, saka marahang yumapos kay Casspian.
Para bumabaligtad ang sikmura ko sa nasasasaksihan ko pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila na para ba akong nahihipnotismo sa senaryong nasa harapan ko ngayon.
Lumayo ang babae kay Casspian, saka nito parahang pinunasan ang luha na naglandas sa pisngi ni Casspian.
"I am not dying yet, stop crying you freak," anas nito sa marahang tumawa.
"You're one in a million, Kali. How I wish we can teach our hearts whom to love. If only I could, I will always choose you. You deserve nothing but the best," aniya Casspian, saka hinalikan sa noo ang babae.
Muli akong nagkubli at ang hindi ko inaasahan ay may natapakan akong tuyong sanga ng puno na nagkaroon ng malakas na tunog.
Ramdam kong napalingon sila sa gawi ko at maging ang mga yabag nila ay ramdam kong papalapit na sa kinaroroonan ko.
Kakabog-kabog ang dibdib ko na para bang lalabas na. Butil-butil na rin ang pawis ko sa noo at sunod-sunod na ang paglunok ko.
"Who is in there?" dinig kong tanong ni Kalinn.
"Show yourself. Hindi mo kailangan magpanggap na wala kang narinig, 'cause it's all okay," tinig naman iyon ni Casspian.
Bagay na bagay silang dalawa. Pareho silang kalmadong magsalita at pareho silang halatang pasensiyoso sa mga bagay-bagay. Malayong-malayo sa kung paano ako kumilos at makitungo sa mga sitwasyon.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na lumabas sa pinagkukublian ko at ipakita ang sarili ko sa kanila.
Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Casspian na halatang gulat na gulat na makita ako.
"Hi, Miss. If it would not offend you in any way, may I know who you are po?" ani Kali na bahagya pang nakangiti sa akin.
"S–Saffyre?"
Akala ko ay matindi na ang kaba ko kanina pero mas tumindi pa nang banggitin ni Casspian ang pangalan ko. Una, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko, pangalawa, ay hindi ko alam kung bakit parang sobra ang pagkabigla niya na makita ako.
"You know her, Cass?" malumanay na baling ni Kali kay Casspian.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil pakiramdam ko ay ipit na ipit ako sa sitwasyon na mayroon ako ngayon.
"Yes," diretsong sagot ni Casspian kaya't lalong naging malikot ang mga mata ko pero kita kong titig na titig pa rin siya sa akin.
"P–puwede ko po bang makausap si Sir Casspian nang kaming dalawa lang?" utal na tanong ko.
Ang lakas-lakas ng loob ko pero sobra ang panginginig ng mga tuhod ko na tila ano mang oras ay tutumba ako.
"Sure, sure. No worries. I'll leave you two alone—"
"No, Kali. You stay. Let's both hear what she has to say," kalmadong wika ni Casspian kaya't hindi ko malaman ang gagawin ko. "I know it's all about what I had done," aniya at nakita ko ang paglamlam ng mukha ni Kalinn na mukhang may ideya sa nangyayari.
"Cass, what happened between you two is your business alone—"
"Buntis ako, Casspian. Ikaw ang ama. Hindi mo puwedemg itanggi dahil alam mong ikaw ang nakauna."
Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha ni Casspian at isang malungkot na ngiti naman kay Kalinn.
Tila ako naninira ng buhay ngayon. Ramdam ko... ramdam na ramdam kong napakahayop ko.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top