Chapter 9
CHAPTER 9
"You okay?"
I just nod at Sky and adverted my eyes. Tinulungan niya akong maka-akyat sa yate bago siya pumasok.
I don't know how to act. Yung sinabi niya sa akin kagabi ay nagpapasakit ng ulo ko. Kulang pa ako ng tulog dahil dun, bakit ako nago-overthink?
Pupunta na kaming Island of Hope, kaming dalawa lang ata ang narito. Hindi naman ako natatakot kasi kumportable naman akong kasama siya. Isang araw kami doon, bukas kami babalik dahil mag-eenjoy pa kami.
Bago lang daw kasi siya rito kaya gusto niyang magpasama sakin sa pamamasyal lalo na sa Island of Hope.
Hindi naman ako nagreklamo kasi nakadalaw naman na ako dito. And... my friend own that Island, he will assist me for sure.
"You okay?" He asked again.
I nodded. "Yeah"
Napansin niya sigurong umiiwas ako kaya naman lumayo layo siya ng kaunti. Na guilty naman ako at nag-isip ng topic.
"May girlfriend ka na?"
Ewan ko ba kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko pero parang ang sarap sapakin ng sarili kong bunganga sa natanong ko. Sa lahat ba naman ng pwedeng itanong yun pa? Baka isipin niyan na interesado ako sa kaniya.
I heard him chuckled lightly before answering. "Nope" He answered popping the 'P' in the end.
"Hmm... so wala kang babae sa buhay mo? Nililigawan?" I asked again.
Sasabayan ko na lang siguro ang kagagahan ng bunganga ko. Bahala na kung isipin niyang interesado ako sa buhay love life niya. Wala naman talaga akong pake-alam eh, natanong lang talaga ng bunganga ko.
"Wala... I'm waiting for someone"
Nagtaka ako dahil titig na titig siya sakin. Am I that person? Hindi ako maga-assume, mahirap kayang mag assume. Tapos mali ka naman pala, diba umasa ka lang?
"Sino naman yun?" Kunwaring curious na tanong ko.
He chuckled. "Well... she's currently broken and unavailable right now. I'm waiting for the healing, pero payag naman ako kung gawin niya akong lunas"
Kung makapal lang talaga ang mukha ko sasabihin ko na talagang ako yun. Broken and unavailable ako ngayon diba?
"Swerte naman niya, may lalaking naghihintay saka pwedeng maging lunas" I sighed dreamingly. "Kailan kaya ako magkakaroon niyan? Lagi na lang kasi akong nasasaktan. Naiinis na ako kakaintay kay forever"
"Doesn't matter how many times you've broke down. It's about how you stand up and move forward. We all at certain times in our lives find ourselves broken. True strength is found in picking up the pieces. Kaya maswerte ka parin, may mga tao nga diyan na wala ng magawa sa buhay. May mga tao diyan na gutom at walang makain. So... sino tayo para magreklamo?"
Parang nanliit ako sa sinabi niya, he's right. Sino ba naman tayo para magreklamo diba? Let's just wait until god help us find or true happiness. Hindi naman siguro ako habang buhay maging broken.
"T-tama ka naman"
Nakarating kami sa Isla ng nasa oras, I saw CD–the owner of Island of Hope and Fantasy Island– standing while looking at us.
"Chrysolite Dion!" I shouted and happily wave my hands.
"Hey! Careful!" Sigaw niya pabalik ng muntikan na akong matumba. Napatawa na lang ako at saka kumapit ng mahigpit sa braso ni Sky na inalalayan ako.
Nakangiti akong bumaba sa yate at saka patakbong lumapit kay CD bago siya niyakap ng mahigpit. He hugged me back before laughing.
"So clingy... how are you? I heard what happened"
Tumawa lang ako at saka bumitaw sa yakap. "I'm okay, move on na lang talaga ako nito"
He smiled and tapped my head. "My baby Dikol is growing huh? Pero mas matangkad parin ako"
Inis kong hinawi ang kamay niya sa ulo ko. "Hindi ako Dikol!"
Nakasimangot akong naglakad palayo sa kaniya pero tinawanan lang ako. Mukha ba akong ibon?
"Hey... you okay?" Sky suddenly asked.
Naglalakad na kami papunta sa bahay Nina CD. Kung alam ko lang na iinisin niya lang ako sana hindi ko na lang siya pinansin, ang saya ko ng salubungin siya tapos iinisin lang ako. Aba't hindi makatarungan yan.
"Uh-huh" I said and nodded twice.
"Wag ka ngang pikon diyan... I'm just joking okay? I just wanted to lift up the mood, mukha ka kaseng pinagsakluban ng langit at lupa"
Ngumuso ako at saka nag iwas ng tingin. My eyebags are still visible, hindi ko naman siya natago tago kasi nasa beach nga ako diba? Mawawala din naman ang ilalagay kong make up kasi maliligo pa ako.
"Oo na... si Kath?" I asked.
"Sa bahay"
Ngumisi ako sa kaniya. "Ayiee! May improvement na si Ms. Wagas future Mrs. Paunon na siya next month tignan natin"
Kinurot kurot ko siya sa tagiliran niya kaya nagsalubong ang kilay niya. "I don't like her"
Umasim ang mukha niya kaya napatawa ako. "O sige hindi mo na siya gusto... pero mahal mo?"
Mas nagkunot pa ang noo niya kaya pinitik ko yun, mas lalo kaso siyang gumagwapo. "Wag ka ngang ganyan, pumapangit ka"
Sinamaan niya ako ng tingin pero tumawa lang ako at saka tumakbo papasok sa sasakyan na hinanda niya papunta sa bahay nila.
"Okay ka lang? Bat parang galit ka?" I asked Sky softly when I saw how dark his aura is. When he heard my voice he calmed down a little. Bakas parin ang galit sa itsura niya, kunot na kunot ang noo.
Mas lalo siyang gumagwapo eh, hinawakan ko ang noo niya at saka inayos. Ng hindi na ito kumunot ay napangiti na lang ako. Nakaka-attract kaya siya kapag seryoso, lagi kasi siyang nakangiti sakin kaya minsan ko lang siyang makitang seryoso.
Napatingin ako sa mukha niya at nanlaki ang mata ko ng makitang ilang hibla na lang ang layo ng mukha naming dalawa. Nataranta ako at umayos ng upo sa upuan ko.
"S-sorry... a-ano kasi, huwag mong ikunot ang noo mo" Sabi ko sa kaniya at umiwas ng tingin. "Gwapo eh" Bulong ko sa huli.
Hindi naman siya nakaimik. Bakit kaya ganun, dati naman tumatawa lang siya. Ngayon hindi na umiimik.
"I have a lot of extra room in my house, you can stay there"
Napanguso ako sa sinabi ni CD. "Hoy lalaki! Huwag kang gumawa ng kagaguhan sasapakin talaga kita"
Tumawa lang siya at saka tiningnan ako ng nakangisi. Lagi naman kaseng May kagaguhan to eh, ako lagi nakikita kapag may kabalastugang gagawin. Ako lagi yung kawawa.
"Well... let's see" He said and winked at me.
Nandidiri ko syang tiningnan. "Yuck, mahiya ka sa itsura mo"
Napaka playboy naman kasi neto, ewan ko na lang kung mahulog siya kay Katherene. Sana naman makuha na niya yung karma niya, nag-aantay ako eh.
"Gwapo ko kaya"
Inirapan ko siya at pinatulan pa ng pinatulan hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Sa totoo lang ay may mga hotel naman dito, kaso hindi pumapayag si CD na doon ako matulog kasama si Sky. Bawal daw eh, dami niyang arte.
"Hi Kath!"
Binati ko kaagad si Katherene pagkakita ko sa kaniya sa sala, ngumiti lang siya ng bahagya bago binuhat ang anak ni CD. Tama kayo diyan, nagka-anak na ang walang hiya. Doon ka ba naman tumira sa Fantasy Island sinong hindi magkaka-anak?
"Hello Christian!"
Akala ko ngingiti yung bata iniyakan lang pala ako. Napangiwi ako kaya naman pinaalis ko na lang si Kath para patulugin yung chikiting.
"Ced... pahiram speed boat"
Umupo ako sa sofa para magpahinga ng kaunti, nakakain naman na ako kaya hindi ako gutom. I felt so tired, wala naman akong ginawa but I still do my best to tour our little Sky around the island. Baka magtampo, sabi pa naman niya ngayon lang siya makakapag bakasyon ng matagal dahil lagi siyang kasama ng kapatid niya.
"Ge, ge... enjoy!" He waved his hand before running out.
Ako naman ay nilagay ang mga damit sa taas, nakasunod lang si Sky sakin at walang imik na naglalakad. Hindi din naman ako sanay na maingay kaya buti na lang at hindi siya masyadong makulit.
"Uhm... dito ka" Tinuro ko ang kwarto na nasa tabi ng kwarto na tutulugan ko.
Lagi naman kasi kaming pumupunta rito kasama ang mga kaibigan ko kaya feel at home na feel at home na talaga ako. Lagi din kaseng sa kwarto na to ako natutulog.
He just nodded and didn't say anything, naninibago ako sa seryoso niyang mukha at pagiging tahimik. Hindi naman kasi siya madaldal pero hindi din naman seryoso, parang... sakto lang. Kaya naninibago talaga ako sa pagtrato niya sakin ngayon.
I went inside the room and change my clothes. I wore a simple floral dress and a baby blue swim suits inside, I also wore my simple flat sandals. Maliligo naman kasi ako mamaya, pupunta muna kami sa pinaka magandang spot dito sa Island of Hope.
Technically, Island of Hope and Fantasy Island is not that too far away from each other. That spot can seen at Fantasy Island, it was a cliff. The waves are not that strong but enough to kill a person.
Sa kabila ng cliff na yun is Fantasy Island na, mga thirty minutes ata ang biyahe bago makapunta doon. Pero malayo ang dalawang isla sa lugar kung saan ang private beach nina Lara. Hindi naman kasi gaano kahigpit ang island of hope since napaka open nito sa tourist na galing ibang bansa. Hindi gaano karami ang tao dahil mahal naman talaga, at kung hindi ka miyembro ng dalawang isla hindi ka makakapunta sa Cliff na yun.
And since member ako at kasama ko si Sky, I can tour him around. Even the secret cave near that cliff, that cannot be seen if you won't enter the falls. Kailangan mong maglakad katabi sa Cliff na yun.
Lumabas ako sa kwarto at saka kumatok sa pinto ni Sky, we need to go early if we wanted to see the sunset. Babaon na lang kami ng pagkain para sa tanghalian. We still need to walk for how many minutes before entering that cave. Masyado kasing tago.
"Hey" I greeted and wave my hand awkwardly.
He smiled at me. Wow, that's new. Kanina pa yan seryoso eh, mukhang naging maayos na ang lagay niya kaya siya nakangiti sa akin ngayon. Ano kayang nangyari sa kaniya at naging ganun siya kaseryoso kanina?
"Let's go?" Aya ko.
"Lead the way"
Ngumiti ako ulit bago naglakad. I ought to guide him, I need to show him how beautiful the island. Para naman mapagdesisyunan niyang maging miyembro, o miyembro na siya?
"Are you a member?" Tanong ko.
Ayaw ko namang naglilikot likot lang ang katanungang yan sa utak ko, masyado akong confronting. Gusto ko hindi ako nag-iisip, kung kailangang itanong itatanong ko talaga. Maliban na lang kung tungkol kay Andrew, sa kaniya lang ako natatakot magtanong.
Naisip ko bigla... parang nakalimutan ko siya. Nakita ko sila kahapon pero ngayong araw ay parang hindi ko na sila naiisip pa, dahil ba sa nae-excite ako sa dalaw ko dito sa isla?
Parang ang sarap naman pala sa pakiramdam ng walang iniisip, ng walang heartbreak. Walang manggugulo sa utak ko, walang magpapaiyak sa akin. Walang wala! Malayang buhay nga naman.
"Yep" He answered.
Napataas ako ng kilay at saka tumingin sa kaniya ng nagtataka. "Eh bat ka nagpapasama kung member ka naman pala? I'm sure nakalibot ka na rito, kapag hindi... nawala ang isang side ng buhay mo"
Natawa siya at saka umiling iling. "Nawala nga ata, hindi pa ako nakakapunta rito eh. I was busy taking care of Raine, she was so fond of me na ayaw na niyang malayo sa akin. You know... our only princess"
Napangiti naman ako, gustong gusto ko talaga sa lalaki yung may kapatid tapos napaka caring pagdating sa kapatid niya. Parang si Sky lang.
"Edi buo-in natin uli! Akong bahala sayo" Nakangiting ani ko at hinila siya.
Tahimik ang buong bahay kaya lumabas na lang kaming dalawa, pumunta kami sa dalampasigan. Napangiti ako ng makita si mang Gerry na inaayos ang mga bangka niya.
"Mang Gerry!"
Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Ikaw pala iha, napadalaw ka rito sa isla" Napatingin siya sa katabi ko at nanunuyang ngumiti sa akin. "Siya ba ang nobyo mo? Aba't ang gwapong binata"
Natawa ako at umiling ng bahagya. "Hindi po manong, kaibigan ko lang po siya" Tumingin ako sa paligid. "Nasaan po pala ang speed boat ko CD? Hihiramin po namin"
"Sumunod kayo sa akin iha"
Sumunod kami kay Mang Gerry at naglakad ng ilang metro bago namin nakita ang mga kagamitang pandagat ni CD. May surf din siya, mukhang mae-enjoy ko ang araw ko rito.
Kinuha ni Mang Gerry ang isang speed boat, ako na lang siguro ang magda-drive.
"Ako na lang" Pamimilit ko kay Sky.
"No... I'll drive"
Nakanguso akong sumakay sa speed boat, sabi ko ako na ang magda-drive eh. Kaso inagaw niya kasi hindi raw magandang tignan, eh sino bang titingin? Wala namang tao rito lalo na sa bahay banda ni CD kami dumaong.
Pero napangiti na lang ako dahil nae-enjoy ko ang tanawin. Nakatingin ako sa paligid o hindi naman kaya sa tubig, these place is solace. May mga malalaki pang mga hayop sa dagat, maganda siguro kung mag snorkelling kami pagkatapos naming dumalaw doon.
Napahawak ako ng mahigpit sa bewang ni Sky ng binilisan niya ang takbo. Tawa lang ako ng tawa habang nakatingin sa paligid, it felt so nice.
Hindi ko to naranasan noon, i've never felt so happy and contented like this before. Parang... nabubuo ng unti unti ang mga pirasong nawala sa akin.
And I think being with Sky completes the hell out of me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top