Chapter 29

CHAPTER 29

Napapikit ako ng mariin habang nakaupo sa kubeta. Kusa na lang tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung sa saya o sa takot.

Pero alam ko sa sarili ko na masaya ako, masaya ako na may buhay sa loob ng tiyan ko.

Takot ako sa magiging reaksyon ni Sky pag nalaman niya, ano ang sasabihin niya? Tatanggapin niya ba ang anak namin o hindi? Paano kung hindi?

Kaya ko naman kung hindi niya tanggap, ang kinakatakot ko lang ay baka hindi niya matanggap. Kasi... baka maging hadlang ako sa taong gusto niya? Yung gusto niyang pakasalan.

Napakapit ako sa sink ng banyo at saka tumayo, tinuyo ko rin ang luha sa mata ko. Ngayong alam kong buntis ako, kailangan kong alagaan ang sarili ko. Kailangan ko siyang alagaan kahit na anong mangyari.

Whatever happens, I'll keep the baby. I'll keep it whether he like it or not. He's not the one who's going to decide, ako ang ina. Kung hindi niya tatanggapin, then so be it. I can raise my baby all by myself, hindi ko naman kailangan ang tulong niya. Being with my baby is enough, I know he or she is going to gave me some strength to continue my life.

Lumabas ako ng kwarto at napatingin kina Vien at Andrea na naka-upo sa kama na kinauupahan ko.

The two of them look so serious, I guess they already know the result. The instinct of this two really.

"Ikaw na talaga susunod kay Rheane? Should I ready the bachelorette party then?"

I shook my head and sat on the bed. I'm still doubting, saka hindi naman kami ang magdedesisyon niyon. What if Sky doesn't want to marry me? Na alam kong totoo, ayoko namang siyang pilitin sa gusto ng mga kaibigan ko.

I can handle myself, I know that. I can handle raising my child alone, it's hard but I can see my future. Alam kong kaya ko kahit wala siya, masakit oo pero mas masakit kapag nagsama kami na hindi naman niya ako mahal. Ayokong pati ang anak ko ay magdusa dahil lang sa katangahan ko sa tatay niya.

"What's the matter? Sa tingin ko naman resonableng tao si Sky, I'm sure he'll marry you"

Umiling ako at napangiti ng mapait. "I doubt that... he wanted to marry someone"

"And that someone is who?"

"No idea"

"No idea, yet you jump into conclusions again. What if ikaw pala yun? What if you're that someone who he wanted to marry at the first place?"

I tottered my head and drop myself on the bed and squeezed my eyes shut, resting my mind for a second.

"That's impossible, he never wanted to marry me. Not in a lifetime"

Vien sighed and shook his head. "I really don't like, love. It's too complicated"

"Right, I should've known it at the first place since I've been taking care of all of you. But I still ended up with such a messy and shitty relationship"

I slightly chuckled at Andrea. "Since when did you learn to be like that Andy? Since he left you?"

She looked at me distastefully and throw me a pillow. "At least he gave me a reason a reason to live my life to the fullest. Ikaw? Niloko na nga iniwan pa"

Nanlaki ang mata ko at napabangon na lang. "Oh my god! Is this our friend Andrea Cecilia? Did you just roll your eyes on me lady? Seriously!?"

Vien chuckled and shook her head. "Lalaki nga naman, nagdadala talaga ng gulo sa buhay ng babae. Pati na rin buhay pfft"

The three of us was too absentminded to notice what time it was. Nakalimutan naming nasa kasal pala kami ni Rheane at nakalabas lang ng pumasok si Kryza sa kwarto at pinalabas kaming tatlo.

Vien and Andrea went out but I stayed inside the room. I need to rest, I'm still a little bit dizzy and nauseous.

"SINCE when did you learn to hid something on me Nicole Ann? Bakit hindi mo sinabi!"

I rolled my eyes on Angela, nasa room parin ako at nilalantakan ang paborito kong seafoods dahil nandito parin kami sa Lara's. Naka-alis na ang bagong kasal dahil honeymoon naman daw nila kaya naiwan kaming lahat dito. Ang iba umuwi na dahil madami pang aasikasuhin, ang iba naman talagang sinundo ng mga ka partner nila.

"Kasi kagabi ko lang naman nalaman! At lasing na lasing ka kaya alam kong gagawa ka talaga ng gulo"

She rolled her eyes and sat beside me, staring at my stomach. "I can't believe it, ilang weeks na?"

"I don't know, I need to consult a doctor. Ayoko kay Vien, masyadong mabunganga"

Angela chuckled. "Mukhang ngayon ko lang din napansin ang paglilihi mo, kaya pala masyado kang emosyonal nitong mga nakaraang linggo"

Napatawa na lang din ako, hindi ko din naisip yun. The last time I throw up was the time when Sky went home late. Ang akala ko naman kasi nun ay dahil lang sa kape at saka coke, hindi naman pumasok sa utak ko ang ganoong bagay.

Bakit nga ba hindi? Hindi kami gumagamit ng proteksyon, ni hindi ako umiinom ng pills.

"Parehas lang tayo"

"So..." She trailed her eyes on my face and raised a brow. "...What are you going to do?"

Umiling ako sa kaniya. "I don't know, basta ang alam ko lang ay alagaan ang sarili ko. Ayoko munang mag-isip ng kung ano ano. I need to relax for the baby"

"Ayos yan, let god destined what's for you"

Napangiti na lang ako at nagpahinga na pagka-alis niya.

Good thing I didn't throw up or feel dizzy when we came back to Manila. I'm still doubting if I'm really pregnant or not, wala naman kasi akong nararamdaman maliban sa pagkahilo minsan.

A day after I arrived at Manila, kumunsulta kaagad ako sa isang doktor. But Vien spotted me in nowhere and she keep on babbling about me, betraying her. Niloko kaagad? Hindi ba pwedeng ayaw lang siyang kasama kasi ang ingay niya?

"Bakit ka pa pupunta sa iba kung nandito naman ako? Ang sama mo talaga sakin Nicole!"

I rolled my eyes and let her do her job, after checking my baby she gave me some vitamins and medicine that I needed to drink.

"You keep on drinking a coffee these past few weeks, masyadong nakasama iyon sa bata. I'll gave you another set of vitamins kapag dumalaw ako sa bahay mo, dapat walang mintis yan babae. Saka walang stress at walang iyak dahil maselan din yang pagbubuntis mo dahil hindi natin nalaman kaagad... Anyways, you're nine weeks pregnant girl. Kaya pala tumaba ka at nagkabilbil"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman ako nagkabilbil, masyado ka namang OA diyan"

She chuckled and played with her pen. "Sa susunod na check up mo aalamin na natin kung babae ba yan o lalaki. Excited na ako!"

Umiling kaagad ako sa kaniya. "I want it to be a surprise, huwag na muna"

She frowned but she agreed. "Ikaw naman ang ina kaya ikaw ang bahala, umuwi ka na lang muna at saka magpahinga"

I bit my lower lip. "Can I work?"

Napaisip muna siya bago tumango. "Yes, for now. But no stresses for you lady, I'll check on you from time to time"

Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. "Thanks Vien, I need to go. I'll visit my office first before going home"

Tumango siya at saka stress na bumuga ng hangin. "Bakit kasi sabay sabay pa kayong nabuntis? Dinadagdagan niyo trabaho ko!"

I chuckled before storming out of her office. Pumunta kaagad ako sa opisina at nagtrabaho ng kaunti. Pumunta din si Charmee at kinakausap ko na ngayon.

"I'll help you Charm, but don't expect that I'll gave you the financial that you wanted to. May buhay din akong bubuhayin, I'll help you find another job for you to start a new life after that shitty divorce you're having"

Napahilot ako ng sintido dahil sa nangyayari sa kapatid ko at ex-boyfriend ko. Buntis si Charmee at itutuloy pa rin talaga nila ang divorce kahit na may nabuo na, nagkaintindihan naman din kami ni Charmee dahil nag-usap na kaming dalawa.

Tinotoo lang talaga nila ang kasal para daw mahiwalayan ako ni Andrew sa isang dahilan na hindi ko naman malaman laman!

Ngayon humihingi siya ng tulong sa akin dahil wala siyang matakbuhan, wala na din kasi sa kaniya ang posisyon sa kumpanya at kailangan niya ng pera para sa anak niya dahil maselan daw ang pagbubuntis niya.

"Thank you Nicole, alam ko namang mabait ka. Pasensya na ulit sa nagawa ko, alam ko namang mali parin ang pumatol sa boyfriend mo"

Stress man at natawa lang ako sa kaniya. "Hindi mo naman kasi sinabi na gusto ko pala yung boyfriend ko dati pa, edi sana binigay ko"

Tumawa ako ng malakas ng makita ang mukha niyang hindi maipinta. "Ang ganda mo namang girlfriend, pinamimigay talaga?"

Napailing na lang ako. Ang akala ko dati napaka bitchy ng babaeng to at si Charlene ang anghel. Nagkamali lang pala talaga ako ng akala.

"Saan ka nakatira? Pwede kang mag stay sa bahay ko kung gusto mo. Wala naman akong kasama dun, saka buntis ka at buntis din ako. Pwede nating tulungan ang isa't isa"

Alam na kasi niya na buntis ako, sinabi ko lang din kanina.

"Ayos lang masyado ka ng madaming naitulong sa'kin. Kahit na ikaw naman ang may kasalanan ng lahat ng to"

Tumawa ako sa kaniya. "Problema ko ba kung maganda ako? Hindi naman ah"

Sinabi na kasi ni Charmee kay Andrew na may nabuo sila pero dahil mahal daw 'kuno' ako ni Andrew ay hindi niya tinanggap. Gago din pala yung napili ko dati ano? Tinakwil talaga yung anak niya.

Charmee rolled her eyes nonchalantly. "Mas maganda naman ako sayo, bakit ang daming nababaliw sayo?"

"Because I'm cool"

Napatawa kaming dalawa sa inani namin. We may be had a past but one reason is enough for us to build a memories together again.

She left after that. Nasa opisina kasi ako, the shares that i've been protecting at my dad's company is still standing. Hindi pa yun nagagalaw, unless Bella would blackmail me just like what she did to my father.

Thereupon, Andrew arrived at my office sweaty and having a hard to breath. I was absentminded that I didn't even hear him opening the door.

"What are you doing here Andrew?"

Instead of answering he ask me. "Buntis ka ba talaga?"

Nagtaka man kung saan niya nalaman yun ay tumango ako. Hurt written in his face, but I don't care. It would be better if he'd know about my pregnancy, incase that would help him move on from me and accept his child.

"You're lying right?"

I shook my head at him and gently caressed my lower abdomen. "I'm not Drew, buntis talaga ako"

Napatalikod siya sa akin pero ramdam ko ang bigat ng mga binibitawan niyang hininga. "Si... Schyrell Parrocha ba ang ama?"

"Yes" I said without hesitations.

Baka maging daan pa yun para magising siya sa katotohanang wala na kaming dalawa. But i've never thought he would use that to tell me everything.

"Do you want to know why we broke up love?"

Nanindig ang balahibo ko sa tawag niya sa akin, my heart beats fast than it's usual. Like what I feel the first time I saw him. Kinalma ko ang sarili ko bago ko siya sinagot.

"What's the use? Wala na tayo, ano pa bang gusto mo?"

Hinarap niya ako at tumitig sa mga mata ko, the eye that caught my attention. The eye that I love the most. Napailing ako sa mga naiisip ko, this is not the right time to reminisce the past.

"Anong gusto ko? I want you Nicole, what's the use of it? That's the only way to have you, para makuha kita kailangan mong malaman yun"

Libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. The way he stared at me, the way he want to own me. It gives me the feeling that I don't want to think again, naguguluhan ako.

Gusto kong malaman kung ano yun, gusto kong malaman ang rason kung bakit kami naghiwalay. Gusto kong malaman yung tinatago nila noon pa man sa akin. Pero parang may pumipigil, ayokong isipin pa. Masyadong marami ang nangyari at gusto ko ng maliwanagan, gusto kong mabuhay ng walang iniisip at iniintindi.

"You can't have me Mark, sige... papayagan kitang sabihin kung ano man yun pero huwag kang aasa na babalik ako"

He laughed sarcastically and played with his lips. "I doubt that love... I doubt that"

Naiinis akong tumayo sa upuan ko at hinarap siya. "Just get to the point Andrew! What is it? Tell me and leave!"

He nodded. "Sky was the reason"

Four words but my mind went blank instantly. Napatulala ako sa narinig, anong kinalaman niya rito? Why would he mention Sky?

"W-what...?"

He smiled and held my hand. "He blackmailed me love, na kung hindi kita hiwalayan at saktan ay sisirain niya ang kumpanya na itinayo ng mga magulang ko. Pati na rin yung sa papa mo. I'm scared... that's why I agreed. I talked to Charmee to do the plan and stop him from ruining us, she also doesn't want to lose the company so she agreed"

He looked away and cursed. "That dickhead, hindi siya tumupad sa usapan. Ang sabi niya titigil na siya kapag wala na tayo pero hindi niya ginawa. Nawala sa'kin ang kumpanya at sinira din ng kapatid niya ang sa ama mo. He's obsessed with you, that he will do anything just to own you. Ginawa niya ang lahat ng yun para lang malapitan ka at maangkin, that's why I'm stopping you right now Nicole. Hindi ka pwedeng sumama sa kaniya"

Napailing ako at napapikit na lang sa dami ng nalaman ko. Binitawan ko ang kamay ni Andrew at nanghihinang napaupo sa upuan ko.

Hindi ko alam na nawala na pala kay Andrew nag kumpanya niya, hindi ko din alam... lahat. Wala akong alam, nagmukha akong tanga habang siya ay nagpapakasaya sa lahat ng nagawa niya.

Kaya ba niya ako kinausap? Kaya nga ba niya ako nilapitan noong araw na wasak ako dahil sa mga rason na yun?

Because he wanted to own me?

Ano ba dapat ang maramdaman ko? Kasi gulong gulo na talaga ang utak ko. Sumasakit na din ang ulo ko sa pag-iisip.

Hindi ba dapat maging masaya ako dahil alam kong gumawa siya ng paraan para magkita at maging kami? Pero sobra sobra ang ginawa niya! Sinali niya pa ang pamilya ni Andrew!

Paano niya nagawa yun para lang makuha ako? Hindi ba siya pwedeng gumawa ng paraan na alam niyang tama at hindi siya makakasakit ng ibang tao!?

Bakit kailangan niya pang gawin yun? Bakit ginawa niya pa akong tanga?

"Nicole"

Andrew tried to held my hands but I don't let him touch me. Masyadong marami ang nangyari at ayokong dumagdag pa ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.

"Leave Andrew... let my mind rest please, leave my office now"

With a hesitation in his eyes, he left me.

Kusa na lang tumulo ang luha ko sa nalalaman, this is a big revelation. I've never thought he would do that to me, masyado niya akong naloko.

Paano ko na sasabihin sa kaniya na may anak kami kung sa ganoong paraan pala niya ako kinuha? Paano ko sasabihin sa kaniya kung alam kong nagkamali siya?





Paano na?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top