Chapter 3- Not once but twice
"OK ka lang ba talaga, Valerie? Kanina ka pa maputla. If you're not feeling well, you can go home. About earlier, I'm sorry for forcing you." Aera looked guilty while looking at her best friend.
"I'm fine. Nasaan ang ang comfort room dito?" she asked instead.
Aera gestured her hands. "Just go straight, makikita mo na iyon."
Tipid na lang siyang tumango at nginitian na lamang ang kasama nitong babae.
Nagdirediretso siya katulad ng sabi ni Aera at hindi nga siya nagkakamali, makikita na ito agad dahil sa malaking sign na nakaturo.
Pumasok na siya sa loob at doon na napabuntong hininga. Valerie washed her hands and face. She stopped midway when she heard multiple footsteps coming forward.
"I heard the greatest Alxheron is here,"
"and he's with his friends."
"He's still fuckingly handsome and fuckable as well."
"I'm lucky to have gotten to taste of him."
"I'm envious, Michelle."
She heard them giggle at saktong nagtama ang mga mata nila. They stopped and look at her from head to toe bago dumiretso sa sink.
"May mali ba sa suot ko?" Valerie whispered in her thoughts.
Ibinalik niya ang tingin sa salamin at kumuha ng tissue para ipampunas sa binasang mukha at kamay.
"Pati rito pinag-uusapan ang ganiyan." Kunot noong saad niya. But when she thinks back on what the girl said earlier, a part of her is hurt and angry. Parang siya sinaksak ng punyal at parang pinagtaksilan.
Alxheron... Those names are kind of familiar to her, but she couldn't figure out where she heard them.
She's about to leave when the other girl spoke. "Hindi ko alam na nagpapapasok pala sila rito ng namamasko. It's not christmas yet, what's with the red outfit?"
Valerie brows furrowed. "Are you talking to me?"
"May iba pa bang tao rito?" Maarteng sagot ng kasama nito.
Valerie let out a sigh. It's pointless if she continues to fight with them. She turned away, but not before hearing one word that made her blood boil. Alam niya sa sarili niyang hindi na siya makapagpigil kaya ginawa niya ang dapat gawin.
"I'm not like you, BITCH." she said emphasizing the last word. Nanatili siyang talikod at naglakad na papalayo.
"Anong masama sa kulay pula, siya nga e ang kapal ng make up wala naman sa circus!" naiinis na bulong niya.
"What's with the look?" her best friend asked.
"I already want to go home, Aera."
"I see, you look pale." tango-tangong ani Aera.
Bumaling ang tingin niya sa kasama nito. She looks innocent kumbaga hindi makabasag pinggan. "I'm sorry for my behavior earlier, ma'am."
"Oh no, it's okay." she shakes her head. "I understand. By the way here's my calling card if you're still interested to my offer." then she smiled genuinely.
Sumakay na siya ng taxi pauwi dahil hindi niya naman nadala ang sasakyan niya at mas lalong hindi niya gagamitin ang kotse ng kaibigan dahil paniguradong gabi na ito uuwi. Tumingin siya sa labas ng bintana para tignan ang dinadaan ngunit agad na lumukob ang kaba sa puso niya nang makitang ibang daan ang itinatahak nila. Oo, hindi siya palalabas pero kabisado niya ang daan patungo sa bahay nila dahil matagal na siyang nandito.
Valerie looked at the person who was maneuvering the car. Suddenly, she felt chills run down her spine when the unknown driver smirked devilishly.
"Shit!" mariing bulong niya agad niyang kinalkal ang bag para tignan ang cellphone ngunit nasa kanya na yata lahat ang kamalasan sa mundo dahil wala roon.
"Bata, kahit anong gawin mo wala kang kawala." natatawang aniya ng driver.
Sinubukan niyang buksan ang pinto pero mas binilisan nito ang takbo ng kotse, pero mas ok na iyon kaysa nandito lang ako sa loob. Isip-isip niya.
Kahit na natatakot siya ay agad siyang tumalon palabas at nagpagulong-gulong sa daan. She kept on shouting for help but no one heard her plea. Walang masyadong bahay dahil napapalibutan ng puno. Namamanhid na rin ang kanyang likod dahil sa impact ng pagtalon niya.
Valerie stood up at tumakbo nang matulin, lumingon siya sa likod at doon nanlaki ang mata niya nang makitang hinahabol siya ng lalaki. "Oh my god, oh my god!" kinakabahang bulong niya.
Halos hindi niya na makita ang dinadaanan sa bilis nang takbo niya, thank god that she use her flats. She's running fastly, halos hindi na siya makahinga sa sobrang pagod. Halos tagatak na rin siya ng pawis.
She looked back again nakitang malapit na ito sa kanya. Binilisan niya pa pero bigla na lang siyang napatid. She hissed.
Naramdaman niya agad ang sakit na dumadaloy sa paa niya.
Ilang saglit ay naramdaman niya ang dalawang bisig na humihila sa kanya. "Ano ba! Bitawan mo ako!" sigaw niya. She squirmed pero parang sinadya ng may hawak sa kanya na hawakan ang baywang at kamay niya.
"Help! Tulong! Oh my god! Lay down your fucking hands!" matinis na sigaw na Emery.
"Fuck!" Tama ba siya ng narinig? Agad na kumunot ang noo niya.
"You're so noisy." natigil ang pagwawala niya nang marinig ang salitang iyon. Wait, bakit iba ang boses nito at marunong pa mag-english.
Tinignan niya ang kamay na may hawak sa kanya. Ibang iba ito, ang kamay nito ay malambot at sakto ang init. May tattoo pero hindi nakakadiring tignan. Who on earth touching her?
Saka niya lamang itinaas ang tingin at doon nakita ang galit na mata ng estranghero. Wait, he's familiar!
"Who are you?"
Binitawan siya nito dahilan upang mapasalampak siya sa sahig. Her foot is still hurt.
Tinignan niya ito ng masama.
"A simple thank you will do," he said in monotone.
"Nasaan na iyong humahabol sa akin?" tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ng lalaking nasa harapan niya.
"He's dead." he simply said.
Nagulat siya at agad na tinignan ang likod nito nagbabakasakaling naroon at tama nga siya. Nakahandusay sa sahig ang lalaki, naliligo sa sarili niyang dugo.
Para siyang nasusuka sa nasaksihan at hindi mapigilang mapahawak sa lalaki. Pero parang mali siya dahil matigas na bagay ang nahawakan niya. Nawala ang nararamdaman niya kanina at napalitan ng kahihiyan at init?
Napapaso niyang ibinababa ang kamay.
"Paano n-nangyari 'yan?" tanong na lamang niya. Iwinawala ang sarili sa nabubuong tensyon. Imposibleng may dumaan dito atsaka liblib, wala ring ibang sasakyan maliban sa taxi na sakay niya kanina.
"Just. . . Instincts." sagot nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa saka tumango. Ang kaninang malamig na titig ay napalitan ang poot pero ilang saglit ay nawala rin.
Tumalikod na ang lalaki at nagsimulang naglakad papalayo. Wait! Don't tell me iiwan niya ako rito?
"Wait!" sigaw niya. Lumingon ang lalaki at tinaasan siya ng kilay.
"I-Iwan mo ako rito?" maliit na boses niya. Gustong kutusan ni Valerie ang sarili dahil para siya tanga sa nangyayari sa kanya. She's not like that.
Nang walang narinig na sagot ay tinuloy nito ang paglalakad. Nataranta siya at agad na lakad takbong lumapit sa lalaki. Nadaanan niya pa ang driver, halos pigilan niya ang hininga sa nakita. Butas ang dibdib nito. . .
Hindi ba kami makukulong sa nangyari?
"My men will clean this mess. Don't worry about it. If you're afraid that you might go to jail, the answer is no."
"B-But," tinuro ko ang lalaki.
"You heard it right. Don't make me repeat myself." may kinuha ito sa bulsa. "Come here," the man said still looking in her eyes. Hindi alam ni Valerie pero para siyang nahihipnotismo, suddenly her eyes felt heavy.
Nakita niya pang lumapit ito sa kanya bago mawalan siya ng ulirat.
VALERIE woke up feeling empty, and her head is in turmoil. Napahawak siya sa ulo, siguro ay sanhi ng pagkahulog niya sa sahig. WAIT—
Inilibot niya ang buong kwarto at doon niya lamang napansin na nasa sarili niyang kwarto na siya. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok ang kabigan niyang may dalang gamot.
Napalitan ng galak ang nag-aalalang mata nito. "Thanks God you're awake!"
"Five days kang tulong, anong pinaggagagawa mo?!" Aera hysterically said with matching roll eyes. Napaigik siya nang paluin siya nito sa braso. Namumuro na itong babae ito sa akin. As if I believe with her so-called-acting.
Nagsalubong ang kilay niya at pinagtaasan ng kilay si Aera. "I don't believe you."
"Sabi ko nga." ngusong sagot ng kaibigan.
"Sino nagdala sa akin dito?" humiga ulit siya dahil sumasakit na talaga ang ulo niya. Muli niyang ipinikit ang mga mata.
Her bestfriend giggles. "Some hottie. Ano bang nangyari at wala kang malay na dinala rito?"
For that moment she stilled, hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoo o mananahimik na lang. But then she chose the latter.
"Nakatulog ako sa byahe buti na lang at m-mabait 'yong driver."
"Is that so. If you're ok bumaba ka na para sabay-sabay tayong kakain. It's already in the afternoon." she nodded.
Narinig na lang niya ang pagbukas sara ng pinto. Doon niya lamang iminulat ang mata at sandaling inalala ang pamilyar na mukha ng estrangherong sumagip sa kanya.
Matatawag na ba siyang baliw kung sasabihin niyang komportble siya sa bisig nito? But that's weird, they only met once.
Kung nakilala niya man ito dati, imposible, dahil hindi siya mahilig makipag-interact. Lalo pa't mahirap kalimutan ang ganoong klaseng mukha.
Ngayon niya lang napansin ang paa niya ngayo'y nakabenda na. Iba na rin ang suot niyang damit, si Aera siguro ang nagpalit sa kanya dahil ibang iba ang damit na suot niya sa nakasanayan niya. She doesn't like wearing pajama, she prefer light but comfortable clothes like nighties.
Natigil siya nang makita ang angry birds na stuff toy niya kaya agad niyang naalala ang galit na mata ng lalaki, bakit kaya? Napabuntong hininga na lamang siya.
Who are you mister?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top