Desire Between the War - 1
"Drag... race?" Halos malukot ang aking mukha na sambit iyon.
I'm not into that thing! All I want is to lay down in my bed. I wanted to rest at kapag pinilit niya pa ako baka mabugahan ko na siya ng apoy.
Kararating ko lang galing sa America and here she is, my cousin keeps on bothering me.
"Please... Quincy..." she said while pleading.
I just rolled my eyes. "I won't." matigas na sabi ko pa.
Ngumuso siya kaya napangisi ako.
"Haist! You are so heartless!"
Bumuntong-hinga ako. "Can't we do that tomorrow?" sumusukong ani ko.
Umiling siya. "Ngayon lang kasi naging available ulit ang mga popular na drag racer. Wala na sila bukas! We can't miss it!"
"Ikaw lang ang gustong makita sila. Huwag mo akong idamay."
Bumusangot ito. "Can you just support your cousin fantasy? Sampung taon kang hindi umuwi! Nagtatampo ako so dapat bumawi ka man lang sa akin!"
"But I wanted to rest. Kararating ko lang..."
Bumagsak ang balikat nito. Para itong lumung-lumo. I took a deep breathe.
"Fine! But we will be there for an hour." nakairap na sabi ko.
My father died when I was young. Hindi namin nakayanan ang pangyayare kaya minabuti namin na sa America na lang muna manirahan.
Sa ngayon nandito ako tumuloy kina tito Arvin. He was my father's brother. My older brother Ramon and of course my Mum, would be here in Philippines, two months later.
Suminghap ako nang bigla niya akong dambain ng yakap.
"Wah! Thank you, Quincy!"
Natitigilang nangingiti na lang ako. "Alright, Anna..."
Iritadong sumusunod ako kay Anna. Hila-hila niya ako sa gitna ng maraming tao. Halos mahilo ako sa dagsa at parang alon sa dagat ang mga ito. Dala na rin siguro ng jetlag kanina.
Gano'n ba kasikat ang mga magdadrag racer para ganito karaming tao ang pumunta? Parang artista lang.
"They are staring at you..." halos bulong na sabi ni Anna. Bahagya pa itong humahikgik.
Natigilan ako at mas nangunot ang noo. Lumibot ang aking paningin sa paligid. Saka ko palang napagtanto na kami lang ang dumaraan sa gitna at tila binigyan kami ng space na makadaan. Kapwa nakagilid ang mga ito para makadaan kami.
"Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita." Dinig ko na sabi ng isang babae.
"Grabe! Sobrang ganda! Parang manika!"
"Sobrang puti! Nagliliwanag siya sa gabi!"
Bigla akong napatingin sa kaliwang braso at pagkatapos ay natigilan. Nakablack t-shirt ako na nakatack in sa black jeans ko. Black rin ang suot kong boots na hanggang halos umabot sa aking tuhod kaya kapansin-pansin ang aking kaputian. Tama siya, para akong nagliliwanag sa kaputian. Bukod sa madilim, at nagsilbing dim light ang street light, black rin ang kasuotan ko kaya mas tumingkad ang aking kaputian.
"Mukhang mataray... parang ang hirap lapitan..."
Napataas ang aking kilay at walang emosyon na ipinagpatuloy ang paglalakad.
"You can atleast try to smile. Even a bit."
Mahinang bulong ni Anna sa akin. Umirap na lang ako. "Hindi ako masaya." pinong sabi ko pa.
Kita ko ang paglaglag ng balikat nito at ang pagbusangot. Mas pinagtaasan ko lang siya ng kilay nang makita na problemado siya.
"Kaya wala kang kaibigan! Ang taray mo kasi! I mean, bihira ka lang ngumiti. Hay... You always wearing that kind of mask!"
Siguro nga tama siya. Mula ng mamatay si daddy, hindi na ako makangiti ng totoo. Hindi rin ako makaiyak sa harapan ng iba. Tila ba may mga kadena ang nakagapos sa aking puso at pilit na itinatago ang mga emosyon na 'yon.
Mas kumunot ang aking noo. Iritado na sa kanya. "What mask?"
"That mask! Walang emosyon, tamad kung tumingin. Parang wala kang kainterest, interest, sa lahat ng bagay."
"Wala naman talaga."
Mas bumagsak ang balikat nito. "Ewan ko sa 'yo, cous..."
Hinila niya ako sa pinakamalapit na pwesto sa starter line. Nakaparada na din ang... Apat na kotse. May apat na lalaki ang nag-uusap doon banda.
I think sila ung mga racer.
"Wala pa ata ang mga main star..." Anito at panay ang paglinga.
"Main star?"
Tumingin siya sa akin. Para bang nagningning ang mga mata nito.
"Oo! Ung magpinsan! Si Xion Mio at si Airson Quel Monterealez!"
Natigilan ako. Monterealez? Parang narinig ko na 'yon... I'm not sure to where it is.
Ipinagsawalang bahala ko 'yon.
Luminga ako sa buong paligid. Nakaramdam kasi ako na maiihi. Bumalik lang ang paningin ko sa harapan nang magsimulang umingay ang paligid.
Napatitig ako sa kulay pula na kotse ang mabilis na humarurot papunta sa starter line. Marahas na bumukas ang pintuan ng driver seat at bumaba ang isang lalaki dahilan para lumakas ang tiliin ng mga babae sa paligid.
"Waahhh! Xion my love! I love you!"
Umirap ako kay Anna. Panay ang talon nito at nakikisabay sa hiyawan.
"Anna..." irita ko nang hindi niya ako lingunin.
Sa malakas na hiyawan, tila naglaho ang aking boses sa dagsa ng sigawan.
"Anna!" mas malakas na tawag ko sa kanya but this time, may kasama ng paghampas sa braso nito.
Natigilan siya at napapitlag. "Iihi ako. Samahan mo ako!"
Namilog ang mga mata nito at pagkatapos ay ibinalik sa lalaking bumaba sa pulang kotse na naglalakad na ngayon papunta sa kapwa racer nito, bago ibinalik ang mga mata sa akin.
"But magsisimula na..." mangiyak-ngiyak na sabi niya. Tila inagawam ng pangarap. "Kapag umalis tayo, mawawalan tayo ng pwesto."
Inirapan ko siya. "Fine. Just tell where it is."
Halos tumalon ito sa saya kaya napairap ulit ako. Nang magets ko ang pinagsasabi niya, umalis ako sa tila rally. Nakahinga ako ng maluwag nang medyo wala ng tao sa aking banda.
Mabilis akong pumunta sa comfort room. Nakahinga ako ng maluwag nang makaihi. Nagmadali akong lumabas para mapuntahan kaagad si Anna ngunit natigilan ako paglabas, may tatlong babae ang nakapalibot sa isang kulay itim na kotse. Nakaharap ang gawi nila sa akin kaya hindi ko makita kung ano ang ginagawa nila sa kotse.
Kanina naman ay wala itong kotse dito pagkapasok ko sa CR. Pero... Anong ginagawa nila?
"Lexy... sigurado ka ba dito? Lagot tayo kapag nakilala tayo."
"Hmmm! Ang sungit niya kaya gaganti ako sa kanya!"
"Tara na! Tama na 'yan! Baka lumabas na siya sa CR."
May inilapag na spray paint sa hood ng kotse ang isang babae at mabilis na kumaripas kasama ang dalawa.
Out of curiosity, nilapitan ko iyon. Umikot ako para malapitan ko kung ano ang ginawa nila sa isang sports car.
Kinuha ko ang spray paint bago tinignan ang ginawa nila. Madilim sa parteng iyon pero dahil puti ang pintura, kitang-kita ko kung ano ang nakadrawing doon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pagkakita sa drawing na nilagay nila gamit ang spray paint.
The hell!
Isang ari ng lalaki ang nakadrawing at may dalawang bilog sa magkabilaang gilid.
Namimilog ang mga mata ko. Mabilis uminit ang buong mukha ko. Panigurado pulang pula na ang ako.
Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan. Tila namanhid ang mga paa. I wanted to run at baka ako ang pagbintangan, pero ng bumalik ako sa ulira, huli na ang lahat.
Halos mapatalon ako sa gulat sa malakas, malalim, at dumadagundong na boses ng isang lalaki.
"What the fuck are you doing to my car?!"
Suminghap ako at nilingon siya. Sumalubong sa akin ang madilim at nagbabaga nitong paningin. Matalim ang mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang papatayin ako. Bayolente akong lumunok.
Bigla akong nanghina. Nanginginig ang mga tuhod ko at tila babagsak na. Mas tumiin ang pagtitig nito sa aking mukha at tila ba kinakabisa iyon.
Nahigit ko ang hininga nang mula sa aking mukha, bumaba ang kanyang paningin sa spray paint na aking hawak, bago lumipat ang paningin sa kanyang itim na kotse na may puting tinta na nakadrawing.
Kita kong natigilan ito at saglit na natulala sa drawing. I wanted to shout na hindi ako 'yon. Na ang tatlong babae ang may kasalan! I wanted to explain pero wala akong boses.
Hell! Wala akong kasalanan! Biktima lang ako dito!
"You fucking draw in my damn car!" mariin na bigkas nito. Muli niyang ibinalik sa aking mga mata ang kanyang paningin.
Na kahit medyo malayo naman kami sa isa't-isa, para akong maduduling sa pakikipagtitigan sa kanya.
Humigpit ang hawak ko sa spray paint ng dalawang malaki na hakbang ang ginawa nito at nakalapit na sa aking pwesto. Bahagya akong napaantras pero bumangga ang aking likuran sa kanyang kotse.
"What did you fucking draw in my car?" mahina pero may diing sabi niya.
Mas kinabahan ako. Bumuka ang aking bibig para magsalita pero muli ko iyong natutop. Tila nawalan ako ng boses.
"Answer me, woman!"
Napapitlag ako sa medyo malakas na sabi nito.
"I-I'm not the one who did that..."
Mas tumitig siya sa aking mata kalauna'y nagbaba iyon sa nakaawang ko na labi. Saglit lang 'yon at muling ibinalik ang paningin sa aking mata, na tila hinahalukay ang aking pagkatao. Marahas akong napalunok. Nanunuyo ang aking lalamunan.
"Really? Huli na, lulusot ka pa."
Nainis ako bigla. "Hindi ako ang may gawa." matigas pa na sabi ko.
"May ebidensya ka ba na hindi ikaw ang may gawa?" Tumaas ang isang kilay nito.
Kinagat ko ng mariin ang labi. saglit niya iyong sinulyapan at muling ibinalik sa aking mata ang paningin.
"Bakit? May ebidensya ka din ba na ako ang gumawa niyan?" matapang na ani ko. Pilit nilalabanan ang kabang nararamdaman.
Hindi ko maintindihan, ngayon lamang ako kinabahan sa presensya ng isang lalaki. Tila ay nenerbyos ako. Hindi ko maipaliwanag, masyado akong tensyunado sa kanyang presensya.
"Huwag kang mangbintang."
Ginulo nito ang kanina pang magulo na buhok. "Damn... sasagot pa..."
Umuwang ang aking labi ng maloko itong ngumisi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top