[1] THE MYSTERIOUS SCULPTURE

The Mysterious Sculpture 1
SOFIA

“WHAT? Gano'n ka na niya katagal na niloloko?” hindi makapaniwalang sabi ni Belle nang mag- usap kami kinabukasan ng gabing sinabi ko sa kanya ang masamang balita.

“Oo. Pinakuhanan ko pa sila ng picture bilang ebidensiya.”

“Ang kapal naman ng mga mukha nila! Pinagkatiwalaan mo pa naman silang dalawa!”

Nagkita kami sa bahay nila ng asawa niya. Doon niya 'ko pinapunta. Gusto kasi niya na ihatid nila ako sa ancestral house ng family niya na pagbabakasyunan ko pansamantala.

“At ang kapal ng mukha niyang yayain akong magpakasal. 'Yon pala gusto rin niyang maging bride! Kapag nakita ko siya kakalbuhin ko talaga siya!” gigil na sabi ko.

Ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa walang hiya kong fiancé ay dahil sa nabisto ko na ang sekreto niya. Bakla siya.

Kaya pala kahit ano'ng pang- aakit ko sa kanya lagi niyang iniiwasan. Kung hindi ko pa siya nilasing noon, wala pang mangyayari sa 'min. Alwin is gay! My fiancé is gay. Kapag naiisip ko 'yon para akong masisiraan ng bait. Everyone thought we were perfect. Noong una ayoko pang maniwala. Pero nahuli ko sila mismo sa akto!

Totoo ngang ipinagpalit niya 'ko sa pinsan ko. Sa lalaking pinsan ko!

Ang sabi niya mag- iinuman lang daw sila. Pero nang sorpresahin ko siya sa apartment niya, ako pala ang nasorpresa. Nahuli ko lang naman silang may ginagawang milagro sa sahig. Ang mga walang hiya!

“'Wag ka nang umiyak, Sof. You'll be fine. I'm here for you,” sabi ni Belle at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

“I know, Belle. Thanks for being a good friend to me since day one.”

Pagkatapos naming mag- usap ay hinatid na nila akong mag- asawa sa ancestral house nila. Na- touch ako dahil nag- abala pa sila.

Umaasa talaga ako na kapag natapos na ang bakasyon ko ay makakalimutan ko na ang masakit na nangyari sa akin.

“HINDI ko talaga kayang magtagal sa bahay na 'to but knowing you, mas kailangan mo 'to,” sabi sa 'kin ni Belle habang papasok kami sa loob ng bahay at nakasunod sa amin ang mag- asawang caretaker bitbit ang mga gamit ko.

“It looks beautiful to me, Belle.”

“Well, I found it creepy. But don't worry, nandito naman sila Manang para ibigay ang mga kailangan mo. Tawagin mo lang sila.”

“Nasubukan mo na bang magbakasyon dito kasama 'yang hell-of-a-hottie husband mo?”

Her mouth dropped.

Napakumpas naman ako sa hangin. “Aminin mo na. He's a head turner,” nakatawa ko pang sabi.

“Now you're laughing,” manghang sabi niya.

“Oo nga, 'no? Well, isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi matatagalan at makaka- move on din ako.”

Pagkatapos nagyakapan kaming dalawa.

“You have everything a man would kill for, Sofia. Alwyn's not a man, obviously.”

Natawa ako. “Yeah, right. Gusto ko talaga ang sense of humor mo kahit kailan.”

“O siya, sige na. Hindi na kami magtatagal ni Prince kasi pupunta rin kami sa parents niya. You have a good time, okay?”

“Kayo rin, Belle.”

Hindi ko alam kung paano nasabi ni Belle na creepy 'tong ancestral house nila. Para sa 'kin naman maganda at napakapayapa ng ambiance.

Nakita ko pa nga ang antiques na display sa sala hanggang sa itaas ng bahay. Mapa- vase, jars, sculptures and paintings ay koleksiyon daw ng grandparents ni Belle ng mga napanalunan nito sa auction sa labas ng bansa.

Mukhang nakabisado na nga ni Manang Lydia ang history ng ancestral house na 'to. Ipinakita na niya sa akin ang magiging silid ko para raw makapagpahinga na 'ko. Hindi rin naman kasi naging biro ang biyahe namin kaya napagod din ako.

I actually like my room. Para akong napunta bigla sa Spanish era. 'Yong four- poster bed kong kama ay sa Portugal pa pala nabili. Nakakamangha. Nakuha rin ang pansin ko ng mga maliit na sculptures na display. Ang sabi ni Manang may life- size na sculpture daw sa kabilang silid. Puntahan ko lang kung gusto kong makita.

Hindi ko namalayan na nakaidlip ako kaya naman maghahapon na nang magising ako. Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura kaya lumabas ako ng kwarto at sinabihan si Manang na ipagluto ako.

Habang wala pa ay naglibot muna ako sa itaas ng bahay. Pumasok ako sa kadikit na silid at nakita ko ang mas maraming display na paintings at mas malalaking scupltures.

“Wow, beautiful,” manghang sabi ko.

Nilapitan ko ang mga sculptures hanggang sa naagaw ang pansin ko ng isang partikular na estatwa. Kakaiba ito sa lahat dahil mukhang ito ang pinakamalaki.

It was a male statue. And a naked one. Nakaupo siya sa isang malaking bato. Ang isang paa niya ay nakatapak sa sahig at ang isa ay bahagyang nakaangat. Nakahawak sa bato ang mga kamay niya sa magkabilang gilid at ang mukha niya ay bahagyang nakatingala.

Isa iyong machong estatwa at masarap titigan. Er...hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit iyon ang palagay ko. At ang pinaka-takaw- pansin ay ang bagay na nasa pagitan ng mga hita nito.

Napalunok ako. Malaki iyon at mahaba. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa artist niyon at inukit niya iyon nang aroused ang organ ng estatwa.

Hinawakan ko iyon.

Goodness. Kung naging tao lang ang estatwa na 'to, tiyak na maraming babae ang mapapaligaya nito.

“Ma'am Sofia?”

Mabilis kong binawi ang kamay ko nang marinig ko ang boses ni Manang Lydia sa may pintuan.

“Bakit po, Manang?”

“Handa na po ang merienda ninyo. Mukhang nalibang kayo sa pagtingin- tingin dito, ah?”

“Nakakamangha lang po, Manang.”

Nang lumapit siya sa tabi ko ay naisip kong tanungin siya.

“Talagang nakakamangha ang kwento sa likod ng mga estatwang ito.”

“May alam po ba kayo?”

“Hindi masyado pero ang isang 'to, alam na alam ko,” tukoy niya sa estatwang nakakuha ng interes ko.

Dahil do'n ay lalo akong na- curious.

“Talaga po?”

“Dahil matagal na matagal na rin kaming naninilbihan ng asawa ko dito ay ipinagkakatiwala sa akin ni Doña Bella ang lahat ng impormasyon dito sa bahay. Ang pangalan ng estatwang iyan ay si Jairus of  Valentine.”

“Jairus of Valentine?” manghang ulit ko.

“Hindi gano'n katanyag ang kwento niya at ang ibang mahilig mag- aral ng history ay hindi aakalaing nag- exist ang kwento niya. Si Jairus ang pinakagwapo at pinakamakisig na binatang nabuhay sa panahon niya. Lahat ng mga kababaihan sa maliit na bayan ng Valentine ay nahuhumaling sa kanya pero ang puso niya ay naging tapat sa isang babae lamang. Iyon ay si Sophia.”

Napakurap ako. “Magkapangalan kami?”

“At kasing ganda mo rin, hija. Tapat ang pagmamahal nila sa isa't- isa ngunit hindi naiwasan ang mga taong gusto silang hadlangan. Mayroong nakababatang kapatid si Sophia na ang pangalan ay Olivia. Sobra ang pag- ibig na nararamdaman niya para kay Jairus kaya gumawa siya ng paraan para mapasakanya ito. Ginaya niya ang mukha ni Sophia para maakit ito. Nahuli ng totoong Sophia ang pagtataksil ng dalawa kaya sa galit ay isinumpa niyang maging bato ang lalaki. Huli na niya nalaman na nalinlang lang sila ni Olivia at hindi na niya maari pang mabawi ang sumpa. Dahil hindi matanggap ni Sophia ang nangyari, kinitil niya ang sariling buhay.”

“Wow, sino naman ang nagsulat ng kwentong iyon, si Shakespeare ba?” sabi ko.

“Hija, totoong nangyari ang sinabi ko at itong estatwang ito ay siya mismong si Jairus na naging bato at hindi basta replika lang.”

Parang pinanayuan yata ako ng balahibo sa katawan.

“You mean nag-i- exist talaga ang witchcraft?”

“Kahit naman sa bibliya may salamangka na.”

“Hindi pa rin ako makapaniwala.”

“Subukan mong tingnan sa internet. Baka may mga impormasyon nang makakapagpatunay ng kwentong iyon.”

“I'll see,” napakibit- balikat ko pang sabi. “Tara na, Manang, kakain na 'ko.”

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top