Chapter 4
Guess who?
This is an art made my twin, JC TheMaskedDeux, for Chanel. I really really love it dahil kuhang-kuha niya si Chanel. My God, do you have some magical hands, JC? Ilysm! Thank you!
Do not rip-off this work. This is not mine and all the rights goes to my friend who made this. Always ask for permission.
***
Tila huminto ang pagtibok ng puso ni Chanel nang magkrus ang mata niya at mata ng kanyang magulang. They were all shocked to see each other. If Chanel was very surprised, mas lalong nagulat ang mga magulang niya nang siya'y makitang nakatayo sa labas ng kuwarto, patuloy na umiiyak, ngunit hindi makapagbanggit ng kahit anong salita. Huminto sila sa kanilang ginagawa at akmang lalapit sa kanilang dalaga nang makita nila ang lalaking nakatayo sa likod ng kanilang prinsesa.
Gulat na gulat sila nang makita ang lalaki na hawak-hawak ang magkabilang balikat ng dalaga habang tila nakabulong sa tainga nito. Kinabahan at natakot sila nang malaman kung sino ito. Iisa lamang ang nasa isip nila. Kagagawan ito ng lalaki kaya't sila'y nahuli. Ito ang nagdala kay Chanel sa ibaba upang makita kung ano ang ginagawa nila dito.
"Ikaw!" Nagulat si Chanel sa lakas ng pagkakasigaw ng kanyang ina. Galit na galit itong nakatingin sa kanyang likuran.
"Anak! Lumayo ka sa kanya!" sigaw muli ng kanyang ina. Nanginginig sa takot si Chanel. Naguguluhan sa nakikita. She wanted to run to her parents but she couldn't. Hindi niya magawang lumapit sa mga ito dahil kahit siya ay natatakot sa nakikita.
"Lumayo ka sa kanya, Chanel!" sigaw ng kanyang ama. Mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ni Chanel. Halos hindi na siya makakita ng maayos dahil sa luhang patuloy na lumalabas mula sa kanyang mata. Lumunok siya at nagtangkang magsalita. Ngunit hindi niya narinig ang kanyang boses. Walang boses na lumabas sapagkat siya'y takot na takot sa nangyayari.
"Chanel!" sigaw muli ng kanyang ina.
Anong gagawin niya?
Nakita niya ang biglaang pagbabago ng anyo ng kanyang magulang. Mula sa nakakatakot na mukha nito, mga maiitim nitong mata, matutulis na ngipit at kuko, ay bumalik ito sa pagiging normal. Muntik na s'yang lumakad patungo sa kanila. Kung hindi lamang sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ng lalaking nasa kanyang likuran ay baka tumakbo na siya sa mga ito.
She wanted them to tell her that this was all a dream. Na kapag gumising siya ay magiging maayos din ang lahat. Na babalik ang lahat sa normal. Na hindi totoo itong mga nakikita niya.
"Anak, lumapit ka sa 'kin. D-delikado ang lalaking 'yan," wika ng kanyang ina.
Narinig muli ni Chanel ang boses ng kanyang ina. Ang malumanay nitong pagsasalita. She bit her lip at muling napa-iyak. She couldn't stop crying. Ang sakit-sakit sa dibdib. She couldn't believe what she saw, what she found out. Sila ang tumayong magulang niya for thirteen years. At isang iglap, nawasak ang pangarap n'ya. Nawasak ang imahe ng kanyang pamilya.
She could hear Lenny's voice inside her head. She could hear her last words. Naalala niya ang mga panahong nandito si Lenny sa tabi niya. She could remember the first time she saw her. She was like the others. She was lost and confused. Tumingin ito sa paligid niya at tumingin sa kanya ng matagal. And when Chanel blinked, she was gone. The next time she saw her, she was looking at her as if she was some kind of a witch. There were times when she caught Lenny glaring at her as if mayroon siyang nagawang masama sa dalaga. Ang tanging naisip ni Chanel noon ay dahil baka hindi niya pinapansin si Lenny nang mga oras na 'yon kaya't ganoon na lamang ito makatingin sa kanya.
But now, seeing her parents in front of her, she realized she was wrong. Lenny had thought she was also like them, a monster. Pero nagtagal pa rin sa tabi niya ang dalaga. All this time Lenny was observing her if she was like her parents too.
"Sila ba ang biological parents mo?"
"No, they adopted me."
"Ahh..." Ngumiti muli sa kanya si Lenny. "No'ng mga nakaraang araw ay nag-iisip ako kung bakit hindi mo sila kamukha."
"Bakit ngayon mo lang naitanong 'yan? Isang buwan ka nang nasa tabi ko."
"Nagda-dalawang isip," sagot ni Lenny. "Kung magtatanong ba ako sa 'yo o hindi, pero ayokong-"
"Sa loob ng isang buwan naghanap ako ng kasagutan, kung kasangkot ka ba, o katulad ka rin ba nila."
She badly wanted to tell her the truth, but she couldn't. Ang daming pagkakataon, ngunit hindi niya ito nagawang sabihin.
"At mayroon akong sasabihin sa 'yo, na dapat matagal ko nang nasabi."
She didn't want to experience the same thing that happened to her - losing someone you love, even if it was her parents who killed her.
"Kapag sinabi ko sa 'yo ang lahat, Chanel. Masisira itong buhay na kinalakihan mo. Ayokong mangyari 'yon, dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nang hindi mo na makakasama pa ang mga mahal mo sa buhay."
She still wanted to save her.
"Hindi na mahalaga kung ano ang mangyayari sa 'kin. Ang importante ay 'yong mga taong maliligtas pa natin."
She wanted her to be free, free from all these lies.
"Hindi mo kailangan na magpatuloy sa ganitong huwad na pamumuhay. You deserve the truth, even if your smile shall be the sacrifice."
At kahit wala siyang nagawa para sa dalaga, nagawa pa rin nitong pasalamatan siya.
"Remember this, Chanel. Ano man ang mangyari, I will always be thankful that I've met you at my worst situation. You are an angel for me. You will always be."
"Lenny," she whispered ngunit narinig pa rin ito ng kanyang magulang.
"Bakit mo kilala ang babaeng 'yon, anak?" tanong ng kanyang ama.
Hindi makapaniwalang tumingin si Chanel sa dalawang taong nagsilbing kanyang magulang at pamilya. She loves them, pero hanggang dito na lamang ang pagmamahal na nabuo sa puso niya para sa mga ito. Even though they were her family, it didn't change the fact that they killed Lenny. At mayroon pang lalaking nakahiga sa lamesa, ang sunod nilang biktima.
"You killed her," bulong muli ni Chanel.
"Pinatay niyo si Lenny." Isang malakas na sambit ni Chanel.
"Walang hiya ka!" sigaw ng ina ni Chanel sa taong nasa kanyang likuran.
"Ginulo mo ang isipan ng anak namin! Ikaw ang dahilan- Pakialamero ka talaga!" sigaw muli ng kanyang ina.
"Tahimik ang buhay namin dito! Bakit nandito ka at nanggugulo!" galit na galit na sigaw ng kanyang ina. Sa paghihimutok ng galit nito sa lalaki ay muli itong nagbago ng anyo. Bumalik ito sa pangit nitong itsura at akmang susugod sa kanila nang marinig muli ni Chanel ang boses nito.
"Run, angel."
Nang maramdaman ang pagbitaw ng lalaki sa kanyang balikat ay agad na tumakbo paakyat si Chanel. Ngunit rinig na rinig niya ang pagsigaw ng kanyang ina, nagsusumamo na lumapit sa kanya.
"Chanel, anak!" sigaw nito.
Nang tumingin siya sa kanyang likuran ay nakita niyang nakasunod na ito sa kanya. Hingal na hingal siyang umakyat ng hagdan. Nanlaki ang kanyang mata sa gulat nang biglang mayroong humawak ng mahigpit sa kanyang paa. Bumagsak siya sa hagdan habang hatak-hatak siya pababa ng kanyang ina.
"Chanel, anak..." malumanay nitong tawag ngunit nang makita niya muli ang itsura nito ay umiling si Chanel.
Hindi ito ang inang nakilala niya at nakasama niya. Hindi ganito ang inang kumupkop at nagpalaki sa kanya.
"I'm so sorry, Ma." Isang malakas na sipa ang ibinigay ni Chanel sa kanyang ina. Tumama ang kanyang paa sa dibdib nito. Malakas ang pagkakasipa niya rito kaya't nabitawan siya ng kanyang ina. Agad siyang tumayo at muling tumakbo paakyat sa taas. Rinig na rinig n'ya ang sigaw nito.
"Punyeta kang bata ka! Ito ang igaganti mo sa amin? Pagkatapos ka naming alagaan?!"
Dire-direto si Chanel sa kanyang kuwarto at agad na ini-lock ito. Hanggang dito ay naririnig niya ang sigaw nito.
"Sa loob ng labing tatlong taon ay inalagaan ka namin pero ng dahil sa isang lalaki nagawa mo sa amin 'to?"
"Ano ba ang mga pinagsasasabi ng gagong 'yon sa 'yo, anak? Dinumihan niya ang pag-iisip mo! Hindi kami ang masama dito!"
Hingal na hingal si Chanel habang hindi mapalagay sa kanyang puwesto. Anong gagawin niya? Tatawag ng pulis? Pero anong maitutulong ng mga ito sa kanya? Baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon kapag mayroon siyang dinamay sa nangyayari ngayon. What could she use to defend herself from her parents? Hanger? Walis? Upuan? Cabinet?
Tinulak niya ang kanyang aparador gamit ang natitira niyang lakas patungo sa likod ng pinto. Balak niyang harangan ito upang hindi makapasok ang kanyang ina.
"Makakapasok pa rin siya d'yan kahit na harangan mo ang pintuan mo."
Agad na tumingin si Chanel sa nagsalita. She could see his figure in the dark, but she couldn't see his face. He was in the basement. How did he get here?
"A-anong gagawin ko?"
"Kill," sagot nito sa kanya.
"A-ano-"
"I said kill it."
She addressed her mom as "it". In his eyes, they were nothing but monsters.
"I can't," sagot agad ni Chanel sa lalaki.
She cannot kill them because she couldn't do it. She had no strength to kill a monster and had no courage to kill the two persons whom she grew up with. They were the ones who gave her love, yet they were also the one who took it from her. She now understood that her whole life was a lie.
They did unimaginable things to Lenny and to their other victims, pero sila pa rin ang nagpalaki sa kanya.
"They killed and ate your friend. Can't you still kill it?" tanong muli nito sa kanya.
"They are my family," sagot ni Chanel habang patuloy na umiiyak. Somehow she still believed that they were still inside, her real parents who took care and loved her.
"No, they're not. They were forced to take care of you because it was an order."
"W-what did you say?" naguguluhang tanong ni Chanel sa lalaki. Bago pa man makasagot ito muli sa kanya ay narinig niya ang malakas na pagkalabog ng pintuan ng kanyang kuwarto.
"If the order was to kill you if you discovered their true form, then that thing you called mother outside your room will kill you. Do you still wish not to kill it? Decide while I'm still here and while I still want to help you."
Lumunok si Chanel at muling tumingin sa lalaking nagtatago sa dilim.
How could she wish for them to die? Then she remembered the man that was tied up in the basement, Lenny's clothes and how she disappeared in front of her eyes, and their other victims they'd killed before, there was no other than death she could wish for them.
"Go," halos pabulong na kung sumagot si Chanel.
And it was all he was waiting for, a permission to kill.
Nawala ang lalaki. Huminto ang pagkalabog sa pintuan. Isang malakas at matining na sigaw ang narinig niya bago tuluyang tumahimik ang kanilang buong bahay. Naglakad siya patungo sa pinto at nanginginig na pinihit ang doorknob. There was a black blood on the floor. Tila kinaladkad ang katawan nito nang makita niya ang pagkalat ng dugo sa lapag. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang pababa ito ng hagdan.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo doon at tumingin sa ibaba. Nakita niya ang dalawang bangkay ng kanyang magulang. Ganoon pa rin ang mga itsura nito ngunit wala na itong mga buhay. At sa tabi ng bangkay ng mga ito ay mayroong lalaking nakatayo.
Ito ang lalaking nakita niyang nakatali sa basement kanina.
Kung kanina ay kitang-kita niya ang pagkatakot sa mukha ng lalaki, ngayon ay kabaliktaran na ang lahat.
He was looking at the bodies. Tila naramdaman nito ang pagdating niya kaya't umakyat din ang tingin nito sa kanya. Pero ang mas lalong ikinatakot ni Chanel ay ang mahabang pagtingin nito sa kanya. He was so scared earlier, but right now he was calm. At iba ang kutob ni Chanel dito.
Humakbang siya paatras nang makitang ngumiti ito sa kanya.
He was smiling.
"Hello, Chanel," wika nito.
She was about to run when someone caught her. Isang panyo ang itinakip nito sa kanyang ilong. She smelled a strong chemical. Pampatulog, isip niya. Ngunit huli na ang lahat upang pumiglas at humingi ng saklolo sapagkat dahan-dahan na siyang bumibigay sa kadiliman. She lost consciousness.
When she opened her eyes, she was back in the void again. She was in her dream again.
"This is the time we part ways, angel."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan siya. Bakit hindi siya niligtas nito nang mayroong kumidnap sa kanya?
"I was kidnapped. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin," wika niya sa lalaki. Bakit dumating sa puntong ibinigay na niya ang buong tiwala niya sa lalaki? Bakit dumating s'ya sa puntong 'to na umaasa sa kanya na ililigtas siya nito?
"Don't worry. You'll find me soon."
"How am I supposed to do that?"
"You'll find me. And you'll remember."
"And if I find you?"
She could again almost see him smiling.
"Interesting question, angel. If you found me, what should we do?"
Lumunok si Chanel. "I-I-"
She didn't know what to do. She wanted to offer her help, but what could she offer? Hindi niya nga kayang protektahan ang sarili at ang tumulong sa lalaking alam niyang hindi naman niya katulad, ano ang mabibigay niya? Wala. Kaya't hindi na siya umimik pa.
"Let's find that out when you see me, angel," he whispered.
Kumunot-noo si Chanel nang makaramdam ng init sa kanyang paligid. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay mga kandila agad ang una niyang nakita. Nakalatag ang mga ito papalibot sa kanya. Tumingin siya sa kanyang sarili at nakitang nakaluhod sa gitna ng isang bilog na maraming linya sa loob.
At nang i-angat niya ang kanyang mata ay laking gulat niya nang makita ang lalaki kanina sa kanilang bahay at mayroon pa itong mga kasama na nakasuot ng mahahabang balabal na natatakpan ang kanilang mukha.
Chanel couldn't understand what was going on but she knew one thing. She was kidnapped by some occult and maybe she was their sacrifice.
I'm really going to die, am I?
"We meet again, Chanel," said the man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top