Chapter 32

Chapter 32

| We're meet again |




Fhaye's POV,


Nagising na lang ako nang maramdaman kong namamnhid ang paa ko . Naalipungatan ako at napagtanto kong nakatali ang dalawang kamay ko sa isang bakal. Sobrang sakit ng katawan ko. Unti unti ko nang naalala lahat ng nangyari kahapon. Di ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko




F L A S H B A C K

Nandito parin kami sa bakanteng abandonang room at kaharap ang madaming studiyante na mga grupo pala ng gang





"Lahat ng nandirito ngayon,agree ba kayong mamatay si Fhaye?!"nagulat ako sa sinabi ni Krystal. Nanlaki ang mata ko at sobrang nangangatog na ang mga tuhod ko




"YESSSSSS!"sigawan ng lahat. Napakunot ang noo ko dahil sa mga nangyayari.





"Fhaye,di ka na makakawala pa. Kailangan namin ang dugo mo at isa sa mga organ mo which is................utak!"sabi ni Kylie at tumawa siya nang nakakatakot na tawa. (Evil laugh)


"A-akala k-ko ba mag d-donate lang ako ng blood?!"utal kong sabi.





"Kailangan din namin ang utak mo para mabuhay siya. Fhaye Wala ka nang kawala. Sabi ko namn sayo magiging safe ka its either heaven or hell! Bwahahahaha!"sabi ni Krystal at tumawa din. Nagkakaingay na ang lahat








Parang nakapako namn ang mga paa ko dahil ang buong katawan ko ay ayaw mismong gumalaw. Parang gusto ko nang tanggapin na mawawala na ako. Iniisip kong wala na rin akong magagawa kung lalaban pa ako. Alam ko na rin namang talo ako. Napabuntong hininga na lang ako. By the way iniwan ko ang susi ng secret exit ng DU sa drawer ni sir Johan pero hindi ko iyon nailagay sa sulat, kaya sana kung may pagkakataon akong makita pa si sir Johan or si Lorraine sasabihin ko sa kanila. Kinakabahan na ako ngayon Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.




"Sige. Agree na din ako para sa pag donate ko ng blood pati sa pagbigay ng utak ko. Pero may kondisyon"walang reaksiyon kong sabi. Nagliwanag namn ang paningin ni Krystal ngayon






"Ano yun?!"na eexcite niyang sabi





"Gusto kong makausap muna si sir Johan!"sabi ko sa kanya






"At bakit mo namn gustong kausapin si sir? "Aniya






"May sasabihin lang ako"mahinahon kong sabi sa knya






"Oh. Mukang magpapaalam ka na sa kanila. Okey kakausapin ko si sir Johan bukas para makausap mo siya. Di ka pwedeng umalis dito!!"tugon niya.






E N D O F F L A S H B A C K


"FHAYE! kumain ka muna. Mamaya ipapatawag ko na si sir Johan kay Krystal!"sigaw ni Kylie at nilapag ang pagkain sa sahig.





"Are you stupid or insane? Paano ako makakakain kung nakatali ang kamay ko?!"bwelta ko kaya napangisi siya.at dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ng mahigpit ang baba ko.



"Eat with your own risk!. Di ako tanga para tanggalin yang gapos sa kamay mo. Malay ko bang tatakas ka!"sabi nito at inuntog ang ulo ko sa bakal. Napairap ako sa knya habang naka kunot noo.




Di na ako kumain pa dahil sadyang mamatay lang rin namn ako.







...................

Johan's POV,


Ala una na ng madaling araw pero di ako makatulog iniisip ko si Fhaye/Ms. Hazel, nasaan kaya siya ngayon. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Paulit ukit ko lang binabasa ang sulat niya sa akin. Bakit pa kasi ako umattend sa meeting. Naiinis ako sa sarili ko. Tch!


Sir Johan,


Maraming salamat po sir Johan dahil nakapagkatiwalaan po kita. Salamat dahil sa iyo naharap ko pa ang mga huling yugto ng buhay ko dito sa impyernong ito. Sir may gusto lamang akong aminin sa iyo sana wag kang magalit. Gusto na po kita simula pa lang po nung una pa lang. Alam ko pong iba ang laman ng puso mo pero ayos lang dahil bilang na rin namn na ang mga araw ko dito. Sir salamat po sa lahat lalo na sa sacrificed na ginawa mo para sa akin. Nagawa mong talikuran ang pagiging tapat mo kay Evela Santina para lang matulungan ako. I'm so really appreciate for that. Sir mag iingat po kayo palagi. Sana makaligtas kayo dito. Hanggang sa muli.....


~Fhaye

Parang unti unting pinupunit ang puso ko dahil bakit ngayon pa. Ngayon lang siya umamin,parehas lang din nmn pala kami ng nararamdaman. Umibig na rin ako dati pero iba yung naramdaman ko kay Fhaye eh. Bigla ko na lang din siyang minahal. Di ko malubos maisip na ipagkakait din siya sa akin ng tadhana.




Hinanap ko na rin siya kanina sa buong DU pero di ko talaga siya mahanap. Di ko namn magawang magpatawag pa sa mga bawat rooms and dorms. At kagabi sa meeting ay hinahanap din siya ni Evela





Di ko alam pero sa tuwing maaalala ko siya ay napapaluha na lang ako. Parang pamilyar ang damdamin kong ito' katulad nung namatay ang mother ko. Isa nga pala akong half Japanese at half Filipino. Japanese ang father ko and my mom is pure Pilipina. Na inspired ako maging nurse because before my mom passed away she request that she like become nurse before but she didn't. Kaya I promised her that I will be nurse someday. Kung namatay siya Parang naguho ang mundo ko sobrang sakit dahil namatay si mama parehas nang nararamdaman ko ngayon. Di ako mapalagay.







7:30 na di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag iisip ko kay Fhaye. Nagtungo ako sa Teacher's Office para kunin na ang gamit kong dadalin para makapagturo. Nagulat ako dahil may maliit na papel na nakaipit sa libro ko. May note na nakalagay doon na Sobrang ikinagulat ko




"If you want to see her,go to cafeteria at 8:00 AM!"








Walang nakalagay kung kanino ito nanggaling. Bumilis ang pagtibok ng puso ko...





"Ms. Dannelle? Can you sub to my class?"





"Sure"






Dali dali akong pumunta sa Demon's cafeteria.Konti pa lamang ang mga tao dito dahil nagsisimuka na rin ang ibang klase. Iniikot ko ang paningin ko Wala namn akong kakaibang napansin na may tao bang interesado sa akin. Aalis na sana ako nang may tumawag sa akin muka sa likuran ko kaya nakatingin ako dito at napagtanto kong si Krystal ang tumawag sa akin








"Sir?. Follow me"sabi niya kaya tumango na lang ako






Sinundan ko na lamang siya gaya ng sabi niya. May nag uudyok sa akin na sumunod sa kanya dahil gusto ko na talagang makita si Fhaye. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa bawat paghakbang ko..... Nasa tagong lugar na kami ng halos di na parte ng DU. Medyo malayo din ito....... Nakita kong pumasok siya sa isang room. Malaki ito at halatang abandonado na. Habang tinatanaw ko ang buong paligid. Di ko namalayang may nakabunggo ako,bali likod ko ang nabunggo niya at likod din namn niya ang nabunggoko kaya di ko siya nkita. Pag harap ko dito parang bumagal ang paggalaw ng takbo ng bawat kilos....... Siya si........







"Eunice?"sabi ko sa kawalan nang makilala ko kung sino ang kaharap ko ngayon. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Naghalo halo ang emosyon ko. Di ako makapaniwala sa nakita ko












..................


Napatigil namn si Krystal maglakad at napatingin sa direksiyon namin.







"Sir.?. Eunice? Bakit kayo nagtititigan?"pagbasag ni Krystal sa kaninang feeling ko ay bumagal ang oras





"Eunice. Ikaw nga"sabi ko dito at niyakap siya ng mahigpit. Malaki na siya ngayon at di ko maitatagong maganda pa rin siya hanggang ngayon.







"Sir. Tama na please"sabi niya at bumitaw sa pagakakayakap ko. Alam kong nagulat siya kaya napa iwas ako ng tingin sa knya




"Eunice stop acting like that. Sir tara na nasa likod siya"sabi namn ni Krystal sa akin kaya napahakbang ako nang bahagya






"May usap tayo mamaya "sabi ko kay Eunice at aaminin kong gusto ko pa siya makausap pero mas importanteng makita ko muna si Fhaye/Ms. Hazel ngayon.






Wait?. Bakit ngayon ko lang na realized na dapat nagulat ako dahil buhay siya. Kung nakita ko namn siya nagulat namn ako pero parang normal lang at literal lang na nagulat ako.







Pero masaya ako dahil nakita kong ayos siya......... Tuluyan na akong umalis sa harap niya at sumunod na lang kay Krystal










........

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top