Chapter 31
Chapter 31 |Letter|
Continuation........
Lorraine's POV,
Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat na narinig ni Kaizer ang pag uusap namin ni Bernice... Di ko alam ang sasabihin ko. Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko
"K-Kaizer"Utal na sabi ni Bernice at napakurap ng bahagya...
"Bernice di mo kailangang kabahan. Nandito kami para protektahan ka. I still love you"sabi ni Kaizer habang diretsong nakatingin kay Bernice.
"Thank you. Kai I want to say Sorry to you too. Sorry dahil nagtaksil ako!"umiiyak niyang sabi
"Matagal na kitang pinatawad"he say with soft voice na talaga namang nakakapag pakalma ng damdamin
"Paano nga pala pag nalaman ng iba na buntis ako?!"kinakanahang sabi niya
"Ilang months na ba yan? Hindi pa namn halata"pag singit ko sa usapan nila
"Ah. Tu-2 m-months"utal niyang sabi.
"Kai? Eto din ang magiging isa sa dahilan kung bakit kailangang mapatay na natin si Evela, alam kong papatayin niya si Bernice pag nalaman niya to'. Kaizer magsimula na tayong magplano!"sabi ko namn na talagang nagpapanic na
"Lorraine. Di natin toh kaya kung tago lang gagawa ng paraan"ani Bernice
"Bernice you're pregnant that's why you don't need help us. Makakasama lang ito sa inyo ng baby mo"pangaral ko sa kaniya. Mukang nakumbinsi namn siya
"Paano namn natin magagawa to' Lorraine na tayong dalawa lang.??. Ah wait diba alam ni Fhaye kung nasan ang secret laboratory?"tanong sa akin ni Kaizer
"Ah Oo alam niya. Kung magpatulong kaya tayo sa kaniya? "Tanong ko namn
"Really? She know that place? But how.?!"naguguluhang tanong ni Bernice
"Ah may nagdala lang sa knya doon one time na nahuli siya ng isa sa mga grupo ng gang . And guess what,She use para itest kung ka match niya ang isa man lang sa parents ni Evela. At kung di ka maniniwala She already found na secret exit ng DU!"medyo kinilabutan ako sa sinabi ko dahil namangha pa rin ako kay Fhaye dahil sa katapangan niya at lakas ng loob
"O MY LORD!. Lorraine. Kaizer.. Listen we need to make a plan with her. We need her. Matutulungan niya tayo sa paglabas dito.!"paliwanag ni Bernice
"Sige kakausapin ko siya. Kaizer ikaw na bahala sa pag alam ng mga schedule ni Evela. Kailangan nating makasiguro na wala siya pag nagsagawa tayo ng plano!"sabi ko namn. Tumango lang siya pero walang reaksiyon
Kinahapunan. Umalis kami at nagtungo sa Demon's Office. Pito lang kaming mga rankers ang nandito dahil ang iba ay umattend sa mga class nila... Hanggang ngayon di ko pa rin nakikita si Fhaye,maging si sir Johan
"Ah. Kai. Bernice? I will find Fhaye muna. Maiwan ko muna kayo!"sabi ko kaya napatango na lang sila. Agad akong tumakbo palabas ng Demon's Office
Hindi ko alam kung saan ko hahanapin di Fhaye. Dumaan muna ako sa Teacher's Office para tignan kung saan naka assign si sir Johan ngayon. Agad ko namang nalaman kung nasaan siya kaya tumakbo ulit ako para pumunta sa room 125. Tanghaling tapat ngayon kaya sobrang init sa buong paligid. May iilang students lang ang makikita sa mga hallway dahil ang iba ay nasa mga kanikanilang klase pa
~Room 125~
Hindi namn ako nabigo dahil nakita ko kaagad si sir Johan na nagsusulat sa white board. Tahimik lang ang lahat. Binasag ko ang katahimikan nang bigla akong kumatok. Medyo kinabahan ako dahil ang weweird ng mga students ngayon na nakatingin sa akin. Agad namang naagaw ang atensiyon ni sitmr Johan at tumingin siya sa akin ng nangungwestiyon
"Ah. S-sir. M-may meeting d-daw p-po lahat ng proffesor and teachers ma-mamaya!"utal utal kong sabi dahil kinakabahan ako sa knila. Napakunot namn ang noo ni sir Johan habang hawak ang pentelpen niya.
"Ah L-Lorraine??. A-are you sure??!"utal din niyang sabi dahil talagang nagtataka siya sa ikinikilos ko ngayon.
Lumapit ako sa knya at hinila ang braso niya para makalabas kami sa room na iyon. Bakas sa mga studiyanteng nakatingin sa amin ang pagtataka. Ang iba namn ay nagbubulungan na sa ikinilos ko. Nang medyo umiingay na talaga,lumingon sa kanila si sir Johan. Ang lahat namn ay napatahimik at ibinalik nila ang tingin sa board. Alam nilang pwedeng manganib ang buhay nila pag di sila tumahimik. Ibinalik namn ni sir Johan sa akin ang tingin niya. Nasa hallway kami ngayon.
"Sir. Where's Fhaye??!"hinihingal kong sabi at medyo natataranta
Napayuko namn siya bago magsalita.
"Umalis na siya"maikli niyang tugon at wala ring reaksiyon
"Ha?"nagtataka kong tanong
"May iniwan siyang sulat sa akin pati na rin sayo!"sabi niya at may kinuhang papel sa bulsa niya sa tapat ng dibdib niya
Kinuha ko iyon. Gusto kong mag panic. Kumirot ang puso ko ng mabasa ang nasa bungad ng nakatuping papel.
Lorraine
Tuluyan ko nang binuksan ang papel at unti unting binasa
Lorraine,
Lorraine sana hindi pa ito ang huling pagkakataong makausap ko kayo. Umalis na ako sa dorm ni sir Johan para na rin sa kaligtasang hinihingi ng lahat. Lorraine salamat sa lahat ng gabay mo sa akin kung una pa lang. Hindi ko kayo makakalimutan. Hanggang sa muli,mahal kita kaibigan ko........
~Fhaye
Parang sasabog na ako sa mga oras na ito. Di ko namalayang may pumapatak na palang luha sa mata ko. Bakit pinapahirpan ako ng tadhana?. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingin ako kay sir Johan,bakit parang umiiyak siya?. Tama umiiyak na siya sa mga oras na to'
"Lorraine. I loved her!"nagulat ako sa sinabi niya...... natulala ako sa kawalan. Di ko inaasahang marinig mula kay sir Johan ang mga katagang iyon. Di ko nakilala si sir Johan ngayon dahil hindi namn siya ganyang klaseng tao. Ngayon lang siya nagkaganito. Bakit? Bakit?. Nahulog na nga siya kay Fhaye
Pagbalik ko sa Demon's Office si Kaizer na lang ang nandoon. Wala akong gana ngayon. Nakakapagtaka din ang sinabi ni Fhaye sa sulat. Hindi kaya......... siya ang isa sa mga formula??
Tumindig ang mga balahibo ko dahil sa naisip ko. Natulala ako sa kawalan
"L-Lorraine..?"narinig ko pang tinawag ako ni Kaizer pero di ko iyon pinansin. Sa halip ay iniisip ko kung nasaan ba si Fhaye at kung siya nga ba ang isa sa mga formula..........
................
#54 in Mystery/Thriller
(May,03,2018)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top