Chapter 30
Lorraine's POV,
Nandito ako sa dorm ni Kaizer,ayaw na niyang makipagtulungan kami kay sir Johan dahil lagi na lang daw ang Gusto nito ang nasusunod. By the way nandito din si Bernice, nakahiga siya sa couch habang pinupunasan siya ni Kaizer. Kanina pa ganyan ang eksena dito. Wala akong imik sa kanilang dalawa. Kasalukuyang nagbabawi si Bernice ng lakas dahil sa pagkabugbog niya. Nakatayo ako sa pintuan ng kwarto ni Kaizer at nakasandal ang ulo ko dito
"Ano nang plano Kaizer?!"walang gana kong sabi
"Kailangan muna nating na siguraduhing walang makakaalam sa plano natin!"sabi niya pero na kay Bernice ang atensiyon niya
"Paano si Bernice? "Tanong ko ulit
"Ako na ang bahala sa kaniya"sabi namn niya at pinunasan ulit ang noo ni Bernice
Nagpunta ako sa basement dito sa dorm niya at naupo sa isang sofa at binuksan ang office light na nasa isang maliit na book shelf sa tabi ng sofa. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng maramdaman kong may pumasok...... Si Kaizer
"Lorraine,iniisip ko din kung itutuloy pa ba natin ang plano nating pagpatay kay Evela Santina"walang reaksiyon niyang sabi
"Bakit namn? Nagdadalawang isip ka na ba? Kaizer this is the only way para makalabas tayo sa impyernong to', tapos ayaw mo pa? Okey I will suffer. Ako na lang ang haharap sa planong iyon!"sabi ko dito na medyo may kataasan na boses
"Lorraine. What are you sayin'?"aniya
"Kung ayaw mo namn ako na lang. Magsama na lang kayo ni Bernice"sabi ko kaya natauhan ako. Ano bang sinasabi ko na "Magsama na lang kayo ni Bernice"alam kong may ibang dating na kahulugan sa kniya 'yon
"L-Lorraine?!"Nagtataka niyang tanong. Parang may nag udyok sa akin na magalit ako sa knya. Di ko na napigilan ang sarili kong ilabas ang matinding selos na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang protective kay Bernice. Sa araw araw na magkasama kami lalo lang akong nahuhulog sa knya. Alam kong mali. Alam kong wala akong karapatan. Alam kong walang KAMI. Pero may nararamdaman ako at alam kong alam niya yon. Sana namn irespeto niya
"Kaizer? Lagi ka na lang patay malisya sa nararamdaman ko! Alam ko namn na alam mo na gusto kita. Pero ni minsan di mo iyon sinuklian man lang. Respeto namn Kai!!"sigaw ko sa kanya at ngayon nangigilid na ang mga luha ko. Parang sasabog na ang utak ko. Pinagpaoawisan din ako
Nang titigan ko siya sa mata,blangko lang siya. Wala siyang reaksiyon. Talaga bang wala siya pakialam sa akin. Puro na lang si Bernice iniisip niya. Oo alam kong mahal niya si Bernice pero sana namn kahit minsan respetuhin namn niya kung ano ang nararamdaman ko. Aalis na sana ako kaso bigla siyang napalapit sa akin.
"Lorraine. Minsan may mga bagay na kailangan mong iwasan para galangin ang nararamdaman ng ibang tao. Minsan ko na ring nasabi sayo na kailangan kita. Mahal kita pero hanggang kaibigan lang talaga! "Mahinahon niyang sabi sabay hawak sa dalawa kong kamay. Nanginginig na ako ngayon sa sobrang kaba. Malakas ang pintig ng puso ko.
Parang unti unti namng tinutusok ang puso ko dahil sa narinig kong mahak niya ako pero hanggang kaibigan lang. Bakit ganon. Gusto ko sumigaw
Kinabukasan,nagising na lang ako dito sa sofa sa may basement ni Kaizer. Unti unti namng nag sink in sa utak ko ang pangyayari kanina. Iniisip ko na sana panaginip na lang ang lahat.
Lumabas ako sa pintuan ng basement bumungad namn sa akin si Kaizer sa gilid ng pintuan. Nakasandal lang siya habang nakaupo. Hahakbang pa sana ako ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Napatalikod namn ako dun at napagtanto kong si Bernice yun
"Lorraine? Can we talk?"mahinahong sabi ni Bernice sa akin kaya nagulat ako. First time niya akong kausapin ng ganyan. Tumango na lang ako sa knya at naglakad papunta sa sofa na hinigan ko kanina
"Lorraine. I just wanted to you to know that I really really sorry to you,for all may sins that I do!"sabi niya habang nakayuko lang. Napabuntong hininga namn ako bago magsalita
"Bernice. I forgived you!"sabi ko at bahagyang ngumiti.
"Thank you"sabi niya lang at bigla siyang napayakap sa akin
"Alam mo ba nung time na nasaksak si Kaizer sa braso niya? Nung gabing iyon Ikaw parin ang iniisip niya. Gusto ka niyang balikan sa Demon's Jail para iligtas pero sobrang hinang hina pa siya kaya di na niya nagawa"sabi ko kaya bigla siyang napayuko..
"Bernice. Kung alam mo lang na mahal na mahal ka ni Kaizer. Ikaw lang lagi niyang hinahanap niya. Kaya sana magsimula kayong muli,handa akong magparaya kaya sana mahalin mo si Kaizer Nang totoo!"mahinahon kong sambit sa knya. Parang unti unti ng tumutulo ang luha niya.
"Lorraine. Iyan nga ang gusto kong sabihin sayo. Gusto ko ng ipaubaya sayo si Kaizer, narinig ko ang pag uusap niyo kagabi. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko and I'm so guilty sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Parang dinudurog din ang puso ko ng narinig ko ang sinabi mo. Lorraine sana mahalin mo pa si Kaizer,wag mo siyang isusuko. Ayokong mag mahal siya ulit ng tulad kong taksil!"sabi niya na umiiyak. Di namn ako makapagsalita dahil na rin sa gulat
"Pero kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Ayokong ako yung lumabas na hadlang sa pagmamahal niya sayo"sabi ko namn habang nakahawak sa kamay niyang nanginginig na.
"Lorraine??. I'm pregnant!!"sabi niya na sobrang nagpagulat sa akin. Lumaki tuloy ang mata ko sa sobrang gulat parang may bumagsak na mabigat sa dibdib ko nang marinig ko iyon
"Si R-Robert ba ang a-ama?!"utal utal kong tanong. Parang bumagal ang tibok ng puso ko sa mga oras na to'
Tumango siya habang iyak ng iyak. Naaawa tuloy ako sa kanya dahil buntis siya pero nakaranas siya ng pambubugbog. Halatang nagababawi pa ng lakas si Bernice ngayon dahil sa mga pasa niya na di pa naalis.
"Anong plano mo?"naguguluhan kong tanong sa kaniya
"Gusto kong ipalaglag ang bat------!"di niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang naagaw ang atensiyon namin dahil nasa pintuan na iyin ng basement at unti unting naglalakad papunta sa amin
"Wag. Wag mong ipalaglag ang bata. Bernice walang kasalanan ang babyng nasa tiyan mo sa pagtataksil niyo ni Robert!"mahinahong sabi ni Kaizer habang naka crossed arms.
Nagulat ako dahil bigla siyang dumating. Maging si Bernice ay halatang gulat na gulat dahil nanlaki ang mga mata niya
Itutuloy.............
#46 in Mystery/Thriller
(May,02,2018)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top