Chapter 2
Fhaye's Pov
Nang makarating kami sa dorm niya napansin kong may kalakihan ito at napansin ko ding malinis sa bahay itong babaeng toh!
"Maligo ka muna at may damit akong kasya sayo!" Sabi niya kaya di na ko nag alinlangan pa
Pumunta ako sa banyo at naligo na nga! Diko tlga hahayaang Mamatay ang babaeng nadaplisan ko diko alm pero ang lakas ng loob ko.. Para bang wala akong pake kahit ba ikapahamak ko pa! Tuloy tuloy lng ang pagbuhos ko ng tubig sa aking katawan hanggang sa matapos na kong maligo
Nag balot nako ng twalya sa aking katawan at nagpunta na sa closet ... Teka diko pa naitatanong kung ano ang pangalan niya.. Ayy Lorraine Padua nga pala! Nakalimutan ko
Nagbihis na ko ng damit niya! Medyo nahihiya din ako sa knya.. Ang bait bait niya kasi
"Tapos kana pala! Tara na dito at kumain na tayo!" Aya niya sakin at tuluyan na kong umupo sa upuan at kumain na
"Tnx! Amm ano nga palang pangalan mo?"tanong ko sa knya
"Amm! Lorraine Padua nga diba!" Naiilang niyang sagot
"Ayy! Oo nga pala! Pwede mo bang sabihin kung bakit ka napunta dito?" Tanong ko namn habang kumukuha ng kanin
"Mahabang storya ee!" Sagot namn niya
"Ahh! Ganun ba? Saan nga pala dinala yung mga hindi nakapasa kanina?" Pag iba ko ng usapan
"Sa liblib na lugar sa paaralang ito!" Sabi nmn niya
Maraming katanungan ang pumasok sa isipan ko! Paaralan pala ito? Eeh bakit kailangang pumatay pa? At bakit nasa gubat?.. Marami tlga naguguluhan ako
"Basta maaari mo ba kong samahan Lorraine?!" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya
"Nababaliw kana ba? Hindi pwede!" Sigaw niya sa akin
"Basta 10:45 na! Kailangan kong iligtas siya!" Sabi ko na walang halong kaba
Diko rin alm sa sarili ko kung bkit gusto kong iligtas ang babaeng dapat papatay sa akin.. Masyadong kompikado pero wala na talaga akong choice kung hindi ang gawin kung anong gusto ko
"Sige! Sasamahan kita!" Sabi ni Lorraine habang lumalabas siya sa kwarto niya na naka suot ng jelly pants na kulay black Jelly shirt na color black heels na color black at may takip ang muka niya
"Eto suotin mo!" Sabi niya sabay abot ng susuotin ko
Pagkatapos kong isuot lahat yun lumabas ako sa cr.. Ganun din ang suot ko katulad sa knya
"Kailangan nating iwasan ang ilaw na imiikot sa buong paligid kapag na ilawan tayo niyan! Diretso patay tayo! Mahirap tong pinasok natin!" Sabi niya sakin habang inaayos ang nasa ulo niya
"Sige! Kaya natin yan Lorraine!" Sabi ko pa
Lumabas kami ng dorm niya ng walang kaingay-ingay.. Dahil sa 3rd floor ang dorm na pinanggalingan namin may nakikita kaming mga grupo ng lalaki at babae na nagpapatayan kaya nagulat talaga ako
"Bakit nagpapatayan sila?" Sabi ko namn kay Lorraine
"Wag mo silang pansinin! Ganto ang gagawin natin sasama tayo sa 'BlackPinkGangs' grupo ng mga kababaihang pumapatay ng mga baguhang di nakapasa! Sasama tayo sa kanila para maitakas natin si Kyla dun! Ang babaeng nadaplisan mo!" Paliwanag niya sa akin kaya lalo akong naguluhan
Bakit kilala niya ang babaeng iyon? Diko maipaliwanag ang emosyon ko! Sumunod na lng ako sa mga sinasabi niya.. Di muna ako nagtatatanong sa knya
Dumikit kami sa mga pader na nadadaanan namin... Nang malagpasan namin ang ilaw napansin kong liblib natoh masyado kaya mukang ito na nga ang sinasabi ni Lorraine! Napansin ko din na meron ngang mga babaeng grupo na papunta sa isang pintuan!
"Sumunod tayo sa kanila!" Sabi ni Lorraine kaya hindi na ako nag alinlangan pang sundan ang diretsong pila nila
Nang makasunod kami nakapasok na kami sa pintuan ng punong puno ng dugo... At tiningnan ko ang pamilyar na muka sa akin! namukaan ko ang babaeng iyon
"PSTHTPTT!" isang malakas na pito ang narinig namin
"Itakas mona siya! Mag ingat kayo sa ilaw! Kaya ko na toh! Dali na.. Itakas mo si Krystal! Mamaya na lng tayo magkita ah! Dali!" Sabi sa akin ni Lorraine! Pinuntahan ko yung babaeng nadaplisan ko pero merong babaeng sasaksak sa knya pero bigla kong hinawakan ang braso nito
"Ako na bahala diyan!" Sabi ko kaya tinanguan niya lng ako
Hinawakan ko ang latang latang babaeng Itoh..Nilabas ko siya habang pinapatay ng iba ang baguhang di nakapasa kanina
Akay akay ko parin siya kinakabahan ako baka may makakita sa amin!.. Di ako nagkamali sa bawat lakad ko buti nalagpasan ko ang ilaw.. Hingal ako na nakapunta sa dorm
Puro pasa at sugat ang babaeng itoh! Napansin ko din yung hiwa niya sa braso niya na ako ang may gawa .. Inihiga ko siya sa couch .. Kumuha din ako ng panyo at maligamgam na tubig.. Pinunasan ko ang katawan niyang puro sugat at pasa.. Nang bigla siyang nagising at hinawakan ang braso kong nasa noo niya
"Bkit moko niligtas?" Diretso niyang tanong
"Naawa lang talaga ako sayo kanina!" Sabi ko nmn
"Salamat.. Niligtas mo ang demonyong tulad ko.. Oo demonyo ako!" Sabi niya
Ano bang sinasabi niya!.. Wala akong maisagot sa mga sinabi niya
"Bakit mo namn nasabing demonyo ka?" Naaalangan kong tanong
"Tsk.. Nakapatay nako ng 12 tao! At Demon's University toh lahat tayo dito demonyo!" Sabi namn niya nagulat lang ako sa sinabi niyang lahat raw kami dito ay demonyo!
"Ha?" Diko maipaliwanag kung ano ang emosyon ko
"Even you!" Sabi niya na nagpakunot sa noo ko
"Ha? Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan kong Tanong
"Hindi ako baguhan dito! May nag utos lang na ilaban ako sa mga baguhan pang 25 ka sa nakalaban ko kanina kaya sobrang pagod ako!" Pagpapaliwanag niya
"Kaya namn pala ang Daming mong alam!"sabi ko
"Ikaw lalabas din ang totoo mong kulay Pag matagal kana dito!" Sabi pa niya
"Hindi kita maintindihan!" Sabi ko namn
"Hayaan mo balang araw mo maintindihan yun! Pag nakapatay kana!" Sabi niya at ngumisi bago tumalikod sa akin
"Matulog ka na lng!" Pag iba ko ng usapan pero nasa isip ko parin lahat ng mga sinabi niya..
Medyo nagaalala narin ako kay Lorraine ah! Pero mukang kaya naman niya ang sarili niya
...........................
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top