Chapter 7
Fhaye's POV,
Kausap ko pa rin siya hanggang ngayon,bakit di namin namalayan na buhay pa siya? Paanong nakalabas siya noon sa DU nang hindi namin nalalaman. Ano ba talaga ang gusto niya?
"Fhaye choose,sasama ka sa akin o papatayin ko sila?!"Sabi ni Ken habang nakatingin pa rin sa akin ng diretso
"Bakit mo 'to ginagawa Ken?!"sarcastic way na pagtanong ang sinabi ko sa kanya.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?!"cold way niyang sabi
"K-Ken. A-ano bang sinasabi mo? Maayos na ang lahat diba?!"ani ko
"Fhaye. Hindi ko alam kung bakit ka naging ganyan. Hindi ka si Ken. Si Ken kasi ay hindi walang hiya!!"sigaw ko sa kanya at dinuroduro ko pa siya
"Diba patay na yung Ken na nakilala niyo?. I'm dead Fhaye!!"sigaw pa niya.
Yes buhay siya,but he didn't tell me how. Nag iba na siya at hindi na siya yung Ken na nakilala ko. Naging masama na siya after all this thing.
"KEN! NABABALIW KA NA!"sigaw ko sa kanya at halos napapikit siya sa sobrang lakas ng pagsigaw ko.
Nasa madilim kaming lugar at di ko na alam kung saan niya ako dinala
Sinakal niya ako at halos maiangat na niya ako. Hinahabol ko na ang paghinga ko at ramdam ko ding kapag hindi pa niya ako binitawan ay pwede ko nang ikamatay.
"K-Ken?!"tuluyan na niyang time binitawan ang aking leeg at sobrang hinahabol ko na ang paghinga ko, sobra din akong ninerbyos at halos pawis na pawis na ako.
"Ano?!"bulyaw niya sa akin.
"Fhaye. I give you 2 months to decide,hindi ko kayo guguluhin pero pag hindi ka pumayag sa usapan natin. I will kill them. Think wisely Fhaye!!!"may pagkadiin niyang sabi na halos magpataas sa balahibo ko dahil nilamon ako ng buong kaba't takot. Napapikit na lang ako sa sobrang inis at sa hindi maipaliwanag na damdamin.
Tinalukbong na niya sa ulo niyang yung parang cap ng jacket niya at inayos maigi ang mask bago umalis. Umalis siya na parang walang nangyari
Naka off yung phone ko kaya wala akong balita kila Lorraine..
Umalis na ako sa madilim na lugar na iyon at nagpunta sa waiting shed para mag abang sana ng taxi pero umagaw sa atensiyon ko ang isang lalaking naglalakad sa tapat ko. Tinitigan ko siya at napagtanto kong si Kaizer yun.
Bakit hindi niya kasama si Johan at Robert?
"KAIZER?!"tawag ko sa kanya at agad namang napukaw ang atensiyon niya.
Naka kunot ang noo niya at parang galit na tumingin sa akin....
"What the hell Fhaye!"sigaw niya na halos mapapadyak pa.
"Saan ka nagpupupunta ha? Kanina ka pa namin hinahanap at sobrang ngaalala na sila Lorraine sayo! And guess what,nag away kami dahil missing ka nga!"bulyaw pa niya sa akin.
Wala akong naisagot dahil inaasahan ko na ngang magaalala sila sa akin,hindi ko naman nakalimutan ang bilin ni Lorraine na magpaload kaagad ako at tumawag sa kanya pag nakauwi na ako. Hindi namn kasi ako makahanap ng tyempo para ma-on ang phone ko kanina dahil baka akalain ni Ken magtatawag pa ako ng back up. Pero pilit ko pa rin pinapaabsorb sa utak ko na buhay nga siya. Argh! Damn it.
"S-sorry!"yun lang ang lumabas sa bibig ko habang nakayuko.
"After all this damn things,you just say sorry?!!" Sigaw pa niya na lalong nagpataranta sa akin.
"Saan ka ba talaga pumunta ha?!"sarcastic way na sigaw niya.
"Ah. Eh---. D-diyan lang!"utal kong sabi dahil kinakabahan ako. At saka di ko rin alam kung sasabihin ko ba sa kanila na buhay pa nga si Ken at may banta pa ito sa akin. Arrrgh!.
"Tsk,Fhaye di mo pa rin ba naiintindihan na big deal 'yang ginawa mo?!"Ani niya.
Wala na akong balak pa makipagsagutan sa kaniya kaya nang biglang dumaang taxi agad akong pumara at huminto rin naman kaagad ang taxi sa waiting shed na kung nasaan ako.
Nilingon ko muna si Kaizer at halatang naiilbyerna pa rin siya sa akin...
"Haaays! Sama ko!"padabog niyang sabi kaya pumasok na ako sa taxi sa passenger seat actually,nasa left side ako dahil ako ang unang pumasok at sa right side naman siya.
Di ko pala namalayan na basang basa na ako dahil kanina lang ay umulan at di ko rin nadama yun dahil nga mas focus ako sa usapan namin ni Ken kanina.
"Saan po tayo?!"Tanong nung driver at napatingin ako sa salamin na nasa harapan nakatingin yung driver sa akin habang nakangisi kaya napalunok ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit ako kinabahan ng husto.
"Sa Emmanuela Village!"sabi ni Kaizer na wala man lang galang dahil sa tono niya. Nilingon ako muli ng driver sa salamin at nakatitig siya sa akin ng kakaibang tingin. Lalo akong siniklaban ng takot kaya nag iwas ako ng tingin sa kaniya.
Bakit ba ang weird ng driver na 'to?
"Tinext ko na si Lorraine!"sa wakas ay naging normal na ang boses niya.
"S-salamat!"sabi ko na lang.
"Sabi niya nakauwi na daw sila. Tinawagan daw niya si Jason para daw magdrive ng car ni Johan!"Sabi pa niya.
"Shit!"nagulat ako dahil napamura siya habang nakatingin sa phone niya
"Bakit?!"taka kong tanong
"Nag text sa akin ang BlueTV na may interview na naman tayo bukas!"Sabi pa niya.
Hanggang ngayon ay di pa din nila kami tinatantanan sa pagrerequest ng interview sa iba't ibang channel
Di na lang ako nagsalita dahil hindi naman ako masyadong interesado.
"Dito na lang sa may kanto!" Walang reaksiyong sabi ni Kaizer at dali daling inabot sa driver ang bayad. Wow may pamasahe treat ang lolo niyo. Joke!
Bumaba na kami sa taxi pero bago pa man kami tuluyang makababa ay tinignan na naman ako ng weird look ni Manong driver... He's like an extra ordinary weird. Hindi ko na lng iyon pinansin at nakababa na nga kami ni Kaizer sa taxi.
"Di naman dapat kita ihahatid kung hindi nagpumilit sa akin si Lorraine!"Sabi niya habang naglalakad na kami papasok sa subdivision
"Salamat nga pala!"as usual ko na lang. Nahihilo ako at ang bigat ng ulo ko. Ramdam ko din ang init sa loob ng katawan ko. Mukang lalagnatin ako.
"Todo kasi ang pag inom ng boyfriend mo eh kaya sobrang nalasing tsk!"ngisi niyang sabi at napailing na lang ako dahil sabi niya boyfriend ko Johan
Paste 4 lang naman kami kaya medyo malapit lapit na kami. Di Ko talaga inaasahan ang araw na 'to.
Pagod din ako kaya sana di na ako pagalitan nila mama. Kinakabahan tuloy ako dahil nga di ko na rin namalayan kung anong oras na. 12:43 AM na.
Hindi ko na talaga alam ang idadahilan ko. Lalo na si mama na sobrang bungangera.
"Sige Kai salamat,dito na lang ako!"sabi ko sa kaniya na tinanguan lang niya.
Pagdungaw ko pa lang sa gate,
"Saan ka nag punta Fhaye?!"
"Nag aalala na kami ng mama mo sayo!"
"Bakit basang basa ka?!"
"Fhaye naman hindi ka na ba nadala sa nangyari sayo?!"
"Huli na ito Ayeng!"
"Pumasok ka na sa loob baka magkasakit ka pa!"
Kinabahan ako sa salubong ni mama at papa sa akin. Akala ko ay papalayasin na nila ako. But thanks to God kasi hindi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Hey guys sorry late update na namn ako. Basta medyo busy eh. Sana magustuhan niyo ito.
BlueTV- fictional channel.
Emmanuela Village -fictional subdivision
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top