Chapter 4
Fhaye's POV,
Ngayon namin balak mag enroll para ituloy ang naudlot naming pag aaral nun. At sa pasukan second year teacher collage student pa rin ako samantalang si Johan ay 3rd year nursing student.
Nandito kami nila Lorraine sa isang University para sagutan ang mga pinapafill upan sa amin para makapag enroll request kami sa University na to. Marami rin sa aming mga nagtatanong pa rin about sa DU yung iba naman nagkukumento pa ng hindi mgaganda about sa amin
By the way nandito kami sa building ng teacher dahil ito ang kursong nais naming marating. Ilang saglit pa natapos na namin ni Lorraine ang pinapafill-upan sa amin. Si Bernice day ay kasalukuyang mag istop muna daw sa pag aaral ng one year dahil nga she's pregnant. Si Robert ay engineering course ang kinukuha. Si Kaizer ay business man,at ang baklang si Nathan ay gumaya din kay Kaizer kaya kanina ay iritang irita ito sa kanya.
Si Eunice at Jason ay nasa grade 12 senior high pa lang kaya hindi namin sila kasama ngayon. At ano nga bang meron sa kanilang dalawa? Tss.
"Punta muna kaya tayo sa cafeteria dito?!"Sabi ni Lorraine kaya tumango na lang ako dahil nagugutom na rin naman ako.
"Ah Lorraine kayo na ba ni Kaizer?!"Tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin sa akin
"Anong meron sa inyo?!"Pag usisa Ko pa.
"Di ko din alam eh!"walang reaksiyon niyang sabi pero di nakatingin sa akin
"Hmm. OK sige!"Sabi ko na lang dahil mukang wala rin namang patutunguhan ang usapan namin.
"Ouch!"nagulat ako dahil may biglang pumalo ng kung ano sa likod ko. Napalingon kami ni Lorraine kung saang direksiyon iyon nanggaling
May nakita kaming lalaki sa isang building na biglaan ding umalis ng mapaligon kami sa direksiyon niya. Napakunot noo na lang ako
"Are you fine?!"nagaalalang tanong ni Lorraine kaya nawala na ang kunot sa noo ko
"Ah y-yes!"sabi ko na lang at sa huling pagkakataon lumingon pa ako sa building na yun bago pa kami tuluyang umalis sa lugar na yun. Di ko maintindihan sa sarili Ko kung bakit may kakaibang kaba akong naramdaman after that scene
"Hey ma'am here's your order po. Enjoy!"Sabi nung babae sa counter at inabot na sa amin ang order naming spaghetti at one piece chicken with drinks na rin.
Grabe may ganun pa lang klaseng cafeteria. Sa DU lang kasi ako nakakita ng ganong klaseng cafeteria
"Hey girls. Excuse me, are you Lorraine and Fhaye diba?!"pang iistorbo pa ng isang babaeng kikay sa amin.
"Yes kami nga!"walang reaksiyong sabi ni Lorraine sa babae
"Pwede ba akong maki share ng table sa inyo?!"tanong niya as usual nga na may dala siyang pagkain.
Mga collage nga naman kahit summer may pasok.
Nakita kong balak ng dalin ni Lorraine yung pagkain niya at balak na ring umalis pero pinigilan ko siya. Nakalimutan niya atang wala na kami sa DU.
"Ah sige may you sit!"Sabi Ko kaya napangiti siya ng todo bago umupo. Hindi ako komportableng may ibang kasama. Im not feeling well
Buti na lang natapos na kami ni Lorraine kumain at halos mabulunan siya dahil punong puno pa rin ng pagkain ang bibig niya dahil sa pagmamadali.
Agad na kaming umalis dun without permission sa babaeng nakasama namin kumain. Alam naming it's rude but we don't care.
Nagtext si Johan sa akin.
"Di muna namin kayo masusundo may gimik lang kami nila Kai"-Johan
Aba't may pagimik gimik pa silang nalalaman ah. Pinabasa ko din kay Lorraine yun at may text din pala sa kanya ang jowa niyang si Kaizer.
Nauna nang umuwi sa akin si Lorraine dahil nagpapasama daw si Eunice sa kanya at ako ay naglibot libot na lang muna sa University at wala rin naman na akong gagawin sa amin.
Madilim na rin ang paligid ngayon dahil 6:00 pm na kaya wala ng makikitang taong naglalakad pa sa University. Naisipan ko ng umuwi at Baka hinihintay na ako nila mama.
Naalarma ako ng biglang may humawak sa braso ko at tinakpan niya ang bibig ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero mas malakas siya kaya di Ko magawang kumalas sa kanya
Di Ko makita ang mula niya dahil nakatalikod ako. Sumisigaw ako pero walang nakakarinig sa akin
"I will return you to Demon's University!"naramdaman Ko ang mainit niyang paghinga niya mula sa leeg Ko. Nakatakip pa rin ng panyo ang bibig ko.
Sinipa Ko siya at patalikod dahilan para makawala ako sa pagkakahawak niya. Isang lalaking naka jacket na kulay blue at naka mask. Bumilis ang tibok ng puso ko senyales na kinakabahan na ako. At nangangatog na ang mga tuhod ko ngayon at pawis na pawis na rin ako.
Di kaya siya yung lalaking nakita ko ng ilang beses last time?. Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kaniya. Di naman siya kumikilos at nakatingin lang din sa akin. Kinilabutan ako at sobrang kinakabahan.............
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top