Chapter 13
A/N: ang sipag kong mag update, malapit na kasi maging exciting yung story
Chapter 13
HALOS DINILIM na kami sa aming paglalakbay, kaya naman napag pasyahan ng lahat na dito muna mag palipas ng gabi at mag hanap ng aming makakain. Si Locki at Dim ang naatasang mag hanap ng aming makakain, si Hara naman ang nag hahanda ng aming tutulugan sa pag gamit ng kanyang kakayahan gamit ang mga puno at kahoy. Si Mowi at ako naman ang namahala sa pagluluto ng pagkain nang maka rating si Dim at Locki, samantalang si Pierre naman ang nag ikot sa buong paligid upang siguraduhing ligtas kami ngayon dadaang gabi.
Nang maayos na ang lahat at kompleto narin kami tsaka kami kumain ng naka palibot sa bon fire na gawa ni Hara. Abala ang lahat sa pagkain, at minsa'y nilalait ni Dim si Mowi kesyo hindi raw masarap anag luto nito, ngunit kaagad namang sinasabi ni Mowi na niluto ko rin iyon kaya sinasabi niyang biro lamang iyon. Dim and Mowi always have their ways to lighten up the mood kahit na anong mangyari.
We already done eating and fixing everything but we can't still sleep.
"How about my parents? Are they safe? I don't have my phone in me kaya hindi ko sila ma-contact kung ligtas sila." Hindi ko talaga maiwasang mag-alala sakanila, dahil alam kong madadamay at madadamay sila sa mga nangyayari.
"Don't worry Vi, Goddess Nania already handled things about them. Yes, she's not here but she knew everything about what's happening. Hindi lang niya maaaring iwan ang kaharian ng Keres kasi nasa panganib na ito." Mowi said. Ngayon sa sainabi niya ay napalagay na ang loob ko.
"You don't have to worry Via, madaming tao ang pumoprotekta sayo kahit na hindi mo alam." Pag sang ayon ni Locki na abala sa paglalagay ng kahoy na pang gatong sa apoy na nasa aming gitna.
Muling natahimik ang kapaligiran nang muli itong basagin ni Mowi.
"Alam niyo, halos mag iisang buwan na tayong magkakakilala pero hindi pa natin lubos na kilala ang isa't isa. We should be knowing each other because we're team of Vi," she looked at me like asking for me to agree.
"Mowi's right, from this day forward we will be on each other's side so we should know each other more." Tinignan ko silang lahat pati narin si Pierre na naka upo sa sanga ng puno.
"Ako na mauuna," pag piprisinta ni Mowi. "I assumed that all of you already knew that I'm the grandchildren of Medusa, and I am from the Kingdom of Unordinaries which is the place were accused to be the evil are living. The story of Medusa is really really bad, kinatakutan siya ng lahat nuong nabubuhay pa siya, but then everything has a reason. Lahat ng masasamang tao may dahilan kung bakit sila nagiging masama, they are betrayed, accused and love too much which caused them to be blind. After what happened to the separation of kingdoms, hindi na naging maganda ang pakikitungo saamin ng ibang kaharian kas inga masasama ang turing nila saamin. But we always just let it past kasi wala silang alam, as long as hindi nila sinasaktan ang isa saamin, hindi kami lalaban." Bumaling ang nakangiting si Mowi saakin.
"I am trained to be your protector since I was a kid, my mother told me that it's a big responsibility that has been gaved to me, sa apo ng pinaka masamang nilalang. Isa sa dahilan kung bakit ko iyon tinanggap ay dahil gusto kong mapatunayan sa lahat na hindi masama ang kaharian namin, na ako ang isa sa magiging dahilan para sa kaligtasan mo. I actually envy you, because all of them are talking about how great your family are, and how fantastic you are. Kaya lahat ng ensayo ko ay isinapuso kong lahat, and I'm very excited to met you. and finally, that day came! Bigwig did visit me on my dream to give the news that you'll be needing me. Hindi ako nag dalawang isip at kaagad kitang hinanap." She reaches for my hand and hold it tight. "But when I met you, I realized that you're too fragile to be in this situation, to be given a big responsibility. But then i saw you fight with fear with the people who wants to hurt and get you, kahit wala kang alam sa mga nangyayari lumaban ka kahit may takot sa iyong loob. You're just to fantastic, and I'm really looking forward of how you can be more when you already know everything."
Hindi ko mapigilang mangilid ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya, ramadam ko ang sinseridad sa bawat salitang minutawi nya. Hindi ko alam na ganuon pala ang tingin niya saakin, na naging malaki ang epekto ko sa buhay niya. And even before they knew me.
"Thank you so much Mowi. I'm a little bit disappointed in all of you, kasi alam niyo ang lahat ng tungkol saakin samantalang ako ay hindi. But I choose to understand, you're just following rules and orders." Dahil sa sinabi ko ay lahat sila napatingin sa dereksyon kung nasaan si Pierre. May ibig sabihin sa kanilang mga tingin but I choose not to ask.
Sumunod na nag salita si Dim na panay ang kamot sa batok na tila'y nahihiyang magsalita.
"I'm not supposed to be your protector from the Kingdom of Keres, it should be Goddess Nania. But after what happened in Keres, she chose the responsibility to handle the Kingdom with God Nixen. Umakyat siya sa itaas upang makiusap na kung maaari ay ibigay niya ang responsibilidad niya bilang protector mo sa iba, hindi naging madali ang pagpapasiya ng nasa itaas dahil matagal nang napag pasyahan na sakanya ibibigay ang responsibilidad. But then the big responsibility was already given to me, pinuno ako ng kawal sa Kaharian ng Keres, kaya akong makipag laban pero yung kakayahan ko ay hindi ganuon kalakas katulad ng Kay Goddess Nania, kaya ko lang mag laho at ganun rin ang iba." Huminga ng malalim si Dim at naging seryoso ang boses nito. "I am not supposed to be here now. Sa katotohanan niyan, nakakahiya sainyong lahat kasi ang useful ng mga kakayahan niyo—"
Natigil ito sa pasasalita nang batukan ito ni Locki na katabi nito. "Don't say that, heaven blessed us with this power because we can do more and we are worth it. Walang malakas at mahinang kapangyarihan, naka depende 'yan sayo kung paano mo papahalagahan at gagamitin." I was about to say that, but Locki is right.
Nakakatuwa ang mokong na ito, may sense rin pala ang mga sinasabi niya. Unless nuong nag papanggap pa siyang ibang tao.
"Sa pagkakaalam ko, may kakayahan tayong palawakin ang ating kakayahan. Kailangan mo lamang na alamin ang sikreto ng sarili mong kapangyarihan." Saad ni Hara habang naka tingin sa kalangitan, kapag kuwan ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay kasabay ng paglibot rito ng mga dahon. "Bawat kapangyarihan may sikretong nakatago, bawat kakayahan ay may kakaibang lakas, kailangan mo lamang alamin at unawain ito."
Lahat sila ay sumang ayon kay Hara, maliban kay Pierre na tahimik lamang na nakikinig sa usapan namin mula sa itaas.
"Malay mo mas malakas pa pala saakin ang kaya mong gawin Dim." Pag papagaan ko sa kalooban ni Dim at pagpapataas ko ng kumpiyansa niya sakanyang sarili, pero imbis na matuwa sila saaking sinabi ay;
"You have no idea how powerful you are." Halos sabay sabay nilang saad pati narin si Pierre na ngayon ay masamang naka tingin saakin.
"So ano yon? Kaya kong gawin lahat? Imposoble naman ata yon." I just can't accept that thing.
"Hindi mo malalaman hangga't hindi mo pa nararanasan." It's just a whisper from Pierre but I ca here him. "Matulog na kayo, pag gising natin bukas nasa siyudad na tayo ng Sarswela."
***
TAMA nga si Pierre sa sinabi niya kagabi nag pag gising namin ay nasa siyudad na kami ng Sarswela, ang lugar kung saan ako lumaki. Hindi ganuon karami ang ala-ala ko sa lugar na ito dahil halos sa apat na sulok ng bahay lang namin ang mga ala-ala ko. Lumalabas lamang kami ng bahay kapag pupunta kami sa simbahan tuwing linggo ng umaga, at pupunta sa plaza ng hapon para mag libot ng kaunti.
Hindi ko naranasan ang mga bagay na dapat maranasan ng isang bata, but my parents gave me all the love they can give, iyon ang bagay na pinag papasalamat ko. Na kahit sobra nila akong prinoprotektahan nuon ay hindi nila hnayaang hindi ako makaramdamn ng pag mamahal mula sakanila. I am so loved by them.
Naramdaman ko ang pag akbay saakin ni Mowi at Dim dahilan para bumalik ako sa kasalukuyan.
"Are you ready Vi? After this, everything will be going to be change in your life,"
"At sa pagbabagong iyon, kasama mo kami." Pag papatuloy ni Dim sa sinabi ni Mowi.
Napabuga ako ng malalim na hininga. "Masyado niyo namang pinapalakas ang loob ko." Nakakatuwa kasi takot ako nuong makihalubilo sa iba pero ngayon ang dami na nila sa buay ko kahit hindi ko naman hiniling.
Nangunguna saaming mag lakad ni Locki na pinag mamasdan ang mga taong nakaka salubong namin, sa tingin ko'y may nararamdaman silang kakaiba ganun na rin si Pierre na pinag mamadali kami sa pag lalakad. Malapit na kaming makapasok saaming property nang bigla nalamang akong napahawak sa braso nina Dim at Mowi nang sumigid ang napaka tinding sakit sa ulo ko at unti unting bumabalot ang maitim na paligid sa aking paningin.
Naririnig ko ang mga boses nila na tinatanong kung anong nararamdaman ko, naramdaman ko ang binuhat ako ni Locki at nagmamadaling tumakbo ang lahat, pero hindi ko magawang mag salita naka hawak lamang ako sa aking ulo sa sobra ng pag sigid ng sakit. Parang mabibiyak at mas lalong nakakatakot kapag pumipikit ako, nakaka takot ang dilim at para bang unti unti ako nitong hinihila.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko ang isang malakas na sigaw ni Locki. "Fuck it Pierre! Just block him! Via is already giving in!"
May nakita akong isang matinding liwanag at may boses rin akong naririnig na hindi malinaw saakin bago ako tuluyang nawalan ng malay.
***
NAPABANGON akong bigla at sinapo ang aking ulo ng magkaroon ako ng malay. Humahangos ang aking pag hinga at pinag papawisan ang aking buong katawan, para bang tumakbo ako ng napaka tagal at ngayon ay pagod na pagod ako.
Naramdaman ko ang pamilyar na mga bisig na naka akap saakin at unti-unting kumalma ang sarili ko. Nag angat ako ng tingin at hindi ko nanapigilan ang mga luha ko sa pag patak.
"D-Dad..." I hugged him so tight that I don't want to be away with him anymore. I miss Dad so much. Naramdaman ko ang isa pang mga bisig at pamilya na amoy ang umakap rin saakin, I know it's Mom. I hugged them both so much, it's been a while since I saw and hug them like this.
Pinakawalan nila ako sakanilang pagkakayakap at pinunasan ni Dad ang mga luha ko.
"We missed you so much baby." Puno ng pagmamahal na sabi ni Dad, tumango ako at sinabing sobrang na miss ko rin sila, ganun rin si Mom na walang tigil sa pag halik sa mga kamay ko.
Hindi muna nag usisa sina Mom at Dad kung sino ang mga kasama ko, hinayaan muna nila kaming kumain ng pananghalian. Pinag masdan ko ang mga kasama ko na nag dadalawang isip kung papaya ba sila sa alok ng mga magulang ko. Nag tungo si Mommy sa kusina upang tulugan ang mga kasambahay namin na mag handa ng panghalian, samantalang si Daddy ay may kausap sa telepono na sa tingin ko ay tungkol sa opisina niya.
"Thank you, guys." I mumbled. I'm looking at them who's sitting on the couch.
"Grabe talaga umeksena ang mga iyon," iritang saad ni Mowi sabay sapo sakanyang tiyan. "I'm so famished!"
"Kumakalam narin ang sikmura ko, hindi ba naman tayo nag agahan." Pag sang ayon ni Hara, ngayon ko lang rin naalala na hind inga pala kami kumain.
Naramdaman ko ang tension sa pagitan ni Locki at Pierre na parehong masama ang ekspresyon ng mukha at sa tuwing nag tatama ng tingin ay para bang bigla nalamang mag sasalpukan.
Balak ko sana silang tanungin kung anong nangyari nang tawagin na kami ni Mom mula sa kusina na handa na raw ang hapag kainan, kaagad ring tinapos ni Dad ang pakikipag usap sa phone niya at kaagad akong pinag hila ng upuan.
"Thanks Dad" my father just messes my hair bago siya nag tungo sa kabisera ng upuan.
Panay ang puri ng mga kasama ko sa sarap ng luto ni Mom na lubos naman nitong pinag pasalamat, samantalang si Mom at Dad ay panay ang tanong sa mga pangalan ng mga ito.
"May boyfriend ba sainyo ang anak ko?" nagulat ako sa naging tanong ni Dad dahilan para masamid ako, kaagad akong nag abot ng tubig at uminom bago sinaway si Dad. "What? I'm just asking, kegagandang lalaki ng mga kasama mo." natawa ang mga kababaihan sa hapag maliban saakin, ang mga lalaki naman ay kanya kanyang kamot sa batok na tila nahihiya at panay ang pag sabing hindi naman daw gaano.
"Dad, stop it." Muli kong pag suway kay Dad dahil mukhang hindi na nagiging kumportable ang mga lalaki dahil sa sinabi ni Dad.
"As far as I can remember anak, sa edad mong iyan ako niligawan ng mommy mo." matatawa tawang pagkekwento ni Dad samantalang naka tikim naman siya ng batok kay Mommy.
"At ako pa talaga ang nanligaw?! Ikaw nga itong unang nag nakaw ng halik sa akin sa library tapos sabi mo joke lang." sinamaan naman nito ng tingin si Dad at piningot sa tenga, "May joke bang nanghahalik? Ang panget mo pa nga dati." Umirap si Mom samantalang si Dad ay tawang tawa na.
Napuno ng tawanan ang hapag dahil sa pag babangayan ng mga magulang ko sakanilang nakaraan. Pinag mamasdan ko kung gaano kasaya ang lahat, at napaka sayang pag masdan ang kanilang tawakan ang mga ngiti sakanilang mga labi.
Nang matapos makapananghalian ay bumalik kami sa salas at ako na ang nag bukas ng pakay ko kung bakit kami naparito. I know my parents already knew the reason why we're here, pinagaan lamang muna nila ang sitwasyon bago kami mag tungo sa mabigat na parte ng araw na ito.
"Mom, Dad. I want to know the truth, all of it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top